Thank You
R.J., Roan, and Robert Mendoza
at sa lahat ng aking mambabasa ♥ Ty
"Bakit ngayon ka lang?"
Namilog ang mga mata ni Jesse nang mapatingin sa mukha ng nagsalita. "S-sir James?"
"Oo. Bakit ngayon ka lang?"
"Late po ba ako?" parang wala sa kaalaman ni Jesse ang naitanong.
Naningkit ang mga mata ni Justin. "Kaunti na lang. Ang tinutukoy ko, bakit hindi ka pumasok kahapon?"
Bahagyang napa-isip si Jesse. "Oy, hinihintay pala ako nito. Bakit po?"
"Bakit po?" sarkastikong balik tanong ni Justin. "Tinatanong pa ba yun. Malamang may trabaho ka, pero hindi ka pumasok ng walang abiso."
"Ay." saka pumasok sa isipan ni Jesse ang nagawa. "Oo nga po pala." Napakamot siya sa ulo. "K-kasi Sir... ah..."
"Sir James," tawag ng isang empleyada sa likuran. "Ngayon po ang dating ng mga stocks. Nagsabay-sabay po kasi ang delivery, kaya kailangan po natin ng workers sa warehouse."
"Ok." sagot agad ni Justin.
"So, Sir James sa loob po ako kukuha ng mga pansamantalang pahenante." pahayag ng empleyada.
"Oo isama mo 'to." Ang tinutukoy ni Justin ay si Jesse.
"A-ako?" Nandidilat pa nga ang mga mata ni Jesse nang tukuyin ang sarili. Parang nakalimutan pa niyang sumasakit ang ulo niya.
"Oo. Bakit?"
"W-wala naman Sir. Naninigurado lang po ako." sagot ni Jesse.
Nagsalita si Justin sa empleyada. "Bumalik ka na sa trabaho mo, ak na ang mamimili sa loob."
"Po?" gulat ng empleyada.
Hindi na pinansin ni Justin ang babae kundi tinawag ang atensyon ni Jesse. "Ikaw, sumunod ka sa akin."
Napakamot na lang sa ulo si Jesse. "Mapapalaban pa yata ako ngayon ah." Tahimik na nakasunod si Jesse sa boss niya habang kumukuha ng ilang maaring maging pahinante pansamantala. Nagtataka naman si Jesse sa ipinapakita ng kanilang boss. Hindi siya makapaniwalang ang boss pa rin niya ang gumagawa noon. "Ano kaya ang nakain nito?"
Kung dati hindi nila nakikita sa buong araw si Sir James dahil maghapon ito sa loob ng opisina. Swerte na lang kung makita nila itong naglalakad papasok o pauwi. Pero ngayon, nakakaharap pa nila at nakakausap. Yun nga lang mapapansin mo na laging seryoso. Galit.
-----
"Napapadalas yata ang pag-sakit ng ulo ko?" natanong ni Jonas sa sarili nang maka-bawi. Muli na naman kasing sumakit ang ulo niya. Mabuti na lang at lagi siyang handa. Laging nariyan ang kanyang pain reliever.
"Kailangan ko na sigurong magpatingin. Iba na ang sakit na nararamdaman ko. Mas lalong lumala ang pagkirot ng ulo ko."
Muli pa si Jonas huminga ng malalim. Siniguradong maayos na ang pakiramdam bago bumaba ng kanyang kotse. Hindi na nga siya pumasok kahapon kung kailan ang unang araw at opisyal na trabaho niya tapos ngayon ay late pa siya.
-----
"'Ang gagawin ninyo ay tumulong magkamada ng mga boxes." sabi ni Justin habang ginagabayan ang mga trabahador papunta sa warehouse. Kasama doon ni Jesse na kanina pa lihim na iniinda ang sakit ng ulo. "Hayaan niyo ang mga delivery ang magpasok dito sa loob pero kayo na ang magpatas ng mga ipapasok nila dito. Maliwanag ba iyon?"
Napansin ni Jesse ang isang empleyadong incharge sa warehouse na panay ang buntot sa boss nilang si Justin. Makikita sa hitsura nito ang pag-aalala dahil gawain niyang siya ang mag guide sa kanila pero ang boss nila ang gumagawa.
Napatingin si Jesse sa mga kahon kahon na nakapatas o patong patong. Nalula siya sa taas. Iniisip niya na kailangan pa pala nilang gayahin ang klase ng pagpapatas na ganoon.
"Ganyan ang gagawin ninyo." si Justin habang itinuturo ang mga dati nang nakapatas na mga kahon.
Sa isip ni Jesse parang nabasa ng kanilang boss ang nasa isip niya. "Grabe, kung ako ang aakyat baka mahulog ako. Tsss, bakit pa kasi ngayon pa sumakit ang ulo ko. Sana lang na hindi ako ang aakyat."
"Ikaw Jesse.-" hindi na-ituloy ni Justin ang sasabihin nang biglang may pumasok na isang empleyada sa opisina ng kanilang boss.
Biglang kinabahan si Jesse. Iniisip niyang kaya siya tinawag ay para sabihing sa itaas siya pupwesto. "Ang lakas talaga makabasa ng isip 'to Hmmpt." reklamo niya sa isip.
"Sir," tawag ng empleyadang kakapasok lang. "May kailangan po kasi kayong pirmahan sa office, kailangan na daw po."
"Dalhin mo na lang dito." sagot agad ni Justin.
"A-h, sige po." sagot ng empleyada at saka umalis.
Muling tumuon ng pansin si Justin kay Jesse. "Ikaw ang pumwesto sa baba. Matangkad kaya, mas magandang ikaw ang mag-abot ng mga kahon pataas."
Lihim na nagulat si Jesse. Mali pala ang kanyang iniisip. Sa kabila noon ay nagpapasalamat siyang umaayon sa kagustuhan pa rin naman niya ang pagkakataon.
"Sige na." saka tumalikod si Justin sa mga trabahador niya.
-----
"Jonas." magiliw ang pagkakabati ni Mr. Robledo kay Jonas. Pero alam ni Jonas na may ibig sabihin ang ganoong bati sa kanya ng ninong at ang presidente ng bangko na iyon. Pero agad naman yun sinalubong ni Jonas ng matamis na ngiti.
"Ninong." si Jonas.
"Iho, magaling. Akala ko ba gusto mong magtrabaho? Inaasahan pa kita kahapon ah. Ngayon naman late. Ayan ang willing magtrabaho. Mmm mukhang gusto kong bawiin ang sinabi ko."
"Ninong naman."
"Well..."
"Ninong."
"Sumunod ka sa opisina. Doon tayo mag-usap kung ano ang magiging trabaho mo."
"Yes. Akala ko pa naman matatanggal na ako."
Natawa si Mr. Robledo. "Bakit matatanggal kung hindi pa naman natatanggap." Napakamot naman si Jonas sa ulo. "Pero Jonas, marunong ka ba sa loob ng..." saka ibinulong. "restroom?"
Nanlaki ang mga mata ni Jonas. "Ninong?"
Ang lakas ng tawa ni Mr. Robledo. "Sumunod ka na nga lang."
-----
"Ok na ito kesa matanggal." Pinilit ni Jesse na ngumiti. Pero nang abutin niya ang isang malaking box na ang laman ay sigarilyo ay bigla siyang napabahing. Maalikabok kasi ang isang yun. Bumagsak ang malaking kahon na gumawa ng bahagyang ingay na tama lang para marinig ng kanilang boss na kasalukuyang nakaupo habang inaasikaso nito ang mga papel na nasa harapan.
Napa-tingin si Justin sa pinagmulan ng ingay. Halata sa mukha niya ang iritasyon. "Anong nangyari?" saka niya nakita si Jesse na binubuhat ang kahon. "Siguraduhin nyong huwag ibagsak yan. Ingatan niyo yan."
Nakaramdam ng pagkapahiya si Jesse sa sigaw na iyon ng kanilang boss. Lalo pa nang makita niyang kunot noo itong nakatingin sa kanya. Tumango na lang siya bilang tugon sa boss na medyo nasa kalayuan. Napa-buntong hininga na lang siya at naging alisto sa mga ipinapasang kahong mabibigat ng sigarilyo. Minsan napapangiwi kapag naipapasa sa kanya ng mali ang kahon. Masakit sa braso pero hindi niya magawang umangal.
"Bilis bilisan ninyo." utos ni Justin na nakayuko habang pinipirmahan ang mga papeles na nasa harapan.
"Ayos, ang dali kasi nito eh. Siya kaya ang magbuhat ng mabibigat na 'to. Ewan ko lang kung hindi magkapasa yang balat mo." angal ni Jesse sa kanyang isip.
"Jesse, bilis. Bumabagal ka yata?" pansin sa kanyan ng katrabaho niya.
Bigla si Jesse napa-tuon ng pansin sa ginagawa. Sinaway niya ang sarili na huwag nang mag-isip ng kung ano-ano.
-----
"Maupo ka Jonas." anyaya ni Mr. Robledo. Umupo naman si Jonas na magiliw. Naka-ngiti. "Napag-isipan mo na ba kung tatanggapin mo ang trabaho?"
"A-ang alin Ninong? May sinabi ka na ba?" nagtatakang si Jonas.
"Wala pa ba?"
Nag-isip si Jonas. Wala siyang matandaang sinabi ng kanyang ninong maliban sa, "Ninong?" bigla niyang sigaw. "Imposible ka. Sigurado kang sa maintenance mo ako ilalagay?"
Sobra ang tawa ni Mr. Robledo. "Binibiro lang kita, Iho."
Napa-hinga ng malalim si Jonas. Nagulat talaga siya. Akala niya ay yun nga ang ibibigay sa kanya. "Eh ano po ang magiging trabaho ko?"
"Aalis ako for one week kasama ang secretary ko. Ngayon, gagawin kitang isa sa office staff ko habang wala ako. Alam na ni Ms. Lamino. Siya na lang ang bahala sa orientation. Bukas."
Kanina pa naka-ngiti si Jonas. Pero agad iyon napalitan ng pagkunot-noo sa huling sinabi ng ninong. "Bukas?"
"Bukas ang alis ko kaya maari mong simulan ang trabaho mo tomorrow. Pero ikaw, mahilig ka naman manatili dito. Maari mong simulan ngayon pero, tingin ko busy ngayon si Ms. Lamino kaya baka hindi kaniya maturuan."
"Ah..." napa-ngiti ng maluwang si Jonas.
"Pwede ko bang malaman kung bakit ka ngumingiti ng ganyan? Alam ko masaya ka dahil nasunod na ang gusto mo pero sa tingin ko may iba pang dahilan."
Natawa si Jonas. "Ninong, tama kayo sa alam niyo pero wala na pong iba."
"Para kasing..." saglit na inistima ng tingin ni Mr. Robledo ang inaanak bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Para kasing may nagpapasaya na sa inaanak ko."
Muling tumawa si Jonas. "Maari po Ninong."
"Sabi na. O siya, ikaw na ang bahala sa sarili mo. May gagawin pa ako."
"Sige po Ninong. Maraming salamat po. Aalis na po ako."
"Sige, Iho."
-----
Dalawang oras na yata ang nakakalipas nang magsimulang magtrabaho si Jesse para sa araw na iyon at ramdam na ni Jesse ang mas matinding pananakit ng kanyang ulo. Naduduwal siya. Alam niyang dahil iyon sa maaga niyang pag-gising at pag-ligo.
"Nabigla ako sa ginawa kong pagligo kanina. Ang sakit ng ulo ko." naibulong niya nang matapos sila sa ginagawa. May kasunod pa ang trabaho nila.
"Sana lunch break na. Gusto ko na magpahinga. Nasusuka na ako."
"'Yung susunod simulan niyo na. Para madaling matapos." utos ni Justin.
Imbes na hindi nagmamadali Jesse, bigla siyang napatakbo palapit sa susunod nilang gagawin.
-----
"Gusto ko munang magpa- check up bago umuwi ng bahay."
Sinugod ni Jonas ang alam niyang malapit na pagamutan kung saan siya maaring magpa-check up. Para kasi sa kanya hindi na biro ang nararamdaman niya. Noong bata siya nakakaranas na siya ng pagsakit ng ulo hindi ganoon kadalas. Kaya hindi na niya ito binibigyan ng pansin. Noong mag high school siya, naranasan niyang sumakit ang ulo dalawang beses isang araw. Hanggang sa madalas ng sumakit ang ulo niya na naghatid sa kanya para magpakunsulta. Hindi niya sinasabi ang nararamdaman niya sa iba. Kahit sa kuya Justin niya.
Sa pagpapakunsulta niya, doon niya nalaman na may brain cancer siya. Hindi naman daw malala. Sa puntong iyon, hindi siya nakaramdam ng kung anong takot. Mas inisip pa rin niyang ilihim sa lahat. Mas lalong ang pagsakit ng kanyang ulo sa pagdating ng araw, at unti-unti rin siyang nag-iisip ng mga bagay-bagay sa kanyang buhay o kung ano ba ang plano niya.
Pinilit niyang maging masaya sa gitna ng kalungkutan na ang kuya Justin lang niya ang maasahan niya. Ngunit sa puntong may nararamdaman siya, umalis pa ang kanyang kuya patungong abroad para mag-aral. Kaya ng mag-college siya, pinili niyang sumama sa yaya ng barkada. Naroon ang pag out of town, mountain climbing, at kung ano-ano pa na maari ni Jonas gamiting oras na makapag-isip at hanapin ang sarili. Hindi na rin siya umuuwi ng bahay noon.
Ayaw niyang sumailalim sa kung ano mang treatment o surgery dahil ang iniisip niya sa mga oras na iyon ay mamatay din naman siya. Masaya na siya sa nangyayari sa buhay niya. Para sa kanya, kontento na siya sa ganoon. Nariyan naman ang kanyang gamot, para sa pansamantalang lunas sa nararamdamang sakit.
Ang hindi niya alam ay makikilala pala niya si Jesse. Ang magbabago ng takbo ng kanyang buhay.
-----
Parang nakaramdam ng pag-asa si Jesse sa gitna ng nararamdaman nang makitang isang kahon na lang dapat niyang buhatin. Hindi man makita sa kanyang galaw o hitsura ang kasiyahang nadarama, ang kanyang isip ay nagdidiwang sa nalalapit na pagtatapos na trabaho.
"Makakapag-pahinga na rin ako. Salamat po Lord." Huminga pa siya ng malalim pagkatapos niyang ma isa isip iyon. "Tapos na rin." naisa tining niya nang maiabot ang huling kahon. Pero nagulat siya nang biglang tumawag ang kanilang boss sa kanilang likuran. Akala niya ay may ipagagawa pa ito.
"Sigurdo na ba kayong tapos na yan? Maayos ba yan?" tanong ni Justin nang makuha ang atensyon ng lahat.
"Opo." sagot ng karamihan. Hindi na nagawang sumagot ni Jesse. Nanatili siyang nakayuko.
"Good. Maari na kayong mag-break." sagot ni Justin nang hindi ngumingiti.
Naka-hinga na naman si Jesse nang maluwag. "Akala ko... Hmm thank you talaga Lord. Makakapagpahinga na rin ako."
Isa-isa nang nag-alisan ang lahat habang si Jesse ay parang bilang na bilang ang paghakbang habang bahagyang nakayuko. Hindi niya alam na napansin siya ng kanilang boss na si Justin. Pero kahit napansin siya ng boss niya, wala naman itong balak magtanong kung bakit ganoon ang kilos niya.
Napakunot noo lang si Justin habang naka-tingin kay Jesse.
-----
Minabuti ni Jesse na maupo sa bench na madalas na niyang upuan. Doon siya magpapalipas ng oras bago magsimula uli ang kanilang trabaho. Wala siyang ganang kumain. Ang gusto lang niya ay pumikit. Umaasa siyang bago magsimula uli ang trabaho ay mawala na ang sakit ng kanyang ulo o kahit man lang mabasawan iyon.
Nakapikit si Jesse nang biglang may tumapik sa kanyang hita.
"Pare, wala kang balak kumain? Ang hirap ng ginawa natin kanina at biglaan pa. Hindi ka ba nagugutom?" isang katrabaho.
"Hindi. Hindi ako nagugutom." Muli siyang pumikit.
"Mukhang may dinaramdam ka ah?"
Saglit bago pa sumagot si Jesse. "Oo, sumasakit ang ulo ko." sabi niya kahit nakapikit. "Pero busog ako."
"Sige, pagbalik ko dalhan kita ng gamot."
"Sige salamat."
"Pero, pwede ka namang maghalf-day ah. Pwede mo namang sabihin na may nararamdaman ka."
"Ok lang ako. Nakaya ko nga kanina eh."
"Huh? Ibig sabihin kanina, kanina pa masakit yang ulo mo?"
Dumilat si Jesse. "Oo ganun na nga." saka sumilay ang ngiti.
"Pambihira ka. Sige. Dadalhan kita ng gamot para sa sakit ng ulo. Hintayn mo ako dyan."
"Oo, maraming salamat pre." Muling pumikit si Jesse.
-----
Balisa si Jonas habang naglalakad pabalik sa kanyang kotse. Ang mga mata naman ay naluluha. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng doctor na sumuri sa kanya. Wala pa naman silang ginagawang test o examinations pero batay sa mga sinabi niya, nagbigay ng mga halimbawa ang doctor kung saan hindi niya matanggap ang posibilidad sa kanyang sakit.
"Imposible." Naibagsak ni Jonas ang kamay sa bandang ibabaw ng kanyang kotse. Hindi niya alam kung maiiyak ba siya o magagalit o mananahimik na lang sa sinabi sa kanya ng doctor. "Hindi ako pwede magkaroon noon. Mahabang-mahaba pa ang pagsasamahan namin ni Jesse."
www.facebook.com/BGOLDtm
LIKE this official fan page on facebook. Thank you.
3 comments:
sabi ko na nga ba sir, tungkol ito sa sakit ni Jonas. ang lungkot :(
keep it up sir. :)
ang lungkot nman....sna di mamatay si jonas.....tnx auhtor...d best to!!!
omg.... tama ang kutob k na may kanser si jonas.... kawawa si jonas... naku this story is so sad... at maging kawawa dito si jesse...
ramy from qatar
Post a Comment