Followers

CHAT BOX

Saturday, November 5, 2011

TRUE LOVE WAITS (Last Crescent Moon) Chapter 2


Maraming salamat po:

R.J -salamat sa paghihintay ^^
gener - ^^ sorry, hindi ko magawang daily ang post. Ty
Jay - lagot ka, naluha ako sa comments mo. LOL. Ty po sobra.

at ganun din po sa iba ^^ my SILENT READERS <3 ty




"San naman tayo pupunta?" tanong ni Jesse kay Jonas nang makasakay na sila sa kotse pagkatapos sa loob ng restaurant.

"Makikita mo."

"Wow, exciting ah." Bigla niyang hinampas ang balikat nito.

"Oy!" gulat ni Jonas.

Natawa si Jesse. "Kasi ikaw ang dami mong alam. Meron ka pang sinasabing makikita mo."

"Basta. Makikita mo."

"Siguraduhin mo lang na matutuwa ako ha? Hmmm..." sabay tawa.

"Sana nga." sumilay ang matamis na ngiti ni Jonas.
-----

"Ay, nakakainis ka." si Jesse habang hinahampas niya ang balikat ni Jonas.

Tawa naman ng tawa si Jonas dahil alam niya ang ibig sabihin ni Jesse. Minabuti niyang ihinto ang sasakyan. "Dito muna tayo."

"Ano? Loko ka talaga."

Isa pang halakhak ang pinamalas ni Jonas. "Bakit? Ano na naman ang ginawa ko?"

"Lahat talaga ipapaalala mo ah." tinatago ni Jesse ang totoong nararamdaman. Imbes na kilig ang ipakita kunyari ay naiinis siya kay Jonas.

"Ano nga?"

"Wala." pagsusungit ni Jesse.

"Maiinis, manghahampas tapos wala naman palang dahilan."

"Bakit kasi dito mo ako dinala?"

Natawa na naman si Jonas. "Buti nga maaga pa. Kesa naman gabi kita dalhin dito. Mas lalo yun."

"Loko ka talaga." Sa pagkakataon ito sumilay ang itinatagong ngiti sa labi ni Jesse.

"Oh bakit nangingiti ka na ngayon? Akala ko ba naiinis ka?"

"May naalala ako kasi." sabay tawa ni Jesse. "Nakakahiya." hiyaw niya.

"Anong nakakahiya, dali sabihin mo."

"Ayoko nga. Yan, yan ang gusto mo mapahiya ako."

"Hindi ah. Gusto ko lang balikan kung saan tayo unang nagkita."

Wala sa intensyon bigla na lang may tumulong luha sa mata ni Jesse. "Naiinis ako sayo. Pinapaiyak mo ako."

"Aw sorry." mabilis na inalo ni Jonas si Jesse. "Sorry, hindi ko-" Bigla siyang niyakap ni Jesse.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos... dahil nakilala kita. Huwag ka mag-alala, masyado lang akong natuwa." tumawa siya ng bahagya. "Mabuti na lang at umuulan noon, wala akong masakyan tapos dumating ang saklolo, pinasakay ako. Tapos..." natawa si Jesse ng may kagalakan.

"Hindi ako nga ang magpasalamat sa Diyos kasi dito niya ako sa kalyeng ito pinadaan. Dito ko pala susunduin ang mamahalin ko habang buhay."

"Ayyy.." si Jesse sa sobrang kilig. Mas lalong hinigpitan niya ang yakap kay Jonas. Gusto niyang marinig ng puso ni Jonas kung gaano kalakas ang kabog ng kanyang dibdib. "Pero, nakakahiya pa rin."

Natawa si Jonas. Umalis siya sa pagkakayakap. "Ano na naman ang nakakahiya doon?"

"Alam mo yung basang-basa ka tapos ang... ang ganda ganda ng kotse. Ibig kong sabihin yung itong inuupuan ko, tuyong-tuyo. Mababasa ko lang. Tapos napansin ko yung magazine na nilatag mo bago pa. Pero nilatag mo para lang umupo ako." Kinikilig si Jesse. "Ayoko na nga."

"Hindi ka naman yata nahihiya eh. Ang tingin ko kinikilig ka." sabay tawa.

"Loko." sabay hampas ni Jesse sa balikat ni Jonas. "Hindi naman. Hahaha"

"Teka, bakit pala itong kotse ko lang ang napansin mo? Eh yung poging driver hindi mo ba napansin?"

Umirap ng nakangiti si Jesse. "Bakit naman kita mapapansin?" biro ni Jesse.

"Hmmm..."

"Oo naman."

"Paano mo ako napansin?"

"Maka-ngiti ka... Oo na ikaw na mabango. Fresh. Oo na, ikaw na cute."

Sobra ang tawa ni Jonas. "Pero alam mo Jesse, nang maihatid na kita, hindi ka na nawala sa isip ko." kinilig si Jonas sa sinabi. "Nyeeee" sabay tawa. "Oo nga. Tapos makikita pala kita uli sa restaurant."

"Pinagtagpo talaga tayo. Tama ba ako?"

"Sigurado ako. Walang duda Jesse." inabot ni Jonas ang kamay ni Jesse. "Para ka talaga sa akin."

Huminga ng malalim si Jesse. Parang nawawalan siya ng hininga sa sobrang saya. "Oo Jonas, para ako sayo... at ikaw ay akin."
-----

"Saan mo naman ako ngayon dadalhin?" tanong ni Jesse nang paandarin na ni Jonas ang sasakyan.

"Hulaan mo."

"May naiisip ako. Kaya lang ayoko naman manghula."

"Sa dati mong bahay."

"Sabi na." Hindi talaga mawalan ng tawa si Jesse sa sobrang kasiyahan. "Pero, ano bang gagawin natin doon? Hindi ko dala ang susi ng bahay."

"Bibili na lang tayo ng pamalit. Sisirain natin ang kandado para makapasok tayo."

"Ok. Namimiss ko rin ang bahay na iyon."

"Malamang, yun ang una mong naging tahanan dito sa Maynila eh."

"Oo."
-----

Huminto sa kanto ng dating tinitirahan ni Jesse ang kotse ni Jonas.

"Jesse may naaalala ka dito?" tanong ni Jonas.

Saglit na nag-isip si Jesse. "Hmmm meron naman. Natatakot akong iwan mo dito itong kotse mo."

"Hindi yun."

Napa-ngiti si Jesse. "Eh ano?"

"Hmmm naalala mo bang dito ako nagtapat sayo?"

"Ay!"

Natawa si Jonas sa naging reaksyon ni Jesse. "Ayoko na nga alalahanin, ako naman ang nahihiya."

"Ikaw eh, ikaw ang nagpapaalala."

"Pero dahil tayo na, bigla ko lang kasi naisip, sobrang laki na ba talaga ng pogi points ko nung time na yun?"

"Hmmm... ang hangin naman. Hahahha. Malaki ang pogi points? E di naman kita sinagot nun eh."

"Kaya nga. Mmm ang gusto ko talaga malaman kung ano ang status ko noong nagtapat ako sayo. Hindi mo nga kasi ako sinagot."

"Ah... pero kailangan ko pa bang sagutin yun." natatawang si Jesse.

"Actually hindi naman. Kasi akin ka na eh. Sabi ko naisip ko lang."

"Mmm natatakot lang kasi ako noon kasi hindi pa talaga kita kilala saka hindi pa ako sigurado sa sarili ko. Sinabi ko naman sayo yun dati eh."

"Oo nga." saglit na tumawa si Jonas saka sumeryoso uli. "Pero Jesse, sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi na mahalin mo ako."

Umangat ang kamay ni Jesse ay dumapo ang palad nito sa pisngi ni Jonas. "Salamat."

"I love you Jesse."

"Mahal din kita Jonas."
-----

"Ang bilis ah?" tinutukoy ni Jesse ang pagkasira ng kandado. Sa isang hampas ni Jonas, natanggal agad ang kandado ng bahay na iyon.

"Naiihi na ako eh."

Natawa si Jesse. "Dali takbo."

Agad nga na tumakbo si Jonas sa C.R. nang mabuksan ang pinto. Hindi mapigilan ni Jesse ang matawa. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto saka niya napansin ang isang papel sa lapag. Halatang siningit sa ilalim ng pinto. Dinampot niya iyon at binasa.

Jesse, 


Umaasa akong nasa mabuti kang kalagayan at masaya sa piling ni Jonas. Kaya ako nagiwan ng sulat dahil gusto ko sanang makuha ang mga gamit kong naiwan. Nagsimula na ako ng bagong buhay. Pero gusto ko munang ipaalam sayo, kaya nag-iwan ako ng sulat. Alam na ng kahera na dumating ako. Nalaman ko rin na hindi pa pala tapos ang upa natin dito sa bahay kaya malaya pa tayong makakapasok rito hanggang matapos ang buwan.


Babalik ako sa bago matapos ang buwan. Sa araw na lang na iyon ko kukunin ang naiwan kong mga gamit tulad ng mga damit. Alam ko naman na sapat ang pangangailangan mo kay Jonas kaya gusto ko sanang ako na lang ang gagamit ng ibang gamit dito. 


Mag-iwan ka na lang ng sulat o pasabi sa kahera. Jesse, huwag mo muna akong hanapin o piliting makita. Ayos lang kami. Magkikita pa tayo. Maraming salamat.


Marco.


Itinago muna niya ang sulat sa bulsa. Ipapakita niya iyon kay Jonas. Minabuti muna niyang pumasok sa dati niyang kwarto para sumilip. Hindi niya napigilan alalahanin ang nakaraan nang ginagamit pa niya ang kwartong iyon. Hanggang sa maalala rin niya na doon din sila unang nagtabi ni Jonas matulog.

"Jesse."

Napalingon si Jesse nang tawagin siya ni Jonas. Nasa likuran na pala niya ito nang hindi niya namamalayan. "Tapos ka na pala."

"Ngumingiti ka na naman mag-isa."

"Oo. May naalala lang ako." amin ni Jesse.

"Ako ba yun?"

Natawa si Jesse. "Medyo. Teka, ako naman ang gagamit ng C.R."

"Sige."
-----

Parehong nagpapahinga ang dalawa sa mahabang kawayang sopa. Habang nakaupo si Jesse sa bandang dulo, nakahiga naman si Jonas habang ang ulo nito ay nasa kandungan ni Jesse. Nakapikit si Jonas habang sinusuklay-suklay ni Jesse ang buhok ng una.

Gustong-gusto ni Jonas ang ginagawa ni Jesse sa kanyang buhok. Ayaw na nga sana niyang matapos ang sandaling iyon dahil sa masarap na pakiramdam pero bigla may pumasok sa kanyang isipan at napamulat ng mata.

"Jesse..." tawag niya.

"Hmm." ungol naman ni Jesse biglang pagtugon.

"Ano kaya kung pumunta tayo sa inyo, doon sa probinsya niyo?"

Binitiwan ni Jesse ang manipis na buhok ni Jonas. "Ano ka, may pasok ako bukas."

"Alam ko." saka namungay ang mga mata ni Jonas. Tipong nangungusap sa pagpayag ni Jesse.

"Ayoko." matigas na sagot ni Jesse.

"Hmpt. Sige na nga." Saka muling pumikit si Jonas.

Ipinagpatuloy ni Jesse ang pagsuklay-suklay sa buhok ni Jonas saka nagsalita. "Hindi ka ba nagugutom?"

"Hindi." siryosong sagot ni Jonas.

Natawa si Jesse. "Nakakatawa ka naman."

"Bakit?" napadilat si Jonas at tumingin kay Jesse.

"Halata naman kasing nagtatampo ka eh."

"Nagtatampo."

"Oo. Sige na aabsent ako bukas."

Napa-ngiti si Jonas. "Bakit naman?"

"Loko ka. Ako ngayon ang tinatanong mo ngayon ah."

Mas lalong lumuwang ang ngiti ni Jonas. "Bakit nga. Gusto ko ikaw magsabi para hindi mo ako awayin." saka humalakhak.

"Hmpt. Oo na, bisita tayo kay Itay at Inay sa probinsya."

"Ok." Tumayo si Jonas. "Ngayon na."

Natawa na lang si Jesse.
-----

"Akala ko ba..." Nagtataka si Jesse nang huminto ang kotse.

"Sandali lang. Naalala mo ba ang first date?"

"Ay, oo nga pala. Dito sa lugar na 'to... kung san ka biglang nabulunan." sabay tawa si Jesse.

"Alis na nga tayo. Yun pa ang naalala eh." Biro lang ni Jonas. Pero pinaandar na niya ang sasakyan.

"Oh, aalis na nga talaga? Nagbibiro lang ako eh."

Natawa si Jonas. "Oo aalis na tayo. Huwag kang mag-alala wala sa akin yun. Nagbibiro lang rin ako. Sabi ko naman sandali lang."

"Hmm kunyari pa. Talaga namang ayaw mo lang maalala." sabay tawa.

"Hindi kaya. Sabi ko nga sandali lang. Gusto ko lang rin na madaanan ito kasi isa rin ito sa kung saan meron tayong alaala."

"Sige na nga naniniwala na ako." biro ni Jesse. Pero ang kamay niya ay dumapo sa balikat ni Jonas bilang tugon ng kanyang pagsang-ayon sa sinabi ni Jonas tungkol sa lugar.

"Alis na tayo. Baka gabihin pa tayo."

"Go go go."
-----

Gabi na nang makarating sina Jesse at Jonas sa lugar ng magulang ng una. Inaalis ni Jesse ang kamay ni Jonas sa pagkakahawak sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Jonas.

"Baka kung anong isipin ni Itay at Inay."

"Ayaw mong ipaalam?"

"Hindi naman pero. Ayoko naman na mabigla sila at mag-isip kaagad ng kung ano."

Saglit na natigilan si Jonas. "Mmm sige. Tama ka."

"Salamat."

Nagulat ang dalawa nang biglang may kaluskos sa bandang likuran.

"Jesse, ikaw ba yan?"

Agad napalingon sina Jesse at Jonas.

"Itay?" si Jesse.

"Oh, kayo pala. Bakit nariyan pa kayo? Bakit hindi pa kayo dumiretso doon sa loob. Gabi na."

"Opo Itay."

"Magandang gabi po." si Jonas.

"Magandang gabi rin, sayo. Teka, kayo lang ba na dalawa ha?"

"Opo." si Jesse ang sumagot.

"O sige na tumuloy na kayo para malaman na agad ina mong narito kayo."

"Sige po."
-----

Naging maayos ang pagtuloy nila ng gabing iyon. Tuwang-tuwa ang ina ni Jesse nang makita ang anak. Kaya naman aligaga sa pagluluto para may maihain sa anak at bisita nito habang nagkukwentuhan naman sina Mang Berto at Jonas.

Sa tulong ni Jesse niluto nila ang piniritong tulingan. Ginisa nila iyon na may itlog para magkaroon ng sabaw. Ang ibang piniritong tulingan ay pinarisan ng hiniwang kamatis at toyong sawsawan.

Hindi maiwasan ni Jonas na humanga at sumaya sa naging asikaso sa kanila ni Jesse lalo sa sarili niya. Hindi man niya maipakita pero ang laki ng kanyang pasasalamat na kahit simple lang ang nasa hapag-kainan, masaya silang kumakain ng sabay-sabay. Tulad ng isang pamilya. Ramdam niya na kaisa siya doon.
-----

Hindi tulad ng dati, ngayon ay magkatabi sina Jonas at Jesse matulog sa papag. Nagkatawanan pa nga sila ng alalahanin kung sino sa mahabang sopa matutulog.

"Ngayon, magkatabi na tayo. Wala na kasing extra." si Jonas.

"Loko ka. Siryoso ka?"

"Bakit?" natatawang si Jonas.

"Alam ko kasi ibig mong sabihin. Ang tinutukoy mo si Jessica."

"Wala akong sinabing pangalan ah."

"Kahit na. Yun din eh." umirap si Jesse.

"Basta..."

"Basta matulog ka na." kunyari ay inis talaga si Jesse. Tumalikod siya kay Jonas sa pagkakahiga.

Pasimpleng sinundot ng daliri ni Jonas ang tagiliran ni Jesse. "Ang seryoso mo."

"Hindi."

"Bakit ka tumalikod sa akin?"

Muling humarap si Jesse saka yumakap pero nanatiling nakapikit. "Ayan." Hindi na nakita ni Jesse ang mga ngiti ni Jonas.

"Sigurado ako sa magandang tulog. Goodnight." saka humagikgik si Jonas.

"Goodnight."

Masayang masaya si Jesse. Para sa kanya wala na siyang mahihiling pa. Hindi alam ni Jonas kung gaano siya nito pinasaya nang handa pala si Jonas na malaman ng magulang niya na may relasyon sila. Doon pa lang ay nakakatiyak na ang puso niya kay Jonas.

Kaya lang, natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga magulang niya. Ito ang isang dahilan kung bakit nananahimik siya ngayon. Pero kung sakali man na ipagtapat na ni Jonas ang kanilang relasyon, handa siyang sumang-ayon. Sasama siya kay Jonas dahil iyon ang kaligayan niya. Ayaw niya lang na masaktan ang kanyang magulang.

"Hayyy..." buntong hininga ni Jesse nang nakapikit. Hindi niya napapansin ang kanina pang nagmamatyag na mga mata ni Jonas sa kanyang mukha.
-----




3 comments:

RJ said...

ang saya ng chapter na to hehe..masarap talaga siguro pag may nagmamahal sayo :D

un nga lang. hindi ko alam kung bakit pero parang may underlying sadness akong nararamdaman sa kwentong to.

keep it up sir :)

Jay! :) said...

wahehehe. lol. sorry po. ^.^
--------
For this chapter, I noticed that at least two-thirds of this chapter was for going back to their past and remembering their sweet memories.

Reminiscing peoples’ past is something which affects a person emotionally whether it be something joyful or the other way around. Of course, there will be moments wherein one would remember even those embarrassing moments; Moments that are noted as some highlights because they taught us some moral lessons or sense of humor to laugh at one’s self once in a while.

Reminiscing places which bear sentimental value always brings out emotions from us because going back to those sentimental places sometimes gives people the feeling of going back in time, to feel and reminisce what they did and what they felt because for many people, those sentimental places sometimes is the equivalent to of a historical landmark in their lives that needs to be treasured and preserved. Its those places which have a bearing of importance especially in the lives of those who love.

For now, I am still quite uncertain as to what direction will this story go to. Will the parents of Jesse accept Jonas? or If they don’t, What will Jesse and Jonas do?, Are Jesse and Jonas really meant for each other or is there still someone out there for them lurking and waiting to be noticed by them to give more radiance and color in their life?
--------
The confrontation scene for Jesse, Jonas and the parents of Jesse will be an important event in their lives whether they will be accepted or not.

For this chapter, what I can say most for them is “How candid...”

The story, yet only on its 2nd chapter is really starting to take shape.

Nice work Kuya Ash(erwinreid)! :)

Can’t wait for the next chapter! :D
Go! lang ng Go! Kuya Ash! :)

-Jay! :)

Anonymous said...

matagal -tagal ko rin itong hinintay..

thank goodness it's worth the wait.. long wait.. hehehe

super kiligness but at the same time a little bit of sadness..*sniffles*..

God bless.. -- Roan ^^,