Followers

CHAT BOX

Tuesday, August 9, 2011

TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 26


"J-Jonas?" Hindi nagkakamali si Arl nang makaharap niya sa kanilang living room ang sinasabing bisita niya, umaga. "Jonas ikaw nga. Kamusta na pare?"


"Im very good." todo ang ngiti ni Jonas nang sumagot. "Ikaw nga ang gusto kong kamustahin kaya ako narito ngayon."

"Oh halika maupo muna tayo. Nagagalak talaga akong makita, aba ang tagal nating hindi nagkita ah. Ikaw na pala yan Jonas, pare." natutuwang sabi ni Arl habang hinahatid niya si Jonas para maupo. Saka siya tumawag ng kasambahay para makapaghanda ng makakain.

"Oo ako na nga ito." sabay tawa. "Teka, ano ba ako dati?"

"Ikaw? Ano ka dati?" paguulit ni Arl nang makaupo. "Isa ka lang naman tahimik na nilalang na hindi makabasag pinggan. Ayaw makipag-usap sa karamihan." natatawang pahayag ni Arl.

"Noon yun, high school pa lang tayo nun. Pero natatandaan mo pa ha kahit hindi naman talaga tayo magkaklase. Sabagay, magkatabi lang ang room natin. Ikaw nga diyan, walang awat magbilang ng babae, pati mga classmates kong babae ikaw ang bida."

"Siyempre iba na ang pogi." sabay tawa. "Biro lang pare." sinundan pa uli ng malakas na tawa. "Hindi na tayo nagkausap nang magcollege na tayo. Ano na ang nangyari sayo?"

Nakangiting inalala ni Jonas ang nakaraan. "Ayun, medyo nagbago rin sa wakas. Madalas, out of town kasama ang barkada."

"Naks, lumabas rin sa lunggang pinagtataguan." biro ni Arl.

"Tama ka roon pare. Pero, ikaw?"

"Ako? Sinama uli ako ni Dad sa Canada para doon magpatuloy ng pag-aaral. After ng graduation balik na uli kami dito."

"Uhuh. At mas nadagdagan pa ang angas ng kapogian mo ngayon." biro ni Jonas.

"Sumasangayon ka pala sa akin pare. So ibig sabihin may katotohanan ang paniniwala kong gwapo talaga ako."

"Sige na ikaw na." agad na sangayon ni Jonas.

Saka bumaba si Arman galing sa kwarto nito. "Jonas, narito ka pala. Natutuwa akong makita ka rito."

"Tito Arman magandang umaga po." bati ni Jonas.

"Ganun din sayo. Dito muna kayo ha..." saka tumingin kay Arl. "Arl, mauna ka na siguro sa Mama mo, pupuntahan na lang kita doon. Kailangan ko lang munang sumaglit sa hospital. Basta doon na lang tayo maghintayan."

"Sige po Dad." sagot ni Arl.

"Jonas maiwan ko muna kayo ha." paalam ni Arman kay Jonas.

"Sige lang po Tito." saka muling tumingin si Jonas kay Arl. "May lakad pala kayo, mukhang wrong timing ang dating ko Arl."

"No, maaga pa naman."

"Ah, pero na-curious ako. Sinong mama. Ang alam ko..."

"No, Jonas. Mali ka sa akala mo. Buhay pa akong tunay kong ina."

"H-ha?" pagtataka ni Jonas. "Tunay mong ina? B-bakit? Akala ko ba..."

Huminga muna ng malalim si Arl bago nagpaliwanag. "Ang alam mo kasi, namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin. Hindi totoo yun. Nagkahiwalay lang kami ng tunay kong ina simula nang maipanganak ako. Ngayon, natagpuan ko na uli siya. Doon nga kami pupunta."

"Ah... Congrats pare. So lubos ang kasiyahan mo ngayon?"

"Tama ka dun pareng Jonas."

"Kamusta siya ngayon?" tanong ni Jonas.

"Ayon, masaya siya na malaman niyang may anak pa pala siya, ako. Na may kakambal ang anak niyang babae." bahayang nalungkot si Arl.

"E di maganda rin ang kapatid mo. Pero parang nalungkot ka yata?"

"Kasi, bago pa man, nawawala na ang kapatid ko ilang araw na. Iyon nga ang gagawin namin ngayon araw. Tutulungan ko ang nanay ko na maghanap sa nawawala kong kapatid."

Hindi maipaliwanag ni Jonas kung  bakit bigla niyang naisip si Jessica. Saka rumehistro sa kanyang isipan na magkamukha sina Arl at Jessica. "S-sandali nga. Anong pangalan ng kapatid mo?"

"Jessica pare."

Parang may kung anong sumabog sa utak ni Jonas nang marinig ang pangalang iyon. Hindi ba siya nagkakamali sa naiisip niya. "J-jessica?"

"Jessica Ramos." saka napakunot noo si Arl. "Bakit? Kilala mo ba siya?"

Hindi na nga maitatangging si Jessica nga na kaibigan niya na kaibigan at katrabaho ni Jesse na minsan nilang nakasama sa isang outing at minsan din niyang inihatid sa kanilang tirahan at alam niyang naging karibal niya sa puso ni Jesse ang tinutukoy na kapatid ni Arl.
-----

Ramdam ni Jonas ang higpit ng kapit ni Arl sa manibela habang pinapatakbo nito ang sasakyan patungo sa lugar ng kanyang ina. Kapwa sila tahimik at hindi makapagsalita sa mga nalaman nila sa isa't isa tungkol sa pamilya ni Arl.

Naka-tingin na lang si Jonas sa may bintana habang patuloy na umiikot sa kanyang isipan si Jessica.

"Si Jessica ang kapatid ni Arl. At ang tunay niyang ina ay si Juanita Ramos, ang kasama ni Tito Arman isang gabi na umiiyak sa pag-aalala sa nawawalang si Jessica.  Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Si Jesse sigurado mabibigla din iyon kapag nalaman niya. At higit pa roon, si Jessica, hindi malayong maging kamag-anak ko. Well, hindi ko man tunay na kapatid pero siguradong kapatid ni kuya Justin. Dahil nasabi ni Tito Arman nung isang gabi na si Aling Juanita ay dating kalaguyo ni Tito Ramon." nagtiim bagang siya. "Na naging dahilan kung bakit nagawa ni Mommy na mahalin ang tunay ko ng ama. Well, hindi na naman siguro ako kailangan pang magalit dahil masaya na ako at nabuhay ako." pansamantala siyang napa-ngiti ng maisip si Jesse. "Pero, kung ganoon, anak ni Tito Ramon si Jessica at Arl gaya ng pagkaka-kwento sa akin ni Arl kanina. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kuya Justin kapag nalaman niyang may kapatid siya, maliban sa akin?" napabungtong hininga siya. "Ang mas lalong inaalala ko ngayon, si Jessica. Kagaya niya nawawala rin si Marco. Nasisigurado kong may kinalaman dito si Tito Ramon." napatiimbagang siya. "Iyon ang kailangan namin malaman ngayon."
-----


Nagpaalam lang si Arl sa kanyang ina na hindi siya makakasama sa paghahanap sa kanyang kapatid. Naunawaan naman ni Juanita ang anak. Gayong mag-iiba lang naman sila ng lugar ng paghahanap sa nawawalang kapatid. Nang maging maayos na ang mag-ina agad na umalis sina Jonas at Arl.

"Sigurado ka ba pare sa sinasabi mo?" paninigurado ni Arl kay Jonas bago patakbuhin ang sasakyan.

"Malakas ang kutob kong malaki ang kinalaman dito ni tito Ramon, ang tunay mong ama. Arl."

"Kung totoo nga iyon pare, patawarin mo ako pero, baka kung ano ang magawa ko sa kanya kahit sino pa siya. Lalo kapag nasaktan si Jessica."

Napabuntong hininga na lang si Jonas. Wala siyang masabi sa sinabi ng kausap.

Tumakbo ang sasakyan patungo sa direksyon binibigay ni Jonas kay Arl.
-----

"Hindi dumalaw kagabi si Jonas ah. Hmmm mabuti nga iyon para naman maayos ang tulog. Paano, kapag sa bahay natutulog, hating gabi na ang lakas pa ring mangulit." napa-ngiti na lang siya.

"Jesse. Ngiti ka ng ngiti ah. Inspired?" pansin sa kanya ng katrabaho niyang lalaki.

"Ako inspired?" nagniningning ang kanyang mga mata. "Hindi no." pagsisinungaling niya.

"Hmmm kunyari ka pa. Si Jessica yan ano. Siguro binahay mo na kaya hindi na nagpapasok kasi..."

Mahina ang tawa ni Jesse. "Hindi nga kami nagkikita noon."

"Ah ganoon ba?" pagkatapos ay tumahimik na ang lalaki.

"Hmmm intregerong bagger na 'to." natawa na lang si Jesse sa naisip niya.
-----

"Sa iba daw sila maghahanap." unang sagot ni Juanita sa tanong ni Arman kung nasaan si Arl. "Mukhang kasama niya sa paghahanap yung kaibigan niyang si Jonas."

Natahimik si Arman. Naisip niyang maaring may maitulong si Jonas. "So tayo na lang dalawa?"

"Ganoon na nga siguro, pero sigurado ka ba talagang wala ka ng gagawin? Nasabi kasi sa akin ni Arl na kaya ka hindi sumabay sa kanya dahil may dinaanan ka sa hospital."

"Oo, pero tapos na iyon. Tamang-tama mas maraming naghahanap, mas madali nating mahahanap ang anak mo."

"Maraming salamat talaga Arman."

Napa-ngiti ng maluwang si Arman. "A-alam mo, kahit matagal na bago tayo muling magkita, tapos marami na sa atin ang nagbago, may hindi isa pa rin ang hindi nagbabago sayo."

Napa-yuko si Juanita. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng magkabilang pisngi sa hiya sa ipinahayag ni Arman. "H-ha?"

"Malambing ka pa ring magsalita tulad ng dati. Noong una tayong magkita."

"G-ganoon ba?" saka pinilit ni Juanita na tumawa. "Halika ka na nga, baka maubos pa ang oras natin sa kwentuhan." biro niya.

"O-ok. Tama ka."
-----

"Dito ba tayo?" tanong ni Arl nang ipahinto ni Jonas ang sasakyan. "Kaninong bahay ba ito?" Nang mapansin niya ang malaking bahay na ang kalahati simula sa baba ay nahaharangan ng mataas na pader. "Hindi ganito kalaki ang bahay namin." Aaminin ni Arl napa-hanga siya sa laki ng bahay kung saan sa tapat noon nakaparada ang sasakyan niya.

"Sa tunay mong ama." simpleng pahayag ni Jonas.

"A-p." parang nabulunan si Arl nang marinig iyon kay Jonas. "You mean, bahay mo 'to? Pare, simula nang magkakilala tayo noong high school, hindi mo pa ako dinadala dito. Ganito ka pala kayaman."

"Ang bilis mo namang makalimot Arl. Oo dyan ako nakatira, dati!" pinakadiinan ni Jonas ang hulign salita niya. "Pero hindi sa akin yan, sa tunay mong ama yan. At malamang kay kuya yan. I mean sa kapatid mo."

Muling napa-tingin si Arl sa mataas na pader. "Kahit hindi ko naranasan na tumira sa bahay na 'to, wala akong pinanghihinayangan. Kontento na ako sa magandang buhay na ibinigay sa akin ni Daddy. Lalo pa ngayong nakita ko na ang tunay kong ina." saka muli siya tumingin kay Jonas. "Papasok ba tayo dyan?"

"Ako na lang muna siguro. Ikaw? Pero, gusto ko ring makausap si Tito Ramon."

"Ikaw ang bahala. Pero kapag tumagal ka sa loob susunod ako." sabi ni Arl.

"Kaw ang bahala. Hindi ka naman kilala ni Tito Ramon eh."

"No, kilala na niya ako." napansin ni Arl ang pagka-bigla ni Jonas sa sinabi niya kaya agad niyang dinugtungan ang kanyang sinabi. "Na anak ni Daddy, pero bilang anak niya kay Mama hindi pa."

"Ah... Sige, baba na ako. Dito ka lang muna. Sana nasa loob si Tito."

Bumaba si Jonas sa kotse. Nang mapatapat siya sa harapan ng mataas na gate, napabuntong hininga siya. "Sana tama ang gagawin ko. Sa pumanig sa akin ang pagkakataon."
------


"Jesse, pinapatawag ka ng boss sa office niya." balita sa kanya ng lalaking kanina niyang kausap. Kasalukuyan siyang nagba-bag ng mga items.

"Bakit daw? Kailan ba? Mamaya bang break time?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ewan ko Jesse. Pinasabi lang sa akin nung matandang gurang. Ngayon daw mismo. Ako muna mag-isa dito."

"Sige. Bakit kaya?" bigla niyang naitanong sa sarili.
-----

"Tito Ramon," tawag ni Jonas nang makita niyang nakasalampak sa mahabang sofa si Don Ramon. Naisip niyang parang kahapon lang tagpong iyon.

Agad napalingon si Ramon. "Ikaw na naman? Wala pa akong balita kay Omar."

"Ganoon po ba?" nilakasan ni Jonas ang loob sa susunod na sasabihin. "K-kaya wala pa rin kayong balita kay Jessica? Sana mali ako."

Kanina pa nagbawi ng tingin si Ramon kay Jonas pero nang marinig niya iyon kay Jonas ay tila nag-usok ang tenga niya. "Anong ibig mong sabihin." Tumayo si Ramon para harapin si Jonas.

Lihim na suminghap ng hangin si Jonas para magkaroon ng katatagan. Alam niya kung paano magalit si Tito Ramon niya. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking sa kabila ng edad ay makikita pa rin katipunuan ng pangangatawan, ng tindig. Kitang-kita niya ang panlilisik ng mga mata nito. "Tama ako di ba?"

"At paano mo nalaman?"

"Wala akong balak sabihin kung paano ko nalaman pero ang gusto ko ilabas mo na si Jessica."

Natawa si Ramon. Tawang nakaka-insulto. "Kung makipag-usap ka, para bang may nasasandalan ka kaya ang tibay ng buto para sabihan mo ako ng ganyan. Baka nakakalimutan mo Jonas, kung sino ako."

Sa halip na sumagot sa sinabi ni Ramon ay ipinagpilitan pa rin ni Jonas na ilabas niya si Jessica. "Nasaan si Jessica?"

Naningkit ang mga mata ni Ramon. "Ginagalit mo ba ako?"

"Gusto ko lang ilabas mo si Jessica."

"Anong pakialam mo kay Jessica?"

"Nasaan po si Jessica?" nilagyan na niya ng paggalang ang pagtatanong niya. Hindi dahil sa natatakot siya kundi kahit papaano sa paggalang at baka maaring mapakiusapan.

Muling natawa si Ramon. Umikot ito pabalik sa pinanggalingan at may kinuha. Napalunok si Jonas nang makita kung ano ang kinuha ni Ramon.

Kinasa ni Ramon ang hawak-hawak nitong baril. "Tignan kung hanggang saan ang tigas ng buto sa baril na ito Jonas. Hindi ako mangingiming patamaan ng bala nito." Nanatili lang tahimik si Jonas. "Ngayon, kung hinahanap mo si Jessica na nagpapanggap na anak ko, sigurado akong patay na iyon. Alam mo naman Jonas na ayoko ng balakid sa buhay ko at sa buhay ng anak ko."

"Ibig sabihin ba noon Tito Ramon, kailangan ko ng magpasalamat sayo hanggang ngayon ay buhay pa ako?" tumawa ng nakaka-insulto si Jonas.

"Good. Naiisip mo pala yun. Kaya lang, hindi ko naman na kailangan gawin pa yun dahil..." mas malakas ang tawa ni Ramon. "Kaunti na lang namang panahon di ba, Jonas?"

Alam ni Jonas ang ibig sabihin ng Tito Ramon niya. Hindi niya mapigilan mapaluha. Nasaktan siya dahil sa pagiging lubusang masama ni Ramon. "Kaya pala. Kaya pala, hinahayaan niyo na akong lumaki sa bahay na 'to kahit alam kong sukang-suka na kayo sa akin. Kaya pala."

"Oh bakit naiyak na ang nagkukunwaring matapang?" sabay tawa ni Ramon. "So tama ako di ba Jonas? Malas mo, pero magpasalamat ka na rin kasi umabot ka pa sa ganyang edad. Mukhang mauunahan mo pa ako."

Bumuntong hininga si Jonas. "Nasaan na si Jessica."

Nagpanting ang tenga ni Ramon nang para bang walang interes si Jonas sa mga sinasabi niya. "Gusto mong bang sumunod na ngayon sa kanila?" nanlalaki ang mga mata ni Ramon. Tila nawawalan ng bait kung umasta ito.

Pero hindi nagpatinag si Jonas. "Kapag hindi mo inilabas si Jessica, lalabas ako dito sa bahay na ito diretso para isumbong ka kasamaan mo."

"Ay gago kang bata ka." sabay kalabit sa gatilyo ng baril.

"JOnas!"
-----

Natatagalan si Jesse sa paghihintay sa isang bench na naka-pwesto sa harapan ng pintuan ng office ng kanyang boss. Pinaghihintay pa kasi siya.

"Mas maganda na siguro ang matagal para sulit ang pahinga. Tama." napa-ngiti na lang siya.
-----

"Jonas!" sigaw ni Arl. Agad niyang hinila si Jonas nang makita pa lang niyang itinutok ni Mr. Jimenez ang baril kay Jonas at iniharang niya ang sarili dito. Pero huli na ang lahat para dalawa silang makaligtas nang pumutok ang baril.

Gulat na gulat din si Ramon nang biglang sumulpot ang isa pang lalaki na humarang kay Jonas. Kitang-kita niyang bumagsak sa sahig ang dalawa.

"Arl." si Jonas. Saka niya napansin ang umaagos na dugo mula sa bandang baba ng balikat nito. "Arl." para siyang maghe-hesterical. Buti na lang at pinahinahon niya ang sarili kaya hindi siya nagpanic.

Agad siyang tumayo para buhatin ang nakadapang si Arl na nawalan ng malay. Kailangan niyang madala agad ito sa hospital.

Habang inilalabas ni Jonas si Arl, naiwan si Ramon na nakatulala.
-----

"Pasok ka na raw." sabi ng secretary ng boss nila. "Pogi mo naman." pahabol pa ng flirting babae nang dumaan siya sa tapat nito.

Hindi niya pinansin ang babae. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok. Nakakuyom ang pareho niyang kamay sa nerbyos sa kung ano ba ang kailangan sa kanya ng kanilang boss. Kanina pa niya iniisip kung ano ang nagawa niyang pagkakamali. "S-sir, ipinatawag niyo daw po ako?"

"Maupo ka."

May isinusulat si Sir James nang maupo si Jesse.

"Gusto ko lang matanong ng personal sayo kung bakit hindi pumapasok si Jessica?" Tanong ni James nang matapos magsulat. "I-i'm sorry kung... medyo, parang personal ang tanong ko. Pero... ikaw kasi ang kasama niya lagi at... ang totoo kahit hindi ko pinapakinggan, naririnig ko sa mga tao sa labas na pinag-uusapan kayo, kesyo bagay kayo, kayo daw siguro. Wala akong pakialam doon personal na yun kaya lang hindi na siya ma-contact ng opisina kaya personal ko na lang tinatanong sayo." mahabang pahayag ni James.

Nakahinga ng maluwag si Jesse na hindi pala siya tatanggalin. Pero medyo nahiya siya nang malaman sa boss pa niya mismo na may kumakalat pa lang isyu tungkol sa kanila ni Jessica. "S-sir, hindi ko nga rin po alam kung bakit hindi pumapasok si Jessica. Ang alam ko lang po ay hindi pa siya umuuwi gaya ng sabi ng ina niya."

Nagsalubong ang kilay ni James. "Hindi pa nauwi?"

"Opo Sir."

Huminga muna ng malalim si James. "Hindi naman kasi ako ganon kahigpit na boss niyo Jesse..."

Nakaramdam pagka-asiwa si Jesse sa pagtawag na iyon ng kanyang boss. Simple, parang ang tonong magkakilala talaga silang dalawa.

"...pero dahil hindi na siya pumapasok at ilang araw na lang isang linggo na, natural lang na matatanggal na siya sa trabaho niya. Pero, gaya nga ng sabi ko, gusto ko muna masigurado kung bakit hindi na siya pumapasok. Alam ko naman ang hirap ng buhay ngayon, kaya maaring mabigyan ko pa siya ng pagkakataon."

"Salamat Sir dahil meron kayong... marunong po kayong tumingin sa mga katulad namin. Pero Sir, wala po talaga akong alam eh. Hayaan niyo po, aalamin ko pag-uwi ko mamaya. Di-deretso po ako sa bahay nila."

"Ikaw ang bahala, pero bibigyan ko na lang siya ng palugit hanggang sa lunes."

"Sige po Sir."

"Sige maari ka ng bumalik sa trabaho mo."

"Salamat po." Saka umalis si Jesse sa harapan ng boss. Lumabas siya ng opisinang iyon na may magkahalong emosyon. Natutuwa siya dahil nawala ang ikinatatakot niya. Nalulungkot naman siya para kay Jessica. Hindi na nga niya napansin ang parinig ng sekrretarya ng boss niya. Cute daw siya.
-----

www.facebook.com/BGOLDtm
fan page

5 comments:

Anonymous said...

nyaaa, c art ang nabaril na hindi nya alam na anak nya,,, tsk tsk.may malubha bang sakit c jonas, wag nmn sana, at sana di malala ang tama ni art,sabi kona eh c james ang boss ni jesse..............jack21

RJ said...

hmmmmm...ayan na. magtatago na yan si ramon haha!

sir bakit ganun? sino ba yun si james, si justin ba yun?

:D keep it up sir!

wastedpup said...

Wala ako iba masabi... Two thumbs up sa iyo Ash. :)

ram said...

Sino ba si James? ano naman ang papel nya sa kwento maliban sa boss ni jesse? may taning na ba ang buhay ni Jonas?

Jaceph Elric said...

Galing talaga ni sir ash. Sa tagal kong sumusubaybay eh masasabi kong panalo ang mga chapter. Malate man ang posting may pasabog naman pag na post ang next :).

Almost a year na din.

Erwanreid.blogspot.com -> bgoldtm.blogspot.com.

Nice. God Bless :)