Followers

CHAT BOX

Saturday, August 6, 2011

MY LIFE'S PLAYLIST (chap 9)


Author's Note: Pasensya na po sa late updates. Kung nabasa nyo naman po yung past entries ko eh nabanggit ko pong may thesis ako. At syempre po tulad ng sabi ng mga ibang students ang thesis ay nakakasira ng trippings at kung anu anu pang kasiyahan. ahahahah jokes lang pero syempre study first. Paalala ko lang po pala, The story is purely fiction. Some events might have been inspired by real events or other stories, novel, movie or song but that's as far as it goes. Hindi po ito story ng buhay ko, natripan ko lang gamitin ang name ko. Syempre, ang sarap kayang makita name mo sa isang story ahahahaha. Kung gusto nyo po suggest po kayo ng names para sa susunod na book ng MY LIFE'S PLAYLIST. di ko na kasi nabalikan ang kwento ni eman, at kung bakit nagkagulo talaga si kirk at kian. Maraming salamat po sa readers. Kayo ang lakas ko. :)



-------------

And everything as I knew it changed.

Pagkakagising ko nakikita ko agad ang mga text nya na:
~Hoy gising na!

Miss na kita eh heheheh :)

~ I ♥ u

Then right before lunch mare-receive ko:

~ kumain na ba mahal ko?

~ if you want kain tayo before class, just to make sure na bochog ang mahal ko ahahaha

At before class makikita ko na sya sa ilalim ng puno ng mangga, at lumilingon-lingon na parang may hinihintay o hinahanap. Sa totoo lang nagtataka ako kasi usually late sya sa klase or saktong sakto lang sa oras, but I admit it, natutuwa ako hihihi…

Pagkakakita nya sa akin niyayaya nya akong kumain sa may canteen at hahatakin nya ako sa kamay. Medyo nabubwisit ako kapag ginagawa nya yun pero nung nagpaliwanag sya bakit nya ako hinahatak sabi nya, “Hehehehe sorry lang, gusto lang kita i-holding hands ng di halata!”

Habang sinasabi nya yun kinakamot nya ang ulo nya at nakatungo sya. Tipong mukhang nahihiya talaga. Haist kakilig. Lately paulit-ulit ako ng pagsasabi ng kakakilig, mahirap na atang tanggalin ‘to sa habits ko.

Sa classroom magkatabi na lagi kami. Sa sobrang kulit namin at pigil na tawa habang magkatabi sa klase nabiro kami ng prof namin na para kaming may sariling mundo o di kaya naman may relasyon daw kami. Sa isip isip ko lang, “prof totoo! Meron talaga, how did you know?” ahahahaha pero syempre di ko pwedeng gawin yun.

After ng klase habang naglalakad papuntang computer shop a.k.a tambayan, todo akbayan. Tipong parang lasing lang na naglalakad na magkaakbay. Pag nasa computer shop na kami dapat magkatabi ulit kami at sa laro kita kita ko ang tuwa nya kapag magkakampi kami at ang simangot nya kapag magkalaban kami.

Kapag uwian na super text sa isa’t isa just to know kung nakauwi na. Tapos text text ulit kung nakapagdinner na. Ganun ulit just before we go to sleep.

And the routine starts all over again.

I think ito ang routine na di ko pagsasawaang ulit ulitin.

---------------

Sa school ang daming assignments pero di ko alitana, inspired eh.

“Ikaw na inspired” sabi ng isang side ng utak ko.

Sagot ko naman, “I know, right?!”

Potek yan baliw baliwan na ako. I guess I just can’t help myself from being too happy all of a sudden, after all, I know for a fact that I deserve to be this happy.

“Arrraaayyy!!! Sinong may gawa nun?” pasigaw kong nasabi nung biglang may tumamang maliit na bagay sa noo ko.

"hahahaahahaha!!!" tawanan ng mga classmates ko. at yung iba pigil pa ang tawa.

“Mr. Chua I see that you just came back to this world, so how was the dream world?” ang sarkastikong tanong sa akin ng prof ko.

“Ahh sorry if I spaced out, it won’t happen again.” Ang paghingi ko ng despensa sa prof ko.

“I hope so Mr. Chua. The next time I see you like that I will deduct some point from your grade” pananakot ng prof ko. Well I guess I derseve that. Sobrang nakakahiya yung moment na yun. Grrrr kakapikon ka KIRK CHUA!!! Focus! Focus! Focus!

“Mukhang lutang na lutang ka kanina huh…” biro sa akin ni Kian.

Kalapit ko ng upuan si Kian kasi kagrupo ko sya sa subject na ‘to. Well I guess I really don’t care much about the past now. May Rex na ako. Parang ganito lang kasi yan, “He loved me at my worst. You had me at my best. But binalewala mo lang lahat yun. And you chose to break my heart.” Nakawan ko ba daw ng linya si john llyod. But then again sa utak ko lang yan.

“Ah may bo… I mean may kasambuhay na kasi ako eh. Di ko mapigilang isipin.” Sagot ko kay Kian.

“Ahhh ok” maikling tugon nya. At after nun nagtaas sya ng kamay at tumayo.

“Mam can I please be excused. Emergency lang po.” Tumayo sya at lumabas ng room after tumango ang prof namin.

“What’s wrong with him?” tanong sa akin ni Liezel.

“Malay ko?!” sagot ko sa kanya.

Mula ng moment na yun parang sya naman ang lumalayo sa ‘kin. Kung kelan ok na ako sa kanya tsaka naman sya gumaganun ng drama. Palaka sya!

-----------------

“This is it!” sabi ko habang nakaharap sa salamin bago pumasok. Saturday ngayon, ang araw nang reunion ng family ni Rex. As promised kasama ako dun. I already picked out my best outfit, pati ang pabango ko naka-ready na rin. Nagbaon na rin ako ng konting damit in case mag-overnight ako sa kanila kung gagabihin kami dun.

When I reached school nakita ko silang nagsusulat at nag-aabang sa iisang yellow pad. Isa lang ang malinaw na meaning nun. Walang klase at nagpa-attendance na lang si Sir Alcantara.

“Wag ka nang makipila dyan naisulat ko na name mo with pirma.” Biglang pag-akbay sa akin ni Rex mula sa likod ko.

“Potek ginulat mo ko. Alam mo namang magugulatin ako eh.” Sagot sa kanya.

“bakit ka naman nagugulat. Eh ‘tong mukha bang ‘to dapat ikagulat?” sagot nya habang nagpapa-cute sya.

“Oo naman. Sinong di magugulat sa mukha mo, eh parang isang anghel na bumaba sa lupa. Kala ko tuloy sinusundo na ako papuntang after life.” Sagot ko with matching sundot sa tagiliran nya.

“Weh ang cheesy mo!” sagot nya sabay ganti ng kiliti sa akin.

“Handa akong maging cheesecake para lang sa ‘yo!” sagot ko sa kanya.

“bakit naman cheese cake?”

“Eh di para sweet na cheesy pa, at pahabol na lang yung cool pa…” sagot ko sa kanya with matching kindat.

“Hoy friend hayagayan nyo ba talagang gagawin yan?” tanong nang taong nasa likod namin.

“Wah Rein sorry naman.” Sagot sa kanya.

“Friend ikaw huh. I thought you were ignoring me but now it’s clear to me. Di mo na kailangan magpaliwanag.” Sabay kindat.

“Wah it’s not what you think?!” sagot ko with matching akbay kay Rein at nilayo ko sya sa pwesto namin.

“Sus friend. It’s ok with me. Di ba ako ang dakilang confidant mo. Last time sabi mo magpapakalalaki ka na, but if this is what makes you happy eh di gorabels!” sagot nya sa akin na may follow up na kurot sa pisngi.

“Hoy! Reina! Anu yan?” biglang pag-interrupt ni Rex.

“Ay jelly si bf mo. Pasado yan sa standard ng good bf. Good luck friend!” bulong sa akin ni Rein.

“Sus Rex bestfriend ko yan si Rein. At alam nya na.” mahinang sabi ko kay Rex.

“Waahhhh! Bakit mo sinabi? Kala ko ba secret natin ‘to.” Pagpapanic ni Rex.

“Don’t worry. She’s good with keeping secrets. Pasalamat ka inistorbo nya tayo. Kasi kung nagkataon tayo na nagbulgar sa atin dahil sa ka-cheesy-han natin kanina.”

“hmmmm ganun ba…” obvious na relieved na si Rex.

“Wahhhh salamat bisprin Rin!!!” biglang paghawak ni Rex sa kamay ni Rein with matching shake hands manner.

“Aysus! Basta wag kasi kayong pa-obvious! Wag PDA kahit ganyan lang kung sikreto ever nyo yan. Mga BEKsfriend ko talaga…” payo sa amin ni Rein.

“HOY LALAKE AKO!” sagot namin pareho ni Rex kay Rein.

“oh easy lang! Joke lang yun. Eh di kayo na ang lalaki! You already! Kayo na!” sagot ni Rein na super natatawa.

“Oo kami na talaga. As in kami na talaga!” sabay akbay sa akin ni Rex.

This moments talaga pakiramdam ko mamamatay na ako sa kilig. Parang nanghihina ako sa akbay nyang yun. Tapos ganun pa sinabi nya. Ah tinamaan ako ng shot gun ni Cupid! At oo shot gun or maybe canyon pa nga eh. Ang lakas ng tama sa heart ko.

At nabasag na naman ang tawanan namin ng biglang may kumalabit sa likod ko.

(Grabe sa amin noh puro nanggugulat mula sa likod. So bawal sa amin ang may heart attack. Ayun ang isang purpose ng medical exam sa colleges. Jokes!)

“Hoy Kirk may grouping tayo mamaya sabi ni Liezel!” parang bored na parang bwisit na parang ewan na may chilling feel na pagkakasabi ni Kian. Parang hinugot sa ilalim ng earth ang lalim ng voice.

“Ay sorry pre may lakad ako. May lakad kami ng family ko. Pakisabi pasensya na. Super duper mahalaga lang na nandun ako at di ko pwede i-cancel.” Sagot ko kay Kian na may kasamang dramatic effect.

“Ah ganun ba. Sige sasabihin ko na lang kay Liezel. By the way kung hahabol ka, sa bahay namin ang grouping.” Pahabol ni Kian.

“Ah ok! Salamat ng marami!” sagot ko kay Kian.

Mula naman sa sagot kong yun hinatak ako ni Rex papunta sa dulo ng hallway. Habang naglalakad kami papalayo kumaway na lang ako kay Rein para magpaalam. Nang makarating kami sa dulo ng hall lumiko kami papuntang janitor’s room. Pagkakarating namin dun niyakap ako ni Rex ng mahigpit.

“Wah di ako makahinga Rex. Medyo loosen up the hug. I love the hug pero medyo ipit lang yung chest ko” nasabi ko habang tinatapik ang likod ni Rex.

Kumalas sya sa pagkakayakap at humarap sa akin habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. Pagharap nya sa akin kitang kitang tuwang tuwa sya na medyo teary eyes na at sinabi nya na “Di ko akalaing mas uunahin mo ang reunion ng family ko kaysa sa thesis nyo!”

Medyo na-shock naman ako dun. Niyakap ko ulit sya at binulong sa tenga nya, “syempre pamilya ata yun ng bf ko!”

“ahhhh….” medyo paungol kong ingay. Bigla nya kasing kinagat tenga ko.

“Adik ka bakit mo yun ginawa?” tanong ko sa kanya habang di pa rin kumakalas sa pagkakayakap.

“Wala lang. Di ba nagustuhan mo naman?” sagot sa akin ni Rex.

“How sure are you?”

“Eh dahil dito!!!”

Bigla ko syang nabigyan nang malupit na kurot sa tagiliran.

“Aw what was that for?” tanong na medyo natatawa.

“Ehh adik ka eh! Ambastos mo!” sagot ko sa kanya at based on the heat I’m feeling nagbublush ako. Ganitong ganito kasi yung feeling ko pag nangyayari yun eh.

“Sus ako pa bastos eh junjun mo yung nagising!” natatawang sagot ni Rex.

“Wah gagu ka pala eh ikaw may kasalanan nito!” pasigaw na sagot ko sa kanya at nagsimula akong mag-walk out. Honestly sobrang napahiya ako. Mas malala pa ‘to compared dun sa binato ako ng chalk sa noo nung nakaraang araw.

Hinabol ako ni Rex at pinigilan sa pamamagitan ng pagyakap mula sa likod ko.

“Sorry naman. Joke lang yun. Di ko kasi mapigilan eh. Masyado akong natuwa sa ‘yo!”

“Hmpft! Ganun ka ba matuwa? Well I don’t like it.”

“Sorry na po. “ kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at lumuhod sa harap ko.

“Sorry na talaga!” pagsusumamo ni Rex habang naka-pout pa sya.

Badtrip naman kasi eh. Ang hirap magalit sa mokong na ‘to. At epal di naman kasi ang automatic body reactions or should I say Involuntary reaction ng katawan. But then again, tao lang ako di ba?

“Tumayo ka nga dyan! Kung di lang kita bf baka inupakan na kita eh.” Sagot ko sa kanya na badtrip tone pa rin.

“Wow love mo talaga ako!” sagot nya sa akin na tuwang tuwa. Tumayo agad sya at niyakap ulit ako.

“Ahemmmm..” sabi ng manong sa di kalayuang lugar.

“Ay pasensya na po manong alis na po kami…” paghingi ko ng dispensa kay manong janitor.

Potek ang daming panggugulat today. Phew takbo mode kami ni Rex palayo sa janitor’s room. After namin magtatakbo nagpahinga muna kami sa canteen.

---------------------

“Di ka ba nawe-weirdo-han?” tanong ko kay Rex.

“Saan?”

“sa ‘tin.”

“panong sa ‘tin?”

“as in sa relasyong ‘to?”

“elaborate….”

“wow English!”

“naman!”

“back to the topic nga!”

“English rin oh!”

“adik!”

“hmmm sa totoo lang naninibago. Syempre this is my first relationship with a guy. Pero somehow pag kasama kita, kausap kita, ‘pag naghaharutan tayo o nagkukulitan, I tend to forget all those things.”

Nung sumagot sya ng ganung kaseryoso parang iba ang tingin ko sa kanya. As if parang ang mature nya. Parang di talaga sya. Sa totoo lang parang may liwanag sa langit na lumusot sa bintana na sakto sa kanya na parang spotlight at lalong na-enhance ang kagwapuhan nya.

Sa sagot nyang yun nakasigurado na ako, I will breakdown all my walls na. Di ko na kailangan mangamba. Sabi nga ni Ai ai sa ANG TANGING INA, THIS IS IT!!!

Hinawakan ko ang kamay nya at sinabi kong “Salamat! Di ko alam pero ganun din ako. Nawawala ang takot sa lahat. Kumbaga sa DOTA para akong si SVEN, na naka-god strength na kumpleto ng gamit.”

(Para po sa di naglalaro ng dota, si Sven po ay isang karakter dun. Para sa akin isa yun sa pinakamagandang gamiting heroes. Itanong nyo na lang po sa ka-close nyong dota player.)

“So kung magkataon dumating ang panahon na kailangan na nating sabihin sa magulang natin ok lang?” tanong ni Rex. Kitang kita ko ang pagseryoso nya. Shet minsan ko lang ‘to makita. Ang sarap picturan men. Wahhhh mas nahuhulog talaga ako. Everyday may bago sa kanya. Haist…

“If you’re ready then I’m ready. Kung di man sila pumayag handa akong magsimula ng buhay na tayong lang. Malapit na rin tayo gumradweyt eh.” Sagot ko sa kanya.

“Don’t worry if that ever happens I’m ready for it. Sa totoo lang meron akong small business na nasimulan. Mula yun sa naipon ko dati.” Ang nakakagulat na sagot ni Rex.

“Weh ipon mula saan?”

“Siguro naman napagtanto mo na rin na I’m from a well of family.”

“Well obvious yun dati pa, pero di ko expected na may business ka.”

“Ganito kasi yun, dati dapat private school ako. Ang budget na binibigay sa akin for tuition ay P70,000.00 per sem. Up until nalaman ng parent ko na sa state university ako nag-enrol at nalaman nila na 1/7 lang ng budget ang napupunt talaga sa tuition.”

“Wah! For how long?”

“Till third year.”

“Wah!!! Grabe men ang laki ng ganun!”

“Yup pero marami na rin ako nagasta”

“Wah almost P300,000.00 ang ipon mo dapat!”

“Ganun na nga.”

“So anu naman yung business mo?”

“Mobile reloading, sio mai stall na may pinapaswelduhan na ako na tagatinda, at nakipartner ako sa katropa ko sa isang computer shop”

“Wah ang galing mo pala! Grabe ka!”

“Well sinwerte ka ata sa bf mo. Hmmm masyado ka ngang sinwerte!”

“Wew marami ka pang di alam sa akin. Kung alam mo lang kung gano ka kaswerte!”

“Weh? Sige nga, tell me!”

“Marunong ako magluto, magplantsa, maglaba, magtiklop, maglinis ng bahay, magligpit at marunong din ako ng onting ibang lengguahe.”

“Wow para pala akong nagkaron ng wife!!!”

“Hala wife talaga?”

“Oo! Bakit ayaw mo ba akong husband?”

“Bakit sinabi ko bang hindi?”

“Adik ka rin talaga!”

Pagkakasabi ni Rex ng ganun hinawakan nya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko. Natuwa naman ako ahahahaha. Konti lang kinain namin nung hapon na yun umalis na kami ng canteen. Pinuntahan na rin namin yung motor nyang naka-park sa mall.

------------------



------------------
After maitabi yung onti kong gamit sa kasama ng motor niyaya ko muna syang maglakad lakad lang.

“Hmmm anu nang gagawin natin ngayon?” tanong ni Rex.

“Wala lang. Mahaba pa naman oras natin eh.” Sagot ko sa kanya.

Di katagalan biglang bumuhos ang ulan.

“Potek ang lakas ng ulan! Tara sumilong na tayo!” pagyaya ko sa kanya.

“Wag kang magagalit pero trip kong maligo ngayon sa ulan!” sabi ni Rex with matching smile na naman na para bang nagsusumamong samahan ko sya.

“Eh di maligo na nga sa ulan” ang para bang walang pakialam kung anung mangyayari kong sagot.

Bakit ganun parang ang dali na ng lahat. Kung makikita ako ng sarili ko last year babatukan ako nun at sasabihan ng “Hoy Kirk gagu ka ba! Balak mong magkasakit!” but then again di ko naman makakausap ang dating ako. At for sure kung makakausap ko sya at malalaman nya kung gaano ako kasaya, maiintindihan nya na rin ang lahat at di na ako aawayin pa.



Ganun na nga at nasa ulanan kami sa likod ng mall sa may parking lot. Naghahabulan at nagsasayaw na para bang may sinasabayang music. Mukha kaming tanga para sa iba, pero this moments is simply perfect.

2 comments:

Anonymous said...

nice chapter,, keep it up dude!,,,jack21

wastedpup said...

Am so happy for kirk and rex. I feel sorry for kian pero bakit naman kasi sinaktan nya si kirk gayong mahal naman pala nya at nasasaktan xa ng palihim... Pride at pagsisisi nga naman.