Followers

CHAT BOX

Wednesday, May 25, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 50

"Ivaaaaaaan..." muli niyang sigaw. Nakita pa niyang umikot si Ivan sa likod ng sasakyan salabas ng bakuran nila Mico. "Kasama ba yan sa mga pananakit mo sa akin?"


Biglang lumitaw si Ivan pero nasa pagitan nila ang unahan ng kotse. "Anong pananakit ka dyan?" natatawang siya. Kitang-kita niyang naglalakihan ang mga butas ng ilong ni Mico.

Tumaas pa ang kilay ni Mico. "Nagmamaang-maangan ka pa?"
Napa-kamot sa ulo si Ivan. "Nagmamaang-maangan naman ako ngayon. Kanina nananakit. Eh ang alam ko ikaw ang madalas manakit sa akin ah?"

"Aba!" napatingala si Mico sa sinabi ni Ivan. "Ako pa ang nananakit ah?"

"Oo. Di ba madalas mo akong hampasin ng unan?" sabay tawa. "Pananakit kaya 'yun."

"Namimilosopo ka ba? Hindi ako natatawa."

"E hindi naman ako nagpapatawa ah. Nagsasabi lang naman ako ng katotohanan, na ikaw ang nananakit. Tama?"

"E hindi naman yan ang ibig kong sabihin eh."

Tumawa si Ivan ng malakas. "Ganoon ba? Hindi mo kasi nililinaw eh."

Nayayamot si Mico. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang siya ni Ivan. Lahat ginagawang biro. "Galit na galit na talaga ako sayo."

"Hala. Ako na naman!"

"Ikaw naman talaga eh." naiyak na si Mico. "Ikaw naman talaga kasi eh..."

"Kaya ba namamaga na naman yang mga mata mo kasi dahil sa akin?"

"Nagtatanong ka pa. Oo ikaw na ikaw."

"Bakit ako?" maang-maangan na naman ni Ivan.

Todo naman sa paliwanag si Mico habang umiiyak. "Sabi mo kasi mahal mo ako eh..."

"Hindi ko pa nga nakakalimutan eh, na sinabi ko yun." pagmamayabang ni Ivan.

"E bakit nag-asawa ka na?" tumalikod si Mico at nagpunas ng mga luha.

Sumiryoso si Ivan. "Iniwan mo kasi ako."

Natahimik si Mico. Iniisip niya na kasalanan pala talaga niya. "E-eh kasi..." Muli siyang humarap kay Ivan. "Kaya kong magpaliwanag..."

Umiling-iling si Ivan. "Ay, hindi ko na kailagan Mico ang paliwanag mo. Sorry. Hindi mo na kailangan."

Napayuko si Mico. "So... h-hindi mo na ako m-mahal?" Naghihintay ng sagot si Mico pero wala siyang naririnig mula kay Ivan. Nagtataka siya, kaya napaangat siya ng tingin para makita kung ano ba ang reaksyon nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang naka-ngisi lang si Ivan. "Nagtatanong kaya ako." sigaw niya. "Nakakainis ka."

"Bakit na naman?"

"Ewan." at muli na naman siyang tumalikod para tumakbo papasok ng bahay.

"Sandali." awat ni Ivan. Lumapit kaagad si Ivan kay Mico at hinawakan ito sa braso para pigilan. "Ako nga ang dapat magtanong sayo."

Umiwas ng tingin si Mico kay Ivan. "A-ano naman ang itatanong mo?"

"Tulad ng tanong mo. Kung ako ba, hanggang ngayon mahal mo ako?"

Sumagot si Mico nang hindi tumitingin kay Ivan. "Bakit kailangan mo pang malaman eh may asawa ka na."

Muling natawa si Ivan. "Asawa ka dyan."

"Bakit ka ba tawa ng tawa. Nakikita mo na ngang umiiyak na ako eh..."

"Eh sino ba kasing may sabi sayo na may asawa na ako?"

Napatitig si Mico sa mga mata ni Ivan. "B-bakit ka may baby?"

Napa-tingin sa taas si Ivan kasabay ng pagbuntong hininga. "May hawak lang na bata, nag-asawa na? Excited pa naman sana akong ipakita sayo 'yung baby. Kaya lang bigla mo akong tinaguan eh."

"A-anong ibig mong sabihin... hindi sayo 'yung baby? Kanino? Bakit nagkaroon kayo ng baby?"

"Sandali... ang dami mo namang tanong eh. Gusto ko ako muna ang magtatanong bago ko ipaliwanag. Ok?"

Tumango si Mico. "Sige."

Hinawakan ni Ivan ang magkabilang balikat ni Mico. "Mahal mo pa rin ba ako? Kahit mahigit sa dalawang taon na ang nakakalipas." 

Kapansin-pansin kay Mico ang pagiging siryoso ni Ivan. At paunti-unti ang pamumungay ng mga mata nito. "Naiiyak ka ba?" Ewan ni Mico bakit bigla niyang naisatinig iyon. 

"So? E namiss kita ng sobra eh." tuluyan na ngang naluha si Ivan. "Kung alam mo lang Mico kung gaano kasakit sa akin na bigla ko na lang malalaman na wala ka na. Asang-asa pa naman ako na makikita kita, galing ko sa school... ang akala ko, iniwan mo ako dahil hindi mo ako mahal. Parang... hindi ko maintindihan ang mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko, kung bakit mo ako iniwan. Dahil kung kelan ko sinabi sa sarili kong ikaw na ang mamahalin ko, kahit itakwil pa ako ni Mama, ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sayo." Huminga ng malalim si Ivan. "Saka ko na lang nalaman ang katotohanan kung bakit ka umalis. Nalaman ko rin mismo kay Mama na siya ang nagpaalis sayo."

"Gusto ko ngang magpaalam muna sayo pero pinigilan nya ako."

"Ang sabi ko hindi mo na kailangang magpaliwanag."

Napayuko si Mico.

"Pero, Ok na ang lahat. Hindi na tututol si Mama. Naisip niya sigurong pinaninindigan ko talaga ang mahalin ka Mico. Sinikap kong makatapos sa pag-aaral. Kung pwede ko nga lang hilahin ang mga araw gagawin ko para lang muli kitang makita."

"Bakit hindi mo ako pinuntahan dito?"

"Patawarin mo ako kung hindi ko yun ginawa. Kasi mas pinili kong maipakita muna kay Mama na makatapos ako sa pag-aaral."

"Sandali, pati pala yung facebook mo biglang naglaho..."

"Sinadya kong i-deactivate ang account ko. Alam ko kasi na yun ang gagawin mong paraan para magkaroon tayo ng contact."

Kumot ang noo ni Mico. "Ganun? E di ayaw mo akong makausap pala noon?"

"Hindi naman... sa sobrang miss ko kasi sayo baka hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan kita dito kapag narinig ko ang boses mo o mabasa ko man lang ang mga mensahe mo sa internet. Baka sa pagsunod ko sayo dito eh hindi ko maipakita kay Mama na deserving ako sa gusto ko, na mahalin ka."

Hindi naitanggi ni Mico ang kilig na kanyang naramdaman. Agad siyang nagbaba ng tingin at ngumiti.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mico?" giit ni Ivan.

"Sobra."

"Sobra?"

"Sobra kitang mahal Ivan. Mahal na mahal kita. Sa tingin  mo ba, magagawa ko pang hindi ka mahalain, eh minsan lang sa buhay ng mga bading ang magkaroon ng tunay na nagmamahal? Never... Lalo pa at napaka-gwapo ng lalaking nagmamahal sa akin."

Natawa si Ivan sa sinabi ni Mico. Nayakap niya si Mico. "Talaga?"
Bumuntong hininga si Mico. "Sa totoo lang, nung nakita kita doon sa company, nasabi ko agad sa sarili kong, lalo kang pumogi." 

"Siyempre naman. Pinaghahandaan ko kaya ang araw na muli tayong magkikita. Pero, nung nakita rin kita sa may gate nyo nung gabi ng party ng Dad mo, naluha ako."

"Bakit?"

"Sabi ko sa sarili ko, at last nakita rin kita. Ang hirap kaya maghintay ng dalawang taon."

"Hmpt..." kunyaring inis ni Mico. "Hirap maghintay ng dalawang taon pero si Dad ang una mong pinuntahan."

Natawa si Ivan. "Kasama kasi sa plano 'yun. Paano ako makakapaglagi dito sa Manila kung wala akong pera? Alangan naman naman na manghingi pa ako kay Mama? Siyempre, dapat magtrabaho na muna ako."

Napangiti si Mico ng maluwang. "Hanga naman ako sayo eh noh, ang lakas mo magplano at infairness nakukuha mo ah."

"Siyempre, may inspirasyon eh." mas hinigpitan ni Ivan ang yakap nya kay Mico.

"Sino? Yung baby?"

"Ikaw." tuwirang sagot ni Ivan. "Pag-iinitan pa yung baby alam naman nyang siya ang sagot."

"Oh saan nga pala galing yung baby na iyon?"

"Sa pinsan ko sa Laguna. Nalaman ni Mama kasi na kailangan ng mag-aalaga ng baby ng pinsan ko kasi magtatrabaho abroad kaya minabuti ni Mama na siya ang mag-alaga."

"Ah..." biglang napa-hagikgik si Mico. "Akala ko kasi..."

Bahagyang binatukan ni Ivan si Mico sa ulo. "Kung ano-ano kasi ang iniisip mo eh. Hindi muna nagtatanong. Basta-basta na lang tumatakbo."

"Hindi na po mauulit."

"So, tayo na uli?" paninigurado ni Ivan.

"Hindi naman tayo nagbreak ah?"

"Mmm... anong araw ba ngayon? Date?"

"Bakit mo tinatanong? Miyerkules, 25."
"Ano ba ang mas maganda 'yung dati o ngayon?"

"Ha?"

"Kunyari magseselebrate tayo ng monthsary o kaya anniversary, ano ang maganda, yung date na naging tayo o ngayon?"

Natawa si Mico. "Talagang ikaw pa ang na-iisip niyan ah. Hmpt dinaig pa ako. Ikaw, ano ba gusto mo?"

"Pareho."

"Ay nagtanong pa, pareho naman pala. Teka, parang magastos yata kung dalawa?"

"Eh ano..." tinignan ni Ivan ang bahay ni Mico. "Ang laki-laki ng bahay mo eh, pwede naman nating ibenta yan." sabay tawa sa sinabing biro.

"Sira, baka gusto mong magera ni Dad."

"Alam ko." siryosong sagot ni Ivan. "Dad mo na lang siguro ang problema natin."
Napatitig si Mico kay Ivan. "Ipaglalaban mo naman ako diba? Alalahanin mo, kakaayos palang namin ni Dad. Mukhang mahihirapan ka?"

"Sisiw lang 'yung Dad mo. Maniwala ka sa akin."

"Sabi mo yan ah?"

"Oo. Ako pa." sabay tawa. "Pero alam mo, napapansin ko sayo, parang hindi ka nagpagupit? Ang haba na ng buhok mo ah." hinawi ni Ivan ang bangs ni Mico. "Pero bumabagay sayo. Lalo tuloy akong nananabik... pwede bang pa-kiss naman diyan?"

"Sa noo?" biro ni Mico.

"Nge, siyempre sa lips." ngumuso pa si Ivan.

Hindi na sumagot pa si Mico. Siya na mismo ang humalik kay Ivan ng mariin.

"Mico!......."

Napa-tingin silang dalawa sa pinagmulan ng sigaw na iyon.

"Si Dad? Anong gagawin natin?" nanlaki ang mga mata ni Mico nang mapagsino kung sino ang sumigaw.

"Pwede naman siguro kitang itanan eh?" nagmamadaling magsalita na si Ivan.

"Tatakbo tayo?"

"Wala pa naman sigurong hawak na armalayt ang Dad mo? Pwede pa yata tayong tumakbo."

Natawa si Mico sa kabila ng kaba. "Bahala na."

"Mico!...." muling sigaw ng ama.

"WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa...." sigaw nina Ivan at Mico.
-----

MICO: Sandali lang Ivan, hindi pa tapos.

IVAN: Meron pa ba? Akala ko da-end na eh.

MICO: May Chapter 51 pa eh. Sabi ni awtor.

IVAN: Ano naman ang kwento doon?

MICO: Tayo pa rin yun sigurado. May ikukwento lang daw si awtor.

IVAN: Ano?

MICO: Untold parts daw.
IVAN: Ayan ang sinasabi ko eh, kaya ayaw kong magbukas ng ilaw kapag... hmmm simula ngayon papatayin ko na ang ilaw para walang makwento si awtor. Kelan ba nya ipopost sa Erwanreid Blog?"

MICO: Yun ang abangan nila. Kasi kahit ako hindi ko rin alam.

IVAN: Ah... ok. So, patayin mo na ang ilaw, Mico baka pati ito maidagdag ni awtor. Magwewelga ako.

MICO: Opo.
-----

MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!

(ash) erwanreid



32 comments:

ico said...

aw sayang sana may book 2! Bitin!

android said...

chapter 51!!
waahhH!! ... hahaha
love it!!

congrats author!!

Anonymous said...

waaaaah..kakakilig mnnm tlga me gnon pa.....nxt chapter pls

Unknown said...

hahahhaa... ang kulit... ang saya... kaso bitin at patawa pa rin kahit sa huli... love it so much... thanks author... wait ko ung 51

Anonymous said...

ang cute ng ending .. nabitin aq pero ok lng ...

ryanfirmanes said...

kabitin!! pero nakakakilig.. cute story!! BOOK 2 please!!

ryanfirmanes said...
This comment has been removed by the author.
yeahitsjm said...

Baby Ivan you're so cute! *christina aguilera's voice* haha lol

sakto ung date ngayon aa! 25 wednesday!!

Darn! BOKK TWO BABY! Sobrang nabitin ako sa end part ung pa "tanan" effect! haha lol

Tas may pahabol na eksena! omg! :))

i'll be waiting for Chapter 51! mas maganda to pramis! *nag eendorse??* lol

Mr. Author - ASH! I LOVED YOU! LIKE LOVE LOVE LOVE!

watch nyo si Christina kung pano nya sinabe yun! ganun din ako!

http://www.youtube.com/watch?v=os_eZySvM-8&feature=relmfu

CHAPTER 51-100.. I'm soo ready! *hanggang 100 talaga?? lol* sana! :))

thanks for the fun/exciting story Ash! ☺

Anonymous said...

hahahahaha nkakakilig... bitin nga... nxt chapter n po pls... 51 :) very nice story kakainspired!!! :)

Anonymous said...

GRABE!! GANDA TALAGA NETO!! I THINK NA MAY BOOK 2 TOH! ,,,HEHE ,,, GREAT JOB! WAITING FOR THE NEXT ^^

E.O.G

fayeng said...

ahahahahahaha! kay gandang storya kaso bitin ang pagka ending.... anyway Kudos!

IamRaven said...

This story is soo AWESOME!! I love it!! Perfect for hopeless romantic people like me and I follow this story like a teleserye. Everytime I finish a chapter I feel complete, inspired and happy! The same feeling Twilight Saga gave me. Anyhoo, to the author, you did a very GOOD JOB! I salute you and not just two but ALL thumbs up!! Pretty, pretty please Mr. Author, give us CHAPTER 51!! But for the meantime, if you want to give Ivan & Mico a break can you please tell us what happen to Billy & Mark? EXCITING!! :)

Anonymous said...

sobrang nahumaling ako sa kwneto ni ivan at mico! sinubaybayan ko ito mula chapter 1 at ngayon nag end nga! so sobrang haba ng istoryang ito feeling ko bitin pa rin ako hehe kasi ayaw ko pa xang mag end eh! feeling ko kasi napakawagas ng pag iibigan nila mico at ivan...at super nakaka kilig :D...sana meron pan karugtong at sana masundan na rin ung flickering light!hehe

super thanks author, sana marami pa po kayaong magawng magagandang istoryang katulad neto :)))

Ecko said...

Thanks for this wonderful story, Love the author much. God Bless and hoping for more great stories from you. ^_^

ivan pbb said...

ang ganda ng kwento, mas maganda lalo kapag ung picture ni ivan eh ung ivan ng pbb teens edition,

Anonymous said...

thank you very much. i really appreciate your effort to give us something beautiful - the love story of Mico and Ivan. inaabangan ko talaga ito araw-araw. you have a gift of story-telling. keep it up. thanks again. god bless always.

rushly16 said...

nice one

JAY said...

Haaaaaaayyyyyyyyyy... more more pa ASh... tsarp naman whew!!!

aR said...

Ang saya ko dahil ito yung pinaka mahabang chapter na nabasa ko:) tapos ang cute ng story nila..from enemies to lovers:D dagdag mo pa na true love yung meron silang dalawa..kasi kahit na 2 years still the one pa rin:)

aabangan ko yung untold parts:)

Half said...

Kuya, that's it?

Hindi kami papayag ng ganyan. Dapat may kasunod.



-Half

Anonymous said...

kaloka may ganun pa tLga..chapter 51..excited namn..


*carLorenz

ram said...

hahaha tapos na pala. panu nga pala yung dad ni mico?? ah sabagay parang nasense ko naman na tanggap si mico ng kayang ama lalo pat ang nakatuluyan nya ay si ivan. hehehe. ganda ganda.

thanks ASH

Oel said...

thank you ASH..para sa magandang kwento..


:))

marqymarc said...

naku bitin naman boss ash. book2 na ang kasunod dapat.ehehehehe. post na agad ng 51 boss. galing galing boss ash. =)

Gin08 said...

sobrang ganda ng story! hahaha! tinapos ku ung chapter 1 to 50 s isang araw! bale dalawa cguro? madaling araw n eh! hahaha!

Anonymous said...

heheh luv ko tlga to! kinikilig ako lol whahaha,...... exited napu ko hehehLOL...


ng mamahal,
facebook.com/applelukas

Anonymous said...

wahahh 7hrs koto binasa lahat!! hehe kahit maskit sa mata habng nkatitig sa phone ko heheh.. lol


nag mamahal,
Facebook.com/applelukas

Anonymous said...

i hate the story. i wanted ivan to become straight....sayang sya kung mapunta sa bakla!!!!!

july said...

kakakilig!!!!

i'm super into this story that i even imagined that i'm the main character in the story.

sana nga kmakatagpo na rin ako ng isang katulad ni ivan para hindi lang hanggang imagination na lang siya.

super duper thanks talaga christian for making this story.

can't wait for the book 2 or next chapters of this story.

xoxojulyxoxo

Jasper Paulito said...

sana magkaroon ulit ng parang ganito kakulit (hehehe) na story.miss ko na si mico at ivan. musta na kaya sila?

mncantila said...

nasan na po ang chapter 51? i love mico and ivan... :)

july said...

Wala na pong update for this story?