"Dad, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na nagtatrabaho na pala si Ivan dito sa Manila at..." pinagkadiinan niya ang huling salita. "magkatrabaho pa pala kayo." sinadya niyang magtampo-tampohan sa harap ng ama. Kasalukuyan na silang nana-nanghalian sa isang restaurant malapit lang sa kumpanya.
Natawa ang ama ni Mico. "Siya ang may gusto noon."
Napa-iling si Mico. "Nalaman ko pa na inimbitahan mo pa siya sa party mo. Hindi nga lang dumating."
"Ewan ko sa kanya. Akala ko nga magkikita na kayo doon sa party ko." Uminom muna ng tubig si Dino. "Siguro ayaw magpakita sayo. Kaya hindi pumunta."
"Hmmm... sabagay!" biglang natigilan si Mico.
"Sabagay?"
"Wala Dad." ngumiti siya ng pagkatamis-tamis sa harapan ng ama. Pagkatapos ay pinilit niyang siglahan ang kanyang pananalita. "So, alam mo na Dad na may baby na si Ivan?" Mukhang masaya pero ang puso ay nagdurugo.
"Baby?" muntikan pang mabulunan ang ama. Pati si Mico ay bahagyang nataranta. Buti na lang at maagap na naka-inom ng tubig si Dino. "Anong ibig mong sabihing baby? Anak, o baby damulag?" binuntutan niya iyon ng tawa.
"Dad?" saway niya sa ama. "Siyempre anak."
"What anak?" nanlaki ang mga mata ni Dino pero sa naka-ngiting paraan. "Sa pagkakabasa ko ng application papers niya, single pa siya. Pero malay mo, hindi pa sila kasal ng babae kaya single ang status niya. Teka, ilang taon na ba ang bata?"
Parang gustong mahulog sa pagkakaupo ni Mico nang marinig ang mga sinasabi ng ama. "M-mga two.."
"Two days, two months o years? Baka two decades?" sabay tawa. "Anak naman, kumpletuhin mo naman, nabibitin si Dad eh."
Natawa rin si Mico. Pero higit na naging masaya ang puso niya nang ilitanya ng ama ang salitang "anak" na ang tinutukoy ay siya. "Two years po Dad." At least kahit masakit marinig ang mga posibilidad kay Ivan kung may anak na nga ito o wala, nakakaramdam pa rin siya ng saya sa pamamagitan ng ama.
"Ah... yan ganyan." saglit na nag-isip si Dino. "Kung two years na ang anak ni Ivan, ibig sabihin bago pa lang siya pumasok sa kumpanya, eh may anak na siya. Kasi, wala pa sa isang taon siyang nagtatrabaho doon."
Napa-kunot ang noo ni Mico. "Halos dalawang taon na ang nakakaraan ng maghiwalay kami Ivan. Kung nasa dalawang taon na ang bata, plus 9 months na pagbubuntis... ibig sabihin nandoon pa lang ako nagbubuntis na babae ni Ivan." bigla siyang napailing. "Mali, baka siguro mga isang taon lang ang bata, malaking bulas lang kaya ganoon kalaki?"
"Natahimik ka?" tanong ni Dino bago sumubo. "Alam mo, sa sinabi mo sa aking ganyan..." tinapos muna ang pag-nguya. "nagtataka rin ako. Pero, walang kaso sa akin yun kung may anak na siya. Sa kaunting panahon pa lang niya sa kumpanya, naipakita na niya ang kanyang galing. Walang kaso..."
"Sa inyo Dad walang kaso... pero sa akin sobrang laki." Kung pwede nga lang umiyak sa harapan ng ama ay ginawa na niya pero nagpigil siya pinilit niyang maging kaswal. "Naghintay ako ng matagal tapos... may baby na sasalubong sa akin?"
-----
"Ano, ihahatid mo pa ba ako sa opis?" tanong ng ama nang makalabas sa sila sa restaurant.
Nagbiro si Mico sa ama. "Ay, nagpapahatid?"
Natawa si Dino. "Nagtatanong lang."
"Sige po." malambing at magalang niyang pagsangayon.
Habang naglalakad, patuloy na sumisiksik sa isipan ni Mico ang pagkakataong nakita niya si Ivan dala ang pinaghihinalaang anak nito. Napipicture out niya ng buong-buo ang mga sandaling iyon. Panay siya buntong-hininga at hindi na nga niya pinapansin kung napapansin ba iyon ng kanyang ama.
Nang makapasok sila sa loob ng building ng kumpanya, agad na naggagala ang mga mata ni Mico. Inaasam niyang makikita si Ivan na naglalakad sa mga pasilyo ng gusali.
Nakarating na sila sa 8th floor ng kumpanya kung saan naroon ang office ng Dad niya, wala pa ring Ivan siyang nakikita. "Kahit man lang ka-hawig wala man lang." himutok ng kanyang isipan.
"Papasok na ako." paalam ni Dino nang mapatapat sila sa pintuan ng kwarto nito.
"Sige po Dad."
"Mag-ingat ka sa pag-uwi." ginulo pa ni Dino ang buhok ni Mico bilang katuwaan.
"Salamat po." Nakapasok na si Dino sa office nito. Dahil nagulo ang buhok, sinuklay niya ito sa pamamagitan ng mga daliri sa kamay. Saka siya uli napa-tingin sa dakong kinatatayuan kanina ni Ivan. "ayun me kamukha na ni Ivan." biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nakatayo doon. "S-si Ivan nga." Bigla siyang kinabahan.
"Bakit? Meron pa bang ganito ka-pogi sa iyong paningin, ha, Mico?" tanong na may kahalong pagmamayabang ni Ivan habang papalapit kay Mico.
Pinilit ni Mico na maging sarkastiko sa pananalita. "Oo naman, pero ang hangin na dala mo, wala ng katulad."
Natawa si Ivan. "Ang lakas mo namang mambanat."
"Hindi naman sing-lakas ng yabang mo, noh." sabay irap.
"Mayabang na pala ako ngayon?" tanong ni Ivan sa sarili. "Hindi ka ba kinikilig?" tanong naman kay Mico.
"Kinikilig?" sabay tawa. "Bakit naman ako kikiligin, nakikita mo naman sigurong kanina pa ako nakasimangot."
"Bakit ka naman nakasimangot? Ah alam ko na, siguro noong nalaman mong may baby na ako, tama?"
"Paki-alam ko naman sa baby mo? Dyan ka na nga." sabay talikod kay Ivan.
Hindi na pinigilan ni Ivan sa pag-alis si Mico. Alam naman niyang makikita at makikita niya rin ito. "Aminin mo na, nagseselos ka sa baby." sigaw ni Ivan kay Mico. Iyon ang naisip niyang pang-asar kay Mico. Tama nga siya, muling lumingon si Mico.
"I hate you!" sigaw ni Mico sa naka-ngising si Ivan. "Kahit kailan hindi ko pinagseselosan ang mga baby. Ikaw ang nakakainis. Ang sama mo." natuluyan si Mico sa pag-iyak.
"Buti naman at naiinis ka lang. Akala ko kasi mahihirapan ako kapag magpapaliwanag ako sayo." sabay tawa.
"Ang sama-sama mo talaga. Magsama kayo ng nanay ng anak mo." agad tumalikod si Mico at patakbo palabas ng gusaling iyon. "Ang sama-sama niya, ganun na nga ang ginawa niya sa'kin, tapos, parang wala siyang pakialam sa feelings ko, kung masasaktan ba ako o hindi. Nagagawa pa niyang tawanan ako." Nilakad niya ang hanggang kanto para makasakay ng jeep pauwi nang nagpapapadyak. Alam niyang nakakahiya ang ginagawa niya sa mga taong nakakakita pero wala siyang pakialam.
-----
Naabutan ni Mico ang ina sa sala na abala ito sa pagsasalita sa telepono. Halata niyang hindi maganda ang mood ng ina dahil sa mataas na tono ng pananalita nito. Tila may sinisigawan. Kaya, maingat siyang dumaan sa likuran ng ina. Ayaw niyang maabala ito at mapansin ang mukha niyang basang-basa ng luha.
Naka-hinga siya ng maluwag nang marating niya ang kanyang kwarto. Padapa niyang itinapon ang katawan sa kama. At doon muling humagulgol ng iyak.
"Mico?" maya-maya ang pagdating ni Laila sa kwarto ni Mico. "Bakit?"
"Ma?" gulat ni Mico nang makita ang ina sa loob ng kwarto niya.
"Bakit ka umiiyak? Akala mo siguro hindi ko napansin no?" Tumabi siya sa anak at hinimas-himas ang liod nito.
"Kasi po si Ivan.." hindi na siya nagsinungaling. "May anak na siya, tapos hindi pa niya inisip kung anong magiging feelings ko nang sabihin niya sa akin. Ma ang sakit sakit dito Ma." itinuro niya ang parteng dibdib kung saan naroon ang kanyang puso.
Bumuntong-hininga si Laila. "Paano ba kayo nagkita?"
"Nagtatrabaho siya kung saan nagtatrabaho si Dad Ma." Napansin ni Mico ang panlalaki ng mga mata ni Laila sa natuklasan.
"Kailan pa? Pero... sinabi ba talaga niya sa iyo na anak niya 'yun?"
"O-" bigla siyang natigilan. "May sinabi nga ba si Ivan na anak niya iyon, parang wala ah." pero pinagpatuloy pa rin niya ang pag-iyak.
"Alam mo, dapat mo na lang tanggapin ang lahat Mico. Desisyon niya iyon... wala kang magagawa. At naniniwala akong malalampasan mo rin ang mga ito Mico. Tulad ng ginawa mo ng magkahiwalay kayo ni Ivan."
Hindi na lang nagsalita si Mico. Humilig na lang siya sa balikat ng ina habang nagtatanong ang isip kung anak nga ba ni Ivan ang dala-dala nitong baby.
-----
Namamaga na naman ang mga mata ni Mico nang bumaba siya at tumungo sa dining area para mag-almusal. Alam niyang wala na ang mga magulang sa loob ng bahay kaya malakas ang loob niyang bumaba ng namamaga ang mga mata.
"Aling Mirna, anong inihanda mo?"
Napa-lingon si Mirna nang marinig ang boses ni Mico. "Ano kamo?"
"Tinatanong ko po kung anong meron sa lamesa ngayon?" Wala naman siyang intensyon pero nahahaluan ng tonong pagkairita ang kanyang pananalita.
"A-ah, ang ipinaluto ni Sir Dino, corned beef. Si Maam hindi na dito kumain. Magluluto ako, ano ba ang gusto mo?"
"Hindi na po siguro, marami pa ba ang natirang corned beef?"
Nilapitan ni Mirna ang lamesa para tanggalin ang cover ng pagkain sa gitna ng lamesa. "Ok na ba ito sa'yo?"
"Opo." nang makitang marami pa naman ang corned beef.
"Hindi na iinitin?"
"Ay sige po, paki-init na lang." Umupo na si Mico habang pinapanood si Mirna. Naisipan niyang kumuha ng isang slice ng tasty bread at kumuha ng piraso at inilagay sa bibig. Habang nguya-nguya ang tinapay ay naka-titig lang siya sa may kisame.
"Mico, mainit na." maya-mayang sabi ni Mirna.
"Ay, ok na pala." nawala si Mico sa pagkatulala.
"Sige na kain ka na. Tawagin mo lang ako kung may kailagan ka pa. Sa kusina lang ako."
"Sige po."
Habang pinapalamanan ang tinapay, narinig niyang may yabag ng mga paa papasok galing sa labas ng bahay. Nang matapos ang pagpapalaman sa tinapay ay tinungo niya ang salas para tignan kung sino ang dumating. Ang naabutan niya ay si Mirna.
"Aling Mirna, sino ang dumating?"
"Dad mo, may nakalimutan daw. Sandali ah, papasukin ko daw 'yung lalaking naiwan sa labas."
"Sino?"
"Hindi ko alam ang pangalan eh. Sandali at lalabasin ko muna."
"Susunod ako." Na-curious si Mico kaya napasunod siya sa labas. "Ivan?" tawag niya sa pangalan nang makita niya si Ivan na papasok sa gate.
Biglang napabalik si Ivan sa labas nang marinig ang pagtawag ni Mico sa kanya. Natatawa siya sa ginagawang pag-iwas.
"Ivan." tawag uli ni Mico. "Aba't pinagtataguan pa ako?" Pinuntahan niya sa labas si Ivan. "Aling Mirna ako na po ang bahala."
-----
Don't worry there's more. -IVAN and MICO!
10 comments:
waaahh..kakabitin nmn po. sna may kasunod n po....kakakilig cla Mico at Ivan parang mga mga high school parin hahahaha,...
hahahahahaa..kala aq una hnde pla...kakakilig nmn..nxt chapter pls....
ang ganda kilig to the bones talaga ako.....
hmmp mr.author wag maxado bitter!! jajaja hmp suggestion lang po kung my book 2 itong ivan!! mas maganda po tapusin u muna buong kwento bgo i-post para di sumakit ulo nio tsk tsk jajaja
hahaha... kilig kilig...
iyun yun eh....
malapit na mag end..........
Hmmmmmmmm sana maging ok na ang lahat....
sobrang exciting
wahahaha nagtaguan pa. ang sweet naman. hehehe. mas sweet cguro ang next chapter.
hahahaha nkakakilig... nkakatuwa.. nxt n pls...
OH my God!
Baby Ivan nananakilig yung pang aasar mo kay Mico! :)) may GAWD! :))
Nabasa nyo un guys! nabasa nyo un?? "dont worry there's more of Ivan and Mico"! let me remind you guys last chap na sunod nito! meaning may BOOK TWO!
OK! YAYA! pakihanda ang letchon! may party!! lets Party! PARTEH PARTEH!
HONESTLY nung nabasa ko to!
"dont worry there's more of Ivan and Mico"
ang laki ng ngiti ko! :))
TO OUR DEARST AUTHOR.. ASH!
You're the man! mahal na kita! :)) pede kabang maging Ivan/Mico ng buhay ko?? lol #justkidding
last chap na mamaya! :))
Post a Comment