Nanatili si Dinong tahimik habang pinakikinggan ang paghingi ng pahintulot ng lalaki. Wala naman siyang nakikitang masama sa kaharap kaya nagsalita na siya. "Tuloy ka."
"Salamat po." Maluwang ang pagkakangiti ni Rico. "Maaari po bang magtanong?"
Kunot-noong napa-tingin ng diretso si Dino sa kaharap.
"Gusto ko lang pong makilala kayo. Maari po ba?"
"Ako ang ama ng gusto mong dalawin." diretsong sagot ni Dino.
"Maraming salamat po. Sabi ko na nga ba. Kamukha kasi kay ni Mico eh."
Hindi na pinansin ni Dino ang sinabi ni Rico. Tinawag nito ang isa sa mga kasam-bahay at inutusang pababain si Mico na agad namang ginawa.
"Hintayin mo na lang diyan si Mico." Pagkatapos ay tumalikod na si Dino.
-----
Pagka-alis na pagkaalis ng ama ni Mico, agad gumala ang paningin ni Rico sa buong kabahayan. "Maganda rin ang bahay ni Mico ah. Hindi ko inaasahang ganito rin kalaki ang bahay niya. " Hindi naman sa minamaliit niya, nakasanayan lang ng utak niya na ang bahay ni Mico ay kasing-laki ng bahay nito sa Batangas. Kung ikukumpara ang bahay na kinatatayuan ngayon ni Rico sa isang bahay ni Mico sa Batangas, tiyak na dalawang ulit ang laki nito. "Ang lawak ng salas. Pwedeng gawing function hall o auditorium para sa isang gathering."
Halos lahat kasi ng mga kwarto ay nasa second floor kaya halos ang buong ibaba ng bahay ay ginawang salas. Maliban na lang sa parte ng dining at dirty kitchen sa gawing kaliwa. Habang nasa parte naman ng kanan ang library at iba pang maliliit na kwarto para mga ibang mga bagay.
Napansin ni Rico ang hagdan na agaw pansin kapag nasa salas ka. Masyadong malawak iyon na kayang magsabay ang limang tao sa pag-akyat. Naisip niyang karaniwang bumababa sa ganoong klaseng hagdan ay isang prinsesa o di kaya naman ay reyna.
Napa-kurap si Rico nang may masilayang bumaba sa hagdan. "Mico." anas niya nang makilala ang bumaba. Napa-ngiti sa kasabikang makalapit ang kaibigan.
-----
Malayo pa lang si Mico ay maluwang na ang kanyang pagkakangiti. Nang marinig pa lang niya sa kasam-bahay ang pangalan ni Rico ay agad na siyang napatayo sa pagkakahiga at nag-ayos ng sarili. Pinili niya kaninang magsuot ng simple tulad ng dati at sa kung paano siya nakilala ni Rico.
"Nagagalak akong makita kang muli." si Mico nang makaharap si Rico.
Natawa si Rico habang kakamot-kamot sa batok. "Hindi kasi kita ma-contact eh."
"Maupo muna tayo."
"Sige."
"Oo nga eh, Pagkauwi ko nga, tinignan ko agad kung Ok pa ang number ko." napahagikgik si Mico. "Hindi na pala."
"Yun nga ang naisip ko nang hindi nang hindi ko ma-contact." Ngumiti ng maluwang si Rico. "Kamusta ka na?"
Ngumiti si Mico. Pero hindi niya alam kung sasagot ba siya ng totoo. "Mmm, oo naman siguro." sabay tawa.
"Oo nman siguro?" pag-uulit ni Rico. "Sa totoo lang napansin ko nung isang araw na magkita tayo.. napansin ko talagang namamaga ang mga mata mo. Galing ka sa pag-iyak?"
Hindi makasagot si Mico. Natahimik siya at tanging pagngiti lang niya ang naging sagot.
"Pasensiya sa tanong ko, Mico. Ok lang kahit hindi mo na sagutin. Ibahin na lang natin ang usapan." bahagyang nal;ungkot si Rico. Nararamdaman niyang may dinadala ng kung ano si Mico ngayon.
Napa-buntong hininga si Mico. "Ano ka ba Ok lang yun. May naalala lang ako."
"Ah..." napangiti na muli si Rico. "Teka, paano ka pala napa-balik dito sa Manila?"
Sa pangalawang beses hindi na naman nakasagot si Mico.
"Mali na naman siguro ang tanong ko." pinilit ni Rico tumawa. Pero agad din siyang sumeryoso. "Mukhang may dinadala ka nga Mico, tandaan mo lang na kung kailangan mo ng masasandalan at malalapitan, kaibigan mo ako. Ako, pwede ako."
Napa-tingin ng diretso si Mico kay Rico ng namumungay ang mata dahil sa katuwaang marinig niya ang ganong pananalita sa isang kaibigang handang makatulong. Magsasalita sana siya ng dumating si Saneng dala ang isang tray na may lamang snacks.
"Ok lang ba Rico lipat tayo ng pwesto?" nang tumango si Rico, ipinagpatuloy ni Mico ang sinasabi. "Sa tabi tayo ng pool magkwetuhan. Gusto ko kasi ng mas maliwanag, at 'yung tipong makakahinga ako ng maluwang. Parang hindi ako makahinga dito eh."
Naiintindihan ni Rico ang ibig sabihin ni Mico. Pero nagawa pa niyang magbiro. "Maliwanag naman dito ah, maaliwalas. Sa laki ng bahay mo pwede ka ngang mag 400h meters run." sabay tawa. "Makakahinga ka pa ng maluwag."
"Sira." natawa rin si Mico. "Doon tayo."
"Ok."
Muli niyang tinawag si Saneng. Inutusan niya itong ilipat ang dinalang miryenda sa tabi ng pool.
-----
"Kamusta si Ivan?" Sinadya ni Rico na iyon ang itanong nang maka-upo na sila sa tabi ng pool.
"H-ha?"
"Alam mo Mico, ma-swerte ka nga eh."
"B-bakit?" hindi alam ni Mico ang tkinutukoy ni Rico.
"'Maswerte ka kasi, yung mahal mo matagal mo ng nakikita. Hindi mo na kailanang hanapin, maging malayo ka man, alam mo pa rin kung saan mo siya hahanapin."
Kitang-kita ni Mico ang maluwang na pag-ngiti ni Rico at muli, bahagya pa niyang nakita ang maganda nitong mga ngipin. Pero pansin na may pait na kasama ang pag-ngiti nito. "Bakit Rico?"
"Nraramdaman ko kasi na may problema ka. Hindi biro ang makita kang namamaga ang mga mata ah." natawa sya sa sinabi. Napayuko naman si Mico. "Hindi ka ganyan makipagusap sa akin noong nasa Batangas pa tayo. Tama?"
Napa-tango si Mico.
"Ang hula ko si Ivan?" saglit na tumigil si Rico, pinakiramdaman niya ang nakayukong si Mico. "Sana mali ako."
Umangat ng mukha si Mico at tumingin sa paligid saka muling tumingin kay Rico kasabay ang pagbagsak ng mga luha. "Hindi naman si Ivan eh." pigil ang pag-iyak ni Mico. Ayaw niyang may maka-rinig sa kanya lalo pa't alam niyang naroon ang kanyang ama. "Ang mama ni Ivan, ayaw niyang maging kami. At sigurado akong tutulan din ng Dad ko kapag nalaman niya." Huminga ng malalim si Mico. "Gusto ko nga siyang makita eh, kaso natatakot ako." sisigok-sigok si Mico.
Bigla namang natigilan si Rico, hindi niya inaasahang ganoon pala talaga kabigat ang dinadala ni Mico sa ngayon. "Paano ba kita matutulungan?"
"Ang makita lang kita Rico, kahit papaano sumaya na ako. Salamat ha?"
"Wala yun. Teka, nasubukan mo na bang tawagan o kaya naman sa facebook, sa ym si Ivan? Doon maaari kayong magkaroon ng communication ng walang nakakaalam."
"Bibili pa nga lang ako ng bagong sim. Ang naisip ko nga pag meron na akong bagong number ipopost ko sa wall niya sa facebook. Ang kaso..."
Napa-kunot noo si Rico. "Kaso?..."
Nagsimula na namang maiyak si Mico. "Nang icheck ko yung profile niya, hindi ko na mabuksan. Wala nang lumalabas na exixting account ni Ivan. Hindi ko alam kung bakit. Nagpalit ba siya ng pangalan? Imposible kasi friend niya ako, kaya lang hindi niya alam na ako yun. Kaya dapat makikita ko parin siya sa friend list ko. O baka tinanggal na niya ang account niya."
"Ang hirap namang intindihin ang mga di magagandang pagkakataon sa inyo, Mico."
"Kaya nga eh. Ang naiisip ko nga ngayon, baka galit na sa akin si Ivan. Umalis kasi ako ng hindi nagpapaalam."
Saglit na natahimik si Rico. Bunuo siya ng mga salitang makakapagpalubag-loob para kay Mico. "Kung mahal nyo talaga ang isa't isa, darating din ang araw na magkakaroon kayo ng pagkakataon..." biglang naisip ni Rico ang sarili. "Oo Mico, hindi imposible yun sa dalawang nagmamahalan. Ang kailangan mo lang ay magpakatatag at magpatuloy."
"Eh paano kung galit nga sa akin si Ivan?"
"Kung mahal ka talaga niya, maiintindihan ka niya, iintindihin ka niya."
Si Mico naman ang natahimik. "Sigurado akong mahal ako ni Ivan." bumuntong hininga muna siya bago nagtanong kay Rico. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, ano ang gagawin mo ngayon."
Napa-ngiti si Rico sa tanong ni Mico. Nakikita niyang nagsisimula na si Mico magpakakatatag. "Hindi ko hahayaang ipakitang mahina ako. Wala rin kasing mangyayari. Kung may gusto akong makuha, gagawa ako ng paraan. Hindi man pwede ngayon, maaaring bukas o sa makalawa. Mico, may mamaya pa, hindi mo kailangang maghintay pa ng bukas. Ibig kong sabihin, marami kang magagawang paraan. Ma-failed ka man sa mamaya..." biglang tumingin si Rico sa kanyang mamahaling relo. Saka nagbiro."Pwede ka naman magplano uli mamayang alas-tres ng hapon tas gawin mo ang nabuo mong plano sa alas kwatro. Alas-diyes pa lang naman ng umaga eh."
Dahil doon, napangiti ni Rico si Mico ng maluwang. "Although, sa pabirong paraan, Rico, tama ka... kung mahal ko si Ivan may magagawa akong paraan. Ngayon pang alam kong mahal din ako ni Ivan. Darating din ang araw na magkikita kaming muli at ipagpapatuloy namin ang aming nasimulan."
"Tama." pagsang-ayon ni Rico. Nasundan iyon ng tawanan.
"San ka nga pala galing?" ang kaninang malungkot na mukha ni Mico ay napalitan na ng kasiyahan. "Teka, s-si Emman ba yun?"
"Uhuh."
"Kaano-ano mo siya?" tanong ni Mico na tinawanan lang ni Rico. "Tama bang tawa ang isagot sa tanong ko?"
"H-ha? Hehe, mmm long lost friend ko siya. Kung alam mo lang na yung araw na iyon na nakita mo kami, kung kailan tayo aksidenteng muling magkita ay aksidenteng muli din kaming magkita sa loob ng mahabang panahon."
"Mahabang panahon?"
Ngumiti ng maluwang si Rico. "Yup, after 10 years muli ko siyang nakita."
Napansin ni Mico ang kasiyahan sa mga mata ni Rico. "Hmmm mukhang may naamoy ako." Biglang may naalala si Mico. "Uy, teka. Di ba noong nasa Batangas tayo, may lagi kang ibinibidang kaibigan? Na kung sinong nagturo sa iyo kumain ng gulay, tuyo, daing, at kung ano-ano pa na hindi mo naman kinakain."
"Siya nga yun."
"Wow, ang galing ah. Mmm sigurado mahalaga siya sayo noh?"
"Siyempre naman." sabay tawa.
"Mabuti ka pa nakita mo na ang matagal mo nang hindi nakikitang kaibigan."
"Mabuti, Oo. Pero nagsisimula pa lang ang lahat. Nasayo nga ang mas mabuti eh, kasi, kailan lang naman kayo nagkahiwalay ng mahal mo. Ako..."
Nanlaki ang mga mata ni Mico sa ipinahayag ni Rico. "You mean... kasi, sa pagkakasabi mo ng "nagkahiwalay kayo ng mahal mo... Ibig sabihin, mahal mo yung taong yun? Teka, parang ang labo yata ng tanong ko?" natawa si Mico.
Ngumiti lang si Rico.
Sa ngiting iyon, naintindihan na Mico ang ibig sabihin ni Rico.
-----
"Hindi ko talaga makita ang facebook ni Ivan. Nakakainis." halos pabalibag niyang itinabi ang laptop sa uluhan ng kanyang kama. "Ano ang gagawin ko ngayon?' saglit siyang nag-isip. "Kung tatawagan ko siya sa telepono? Baka si Tita Divina ang makasagot. Ayoko, natatakot ako."
"Mico." tawag mula sa labas ng kanyang kwarto.
Pagkalingon ni Mico sa pinto, nakita niyang iniluwa noon ang kanyang ina. "Yes, Ma?" todo ang ngiti niya. Sinasadya niyang ipakitang Ok na siya.
"Mukhang Ok na ang anak ko ngayon ah?"
"Mmm hindi naman Ma. Umaasa pa rin ako sa tinitibok ng puso ko." sabay tawa. "Pero, kailangan ko pa lang magpakakatatag para mangyari ang gusto ko. Ayoko na pong magmukmok, magpaplano na lang po ako para sa sarili ko."
"Tama yan anak. Ganyan nga. Hindi pa katapusan ng mundo. Dito lang ako para sumuporta sa'yo."
"Ma..." lumabi muna si Mico bago nagtanong. "Kung sakali bang magkita kaming muli ni Ivan, hindi ka tututol? Hahayaan mo ba kami?"
"Anak, kung iyon ang gusto mo, gusto ng puso mo, bakit kita tututulan? Basta sisiguraduhin mong mahal ka ng Ivan na iyon kasi kung hindi ikaw ang masasakta bandang huli. Malulungkot ako para sa iyo."
"Sigurado ako Ma, na mahal ako ni Ivan."
"Ok, kaya umasa kang nandito lang ako para magbigay ng suporta sayo at magpayo sa mga gagawin mong desisyon. Huwag ka lang magsisinungaling kay Mama para alam ko kung paano kita magagabayan."
"Yes Ma." Sabay yakap sa ina. "Maraming salamat po."
"Oh halika ka at bumama. Kakain na tayo. Huwag mong sabihing hindi ka pa kakain?"
"Kakain na po." parang batang kung sumagot si Mico. "Kumain naman na ako kanina eh."
Nagkatawanan sila.
-----
Nakapag-desisyon na nga si Mico. Hahayaan na lang niyang ang panahon ang makapagsabi kung kailan sila ni Ivan muling magkita. Ang mahalaga sigurado niya sa sarili niyang, hindi na magbabago ang tinitibok ng puso niya para kay Ivan. Maghihintay siya, kahit matagal. Umaasa siyang gagawa at gagawa rin ng paraan si Ivan para muli silang magkita.
Nakapagdesisyon siyang gawin muna ang para sa sarili. Muli siyang mag-aaral. Tatapusin niya ang kanyang kurso sa kolehiyo. Ipapakita niya sa pamilya niyang kaya niyang magdesiyon para sa sarili, lalo na sa kanyang ama. Sisikapin niyang maging maayos ang relasyon nilang mag-ama.
Naniniwala siyang darating ang araw, lahat ng kanyang plano ay mangyayari at mapagtatagumpayan dahil mayroon siyang bukod tanging inspirasyon, si Ivan.
-----
"Ivan, nakakapag-aral ka pa ba ng mabuti?" tanong ni Divina sa anak isang araw. "Wala ka ng binabalita sa akin tungkol sa pag-aaral mo. Aba, ilang buwan na lang ga-graduate ka na." Pero sa mga sinabi ni Divina hindi man lang kumibo si Ivan. Nanatili itong naka-tunghay sa telebisyon. Nagsimulang maging emosyonal si Divina. "Hindi ka na katulad ng dati. Hindi mo na ako kinikibo. Wala na ang mga lambing mo sa akin. Hindi na tayo madalas kumain ng sabay. Magkasabay man tayo, wala namang kibuan. Nawala na ang ingay natin sa hapag-kainan. Ivan..." tawag ni Divina sa anak ng may pagsusumamo. "Alam ko galit ka sa akin, pero sana naisip mo rin na ginagawa ko iyon para sayo. Para sa ikabubuti mo." Napansin ni Divina ang pagbuntong hininga ni Ivan. "Matanda na ako. Ayokong masira ang buhay mo. Gusto ko bago ako mamatay..." saglit na tumigil si Divina. Lumunok muna ito dahil sa nanunuyong lalamunan.
Pinipigilan naman ni Ivan ang napipinto niyang pagluha. Kahit pilit na itinutuon ang atensyonsa telebisyon, apektado pa rin siya sa sinasabi ng ina.
"...gusto kong makita kang nasa magandang katayuan. May marangal na trabaho, matatag. Ng may pamilya, mga anak, Ivan. Gusto kong magkaroon ng apo. Namimiss ko na ang dating Ivan. Kahit siryoso lagi, malambing naman, magalang, mabait na bata." sisigok-sigok si Divina nang magpatuloy. "Malaki ka na, hindi ka na bata. Dati, kahit saan ako magpunta, lagi kang nakabuntot. Hindi pwedeng hindi ka kasama sa mga lakad ko. Ngayon..." naging todo ang pag-iyak ni Divina. Nasapo niya ang dibdib. "Ganito pala ang pakiramdam ng inang may anak na gusto nang magdesisyon para sa kanyang sarili. Malaki ka nga Ivan. Mga gusto mo na ang gusto mong mangyari." Pinilit ni Divinang maging mahinahon. "Ok lang. Naging ganyan din naman ako noong kabataan ko. Pero, sana... Ivan siguraduhin mong hindi mo pagsisihan ang mga desisyon mo para sa iyong sarili." Pagkatapos noon ay iniwan na ni Divina ang anak at tumungo sa kwarto nito.
-----
Nang mawala ang ina sa kanyang likuran, saka hinayaan ni Ivan ang ikinukubling emosyon. Gusto niyang yakapin ang ina at sabihin ang kanyang paghngi ng kapatawaran sa mga sinadya niyang panlalamig sa ina. Pero mas pinili niyang maging tahimik para sa kanyang paninindigan.
Ngayon, sakit na sakit ang kanyang puso hindi lang sa pangungulila sa katauhan ni Mico pati na rin sa sama ng loob sa kanya ng kanyang ina.
-----
10 comments:
okay ... ang haba ng litanya ni mommy divine!
hahaha ....
go mico FTW~!
nice one !!
sana si divina na lng ang magbago ang pasiya. hayst fan ako ng ivan mico loveteam. sana mgaing sila hanggang sa huli.
umuwi ka na kc mico. naku pag nagaral ka pa 1 tao pa yun. dun ka na lng sa batangas mag aral. hehehe
ganyan nga mico... magpakatatag ka... kya nyo yan ni ivan... ikaw din ivan... panindigan mo ung paniniwala mo... happy na pag nagkatuluyan kayo... weeeeeeeeeeh...
aa ganon?? ganyan din muka ni Dino sa Pic?? haha lol!
basa mode na later i'll comment again! :))
binubuhay mo ang pantasya ko!!! thanks sa pag-susulat. sana makasulat din ako ng love story ko. well kahit fiction lang...
thanks ulit!
see! si Rico Becs din! dati palang may hinala na ko kay Rico e! haha lol
feeling ko ending nito Di sila Magkikita ni baby Ivan! kase mag aaral si mico ulet tas.... OMG!
OMG! MARARAMDAMAN KO ANG BOOK 2! YEHEY! :))
FEELING KO LANG NAMAN! :))
Baby Ivan magsalita ka naman! namimiss na kita e! :))
GO mico laban...go rin kay ivan manindigan!
ang sarap mangarap... lalo na kung ito'y patungkol sa pagmamahal... kaso sa realidad, mahirap panindigan ang isang bagay kung ang kalaban mo ay lipunan at maging sariling pamilya... pero kahanga-hanga kung nakakaya mong tumuyo at patuloy na mabuhay sakabila ng mga kabiguan at patuloy na umasa na sa darating na panahon ay makamtan pa rin ang inaasam na pangarap...
saimy
ilan taon na ba lumipas.??
hay naku nman sana pumayag na rin si Divina..
loving this story so much..
God bless.. -- Roan ^^,
Post a Comment