CHAT BOX
Thursday, May 19, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 44
Posted by
(ash) erwanreid
"Rico, ikaw ba yan?" paniniguro ni Mico. Nasa tono niya ang kasabikan na muling makita ang lalaki.
Nakakatitig sa kanya si Rico. Nabigla kasi ito nang mapansin niya si Mico. Naninigurado rin na tama ang kanyang nakikita. "Mico?"
Lumuwang ang pagkakangiti ni Mico nang banggitin ang pangalan niya ni Rico. "Ako nga, Rico." Agad siyang lumapit. Pero napatigil siya nang mapansing may kaharap pala itong lalaki. May kasama si Rico sa table na inuukupa nito. Nakatalikod ito kay Mico at hindi niya ito napansin nung una dahil titig na titig siya kay Rico.
Napa-tingin siya sa lalakibng naka-sumbrero. Napansin niyang may kalungkutan ang mukha nito pero hindi maitatanggi na may hitsura ito. Hindi lang masyadong pansinin dahil sa kulay nitong parang nababad sa init ng araw. Madali ni Mico napagmasdan nito ang lalaki. Napansin nga niyang naka-tshirt ito ng simple at maong na kupas. Naka-rubber shoes na halata ang alikabok habang may kung anong klaseng basket sa may paanan nito, sa ilalim ng lamesa.
Nang muling mag-angat ng mukha si Mico naabutan niyang nagpunas ng mabilis ang lalaki. Alam niyang nahiya ito sa harapan niya. ""May kasama ka pala." bawi niya.
"Si Emman, Mico." pakilala ni Rico sa kasama. "Emman si Mico."
Pansin na pansin ni Mico na hindi mapalagay ang kasama ni Rico na si Emman. "Nice to meet you Emman." HIndi na niya nagawang makipagkamay dahil binalingan agad niya si Rico. "Rico, masaya akong muli kang makita pero baka nakaka-abala lang ako. Wrong timing yata ako. Siguro next time na lang." Hinintay niyang magsalita si Rico pero napansin niyang hindi ito makapagsalita habang nakatitig kay Emman. "Sige." tumalikod na siya ng hindi sumagot si Rico. Agad siyang lumabas ng restaurant na iyon.
-----
"Mico, sandali." habol ni Rico sa labas ng reastaurant.
Agad na lumingon si Mico. Ngumiti siya ng makita si Rico. "Bakit?"
"Bakit ka agad umalis? Nag-uusap lang naman kami ni Emman."
"Para kasing nakakaabala ako. Saka hindi naman talaga ako kasama sa inyo at napadaan lang ako."
"Pero aalis ka na lang na hindi mo man lang binibigay kung paano kita makokontact."
Natawa si Mico. "Oo nga ano. Buti na lang at hinabol mo ako. Pasensiya na."
"Nandito ka na pala sa Manila?"
"Oo. Teka may dala ka bang ballpen dyan maisulat ko ang address ng bahay ko at telephone no."
"Ha, ballpen." napa-kunot noo ito. "Wala eh, wala akong dala, siguro dito na lang." inilabas nito ang dalang cellphone. Alam ni Mico na bagong labas ang uri na iyon ng cellphone na hawak ni Rico dahil hindi pa niya nakikita ang ganoong klase. Saka niya naisip ang kayang cellphone sa drawer sa kwarto niya. Matagal na niyang hindi nagagamit bago pa man siya pumuntang Batangas.
"Sige, dyan na lang."
"Wala ka bang cell number?" tanong ni Rico. "Imposibleng wala."
"Hindi ko lang sigurado kung Ok pa ang sim ko. Matagal ko na kasing hindi nagagamit. Baka expired na."
"Pero ibigay mo pa rin. Ta-try ko tapos bigay mo na rin ang address mo."
"Sige."
Nagkaayos silang dalawa sa iniwan ni Mico na cellphone number at address. Hindi na kinuha ni Mico ang kay Rico dahil wala siyang ballpen at papel na masulatan. Naghiwalay silang dalawa ng may ngiti sa labi sa muli nilang pagkikita. Ipinangako ni Rico kay Mico na bibisita siya kapag hindi niya nakontact si Mico sa cellphone nito.
-----
Minabuti na lang ni Mico na umuwi. Naisip kasi niyang dadating si Saneng kaya gusto na nyang makita ito at magtanong tungkol kay Ivan. Pangalawa, gusto na niyang makita si Vani ang alaga niya na nakalimutan niyang intindihin at dalhin dahil sa sama ng loob.
Papasok pa lang siya sa gate, dinig na dinig na niya ang ingay sa loob. Boses iyon ng kanyang ama. Maingat niyang tinulak ang gate para huwag masyadong makagawa ng ingay. Pero nakatayo pala ang ama niya sa may pinto na tila naghihintay.
"San ka galing?" tanong ni Dino kay Mico. Halatang galit ito.
"N-nag-gala lang po Dad."
"Parang naka-limutan mo nang hindi kita basta-basta pinapalabas ng bahay."
"Saglit lang naman po ako eh." pagsisinunaling niya. "N-nagpaalam naman po ako kay Mama." Muntikan na siyang mabulol kahit totoo ang sinabi niya.
"Wala akong pakialam." sigaw ni Dino. Pagkatpos ay tumalikod ito at nagtuloy sa loob ng malaking bahay.
Napa-buntong hininga na lang si Mico. Naririnig pa rin niya ang sermon ng kanyang ama kahit hindi na ito direkta sa kanya, siya pa rin ang tinutukoy nito sa mga lumalabas sa bibig nito. Puro mga disappointment ng ama sa anak ang naririnig ni Mico sa ama.
"Mico, dumiretso ka na sa hapag-kainan. Bilin kasi sa akin ni Ma'am na pilitin ka ng kumain."
"Sige po aling Mirna. Naandito na po ba si Aling Saneng?"
"Oo kanina, kanina lang. Hinahanap ka nga. Nasa kwarto niya ngayon nagpapahinga sa mahabang biyahe."
"Sige po. Mamaya ko na lang kakausapin. Kakain muna ako."
"Sige na Mico. Gutom na gutom ka na siguro."
"Si Dad pala kumain na ba?"
"Hindi daw siya kakain eh."
"Akala ko po ba hindi uuwi si Dad? Di ba?'
"Yun nga rin ang alam ko."
Ngumiti na lang si Mico.
-----
"Ano pong balita kay Ivan?" tanong ni Mico kay Saneng nang makaharap.
"Hindi pala alam ni Ivan na umalis ka na. Nalungkot 'yung tao. Nagpunta nga yun sa bahay, ang akala naroon ka. Ang saya pa naman ng mukha habang may bitbit na pasalubong. Eh ang kaso nga..." napa--labi si Saneng. "Wala ka na."
"Ano po ang sabi niya?"
"Nagtanong siya kung bakit ka umalis. Alam mo nang malaman niya na umalis ka na, kitang-kita ko ang mukha niya. Naawa ako Mico pero ano magagawa ko eh ayon ang katotohan na wala ka na."
"Tapos po?"
Huminga muna ng malalim si Saneng. "Nagpunta siya sa kwarto mo. Lulugo-lugo, hay... naawa talaga ako. Lilinisin ko nga sana yung kwarto mo eh, hindi ko na lang tinuloy kasi naroon nga siya."
Napangsinghap si Mico. Pinigilan niya ang sariling mapaiyak sa nalalaman. "Pero tingin niyo po ba na Ok siya? Hindi ba siya nagalit?"
"Siguro. Hindi ko alam eh. Pero hindi siya galit nagtataka lang si Ivan kung bakit ka hindi nagpaalam. Wala naman akong masagot sa mga tanong niya."
Ibinagsak ni Mico ang sarili sa sofa at pinadapo ang kamay sa noo. Parang sasakit ang ulo niya sa pag-aalala kay Ivan. "S-si Vani po?" naalala niya ang alaga.
"Ay si Vani. Kinuha ni Ivan, nasa kanya yung alaga mo. Siya na daw ang mag-aalaga kasi pati daw si Vani hindi mo na inalala."
Natameme si Mico sa nalamang iyon. Totoo naman na hindi na niya naalala ang kanyang alaga. "Sigurado naman akong aalagaan ni Ivan si Vani. Hindi ako mag-aalala."
"Pinapasabi pala ni Ivan na..." luminga-linga muna si Saneng sa paligid. Kahit wala namang tao sa paligid nauwi pa rin sa pabulong ang sasabihin ng makwentong si Saneng. "Huwag mo daw siyang kakalimutan..."
Dahil sa ibinulong na iyon ni Saneng, naluha si Mico. Lalo pa ng may idugtong ito.
"...mahal na mahal ka daw niya." dagdag ni Saneng.
Bumilis ang tibok ng puso ni Mico. Muli na naman niyang naramdaman ang pagkamiss sa minamahal. Pero nakaramdam din siya ng hiya sa kausap nang maisip niyang alam pala nito ang meron sa kanila ni Ivan. "S-sinabi po talaga niya iyon sa inyo?"
"Oo. Pero sa totoo lang matagal ko na rin napapansin na may pagtingin kayo sa isa't isa. Hindi lang ako nakikialam dahil ano naman ang karapatan ko at saka katulong lang naman ako."
Hindi na kumibo si Mico sa mga sinabi ni Saneng. Si Ivan ang tumatakbo sa kanyang utak. "Magkikita pa kami. Hindi imposible yun. Pero kelan?"
Kanina pa naka-alis si Saneng nang maulinigan ang ama na pababa sa hagdan. Agad niyang pinunasan ang bsang mukha dahil sa tumulong mga luha. Pinilit niyang ngumiti ng mapatapat sa kanya ang ama. Buti na lang at nakatalikod siya kanina sa hagdan kaya hindi halatang may dinaramdam siya.
-----
Nakaakyat na si Mico sa kanyang kwarto. Agad niyang naalala ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon sa kanyang drawer para i-check kung Ok pa ang kanyang sim. "Ang tagal ko ng hindi nagagamit ito. Sana Ok pa." nang hawak na niya ang bagay.
Pero nang mai-on ang kanyang cellphone, wala na itong signal. Ibig sabihin paso na ang kanyang sim. Napa-buntong hininga na lang siya. "Inaasahan ko pa naman na makokontak ako ni Rico. Siyempre bibili na lang ako ng bago. Pero paano niya malalaman na ang magiging bago kong number?"
Saglit siyang natulala nang biglang may maisip."Tama, bibili ako ng bagong sim tapos ipo-post ko sa facebook ko ang number ko. Ipopost ko sa wall ni Ivan." Nanlaki ang kanyang mga mata sa katuwaan sa naisip. "Bakit hindi ko naisip yun, na maari pa rin naman kaming magkaroon ng communication."
Agad siyang bumaba para tanungin si Saneng kung nadala ba nito pabalik ang kanyang laptop. Naabutan niya si Saneng sa kusina.
"Nadala po ba ninyo ang laptop ko?"
"Oo. Nasa center table sa sala ah. Doon ko inilapag. Akala ko napansin mo noong naguusap tayo."
"Ay ganoon po ba?"
Excited si Mico na makuha ang laptop sa sala. Malayo pa siya ay napansin na niya itong naka-angat, tila may gumagamit. Agad siyang lumapit at nakita niyang nakapatay pa naman ito. Hindi pa napapagana. Nagtataka siya kung sino ang gagamit noon. Imposible naman si Saneng.
Agad niyang binitbit ang kayang laptop. Nakasalubong niya ang ama sa hagdan. Kahit malawak ang hagdan tumigil si Mico para magbigay daan sa ama. Pakita na rin niya ng pag-galang.
Nagulat si Mico nang magsalita ang ama.
"Gagamitin ko sana yan. Kaya lang nagbago na isip ko. Baka kung ano pa ang makita ko. Eh kadarating mo pa lang baka magkagulo na naman."
Hindi mawari ni Mico kung may pag-aalala ba ang tono ng ama sa kanya o tipong nang-aasar ito. Pero ang higit na naramdaman ni Mico ay ang matinding kaba nang malaman niyang ang ama pala niya ang gagamit sana ng laptop niya. Naisip niya ng niretoke niyang picture ni Ivan at ginawa pa niyang wallpaper. "Tama magkakagulo na naman kung nakita ni Dad ang picture ni Ivan sa screen. Buti na lang."
Agad siyang tumakbo pataas nang mapalgpasan ng ama pababa.
-----
Binuksan ni Mico ang laptop niya. Nagulat siya ng tumambad sa screen ng laptop niya ang mukha ang picture ni Ivan na inedit niya pero na may nakasulat na ibang salita.
Binasa niya iyon ng mabagal. "I really miss you and love you, so sad si Ivan." Doon muling tumulo ang luha niya. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Ivan nang iwanan niya ito nang paalam. "Patawarin mo sana ako, Ivan. Huwag ka sanang magalit sa akin. Hindi naman ako ang may gusto ng mga nangyayari sa atin ngayon eh. Ang mga magulang natin."
Napa-higa siya sa kanyang kama dahil sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso. Doon, ibinuhos niya ang sama ng loob sa mga nangyayari.
-----
"Magandang umaga po. Ako po si Rico, dito po ba naka-tira si Mico? Kaibigan po niya ako. Gusto ko lang pong dalawin siya. Matagal po kasing hindi kami nagkita kaya napag-pasyahan kong dalawin siya. Sana ay mamarapatin ninyo."
Kahit alam ni Rico na maayos siyang nagpapaalam sa kaharap at presentable ang kilos at pananamit niya, nakakaramdam pa rin siya ng kaba dahil sa matalim na panunuri ng mata ng kaharap.
-----
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
weeeeeeee... mali pla ako... hehehe kuh.. eksena n itong si rico... hmmmmmmm... excited na me
hihihihi
see! told yah! its rico! :))
last 6 chaps! :(
basa mode na! :))
galing...
waiting for the nxt part...
keep writing dear author =)
wow... everyday na ang update. matatapos na ba sa chapter 50? haaay... yoko pang matapos eh.. hehehe... sana may book two. Di pwedeng si MICO at Rico kahit magkatunog ang pangalan nila. IVAN at MICO pa rin. hehehe. may facebook pala eh. tuloy ang ligaya no... hehehe
omg! :)) haha
Baby Ivan! :)) kung miss ka ni Mico miss na din kita!
Di ka nagparamdam last Chap e! pati ngayon! :))
btw.. nakila baby ivan pala si vani! :)) good! :)) worried ako kay Vani e! haha lol
btw again! saneng.. ngayon ko lang naramdaman Presensya mo! haha
sweet ni baby Ivan talaga! :))
"Huwag mo daw siyang kakalimutan..." "...mahal na mahal ka daw niya."
yun yun e! haha
cant wait for th last 6 chaps! even though malunkot ako kasi matatapos na! :(
waahh..
eksena na pala ni Rico eh.. hehehe
great story..
God bless.. -- Roan ^^,
hahahah umiksina nah si rico pwdi rin para masaya
ayun ... si rico pala!
haha ... kala ko din si ivan na ehhehe
sana magtagal pa si mico!!
naku sana mapost kaagad ni mico ang number nya at makuha din agad ni ivan sa fb nya. gusto ko si ivan para kay mico. hehehe
Sana wag ng makigulo ni rico. sana friends na lng cila ni mico.
at sana maisipan din ni ivan pumanta ng maynila tuwing sabado at linggo. hahaha
@ ram! wag ka magalala! beki rin si rico! :)) at ung kausap nya feeling ko! BF nya! :))
grabe parang kelan lang part 1 palang eto ..ngayon part 44 na..
galing author.!!
you're always making my day!!
love you na!..haha
Post a Comment