Nakatitig lang si Mico habang nakaupo sa harapan ng kanyang malaking salamin, katabi ng kanyang kama. Panay ang buntong hininga niya habang minamasdan ang kanyang malungkot na mukha. Kinuha niya sa katabing table ang nakapatong na suklay at ginamit niya iyon para suklayan ang kanyang humahaba ng buhok. Isa na ring paraan niya para maabala niya ang kanyang sarili.
"Naalala ko, nang una kong araw sa Batangas..." napa-ngiti siya. "Hindi naman ganito ang buhok ko eh. Maikli lang. Pero ngayon, hindi ko na makita ang mga tenga ko sa haba." Sinuklay niya pataas ang kanyang buhok sa parteng taas ng noo. Gusto niyang makita ang buong mukha niya. Saka siya muling napa-buntong hininga. "Halata ang pamamaga sa ilalim ng mga mata ko." muli siyang napa-buntong hininga.
Itinigil niya ang pagsuklay. Kinapa niya ang kanyang mukha at napagtantong nananaba siya hindi tulad ng unang araw niya sa Batangas. "Grabe, hindi ko na namalayang nagkalaman na ako. Ang payat payat ko dati. Paano wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain. Si Iv-." hindi niya naituloy banggitin ang pangalan ni Ivan. Muli lang niyang nadama ang kalungkutan. "Hay... Kelan ba ako magiging maayos kung sa tuwing maiisip ko si Ivan, nararamdaman ko agad ang pangungulila. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon? Alam na siguro niya, malamang kahapon pa. Baka kung anong isipin niya dahil ako nagpaalam."
Muli niyang kinuha ang suklay para suklayin naman pababa sa kanyang mukha ang bangs. "Gusto siyang makita pero natatakot ako at nahihiya kay tita Divina. Eh kung puntahan ko kaya siya sa school niya? Ang layo kasi ng Batangas, malamang hindi ako papayagan ni Mama. Kung hindi na lang ako mag-paalam? Baka magalit sa akin si Mama, siya na lang nga ang kakampi ko eh. Pero namimis ko na si Ivan."
-----
"Hindi ako uuwi ng tanghalian bukas." si Dino habang nakahiga na ito sa kanilang kama. Nasa harapan si Laila ng salamin nagsusuklay ng buhok. Gawain na kasi ng babae ang masuklay ng buhok bago matulog.
"Ako rin, ang dami kong gagawin sa office. Naiwanan ko kasi nang sunduin ko si Mico sa Batangas."
"Bakit ba kasi kailangan mo pang sunduin ang anak mo?" may diin ang pagkakabigkas ni Dino sa salitang anak.
"Anak mo rin." pag-uulit ni Divina.
"Ang tanda na ni Mico para sunduin pa. Marunong na 'yun sinusundo mo pa."
Ayaw pa apekto ni Laila sa pananalita ng asawa. "Matanda na si Mico?" sa halip tanong na lang niya.
"Anong tingin mo sa anak mo, nagaaral pa sa elementary? Eh kahit nga yata grade 4, 5 marunong ng sumakay ng taxi."
"Ok." pag-sangayon ni Laila. "Nililinaw ko lang naman na kung matanda na nga si Mico para sayo." Nakita ni Laila ang asawang napa-kunot noo nang tignan niya ito sa pamamagitan ng kanyang salamin. "So, dahil nasa edad na si Mico, ang anak mo, alam mo ng makakapag-desisyon na siya para sa kanyang sarili. Na hindi mo na pwedeng pakialaman basta basta ang kanyang mga ginagawang desisyon. Kung ano man ang piliin niya, siguro dapat na lang nating suportahan at bilang magulang alalayan natin siya sa mga gusto niya sa buhay." Nang sinasabi iyon ni Laila ang iniisip niya ang napiling pagkatao ni Mico.
"Kaya lumalaking spoiled yang anak mo eh."
Hindi na kumibo pa si Laila. Para sa kanya tama na muna ang mga nasabi niya. Baka uminit lang ang usapan nila. Pasalamat nga siya at nagawa niyang makapagsalita nang hindi umiinit ang ulo ng asawa. Tinapos niya ang pagsusuklay. "Dino, pupunta lang muna ako sa kwarto ni Mico."
-----
"Mico, bakit hindi ka bumaba kanina?" nag-aalalang si Laila nang bisitahin niya ang anak sa kwarto nito.
Bumalikwas sa pagkakahiga si Mico at humarap sa ina. "Ma, wala po kasi akong gana." Ngumiti siya ng tipid.
"Baka mapaano ka nyan, Mico?"
"Ma..." sinikap ni Mico na lagyan ng tonong humihingi ng pag-unawa ang kanyang pagtawag sa ina saka ngumit ng maluwang. Sinikap niyang pasayahin ang kanyang tono sa pagsasalita. "Dati naman akong nagda-diet eh. Tignan mo po..." ipinakita niya ang kanyang braso sa ina. "Ang taba ko na. Ok lang po ako. Alam ko po nag-aalala kayo. Pasensiya na po."
"Naisip ko lang kasi baka kaya hindi ka bumaba dahil natatakot sa Dad mo. Siyempre, talagang mag-aalala ako kasi may iba ka pang pinoproblema, nak."
Sa sinabing iyon ng ina, muli na namang may kung anong sumundot sa puso ni Mico para makaramdam ng sakit at magbadya sa pagluha. "Ma..."
Lumapit ng maigi si Laila sa anak, pagkatapos ay ipinatong ng ina ang kamay sa likuran ni Mico at hinimas iyon. Inaalo ng ina ang kalungkutang nadarama ni Mico. Nauunawaan niya ang anak dahil naranasan din naman iyon noong nagsisimula pa lan sila ng asawa, ang tatay ng ani Mico.
Napayakap na si Mico sa ina. "Ma... ramdam ko pa rin ang sakit eh. Ang sakit sakit po. Nag-try na po akong kalimutan siya, kahit saglit lang, pero hindi ko magawa Ma."
"Naiintindihan ko Mico. Kaya nga nandito si Mama eh para alalayan ka sa dinadala mo."
Hindi sumagot si Mico bagkus mas hinigpitan niya ang kanyang yakap sa ina, para iparamdam ang pasasalamat niya sa ginagawa ng ina para sa kanya.
"Hindi mo pa sa akin kinu-kwento ang mga nangyari, Mico. Pwede mo na ba sa aking sabihin ang lahat?"
"Opo Ma. Pero baka may gagawin ka pa?"
Ngumiti ang ina ng ubod ng tamis. "Bakit? Mas mahalaga pa ba ang ibang gawain kung alam kong kailangan ako ng aking anak." sabay pisil ni Laila sa ilong ni Mico. Nagkatawanan sila. "Malungkot ang anak ko eh, kaya gusto ko sana mapasaya ko siya."
Ikinuwento nga ni Mico ang mga nangyari simula't simula kung bakit at papaano sila nagkamabutihan ni Ivan. Hindi niya lang isinama ang nangyari noong huling gabi niya sa piling ni Ivan. Nahihiya siyang iditalye.
Sa nalaman ng ina sa mga ipinahayag ng anak, wala siyang naramdamang galit kundi pag-unawa sa damdamin ng anak. Ang hindi niya lang mabigyan ng matuwid na pagsang-ayon ay ang relasyon nito sa kapwa nito lalaki. Pero at least naroon na rin siya kaya lang may mga tao pang dapat tumanggap ng kalagayan ng anak. Katulad na lang ni Dino, ang tatay ni Mico. Si Divina ang nanay ni Ivan.
Ang maganda roon, natapos ang kwentuhan sa kahit papaanong magaang pakiramdam ni Mico.
-----
"Oho." magalang na sagot ni Mirna.
Hindi pa nakakatalikod si Laila sa kasambahay ay napansin na niya si Mico na pababa sa mataas nilang hagdan. "Mico." bahagyang nagulat pero masaya pa rin niyang tawag sa anak. Ngumiti ng maluwang si Mico.
"Paalis ka na Ma?" tanong ni Mico nang makalapit.
Pero bago sumagot sa anak ay sa kasambahay muna si Laila nagbigay atensyon. "Sige na Mirna, yun lang ang paalala ko."
"Sige po Maam."
Matamis na ngiti ang ipinakita ni Laila sa anak. "Oo Mico. Ano, nakatulog ka ba ng mabuti kagabi? Kahit walang kain?" biro ni Laila sa anak.
"Opo Ma." sagot ni Mico ng naka-ngiti.
"Sige, aalis na ako. Ibinilin ko na kay Mirna na ipagluto ka. Alam mo na naman na hindi kami uuwi ng Dad mo ngayong tanghali. Ikaw muna dito ha?" pagkatapos tinitigan ni Laila anak. Tinatantiya kung magiging Ok lang ba ang anak na maiwan. Hindi naman niya masyadong napapansing malungkot ang mukha ni Mico. Hinalikan niya ang anak sa noo. "Paka-bait ka ha? Kahit mabait ka na." natatawang biro ng ina.
"Opo Ma." natawa na rin si Mico. "Pero Ma..."
"Ano yun?"
"Balak ko po kasing lumabas mamaya. Na-miss ko na rin pala po dito."
"Sige. Maganda nga 'yang naisip mo."
"Salamat Ma."
"Mamaya pala ang dating ni Saneng. Sinabi ko sa kanya na silipin ang kwarto mo para madala ang mga gamit mo na naiwan. Hindi na kita tinanong kung ano ang mga dadalhin eh."
"Ok lang Ma."
"Mag-ingat ka na lang mamaya."
"Opo."
-----
Halos tatlong oras na si Micong wala sa kanilang bahay simula ng lumabas ito para mag-gala. Sinubukan kasi niyang aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagpunta sa mall, paglakad-lakad sa kung saan-saang lugar na alam niyang maari siyang maging masaya.
Nakaramdam na rin si Mico ng gutom. Napa-labi pa siya nang mapatapat sa isang kilalang restaurant. May pera siya kaya lang nagdadalawang isip siya kung papasok ba siya o uuwi na lang. "Ayoko pa kayang umuwi." sabi niya sa sarili niya. Gusto ko pang magpunta sa mga tambayan naming magkaklase, baka makita ko sa school ang mga dati kong classmate." saglit pa siyang nag-isip. "Papasok na nga lang ako."
Agad siyang pumasok dala na rin ng nararamdamang gutom. Nang maka-pasok, tumigil muna siya para tignan kung saan may bakante. Ang mga pwesto sa kanyang harapan ay mga okupado na. Nang mapa gawi ang paningin niya sa bandang kaliwa niya, agad na napakunot ang noo ni Mico. Napatitig siya sa isang lalaking bahagyang nakayuko, nakapwesto sa gawing kaliwa paharap sa kanya na . "Parang kilala ko 'yun ah?"
Nanlaki ang mga mata ni Mico nang iunat ng lalaki ang mukha nito. "Siya nga!"
-----
12 comments:
Sino yun si IVAN ba? naman kaka... cge abangan ko sunod na kabanata!!!
eto ung nakasapakan ni Ivan dati diba? :P
ayun ... akala ko di na mapopost :)) .. hehehe
next chapter na ... maiksi siya author :)). ..
hehhe
waaaaaaaaaaaaah... baka si mark un.. mark nga ba ung pangalan nung kakwentuhan ni mico sa party ni ivan... anyway... hula lng naman.. hihi... exited much
c mark nga yun....hahahaha
yeah! haha wala lang! wala ako masyadong macomment kasi walang part si Baby Ivan ko! :))
btw.. super close pala talaga si Mico and Mommy nya! :))
feeling ko si Rico yun or one of His Classmates! :))
next pls! :)) #demandinglang! haha
si Rico un .. pusta buhay .. whahahaha:)
si Rico rin ang hula ko...
saimy
malamang yng nakita nya ay yng friend ni mico na pinagselosan ni ivan. perfect ang story.
wow nakita n uli ni Mico si Rico... ahahahahaha! Great story! Kudos!
maiksi nga... pero malaman pa rin.
kung hindi si Rico yon, daddy ni MICO and nakita niya kasi di siya uuwi ng tanghalian eh. baka may kasamang iba... hala! lagot siya kay MICO. dito na lalaban si MICO sa kanya. hahaha.
pinakaboring na chapter!!! comment lang mr author!! pancin ko mula simula ganyan!! bitin na maikli pa!! tapos ang sama pa bitin na nga disappointing pa yung next chapter!!! parang nawalan ng kulay yung kuwento!!!
Post a Comment