Followers

CHAT BOX

Tuesday, May 17, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 42




"Mico?" ulit ni Ivan. Dinig na dinig ni Ivan ang tili ng taong nasa dulo ng hagdan sa taas.


"Ivan..."


"B-billy?" Nakilala na niya kung sino ang taong nasa harapan ng sinag ng araw. Napakamot siya sa kanyang ulo. "Halatang si Mico ang laging nasa isipan ko. Tama bang mapagkamalan kong si Mico si Billy." Saka niya napansing nagmamadaling lumalapit sa kanya si Billy.

"Ivan, ano ka ba?" natutuwang tanong ni Billy. Hind kasi siya makapaniwalang pinagkamalan siyang si Mico. "Ano bang nakain mo at pinagkakamalan mo akong si Mico?" saglit siyang tumigil. Naghihintay ng sagot mula kay Ivan. "Ay, pipi. Pero, natuwa ako doon ah, infairness. Pagkamalan ba akong si Mico. Well, ibig sabihin lang noon na kasing ganda ko si Mico." sabay tawa. "Siyempre naman, maputi lang si Mico at dyosa naman ako ng mga kayumangging kaligatan. Magkaiba lang ang mundo namin, pero pareho kaming dyosa." patuloy ang pagmamalaki at pangangarap ni Billy. Pumipikit-pikit pa siya habang feel na feel na pagkamalan siyang si Mico. "Kaya naman hindi na nakakapagtakang mapagkamalan mo akong si Mico." muling tumawa pero ng may pagmamayabang. Hindi na niya namalayang nilagpasan na siya ni Ivan. "Kaya naman-" tumingin siya sa kanyang harapan. "Kaya naman, Ivan? Ivan?" lumingon siya. "Ivan, wala ka na pala sa harapan ko hindi mo man lang sinasabi na aalis ka na pala. Tignan mo 'to hmpt." napalitan ng inis. Humabol na lang siya kay Ivan na kasalukuyang inaakyat ang hagdan. "Ivan, wait for me."
-----

Nasa loob ng canteen si Ivan kasama si Billy. Pareho nilang hinihintay sina Mark at Angeline na kasalukuyang nakapila sa mahabang pila para umorder ng makakain.



"Oy, kanina ka pa tahimik ah?" pansin ni Billy kay Ivan. Kanina pa kasi nito napapansing nakatitig lang si Ivan sa may bintana na para bang may hinihintay gayong nasa harapan na nito ang inorder na pagkain. "Nagpe-pray ka ba? Ang tagal ah." biro ni Billy.

Tumingin si Ivan kay Billy ng naka-ngiwi.

"Biro lang naman. May problema ka ba Ivan? Sa totoo lang kanina pa kita napapansing tahimik."

Bumuntong hininga lang si Ivan at kinuha ang tinidor pagkatapos ay pinaikot-ikot lang ito sa kanyang platong may lamang pagkain.

Napatitig lang si Billy sa ginagawa ni Ivan. Ayaw na niyang magtanong. Naisip niyang may problema nga si Ivan at wala ito sa mood na magsalita. Ayaw na rin niyang mangulit baka magsungit pa ito. Tanging ang mgataka na lang ang kanyang nagawa.

"Nagmahal ka na Billy?" siryosong tanong ni Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Billy. Hindi niya inaasahang magtatanong iyon ng ganoong klase at sa siryosong paraan. Muntikan pa siyang mabilaukan dahil kasalukuyang siya noong sumubo ng kinakain. "Siryoso ah?"

Hindi umimik si Ivan. Tumingin lang muli ito sa may labas ng canteen tulad ng kanina.

Napaupo naman si Billy ng maayos. Napansin niyang siryoso nga talaga si Ivan. At nagtanong na ito, maaring kailan nga yata niyang sumagot. "A-ah Ivan? Kailangan ko ba talagang sumagot?"

Tumingin ng diretso si Ivan kay Billy. "Kung gusto mo bang sagutin eh. Ikaw ang bahala."

Bumuntong hininga muna si Billy. "Kasi... Oo naman." gusto sana niyang ipaligoy-ligoy pero na diretso na niya rin. "Oo naman Ivan."

"Malamang sa kapwa mo lalaki." ngumiti si Ivan ng may ibig sabihin habang nakatingin ito sa ginagawang pagpapaikot-ikot ng tinidor sa plato.

"O-oo. Bakit? Para namang gusto kong matakot sa klase ng pagkakasabi mo?"

"Pasensiya na. Pero, mahal ka ba ng nagugustuhan mo?"

Biglang natawa si Billy. "Yun lang. Ako nga lang ang may alam na kami eh."

"Si Mark? Este si Markky mo." ngumiti si Ivan ng natural.

"Huwag kang maingay ah." Tumawa uli si Billy. "Pero alam ko na hindi posible yun mahal na mahal nun si Susane."

"Maliban ba sa kanya, wala ka ng ibang gusto o natitipuhan?"

Kumot noo si Billy. "Natitipuhan? Mmm marami pero crush crush lang yun hindi tulad ng pag-ibig ko kay..." pabulong niyang binigkas ang pangalan ni Mark. "bakit gusto ikaw? Huwag kang mag-alala..." sumubo muna si Billy at pabulol siyang nagsalita. "Nakalista ka na sa mga crushes ko." sabay tawa. Hindi naman siya nabulunan.

Natawa si Ivan. "Ito ah, kunyari lang. Kung sakaling ligawan ka ni Mark, o kaya naman, basta naging kayo, magagawa mo pa ba siyang iwanan." may naramdamang kirot sa puso si Ivan nang banggitin niya ang huling salita. "Oo, ganoon."

Pailalim kung tumingin si Billy sa pagkakataong iyon para bang nanantiya sa tanong ni Ivan. "Hay... kung mangyayari yun, itataga ko sa bato, hindi ko iiwanan si Mark noh."

"Mmm sigurado ka?"

"Oo naman noh. Aba, sa sitwasyon naming mga bading mahirap nang makahanap ng papa noh." sabay tawa ng bahagya. "Sa totoo lang. Yung iba nga ang iniisip, imposibleng magkaroon ng relasyong lalaki sa lalaki. Kaya ako, parang hanggang pangarap na lang siguro ako. Kaya ako, kung bibigyan ako ng pagkakataon na bigyan ng ganoong klase ng realsyon, pag-ibig. hindi ko talaga sasayangin. Oo."

Napayuko si Ivan. "Bakit si Mico, nagawa niya akong iwan. Kung mahal niya ako bakit niya ako iniwan." parang gustong maluha ni Ivan sa naisip niyang iyon.

"Ivan, bakit?" siryosong tanong ni Billy.

"H-ha wala. Sige kain ka na."

"Ok."
-----

Lulugo-lugo si Ivan nang umuwi sa bahay. Pasalampak siyang umupo sa sofa kaharap ang naka-on na t.v. Naabutan niyang bukas iyon kahit walang nanonood. Naisip niyang marahil ay nanonood ang ina at saglit na iniwan. Hindi nga siya nagkamali dumating ang kanyang ina.

"Ivan, anak. Kamusta?"

"Ito namimiss na si Mico." sagot ni Ivan habang nakakatitig sa mga imaheng lumalabas sa t.v. Lantaran niyang sinasabi ang pagka-miss nya kay Mico.

"Ivan," umupo si Divina katabi ng anak. Napansin ni Divina na bahagyang umusog si Ivan na para bang ayaw siya nitong katabi. "Siguro, mag-imbita ka ng mga kaklase mo rito para hindi ka mabagot na walang kausap. Tulad nila Angeline. Nami-miss ko na ang batang yun."

napa-ingos si Ivan ng marinig ang pangalan ni Angeline.

"Para naman siguro makalimutan mo si Mico, Ivan."

Napa- kunot noo si Ivan at tumingin sa ina. "Bakit ko kailangang kalimutan si Mico, Ma?"

"H-ha? Ang ibig kong sabihin, para hindi mo siya ma-miss. Kahit papaano, makalimutan mo naman siya, ah ang ibig kong sabihin par ahndi mo siya ma-miss. Ganoon. Kaya imbitahan mo mga kaibigan mo." hindi na alam ni Divina kung nakasagot ba siya ng maayos.

Pero lalo lang napaka-kunot noo si Ivan kasabay nito ang pagningkit ng mga mata. "Ma, pasensiya na po, pero parang may alam kayo sa pag-alis ni Mico?"

Naningkit din ang mga mata ni Divina. "Bakit ganyang ka kung magtanong? At bakit ganyan ka kung makapaghinala sa akin? Parang hindi mo ako ina ah."

"Para kasi kayong nagsisinungaling. Napapansin ko sa kung paano kayo magsalita."

Nakaramdam ng inis si Divina. Mukhang hindi niya naitatago ang lihim niya ng maayos. Nahahalata ni Ivan at ngayon at napaghahalataan na siya. "Eh kung meron, Ivan." lumakas ang boses ni Divina. "Ano ngayon?"

Napatayo si Ivan sa pagkaka-upo. Balak niyang umakyat na lang sa itaas dahil naramdaman niyang umiinit ang usapan nila. Mauuwi sa di maayos na pag-uusap.

"San ka pupunta Ivan?"

"Sa kwarto Ma, gusto ko ng magpahinga."

"Ang alam ko Ivan, may pinag-uusapan tayo pagkatapos bigla mo na lang akong lalayasan? San mo natutunan ang ganyan ugaling yan? Kay Mico?"

Napa-lingon siya sa ina. "Ma?" bigkas ng pangalang nagtatanong? "Paano ninyo naisip ang ganyan?"

"Tinataasan mo na ako ng boses ngayon Ivan?" nagsimula nang manlisik ng mga mata ni Divina sa anak. "Hindi ka ganyan dati Ivan pero simula ng makipag-igihan ka dyan kay Mico na yan nag-iba na ugali mo Ivan."

Nagulantang si Ivan sa ipinahayag ng ina. "Ma?" anas niya ng mahina.

"Oo Ivan, ako ang nagpaalis kay Mico. Dahil bilang ina, ayokong makita kayong ganyan. Para sa akin kababuyan ang ginagawa ninyo." nagsimula nang umiyak si Divina. "Kaya dapat lang na sa mas maaga pa, putulin ko na ang kung ano mang namamagitan sa iyo. Naintindihan mo Ivan? Ayokong magkaroon kayo ng relasyon ng higit pa sa magkapatid."

Natutulala lang si Ivan. Nabigla talaga siya sa naririnig mula sa ina. Pero agad siyang naka-bawi. "Kaya pala. Ngayon naiintindihan ko na." malungkot na tumalikod si Ivan at pinagpatuloy ang pag-akyat sa hagdan.

"Ivan?" tawag ng ina.

Tumigil si Ivan. "Bakit ma, may sasabihin ka pa ba?" Hindi sumagot ang ina. Nakayuko lang ito habang umiiyak. Hindi siya nakakaramdam ng awa para sa ina dahil mas masakit ang nararamdaman niyang tutol ang kanyang ina sa realsyon nila ni Mico. "Gusto ko lang pala ipaalam sa inyo na mahal na mahal ko si Mico. Aakyat na ako."

"Ivan?" tawag ni Divina. Nasa tono niya ang pagtutol sa sinabi ng anak. "Kalimutan mo si Mico." Pero walang sagot na narinig pa si Divina. Tuluyan na siyang iniwanan ng anak.
-----

Nang maisara ni Ivan ang pinto ng kanyang kwarto, hindi na niya napigilan ang kanina pa niyang pinipigilang emosyon. Gustong-gusto nang sumabog ng kanyang dibdib sa matindig sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang puso. Pasandal sa pinto niya siyang nagbuhos ng sama ng loob sa mga nangyayari.

"M-mico..." tawag niya sa pangalan ng minamahal. "siguro ganito rin ang nararamdaman mo. Ngayon, naiintindihan ko na. Sana, sinabi mo sa'kin Mico. Naipaglaban sana kita."
-----

"Anong naisipan ng anak mo at biglang bumalik dito? Ang akala ko doon na iyon maninirahan?" nakangising tanong ni Dante sa asawa ng lumapit na sa hapag-kainan. Kasalukuyan silang nasa harap ng hapag-kainan.

Binalewala ni Laila ang tanong ng asawa.  Hinarap na lang niya ang kasambahay na paparating at may hawak itong pitsel. "Mirna, paki-check mo nga si Mico sa kwarto niya. Pababain mo na siya, sabihin mong nakahanda na ang hapag." saka siya umupo.

"Sige po Ma'am." inilapag na ng may-edad na babae ang buhat-buhat na pitsel.

"Dino, gusto ko lang ipaalala-" hindi na natapos ni Laila ang sasabihin ngputulin ito ni Dino.

"Huwag kang mag-alala. Wala akong pakialam kaya wala akong sasabihin. Walang gulo." Nagsimula nangsumandok si Dino ng kanin.

Hindi na umimik pa si Laila pero nasaktan siya ng sabihin ng asawa na wala itong pakialam sa anak. Maya-maya pa ay dumating na si Mirna. "Ma'am, hindi muna daw po siya sasabay."

Napa-kunot noo si Laila. Nag-alala siya para sa anak. Pagkatapos ay napa-tingin siya sa asawa. Tinignan kung ano ang reaksyon nito sa narinig mula sa kasambahay. Tama ang hinala niya, nakangisi nga ito. Napa-ngiwi na lang siya sa inis.
-----

7 comments:

Unknown said...

wala sa reaction option ung reaction ko....hahahahha....nakakainis... yan nararamdaman ko para sa mga kontrabida sa buhay nila ivan at mico.. wawa naman silang pareho... hindi ba pwedeng maging masaya n lng???? tsk tsk tsk.. sabagay... panu malalaman ang saya kung walang lungkot???? tsk tsk... moved ako...

rushly16 said...

ai nku ang mga bida nalolongkot ai ang sakit naman ang pinag daanan nila gravi di ko kya kung aku nasa kalagayan nila sa bagay part lang yan ng relasyon ng magsyota heheheh good2x ah maraming salamat sa author hehehe nice job!!!!!

rushly16 said...

ganda talaga wala nah akung masabi pa kundi paganda na ng paganda ang kwento!!!!!

Anonymous said...

kawawa nman sina Mico at Ivan.. :(

nice story..

God bless.. -- Roan ^^,

yeahitsjm said...

OMG! haha.. kagabe binasa ko to thru phone lang.. kaya ngayon lang ako nag comment.. :) btw..

Baby Ivan ramdam kita! superb miss mo na talaga si Mico! :(

si Mommy Divina *mommy?? haha* naman kasi e! :( malungkot din ako! affected ako e! :(

btw.. ang sweet talaga ni Baby Ivan.. imagine na afford nyang sabihen kay Mommy Divina ung "Gusto ko lang pala ipaalam sa inyo na mahal na mahal ko si Mico" taray! basag si Mommy! haha

as usual nice chap! :)) next na! :)) cant wait for the next few chaps! :))

ram said...

arrghh. grabeng emosyon. buti naman nabanggit na ni divina kay ivan na sya nagpalayas kay mico. atleast d magbago pagtingin ni ivan kay mico. good job ASH. thanks.

yeahitsjm said...

teka! dapat ako ung top commentator! haha! yeahitsjm(10) & superjm is me(6)! :) pinalitan ko lang ung supejm to yeahitsjm para parehas sa twitter ko! haha #magprotestba?? haha loljk