"Sandali naman, pahinga muna tayo dito. Maka-hila ka dyan." reklamo ni Mico nang matapos silang kumain. Hinihila na kasi siya ni Ivan paakyat.
Natawa si Ivan. "Gusto ko na kasi matulog."
"Ang dami mo kayang nakain? Baka bangungutin ka niya." pagkatapos ay pabulong na nagsalita si Mico. "Nagyon pa nga lang tayo officially on eh, maiwanan mo na agad ako. Hmpt."
Muling natawa si Ivan. "Narinig ko yun. Oo na nga. Dito muna tayo. Mmm sa totoo lang iba ang naiisip ko eh."
"Ha?"
"Baka hindi bangungot ang mangyari, appendicitis ang malamang." sabay tawa.
"Ha? Appendicitis? Balak mo bang tatakbo matulog?"
"Hindi no. Pero parang ganun na nga. Kasi... sayo lang tumatakbo ang mundo ko. Nyaaaaa...." si Ivan ang na-cornihan sa sinabi niya.
Tatawa-tawa rin si Mico. "Sige, ok na rin. Kinilig naman akokahit kaunti. Ikaw ah, may nalalaman ka ng ganyan."
"Naisip ko lang bigla."
"Ewan."
"Ano? Matagal ka pa bang magpapahinga dyan?"
"Naman. Ang dami mo kayang pinakain sa akin. Tignan mo, bondat na ako."
Natawa si Ivan. "Asan, eh parang pinisat naman yang bewang mo eh. Walang ka laman-laman."
"Ewan ko sayo. Mga 10 mins. Ok na ako."
"Ok."
-----
Magkahawak sila ng kamay nang pumasok sila sa kwarto. Pagkapasok na pagkapasok palang nila aya agad na humarap sa kanya si Ivan at siniil siya ng halik.
Nanlaki ang mga mata ni Mico sa ginawang paghalik na iyon ni Ivan. Hindi niya inaasahan na gagawin niya iyon sa kanya. Pero gumanti na rin siya.
Maya-maya ay bumitiw si Ivan sa paghalik. "Hindi ka naman siguro magagalit di ba?"
"Magagalit?" sabay yuko. "Gusto ko nga eh."
"Handa na ako."
"Ha?"
"Noon ko pa ito gustong gawin pero, sinabi kong hihintayin kong maging tayo muna."
"Pero tayo na noon pa di ba? Hindi lang tayo nagkaintindihan? Sabi mo kanina."
"Oo nga pero. Di ba sabi ko may ibibigay ako sayo sa birthday ko? Gusto ko sana kasi, i celebrate natin ng solo ang birthday ko, tapos gusto ko maging official ang relationship natin sa birthday ko. Kaso, ayun na nga ang nangyari. Inaway kita."
"Don't worry wala na yun. Ang mahalaga mahal mo talaga ako."
"Oo."
"Ano na ang susunod?" natatawang si Mico.
"Excited?"
"Hindi naman. Natatakot nga ako eh."
"First time."
"Naman. Anong tingin mo sa akin?"
"Ok, tutulog na tayo."
"Sabay ganun eh."
Natawa si Ivan. "Mmm siyempre ako rin, ngayon ko lang rin gagawin. Kinakabahan ako."
"Pero kaya pala kung makahila kanina, masyadong excited."
"Huwag mo na nga ipaalala. Nahiya tuloy akong bigla."
"Ok." saka ngumiti. "Tuturuan mo ako?"
Muling natawa si Ivan. "Susubukan ko. Ano naman ang ituturo ko? Bahala na."
"Hala, nahihiya tuloy ako eh."
"Hayaan na lang natin kung ano ang mga mangyayari."
Natawa si Mico. "Hayaan, eh hindi mo nga alam kung paano sisimulan eh."
"Ki-kiss uli kita."
Hinalikan nga ni Ivan si Mico. Iyon nga ang naging simula nila at paunti-unti nilang dinadala ang mga sarili sa kama. Kapwa hingal na hingal ang dalawa nang makarating sila sa tabi ng kama. Saka lang nagbitiw ang dalawa.
"Then." natatawang si Ivan.
"Ano."
"Mmm parang gusto kong..." inginuso ni Ivan ang damit. Pagkatapos ay bahagyang itinaas ang dibdib. Nagpapahiwatig na dapat si Mico ang maghubad ng kanyang damit.
"Na-gets ko." pero dinaan ni Mico sa biro. "Baka lamigin ka." sabay tawa.
"Parang yun nga ang maganda eh, yung nilalamig." sakay ni Ivan.
"Ah huh. Sige. Taas ang kamay, dali."
Itinaas nga ni Ivan ang dalawang kamay upang malaya ni Mico na maihubad ang damit ni Ivan.
-----
Iinat-inat pa si Divina ng bumangon kinabukasan. Dire-diretso siya sa kusina para magluto ng aalmusalin. Doon nakita niya ang kalat sa lababo.
"Ay, hindi ko na pala namalayan ang pagdating ng dalawa kagabi. Ang sarap ng tulog ko kasi. Buti naman at kinain nila ang iniwan kong pagkain para sa kanila." Hinugasan na ni Divina ang mga kalat sa lababo. Saka muling nagprepara ng lulutin para sa almusal.
Halos isang oras din nang matapos na ni Divina ang mga ginagawa. Naisipan niyang kamustahin si Ivan sa taas. Wala naman siyang balak gisingin.
-----
"Alas siyete na." nasabi ni Mico nang makita ang oras pagkagising niya. Hind siya masyadong maka-galaw dahil mahigpit pa rin ang yakap sa kanya ni Ivan. Tulog na tulog pa ito.
Hindi na niya inistorbo si Ivan. Minabuti na niyang bumangon at para makabalik sa kabilang bahay. Inaasahan niyang dadating ang kanyang ina ngayon para sunduin siya. "Bahala na kung magalit sa akin si Mama, kapag sinabi kong hindi na ako sasama pabalik sa Manila."
Nasa hagdan na si Mico pababa nang matanaw niya si Tita Divina na paroo't parito ang lakad. Napansin din niyang kibit balikat ito at tila may malalim na iniisip. "Parang hindi mapakali si Tita."
"Tita, good morning po." bati niya sa matanda. "Bakit Tita, parang nagulat ko yata kayo?" tanong niya nang makita niya ang pagkabigla nito nang makita siya.
Nasapo muna ni Divina ang noo at huminga ng malalim.
"Tita, may problema po ba?" takang tanong ni Mico.
Ang dapat sana'y pagsasalita ni Divina ay nabitin at umiwas ito ng tingin at tumalikod.
"Anong problema ni Tita?" wala pa ring ideya si Mico. "Tita, uuwi na muna po ako." Pero walang sagot kay Divina. Umupo si Divina sa sofa. "Sige po." sabay talikod niya nang hindi makarinig ng pagsangayon ng matanda.
Mga ilang hakbang pa lang ni Mico nang tawagin ang pangalan niya ni Divina. Sa pagkakatawag na iyon ni Divina, nakaramdam si Mico ng kakaibang kabog ang kanyang dibdib. Tila kinakabahan siya.
"Mico." ulit ni Divina.
Muling lumingon si Mico. "Po?" Saka niya napansin ang pagtayo ng matanda.
"Pwede ba kitang makausap."
Nahalata ni Micong nagpipigil ng emosyon ang matanda. "Bakit?" tanong niya sa sarili. At nakita niyang nagtaas noo ang matanda.
"Hindi ko gusto ang nangyayari sa inyo ng anak ko." tuwid, dire-diretsong salita ni Divina. May awtorisasyon. Matigas. At higit sa lahat, nagpasog ng isipan ni Mico.
"Bakit?" isang malaking katanungan sa isip ni Mico. "H-ho?"
"Hindi ako tanga sa mga nakita ko." si Divina uli at kasabay na ng kanyang pagsasalita ang madalas na pag-alon ng dibdib nito. "At ayokong maulit pa iyon."
"Tita?"
"Oo, sapat nang makita ko kayong magkayakap at kapwa hubad. Natural, ano pa nga ba ang ibig sabihin noon." naiiyak na si Divina. "Mico, hindi sumagi sa isip kong mangyayari ang ganoon sa inyo. Alam mo ba ang naramdaman ko kanina, ang sakit sa aking dibdib. Halos hindi ako maka-hinga sa nasaksihan ko."
"T-tita..." hindi alam ni Mico kung paano magpapaliwanag. Naisipan niyang mag-dahilan pero hindi niya alam kung sa paanong paraan o magsabi na lang ng katotohanan.
"Ayoko ng relasyong meron kayo." sigaw ni Divina.
Sumabay ang pagtulo ng luha ni Mico pagkatapos marinig ang pagtutol na iyon ng kaharap. "Mahal ko si Ivan tita, at alam ko mahal niya rin ako. Sigurado po ako."
"Pero hindi ako papayag, Mico." Nanlisik ang mga mata ni Divina na ikinaramdam ng takot ni Mico. Pero napansin iyon ni Divina kaya pinilit nitong kumalma. "Mico, siguro kasalanan ko rin naman kaya ganito ang mga nangyayari. Masyado ko kayong dalawang pinaglapit. Dahil gusto ko magturingan kayong magkapatid." Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha kasabay ng pilit na pagpapakalma sa sarili. "Hindi ko naisip na darating kayo sa ganitong punto, na kayo mismo ay magkakaroon ng relasyon higit pa sa magkapatid."
"Tita, sana unawain ninyo kami." pagsusumamo ni Mico.
"Huwag kang mag-alala Mico. Naisip ko ring hindi dapat kita sisihin sa nangyari pero, para unawain ang nangyayari. Siguro dapat ka munang lumayo kay Ivan. O mas nararapat na hindi ka na magpakita sa kanya."
"Tita?"
"Oo, Mico. Buo ang desisyon ko. Ayoko nang makita kita dito simula ngayon."
"Tita. Ayoko." Lumapit si Mico kay Divina, nagmamakaawa.
Napa-tingala si Divina dahil sa nararamdamang awa. "Please Mico. Huwag mong hayaang tuluyan akong magalit sayo. Itinuring kitang anak kaya ayokong magalit sayo. Sundin mo ang gusto ko, Mico."
"Tita, mahal na mahal ko si Ivan. Sabi niya rin sa'kin, mahal na mahal niya rin ako. Pakiusap po. Huwag nyo pong gawin sa amin 'to."
"Mico, lumabas ka na ng bahay ko."
"Tita."
Pilit na ipinagtulakan ni Divina si Mico. Kung tutuusin kaya ni Micong makawala sa matanda. Bilang paggalang ayaw niyang sanggahin ang mga pagtulak nito sa kanya palabas.
"Mico, pakiusap. Iba ang pinapangarap ko sa anak ko. Gusto ko siyang makitang may mga anak. Gusto kong magka-apo."
Natigagal si Mico sa sinabi ng matanda. Ang laking sampal sa kanya ang mga sinabi nito. "Wala ako noon. Ang hinahanap ni tita Divina." tulala siyang nagpatinaod sa pagpapalabas sa kanay ng matanda.
"Mico." tawag ni Divina sa kanya nang maihatid na siya sa labas ng pinto. "Ginagawa ko lang ito para sa anak ko. Sana maintindihan mo." pagkatapos ay isasara na sana ni Divina ang pinto.
"Sandali po.Pwede po bang magpaalam man lang ako kay Ivan?"
Nanlaki ang mga mata ni Divina. "Hindi na. Para ano, mapigilan ka niya. At suwayin ang kagustuhan ko?" pagkatapos ay ang paghampas ng pinto pasara.
"Ivan."
-----
Palabas si Mico ng gate nang may pumaradang kotse sa tapat ng kanilang bahay. Lulugo-lugo siyang lumapit doon. Saka niya napansin ang paglabas ng kanyang ina sa loob ng kotse.
"Ma?" naiiyak tawag sa ina.
"Mico, bakit?" agad lumapit si Laila sa anak.
"Ma."
"Ano bang nangyayari sa yo? Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" Patuloy lang si Mico sa pag-iyak. "Mico?" muling naghintay si Laila ng sagot. "Mico, may kinalaman ba dito si Ivan o si tita Divina mo?"
Napatitig si Mico sa ina.
Naintindihan ni Laila ang mga tingin na iyon ni Mico. Alam niyang may kinalaman ang mga taong binaggit niya pero hindi niya lang alam ang dahilan. "Kung ayaw mong sabihin sa akin, sila ang kakausapin ko."
Biglang pigil ni Mico sa ina. "Ma, huwag na po."
Mas lalong naging tama ang hinala ni Laila. Pumiglas siya sa anak at iniwan ito para pumunta sa kabilang bahay.
Naiwan si Mico na hindi alam ang gagawin. Takot. Kaya, napatakbo siya sa loob ng kanilang bahay.
-----
"Saneng." tawag ni Laila sa kasambahay. "Mag-ayos ka na at ipasusundo na lang kita."
"P-po? bakit po Ate?" ang iniisip ni Saneng ay tatanggalin na siya sa trabaho.
"Uuwi na tayo ng Manila, pero kailangan mauna na kami ni Mico. Maiwan ka muna para i-secure ang mga gamit dito. Ipapasundo na lang kita."
"O-opo Ate. Sige po. Ngayon din po."
"Mico." tawag naman ni Laila sa anak. Agad siyang umakyat sa taas.
-----
"Mico." balikwas ni Ivan sa higaan. Pero hindi nahagilap ng kanyang paningin si Mico. "Anong oras na ba?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita mag-aalas otso na ng umaga. "May pasok ako ngayon." Nagmadali siyang kumilos at para mag-asikaso ng sarili. "Late na 'ko sigurado."
Nagmadaling maligo, nagbihis ng uniform para sa school, at bumaba.
"I-ivan?" gulat ni Divina sa anak nang makita ito. "A-akala ko wala kang balak pumasok." naptingin siya sa polo nito. "Mali-mali pa yang pagkakabutones mo."
"Aalis na ako, Ma."
Nakaramdam ng kaba si Divina. "A-ah saglit lang naman. Mag-almusal ka muna."
"Hindi na po. Late na talaga ako."
"Mmm hayaan mo na siguro, n-na ma-late ka. Sa pangalawa ka na lang kaya pumasok. Tama, ayokong umalis ka na hindi ka nag-aalmusal. Magagalit ako."
"Sige na nga po. Sige na nga para may time pa akong puntahan si Mico."
-----
"Ma, ayokong umalis. Ma..." gustong magpumiglas ni Mico sa paghatak sa kanya ng ina palabas.
"Mico. Tama ang tita Divina mo, kailangan mo munang lumayo."
"Pero Ma, nagmamahalan kami ni Ivan."
"Akala mo lang yun. Magisip-isip ka muna sa malayo. Baka doon mo makita kung ano ang talagang nararapat para sayo."
"Si Ivan na ang gusto ko, Ma."
"Mico." saglit na tumigil si Laila. Nilagyan niya ng diin ang pagtawag niya sa pangalan ng anak. Para bang sinusukat niya kung hanggang saan ang pagpupumilit ni Mico.
"Ma." mahinang anas ni Mico. Nagmamakaawa.
"Mico, anak. Sundin mo si Mama ha? Para sayo rin naman itong ginagawa ko."
"Pero Ma..."
"Mico, ang laki mo na. Di ba, hinahayaan na kitang magdesisyon para sa sarili mo? Kahit anong oras pwede kang bumalik dito o kung saan mo gustong pumunta, pero sa pagkakataong ito, sana maintindihan mo rin ang gusto ng tita Divina mo, ako, Mico. Gusto ko munang lumayo ka. Baka... malay mo, may mas hihigit pa kay Ivan na makikilala mo. Mico..."
Hindi alam ni Mico kung saan sa sinabi ng ina kung bakit siya napasunod dito at sumakay ng kotse. Walang dalang kahit anong gamit, napilitan na si Mico na sumunod sa kagustuhan ng kanyang ina.
Umandar ang sasakyan. Habang tahimik na umiiyak sa isang sulok ng sasakyan, puro pangalan ni Ivan ang nasa isipan niya. Bago lumiko ang kanilang sinasakyan, tumanaw pa siya ng huling sandali kung saan naroon ang bahay ni Ivan. Umaasang nakatayo doon si Ivan at kinakawayan siya.
-----
"Pupuntahan ko muna si Mico." pagkalabas na pagkalabas ni Ivan sa gate. Papalapit sa gate nila Mico, napa-tingin pa muna siya sa bintana ng kwarto ni Mico. Saka siya napa-ngiti. "Umaasa akong hindi mo na ako iiwan, Mico."
Kakatok sana siya sa saradong gate. Nang magbago ang kanyang isipan. "Mamaya na lang. Magdadala ako ng pasalubong. Tama."
Nilisan niya ang bahay ni Mico at naka-ngiting tinahak ang daan papunta sa kanyang paaralan.
-----
19 comments:
Nakakalungkot naman ang part na ito T_T.
huhuhu kawawa naman si mico at si ivan huhuhu:(
yown after a Week! Halos everytime chinecheck ko to para dito! :) btw..
hala! :( ang lungkot ng story! :( ngayon! Although masaya nung una!
Sabe ko na e! Sabe ko na na di tatanggapin ni Mommy Divina! *mommy?? Haha..*
kinakabahan lang ako sa magiging reaction ni Ivan sa pag alis ni Micobels! *micobels?? Haha..* baka magalit si Baby Ivan! Tas isipin nya na ginamit lang sya ni Mico! :(
may Gawd! Nakaka stress ung iniisip ko! Haha.. :)
next na!
superJM irr!
yown after a week! halos everytime ko to chine check! :)) btw..
hala! :(ang lungkot ng story! :( ngayon! although masaya nung una dahil sa.. alam nyo na!
sabe ko na e! sabe ko na.. na di sila tatanggapin ni mommy Divina eh! *mopmmy?? haha..*
kinakabahan lang ako sa magiging reaction ni Baby Ivan sa pag alis ni Micobels! *micobels?? haha*
baka magalit si Baby Ivan tas isipin lang nya na ginamit lang sya ni Mico! :(
May Gawd! nakaka stress mga naiiisip ko! haha..
next na! bilis! :)) Excited na ko! :)
SuperJM irr! :))
May GaD....!! Anu nman kaya iisipin ni Ivan pagnakita niyang umalis na si Mico.....wawa nman si Mico pamilya nila ang tumutul sa kanila...hay..buhay nga naman parang life......anu na lang ang magyayari sa kanila..???
KUYA ERWAN....!!!
SUNOD PO PLZ.....SUMASAKIT ANG UTAK KO KAKAISIP KUNG ANUNG MANGYAYARI...!!
dapt kc nag lock ng pinto....haahhaa
wawa amn pag-ibig nila..na-excite lalo ako matapos toh..kung anu tLga mangyayari sa kaniLa.
oh God..!!
this is really unfortunate for the both of them..
huhuhu.. :'(
God bless.. -- Roan ^^,
oh God..!!
this is really unfortunate for the both of them..
huhuhu.. :'(
God bless.. -- Roan ^^,
tama ano kaya ang iisipin ni ivan...magagalit at un ang iisipin nya na ginamit lang ang katawan nya tapos iniwan pa rin..exciting talga ito...sa maturity part..
very nice progression... :)
cliff hanger na naman. getting more exciting. looking forward to you sustaining the momentum :)
R3b3L^+ion
sad ....
sad ang theme ng story ..
sad to hear na last chapter na ang next dito ...
hehe ... sana may book two !! ... sana!
hahai !!! ka2lungkot nmn ng part na itech!! wag mag-alala mico sa kinis mong yan .. maka2kita ka pa ng iba sa manila...haha..
and sana mas detailed ung nangyari kina Mico nd Ivan, pawa mas EXCITING!!!!
lungkot naman nito, hirap kasi sa ganitong klaseng relasyon, maraming tutol, ung mismong pamilya ninyo minsan ang kalaban mo,haist nakakabitin, next chapter po
-josh
isa lang naman yung problema at wala ako nun XD
isang sampal para kay mico tsss...haist..so sad yun nga lang ang problema dun..tsk
@android Last Chapter na ung next?? really?? :((
sir erwan.. sana umabot ng 60++ ung chapters! :((
bakit ganun. ok na sana... tsk tsk kawawa naman si mico
nabitin ako sa isang part... haha! ganda ng kwento. - athann19
yoko pang matapos to. hahaha.
grabe. awa ako ke MICO at IVAN. ano na naman ang twist nito? paano sila magkikita ulit? pero baka sa ikagaganda ng kanilang situwasyon kasi baka maawa na ang tatay ni MICO sa kanya dahil siyempre magiging malungkutin siya... magkakasakit siya... at yon kaaawaan siya ng tatay niya. at tatay pa rin niya ang magiging tulay nila ni IVAN. dahil di ba nga sa kanya magtatrabaho si IVAN pagkagraduate niya... haist... sana... whatever basta sila sa huli.. hehehe...
Post a Comment