Followers

CHAT BOX

Wednesday, May 4, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 39


"Anong gagawin mo?" tanong ni Mico habang sumusunod kay Ivan papasok sa kanila.
"Gusto ko ng matulog."


"Uwi ka sa inyo." hindi alam ni Mico kung saan niya nahugot ang banat niyang iyon.

Agad napatigil si Ivan sa paglakad. Dahil sa tama ng nainom, pupungay-pungay siya kung tumingin kay Mico. "Gusto ko dito ako matulog."

May epekto ang dating ng pagtingin na iyon ni Ivan kay Mico. Kaya naman kahit gusto niyang barahin ito, hindi agad siya nakapagsalita. "A-h eh, ihahatid na lang kita sa bahay mo."

"Kahit ngayon gabi lang." 

Hindi mawari ni Mico kung nakikiusap ang tono ni Ivan o sadyang dahil lang iyon sa nainom nitong alak. "O sige, maghilamos ka muna. Mag, magmmog."

"Huwag na, hindi naman kita hahalikan."

"Tarantado." biglang nasabi ni Mico. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ayokong may maka-tabi ng mabaho ang hininga."

Nangingiti si Ivan. "Binibiro ka lang eh. Ang sakit nung una mong sinabi ah."

"Hmpt. Ewan ko sayo. Sakit-sakit, mas masakit yung ginawa mo sa akin." Hindi iyon maisatinig ni Mico.

Tumuloy na sa paglakad si Ivan habang nakasunod lang si Mico.

"Gusto kong magalit, galit na galit ako kaya. Pero, bakit ganoon? Hindi ko magawang hindian si Ivan? Parang ako pa nga yata ang nasaktan ng barahin ko siya eh. Naiinis ako dahil narito siya, pero parang gusto ko namang kalimutan na ang lahat at maniwala sa kanya, sa mga sinabi niya sa akin kanina. Pero ganoon na lang ba iyon?"

Hindi na namalayan ni Mico na nasa harapan na sila ng kanyang kwarto. Bago pumasok, tumigil muna si Ivan at lumingon sa kanya.

"Payag ka naman di ba na dito ako matulog?"
"W-wala naman akong magagawa di ba? Eh hindi nga kita mapilit na umuwi sa inyo."

"Salamat."

"Anong salamat?" kunyaring nagtaray si Mico para maitago ang tunay na saloobin. "Gusto nga sana kitang ipagtabuyan dyan. Na awa lang ako." Napansin ni Mico ang pagbaba ng tingin ni Ivan at kasunod ang bahagya nitong pagbuntong hininga. Bigla siyang nakaramdam ng pagkakonsensya sa nasabi. "Hindi ko naman siguro magagawa iyon sayo, Ivan."

Ngumiti na lang si Ivan ng pilit. "Basta dito ako matutulog ngayon." Tumalikod na si Ivan para tuluyan nang makapasok sa loob ng kwarto ni Mico. Pagkatapos ay dire-diretso na itong dumapa sa kama.

"Hoy, sabi ko sayo, maglinis ka muna ng katawan. Tignan mo lumapat na yang, nasukahan mong pajama sa sapin ng kama ko. Hoy, tumayo ka muna dyan, dali."

Pero hindi na gumalaw si Ivan. Nanatili na itong nakadapa.

Lumapit si Mico kay Ivan at tinapik-tapik ito. "Tulog ka na ba agad? Bilis ah... Gising!"

Nag-inat si Ivan. "Tatalikod na lang ako sayo." sagot niya habang nakapikit. "Natatamad na akong tumayo. Saka wala naman akong pamalit."
"Ay ewan." nasabi na lang ni Mico. "Bahala ka nga sa buhay mo." Pagkatapos ay dumiretso na rin sa pwesto niya. Dahil walang unan, hinila niya ang isa sa magkapatong na unan ni Ivan.

"Aray." na anas ni Ivan nang hilahin ni Mico ang isang unan.

"So ry po. Hmpt!" Tumalikod si Mico sa paghiga.
 -----

Hindi pa rin makatulog si Mico, naiisip niya si Ivan, ang pag-ibig niya para dito. Hindi niya alam kung anong desisyon ang susundin niya. "Kung papaniwalaan ko ang mga sinabi ni Ivan, magiging maayos na ba kami? Sinabi niya sa akin na mahal niya ako. Natuwa ang puso ko kanina. Parang gusto ko nang kalimutan ang mga masasakit na sinabi niya sa'kin. Pero, lagi ko paring naaalala, masakit kasi eh."

Umikot ng pagkakahiga si Mico, patagilid at paharap kay Ivan. Tingin niya ay tulog na tulog na si Ivan dahil sa uri ng paghinga nito. "Nasabi ko na kay Mama na uuwi na ako." pabulong ang pagsasalita ni Mico. Hindi naman siya nag-aalalang maririnig ni Ivan. "Babalik na akong Manila. Pero, nagdadalawang-isip ako. Hindi ko alam."
Ang akala ni Mico na tulog na katabi ay gising pa rin pala. Kanina pa pala nakikiramdam si Ivan kay Mico. Hindi niya magawang matulog gayong ginugulo ang kanyang utak kung paano niya maiibabalik ang dati sa kanila ni Mico. 

Hindi nga rin niya naiwasang madinig ang mga bulong ni Mico sa nakatakda nitong pag-alis. Nangilid ang mga luha niya. Nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso. Gusto niyang tumutol sa gustong mangyari ni Mico, pero pinilit niyang itago ang nasa loob. Iiyak na lang siya ng lihim. "Ito siguro ang parusa sa nagawa ko. Ang sakit. Ngayon pa lang, alam ko na ang magiging sakit kapag iniwan mo ako, Mico."
-----
Naalimpungatan si Ivan. Agad siyang bumalikwas sa pagkakahiga at naghanap ng orasan. Saka niya nalamang mag aalas tres na pala ng madaling araw. Bumalik siya sa pagkakahiga. Bahagyang sumasakit ang ulo niya epekto ng nainom niya kagabi. Saka niya naalala ang mga nangyari kagabi, pagkatapos ang narinig niyang sinabi ni Mico sa pag-alis nito. Napa-buntong hininga siya.

Tumingin siya kay Mico. Patagilid itong nakahiga paharap sa kanya. Tulog na tulog. Umayos siya ng pagkakahiga patagilid paharap kay Mico. Hindi nagising si Mico sa nagawa niyang paggalaw. Muli siyang napabuntong-hininga ng matitigan ang mukha nito. Muli siyang pumikit ng mailatag niya ang kanyang braso payakap kay Mico.
-----

Dahan-dahan ang pagdilat ni Mico nang magising. Nakaramdam kasi siya ng mabigat na nakapatong sa kanya. Saka niya nalaman na braso pala iyon ni Ivan. Tinitigan niya si Ivan na tulog na tulog at napangiti siya. "Kung ganito na lang sana lagi, magiging masaya  na ako. Wala na siguro akong pakialam kung magutom man ako kung katabi ko lagi ang pinaka mamahal ko." Agad siyang sumiksik kay Ivan at gumanti ng pagyakap at muling ipinikit ang mga mata.
-----

Tumakbo ang oras ng muling magdilat si Ivan. "Anong oras na?" Saka tumingin kay Mico na nakasiksik sa kanyang dibdib. Napa-ngiti siya. Nakita niyang nagdilat ng mga mata ito.

"Good morning." si Ivan.

"Good morning." sagot ni Mico. Saka tumalikod kay Ivan.

"Bakit ka tumalikod?"

"Wala lang." parang walang ganang sagot ni Mico.

"Alam mo bang may naisip ako."

"Ha? Kelan ka nag-isip?" bahagyang pambabara ni Mico.

Natawa si Ivan. "Sama ka?"

"San ka ba pupunta?"

Biglang tumayo si Ivan at hinila si Mico patayo. "Maglinis ka na ng katawan mo ha? Uuwi lang ako sa bahay tapos magpapaalam kay Mama. Aalis tayo."

"Aalis? San naman tayo pupunta? Teka, anong oras na ba?" Nakita ni Mico na mag-aalas siyete na ng umaga.
Muling tumingin siya kay Ivan.

"Basta, mga 30 mins lang babalikan kita dito kailangan handa ka na ah?"

"H-ha?" naibulalas na lang ni Mico. Dahil pagkatapos magsalita ni Ivan ay tumalon na ito galing sa kama at dire-diretsong lumabas ng kwarto.
-----

"'San ba tayo pupunta?" tanong ni Mico. Nang balikan siya ni Ivan sa kwarto. Nakapag-palit na si Ivan ng bagong damit. "Saan ang punta mo? Parang summer na summer ang dating natin ngayon ah?" sabi ni Mico habang naka-taas ang isang kilay. Naka-paligo na rin siya.

"Halata ba?" sabay tawa. "Gagala tayo."

"Saan?" muling tinignan ni Mico ang suot ni Ivan. Naka-polo pero bukas ito at hinahayaang lumitaw ang suot nitong sando panloob. Tapos, naka maong-shorts. Tumingin din siya sa mga paa nito. "aba, naka-sandals?"
Muli siyang nag-angat ng tingin. "Saan ang gala?"
"Basta, magbaon ka ng pamalit. Pambasa  na lang siguro." sabay tawa ni Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Mico. "Ibig mong sabihin?" biglang nagpakita ng katuwaan si Mico. "Pupunta tayo ng dagat?"

"Yupp." nangingiting sagot ni Ivan.

"Sure, sama ako dyan. Bakit hindi mo agad sinabi. Nakapaghanda sana ng mas maigi. Hala, ayan, hindi ko na alam ang gagawin. Excited na tuloy ako. Sandali ah. Teka, ako ba ang dadalhin ko?"

"Pamalit na lang siguro."

"Ganun? Eh ang pagkain?"

"Bibili na lang tayo. Biglaan kasi eh."

Biglang napa-isip si Mico. "Sabagay. Sige."
-----

Sakay ng kotse ni Ivan, feel na feel ni Mico ang hampas ng hangin sa kanyang mukha. Sinadya niyang buksan ang bintana para maidungaw niya ang kanyang mukha. "Ang tagal ko nang hindi nakakapag-beach."

"Talaga? E di masaya ka ngayon?"

Biglang natigilan si Mico pero nanatiling naka-ngiti. Suminghap muna siya ng hangin bago magsalita. "Ganoon na nga siguro. Baka ito ang maging daan para mawala ang sakit na aking nararamdaman. Sana."

"Ingat ka lang ah. Baka mahagip yang ulo mo?"
"Hindi naman siguro, wala naman masyadong sasakyan. Gusto ko lang ma-feel ang hangin. Sariwa pa rin pala ang hangin dito noh?"

"Mmm siguro parteng dito, malapit kasi sa dagat."

"Oo nga, parang naamoy ko na ang tubig ng dagat." sabay tawa si Mico.

Napa-ngiti na lang si Ivan at itinuon ang pansin sa pagmamaneho ng sasakyan.
-----

Halos hindi maawat ni Mico ang pagsigaw sa kasiyahan ng makatuntong sa buhangin ng dagat. Kahit wala pa siyang nakikitang tubig nagdidiwang na ang kanyang puso sa katuwaan dahil ilang saglit  na lang ay masisilayan na niya ang dagat. Naghihintay lang siya na makatapos si Ivan sa pagbabayd nito sa kanilang entrance fee at sa isang cottage na gagamitin nila.

"Ayan tapos na." masayang balita ni Ivan kay Mico.

"So pwede na akong tumakbo?"

"Tumakbo?" saka lang na-get ni Ivan ang ibig sabihin ni Mico. Sabay tawa. "Sige go!"

Sige ang katuwaan ni Mico.

Naiwan si Ivan na naka-ngiti. "Sana sa ginagawa kong ito, makita mo na gusto kitang mapaligaya at kung maari huwag ka ng bumalik ng manila. Sisiguraduhin kong magiging masaya tayong dalawa ngayon."

"Boy, natutulala ka yata. Dadaan kami, pwede?"

Agad napatingin si Ivan sa kanyang likod. Oo nga pala, nakaharang siya sa daan. "Pasensya na po, manang." Alis agad siya sa pagkjakaharang. "Ano ba yan nakakahiya naman." sabay sapo sa noo.
-----

Basang-basa na si Mico nang magbalik sa cottage. Hindi pa naliligo si Ivan. 

"Hoy ikaw dyan, wala ka bang balak maglublob?" sabay tawa ni Mico. "Ang sarap ng tubig, ang lamig."

"Sige ikaw muna, masaya nga akong pinapanood kita."

"Ano?" saka muling binalikan ang sarili kanina. "Pinapanood mo ako? Mmm siguro naman hindi ako naging mukhang bata sa sobrang sabik sa tubig?"
Natawa si Ivan. "Hindi naman Mico. Cute lang tignan."

"Nagugutom ako."

"Bibili ako?" tanong ni Ivan.

"Mmm huwag muna siguro, magbubukas na lang ako ng mga dala natin."

"Ikaw ang bahala."

Agad tumabi si Mico kay Ivan. Saka dumampot ng isang potato snack. "Ikaw naman kaya ang magbasa para ikaw naman ang panoorin ko. Lugi yata ako kanina."

"Bakit ikatutuwa mo ba kung gagawin ko yun?" siryosong si Ivan.

"Siguro." Sinisimulan na ni Mico kainin ang hawak na snack.

"Sige." sabay tayo si Ivan.
Natawa si Mico. "Gagawin nga."

Napa-tingin naman si Ivan. "Gagawin ko nga."

"Ito naman parang niloloko lang." tawa ng bahagya. Napa-tingin na lang si Mico nang tumakbo na si Ivan sa dagat lpara magbasa. "Hoy, mangitim ka, baka bigla kang pumangit, hala, wala ng magkagusto sayo." sabay tawa ng malakas.
-----

"Bakit hindi ka na bumalik sa cottage?" tanong ni Mico nang sumunod sa dagat kung saan naroroon si Ivan.

Naka-ngiti ito. "Hinihintay kasi kitang pumunta dito."

"Bakit?"

"Anong bakit? Para sabay tayong maligo siyempre."

"A-ah ganun ba?" napatingin si Mico sa basang sando ni Ivan. Bumabakat ang katawan nito sa damit at dahil may kanipisan ang sando ni Ivan bahagya niyang nakikita ang katawan nito. Napalunok siya.

"Bakit?" tanong ni Ivan.

"H-ha wala!"

Natawa si Ivan. "Halika na nga ligo na tayo." biglang hinatak ni Ivan si Mico.

"Ay!..." sigaw ni Mico. "Ivan."

Tatawa-tawa lang si Ivan.

Hindi na naitago ni Mico ang kasiyahan kasama si Ivan. Wala siyang pakialam kung sa bawat tili niya ay maka-agaw siya ng pansin sa mga taong kasalukuyan ding naroon at naliligo.

Habang gagawin naman ni Ivan ang lahat mapasaya niya lang si Mico. Susulitin nila ang mga sandaling iyon.
-----

"Napagod ako Ivan." hihingal-hingal si Mico habang naglalakad pabalik sa cottage. "Hindi mo naman kasi tinigilan. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Aba, ang daming tao ang nakatingin sa atin kanina."

"Bakit? Ano ba ang ginagawa ko? Saka, pakialam nila?"

"Hmpt. Ewan ko sayo." umupo si Mico nang makarating sila sa inookupang cottage.

Nanatili namang nakatayo si Ivan. "Oo nga, Mico. Pakialam nila kung masaya akong kasama ko ang mahal ko."

"Hmmm mahal daw. Mukha mo." kunyaring pagtataray ni Mico. Pero gusto na niyang sumigaw sa sobrang kasiyahan na marinig iyon sa bibig mismo ni Ivan. "Sino ba yun?"

Natawa si Ivan. "Siguro, Ikaw."

"Ako?"

"Oo."

"Kelan pa?"

"Hindi ko alam basta ang mahalaga alam kong mahal kita."

Napatingin siya kay Ivan ng diretso. "Sigurado ka?" gusto niyang maiyak sa katuwaan sa mga sinasabi ni Ivan.

Tumabi si Ivan kay Mico. Pagkatapos ay kinuha nito ang isang kamay ni Mico at itinapat sa kanyang kung saan naroon ang kanyang puso. "Pakinggan mo kung paano manabik ang puso ko na makasama kita lagi, Mico."

Napayuko si Mico. Tuluyan na nga siyang napaluha. "Mahal mo ba talaga ako Ivan?"

"Oo Mico, mahal na mahal kita."

Nang marinig iyon ni Mico ay agad niyang niyakap si Ivan. "Ivan..."

Kung paano nila nasimulan ng masaya, mas lalo pang naging maligaya ang dalawa nang mga sumunod na sandali. Nagpakasaya sila na walang iniisip na problema. Sa nakaraan man o sa darating na bukas. Ang mahalaga, kanila ang oras na iyon. Kahit pa marami ang nag-tataasan ng kilay sa tuwing makikita silang dalawang magkayap saan man sa parte ng lugar na iyon.
-----

Tulog na tulog si Mico sakay ng kotse pauwi sa kanila. Padilim na ang paligid habang nagmamaneho si Ivan. Maya't maya kung sulyapan ni Ivan si Mico. Ganoon din ang kayang pag-ngiti habang pinagmamasdan ito. "Sana magbago na ang isip mo Mico. Huwag ka ng umalis." napabuntong hininga si Ivan.

Hindi na namalayan ni Mico na tumigil pala ang sasakyan. Nagising na lang siya ng marinig ang pagbukas ng pinto sa parte ni Ivan. Nakita niyang lumabas ito at pumasok sa isang Mini Stop. "Ano kaya ang gagawin noon?" tanong niya sa sarili. Hindi naman nagtagal ay bumalik na ito. Nakita niyang may dala itong dalawang bote ng juice.

"Gising ka na pala." tanong ni Ivan ng makapasok sa kotse. 

Ngumiti lang si Mico sa sinabing iyon ni Ivan. "Ano bang binili mo."

Saka inabot ni Ivan ang naka-plastic na bote. "Maiinom."

"Salamat. Pero, ito lang ang binili mo?"
Natahimik si Ivan. "May gusto ka pa bang ipabili?"

"Hindi. Mali yata ang pagtatanong ko. Mmm basta naisip ko lang na tumigil ka para bumili ng maiinom. Nauhaw ka na siguro."

"Ah hindi. Ikaw ang iniisip ko baka magising ka at sigurado akong nauuhaw ka." sagot ni Ivan.

"Mmm."

Biglang tumawa si Ivan. "Pero may iba pa akong binili. Pero, ayoko sabihin kung ano."
-----
Maayos silang naka-uwi. Naka-baba na silang dalawa sa kotse at naisipan ni Mico na umuwi na sa kanila. Parang ayaw na niyang tumuloy kala Ivan.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan nang makitang paalis na si Mico.

"Sa bahay."

"Hindi ka muna tutuloy?"

"Hindi na siguro."

"Ok. Magpapalam lang ako kay Mama. Saglit."

"Bakit?"

"Sa inyo uli ako matutulog."

"Nge." sabay tawa. "Anong meron sa amin bakit gusto mo laging matulog dun?"

"Ikaw. Ano pa ba?"

"Weee nakakakilig?" kinikilig si Mico. "Mmm sige dito nalang ako matutulog sa inyo."

"Sure." agad namang sagot ni Ivan. "Mas gusto ko nga eh."

"Babalik lang ako saglit sa bahay may gagawin ako."

"Bilisan mo ha? Maghihintay ako sa sala."

"Opo."
-----

"Ang tagal mo." reklamo ni Ivan.

"Ewan. Gusto ko ng magpahinga, Ivan."

"Kain ka muna kaya."
"H-ha? Di naman ako nagugutom. Saka, natatamad akong magluto."

"Hindi ka naman magluluto. Luto na ang kakainin mo."

Nanlaki ang mga mata ni Mico sa narinig. "Nagluto ka?"

"Mmm Hindi naman nag-init lang." sabay tawa. "Hindi naman ako marunong magluto. Pero may isa akong natutunan ang magbukas ng stove." sinundan uli ng malakas na tawa.

"Hoy maistorbo si Tita. Baka nagpapahinga na."

"Ay sorry, oo nga pala."

"Hindi pa ba niya alam na dumating na tayo?"

"Hindi pa. Huwag mo na problemahin yun, kain muna tayo." Hinila na ni Ivan si Mico sa dining area.
-----




17 comments:

yeahitsjm said...

1st! yehey! 1st time!

ang sweet! nakakakilig to the bones! :)) wag kana umuwi sa manila mico! :)) kung ako sayo!

:))

love you na baby ivan! :))

superjm irr!

fayeng said...

wowwwwwwwwwwwww! kakilig naman c Mico! nakabihag xa ng electric eel nya... nyahahahaha! Kudos again to the author!

Ecko said...

grabe kainggit naman si Mico, sana maramdaman niya ang pag mamahal ni Ivan at di na ituloy ang paglisan waaaaaaaaaaaaaaah. Wait ko na ung last chapter tomorrow sana happy ending. Galing nang likha mo kua erwan. God Bless po sayo.

Anonymous said...

Love it. hahaha. ang ganda.

sana hndi na lumayo si Mico. :)) sana maging sila till the end..

-miguelito

your_prince said...

alam ko na ano binili ni ivan na ayaw nya sabihin,hahaha XD

rushly16 said...

yeeeeehhhhhh ai salamat naman ivan gumawa ka nang paraan para lang sa minamahal muh baka siguro sa mga ginawa mung yon baka ma isipan ni mico na wag nalang bumalik nang manila!!!!! ikaw ksi eh
its sad to say my last part na pala sayang eh paanu nayan?

rushly16 said...

ai naku nakakayuwa naman ky ivan nagawa nya nah at pinaramdam yah talaga ky mico ung pagmamahal nya sana wla nang last part

aR said...

ako lang ba or masyado na kong malisyoso..yung binili ba ni ivan e isang "C" haha..baka mahuli sila ni mommy niyan..wag naman sana..ayoko..parang ang sad :(

aR said...

ako lang ba or masyado na kong malisyoso..yung binili ba ni ivan e isang "C" haha..baka mahuli sila ni mommy niyan..wag naman sana..ayoko..parang ang sad :(

mhaowen said...

pak. pak. pak. nakakabitin but enjoy palagi ang tagpo.. nakakainspire. i feel na kasali ako sa story. hope makaEXTRA. haha. joke..

ChAn_ErAnDiO said...

haixst.....prang agree aq kay AR yun rin ang nsa isip ko..haixst....nu ba yan....pro im so happy na ayux na clng dalawa....mico...wag kana umalis...maiiwan c ivan..mahirap ang LD relationship....and i can tell that coz i have that problem..haixst.....haixst......

yeahitsjm said...

lahat tayo ung Condom..inium ung naisip! haha

:)) nakaka excite tuloy next na mangyayari! kung pano da moves ni Baby Ivan! haha

mhaowen said...

sana maisapelikula eto.. pak! pak! ganda kea ng story..

Ram said...

Yes sana tuloy tuloy na ang kaswetan nila. at sana magka2luyan cla sa huli

marqymarc said...

naku dapat sila na magkatuluyan! update na po boss! di nako makatulog.hehehe

Anonymous said...

hays.....nabasa ko din sa wakas.....graabeeeeeehhh....feeling ko ako si mico....LOlz...at feeling ko din.....matagal pa to masusundan.....hays....

sana di lang 50 chaps to.....pwede pang paextend????ahahhahha....wala pa yung si rico eh.....



-Jhay Em-

mhaowen said...

ang tagal ng chapter 40.. huhuhu.. excited na ako...PAAAK!