CHAT BOX
Monday, May 2, 2011
IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 38
Posted by
(ash) erwanreid
Walang pakialam si Mico kung may makapansin sa kanya. Masakit talaga sa kanya ang sabihin ni Ivan na wala itong gusto sa kanya. Para tuloy siyang tanga na nagpapaniwalang mahal siya ni Ivan. Kaya pagkatalikod niya kay Ivan ay sinundan na niya ng pagtakbo. Alam kasi niyang sa akhit anong sandali, babagsak nang muli ang kanyang mga luha.
Nagkulong siya sa kanyang kwarto at doon ibinuhos ang sama ng loob.
-----
Nakatulala lang si Ivan nang maiwang nagiisa sa living room ng bahay nila. Masama ang loob niya sa kanyang sarili. Hinayaan niyang magsabi siya ng kasinungalingan kay Mico gayong kabaliktaran noon ang dapat na sasabihin niya sa gabing iyon.
"Mahal ko si Mico, yun ang totoo." anas niya sa sarili kasabay ang pangingilid ng mga luha sa kanyang mga mata. "Napaka-tanga ko talaga. Hinayaan kong masira ang dapat na gabi namin ni Mico. Patawarin mo ako Mico."
Hindi napansin ni Ivan ang pagbaba ni Divina sa hagdan "Ivan bakit ka nakatayo dyan?"
Agad inayos ni Ivan ang sarili. "Ay Ma. Wala naman. Nagpahinga lang kaunti." sabay pakawala ng hangin.
"Pagod ka na ba?" tanong ng ina pagkalapit.
"Hindi naman po. Palabas na rin po ako."
"Ano? Ok ba ang birthday party mo?"
"O-opo. Siyempre naman po."
Ngumiti si Divina. "S-si Angeline ng pala?"
"Si Angeline pa ang kinumusta ni Mama. Nasa labas po."
"Ikaw na ang magsabi sa kanya na nauna na akong magpapahinga ha? Ipaalam mo ako."
Lihim na singhap ng hangin. "Opo Ma."
"Sige akyat na ako."
"S-si Mico po umuwi na." pahabol ni Ivan. Feeling niya nakalimutan na ng ina si Mico.
"Ay oo nga pala. Bukas na ako magtethank you sa kanya. Hayaan mo na rin siyang magpahinga. Sige akyat na ako. Happy birthday anak."
"Salamat Ma."
-----
"Alam mo Ivan, si Mico ang sarap din pa lang kausap nun." sabay tawa. Nakaupo sila sa labas. Ang mga tao na lang sa paligid ang mga naglilinis ng mga kalat at nag-aayos ng mga kagamitan. Nakauwi na ang iba maliban sa kay Mark.
Napa-tango lang si Ivan habang nakatanaw sa bintana ni Mico. Walang ilaw sa kwarto nito. Nasa loob pa rin niya ang pagseselos pero hindi niya ito ipinararamdam kay Mark.
"Kaya lang, nakita kong umiiyak kanina. Ayaw naman sabihing kung bakit. Akala ko ng ako ang dahilan eh. Hayss... nakita ko pang tumatakbo pauwi. Naguguluhan tuloy ako eh. Nawalan tuloy akong kausap. Bakit naman kasi biglang nawala si Susane at Billy kanina. Ano kayang nangyari sa dalawang yun? Ay siya nga pala, maikwento ko lang sayo. Medyo nakakatawa kasi, akalain mo bang matapunan ako ni Mico ng juice kanina."
"H-ha?" biglang nabuhay ang pakikinig ni Ivan.
"Magtatanong lang sana ako kung napansin niyang nagawi sa loob sina Susane, alam mo ba ang nangyari, nagulat si Mico pare, ayun. Natapunan ako. Eh eh." sabay tawa.
"Talaga ganun ang nangyari? Ang tanga mo talaga Ivan." sisi niya sa sarili.
"Oo bakit? Makatanong ka parang nagsisinungaling ako ha?"
"Wala yun." muli siyang napatingin sa bintana ni Mico. Pagkatapos ang buntong-hininga para nagawang pagkakamali. Hindi lang isang simpleng pagkakamali. Pagkakamaling gumugulo sa kanyang isipan lalo na sa kanyang puso.
-----
"Kamusta po si Mico?" tanong ni Ivan kay Saneng. Kinabukasan ng umaga.
"Hindi pa nababa. Puntahan mo na lang siguro sa kwarto niya."
"Ay hindi na lang po. Mamaya na lang po siguro. Huwag niyo na rin pong sabihing nagpunta ako. Sige po."
-----
"M-ma." garalgal ang unang pagsasalita ni Mico sa telepono kausap ang ina. Bumaba kasi siya para tawagan ang ina. Gusto niya ng kausap kaya pinilit niyang bumaba.
"O anak biglang napatawag ka? Pasensya na ah. Naging busy si Mama kasi biglang dumami ang orders sa atin ngayon."
"Ma..."
"A-anak may problema ba? Bakit ganyan ka, ha?"
Umiiyak na si Mico nang magsalita na ng lubusan. "Ma... siguro mas naging masaya ako kung sinunod ko ang gusto niyo. Sana hindi na lang ako nasasaktan ngayon. Nagaaral sana ako ngayon tapos sa next year ga-graduate na ako. Ma... mali ang desisyon kong huwag munang mag-aral at dumito muna."
"Ha? Anak?" nagaalalang ina. "Anong ibig mong sabihin... ano bang nangyayari dyan? Tell me. Sige susunduin kita. Sabihin mo lang kung uuwi ka na."
"Ma..." sisigok-sigok si Mico. "Uuwi na ako. Saka ko na lang po sasabihin sa inyo ang dahilan."
"Ok. Pero sana hindi sina Tita Divina mo ang dahilan, ikalulungkot ko."
"Hindi naman po."
"Sige susunduin na kita."
Pagkatapos ay isinet ng ina ang araw ng kanyang pagsundo kay Mico.
-----
Gabi na pero hindi pa rin makatulog si Ivan. Nahihirapan siya gayong gumugulo sa kanyang isipan ang nagawa niyang pagkakamali kay Mico. "Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?" Tumayo siya at sumilip sa bintana. Nakita niyang hindi pa rin bukas ang ilaw ng kwarto ni Mico. "Baka kung anong ginawa na niya sa sarili niya." Bigla siyang kinabahan kaya dali-daling bumaba. Pero nang makarating sa hagdan ay pumasok sa isip nya na hindi naman siguro. Bigla rin siyang nahiyang puntahan si Mico.
Dumiretso na lang siya sa kusina at kumuha ng maiinom. Sa pagbukas ng ref, nakita niya ang dalawang beer in can. "Kanino 'to? Walang umiinom nito dito." Totoong walang umiinom ng ganoong alak sa kanila. Agad siyang nagisip kung sino ang maaring naglagay noon sa ref. "Ah." naisip na niya kung bakit. "Kagabi pala. Yung mga lalaking nagtrabaho kagabi, malamang para sa kanila ito. Siguro hindi nila naubos." Biglang may kumudlit sa kanyang isipan. "Tikman ko kaya? Alam ko maari ako ditong antukin. Tama, kaunti lang."
Dahan-dahan pa si Ivan nang buksan ang beer in can. Nang mabuksan niya, napalunok siya. Itinapat niya ang butas ng lata sa kanyang ilong para amuyin iyon. Bahagyang ayaw ng kanyang pang-amoy, pero desidido siyang uminom ng kaunti. Napa-tungkod pa ang isa niyang kamay sa ref para sa kung ano mang magiging reaksyon. Pero kaya naman niya ang pait ng alak na iyon kaya nasundan pa iyon ng isa. Napangiti siya sa para sa ginawa.
Umupo siya sa harap ng lamesa para gawin pang muli ang pag-inom ng alak. Ang sumunod, nakalimutan na niya ang kanyang unang sinabi. Sa paunti-unti, naubos niya ang laman ng lata.
Pipikit-pikit siya na para bang inaantok. Alam niyang tinamaan na siya ng ininom niyang alak. Pero gusto pa niyang uminom.
-----
Piling ni Ivan, umiikot ang kinatatayuan niya. "Pup-punta nga 'ko kay, Mico. Gusto ko siyang kausap ngayong gabi para, para makatulog na ako. Bakit parang gumagalaw? Ah... ganito pala siguro ang nalalasing. Lasing na ba ang ganito? Isa palang ang naiinom ko eh."
Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng bahay. Nakarating naman siya sa harap ng gate nila Mico ng maayos kahit gumegewang-gewang siyang naglakad. Kasunod noon ay ang pagtawag niya ng mahina sa pangalan ni Mico.
"Mico. Nandito ako sa labas. Buksan mo ang gate."
"Ay sino ba yan?" gulat ni Saneng sa likod ng gate. Hindi kasi niya na may tao pala sa labas ng gate.
"Mico si Ivan ito."
"Ivan?" agad binuksan ni Saneng ang pinto ng gate. "Anong ginagawa mo diyan at bakit kung tumawag ka, eh ang hina-hina." tanong niya kay Ivan na nakayuko. Saka niya napansin ang hawak nitong lata ng beer. "Ay... Naka-inom ka ba?"
"Paki sabi naman kay Mico na nandito ako sa labas. Gusto ko siyang makausap."
"Pumasok ka muna kaya?"
"Hihintayin ko po siya dito."
"Sandali, tatawagin ko."
-----
"Ayaw ko hong lumabas." sigaw ni Mico. Hindi niya pinagbuksan si Saneng. "Paki sabi na tulog na. Kayo na po ang bahalang mag-alibi."
"Mico naka-inom yata si Ivan."
"H-ha?" saglit na nanahimik si Mico. "Basta, ayokong lumabas."
"O siya. Bababa na ako."
Hindi na sumagot si Mico. Naisip niyang muli ang sinabi ni Saneng na naka-inom si Ivan kaya agad siyang nagtungo sa may bintana para doon tanawin si Ivan.
Nakita nga niya si Ivan na nakasandal sa gate nila at nakayuko. Hindi niya masyadong maaninag ang hawak nito pero nasisiguro niyang lata iyon ng kung anong inumin. "Malamang alak nga iyon." Na-singhap siya bilang pag-aalala. "Kailan pa natututong uminom iyon?"
Saka niya nakita ang pagdating ni Saneng para kausapin si Ivan.
-----
"Ivan, tulog na si Mico eh. Ayaw lumabas."
"Ganoon po ba?"
"Bukas na lang siguro."
Hindi agad kumibo si Ivan. "Maghihintay na lang ako. Hihintayin ko siyang magising."
"Sige bukas na lang. Balik ka na lang dito bukas."
"Ah... hindi po. Hindi na po ako babalik kasi dito na ako maghihintay."
"Ano?" gulat ni Saneng. "Maghihintay ka dyan? Ano bang nangyayari sa inyo? Dito ka na lang sa loob maghintay. Baka kung mapaano ka pa diyang. Ang dilim na, malamig pa. Mukhang lasing ka na eh. Pumasok ka na dito."
"Dito ako maghihintay."nasundan iyon ng tonong naiiyak. "Galit kasi siya sa akin, ayaw niya akong papasukin."
Ilang ulit pa ng pamimilit ni Saneng kay Ivan para pumasok ay sumuko rin ito.
-----
"Maghihintay daw siya sa labas Mico. Kung ako sayo lalabasin ko na iyon. Aba'y umiiyak na si Ivan. Paulit-ulit na sinasabing galit ka daw kaya ayaw mo siyang papasukin. Ano?" sunod-sunod na pahayag ni Saneng ng labasin siya ni Mico sa kwarto nito.
"Sige po, ako na po ang bahala."
"Sabi mo yan ah. Magpapahinga na ako."
"Pasensiya na po."
"Sige na."
Hindi pa gumalaw si Mico sa pagkakatayo nang makaalis si Saneng. Iniisip niya kung anong maaring mangyari kapag lumabas siya. Ayaw sana niya, dahil napakasakit ang ginawa sa kanya ni Ivan kagabi. Hindi niya matanggap na, pinaglaruan lang siya ni Ivan. Kapag paulit-ulit na naiisip niya iyon, nakukuyom niya ang mga kamay sa galit na nararamdaman. Pero heto at nasa labas si Ivan, hindi niya magawang tutulan ang sarili. Nang marinig niyang umiiyak na si Ivan sa labas, bigla siyang nakaramdam ng awa. Pero meron side ng kanyang utak na nagsasabing bakit kailangan niyang maawa. Si Ivan nga, hindi naawa sa kanya.
Nagsimula na siyang maglakad palabas.
-----
"Mico." tawag ni Ivan ng nakaupo habang nakasandal sa gate. Paulit-ulit lang niyang binabanggit ang pangalan ni Mico.
"Bakit ka narito?" si Mico.
"Mico?" agad napalingon si Ivan ng marinig ang boses ni Mico. "Kakausapin mo ko?"
Tumaas ang kilay ni Mico. "Gusto ko lang sabihing umuwi ka na."
"Gusto kitang maka-usap Mico." Pinilit ni Ivan na tumayo. Pero parang nabibigatan siya sa kanyang katawan. Ikinapit niya ang kamay sa gate para maka-alalay. Nang subukang tumayo ay muntikan na itong matumba.
Agad namang saklolo ni Mico. Hinawakan niya si Ivan. "Lasing ka na nga. Umuwi ka na." pagtataboy niya.
"Gusto lang kitang makausap."
Pero parang walang narinig si Mico. "Umuwi ka na. Ihahatid na lang kita."
"Ayoko."
"Ihahatid na kita."
"Ayoko nga sabi eh."
"Oh di bahala ka dito. Ang galing ah. Ako pa ang mamimilit sayo." Naisip ni Mico ang huli niyang sinabi. Tinamaan siya sa kanyang nasabi. Nasaktan ang kanyang puso. "Lagi na lang yata ako ang namimilit. Kahit nagmumukha na pala akong tanga." hindi na kinaya ni Mico ang dinadalang sakit sa kanyang puso. Tuluyan na siyang napaiyak.
"G-gusto ko lang namang mag-sorry."
"Sorry? Sorry na naman. Sayo na lang yang sorry mo." agad siyang tumalikod kay Ivan para pumasok, pero mabilis na nahawakan ni Ivan ang kanyang braso para mapigilan siya sa pagpasok. "Ano?" Nanlilisik ang mga mata nang tumitig kay Ivan. "Bitawan mo ako."
Binitawan din ni Ivan si Mico. Pagkatapos ay muli itong naupo at sumandal sa gate nila Mico. "A-ang akala ko, magiging masaya ako kahapon. 'Yun pa naman ang pinakakahintay ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganoon." Nasapo ng magkabilang kamay ni Ivan ang kanyang ulo. Wala siyang pakialam kung pinakikinggan siya ni Mico. "Alam mo ba? Nung inabot mo sa akin yung susuotin ko." ngumiti si Ivan at saglit na tumawa ng malumanay. "Ang naisip ko, para tayong mag-asawa, na inihanda mo ang susuotin ko. Alam mo ba kung bakit ako natahimik? Kasi, naisip kong magiging maligaya siguro ako kung ikaw nga ang gagawa noon para sa akin pagdating ng araw." muli siyang natawa sa sinabi.
Taas noo at tahimik na nakikinig lang si Mico. Ayaw niyang magpaapekto sa mga sinasabi ni Ivan. Ayaw niyang maniwala. "So?"
"Kaya, totoong na-appreciate ko ang ginawa mo, sobra."
"Hindi ako naniniwala." mabilis na sinabi ni Mico.
Lumingon si Ivan kay Mico. "Maniwala ka Mico."
"Pero sinaktan mo ako kagabi. Ayokong maniwala sa mga sinasabi mo."
"Maniwal aka sa akin Mico. Mahal talaga kita."
Nabigla si Mico sa huling sinabi ni Ivan. "H-ha? Anong sabi mo?"
Muling dumiretso ng tingin si Ivan sa kawalan. "Dapat kagabi ko sayo sasabihin na mahal kita. Pero, nagkaroon tayo ng problema dahil kay Angeline."
Nakaka-insulto ang tawa ni Mico. "Mahal mo ako? Talaga lang ha? Pero sinabi mo kagabi na wala kang pakialam kung niloloko ka ni Angeline. Narinig ko pa ngayonmo siya sasagutin. Si Angeline ang mahal mo at hindi ako. Sabi mo, kaya lang tayo naging ganun dahil lagi tayong magkasama. Kaya naniwala naman ako na mahal mo talaga ako."
"Nasabi ko lang yun dahil selos na selos ako kay Mark. At totoong wala akong pakialam kay Angeline dahil wala akong gusto sa kanya. Ikaw ang mahal ko, Mico."
Natahimik si Mico. Gusto niyang maniwala pero pinipilit niyang tantyahin kung nagsasabi ba si Ivan ng totoo.
"Nakikita ko kayo na masayang naguusap. Samantalang ako-"
"Kaya pala ang sweet niyo ni Angeline kagabi."
"Sinadya ko lang iyon dahil nga selos na selos ako kagabi sa inyo. Kaya sana maniwala kang mahal na mahal talaga kita. Patawarin mo ako sa mga nasabi ko sayo kagabi." Tumayo na si Ivan. Katulad ng dati nahirapan pa rin itong tumayo dahil sa epekto ng alak na nainom. "Mico, patawarin mo na ako. Ibalik natin ang dati."
"H-hindi ko alam Ivan. Masakit pa sa akin ang ginawa mo."
"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"
"Hindi ko alam." pero ang totoo ay gustong gusto na ni Mico na yakapin si Ivan. Nagulat siya ng biglang sumuka si Ivan. Bahagya siyang napalayo. Nakita niyang nabahiran ng suka ang suot nitong pajama. "Ay, ano ba yan Ivan. Bakit kasi uminom ka?" ang concern ni Mico.
"Ok lang, kaya ko 'to."
"Anong kaya? Ilan na ba ang nainom mo?"
"Isa pa lang naman."
"Naku. Kailangan mong magpalit. Nasukahan mo ang pajama mo oh."
"Ok lang yan." pagkatapos pinagpag ni Ivan ang sariling suka sa kanyang pajama.
"Yuck naman Ivan."
"Ok lang."
"Umuwi ka na kasi. Dali, ihahatid kita."
"Hindi mo pa nga ako pinapatawad eh." pagkatapos ay kumilos si Ivan.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mico.
"Matutulog na ako."
"Sa-?" tatanungin sana niya kung saan. Pero nakita niyang papasok na ito sa kanyang bahay.
-----
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
ang ganda...nakakakilig ang tagpo ngayong gabing ito...kaso ano kaya ang gagawin ni Mico sa puso parin nyang sugatan...haaayyy...can't wait!!!
yes sweetness na naman ang kasunod hahaha. salamat sa update ash
yehey! 3rd! ☺
tnx pala sa pag follow sir erwan! sa twitter! i appreciate that! :))
btw..
err! nakakakilig ginawa ni ivan ung palasing effect tas hintay effect! pero sabi ko na nga ba uuwi yan si mico sa manila e!
I LOVE YOU NA ULET IVAN BABY! :))
superJM irr!
wow... kakakilig...grabe.... sana po may kasunod n po....
kinikilig ako sa story mo... I always feel relaxed and sometimes uneasy kasi apektado ako sa takbo ng story.
I can't wait for the next chapter... may naalala tuloy ako sa buhay ko...
haha andito nanaman ako..hehe..isang "tss" para kay ivan XD yun lang
Naluha ako sa part nung sinabi ni ivan na naappreciate nya ang ginawa ni mico..... Nice talaga! Paano na sila kung pupunta na si mico sa manila?
---->vanz
Wahahahhaha.. ano ba yan!...
bakbakan na! hehehehhe
Next!
Next! Next! hehehehhe...NICE PO!
haixst..next next next.....nbibitn tlga aq....wawa nman c mico...kaw kc ivan..masyado ka...masyado kang nagiisip ng iba...e2 nman c angeline...parang ewan.....prang pokpok...haixst...mabaliko sna....yung babaeng yun..haixst......next chapter......
-ChAn-
kala ko naman habulan ever mangyayari.. hehe buti nabasa ko to ngaun dito.. kakabasa ko lng ng 37 sa BOL.. hehhe
hahahha nakakaluka naman to ang chapter nato super kilig moment pero bagay lang yan ky ivan kasi sa mga sinabi pa naman nya kay miko at nakakainsulto na mga tawa bbbbbbleeeee!!!!!SALAMAT!!!!!
ai naku ivan gumawa kana nang paraan para mabalik muh sa dati ang tiwala ni miko kung hindi ikaw din massaktan kasi naman eh kung anu2x pah ang sinabai mo kay miko eh mahal kanam ni miko bat ksi sumama kapa sa haliparot na ANGELINE na un yan tuloy nagkagulo nah sa araw pa naman nang birthday muh nag effort pa naman c miko nang favorate muh na sphag.
iinum iisang bote pa nga lang lasing kana anu un para pang palakas nang loob hahahha buti nga sau yan iiwan kana ni miko punta na syang MANILA BBBLEEEEEEE!!!!!goodbye kana!!!!
hehehe pero bilib din aku sayo kasi ginawa muh nah ang part muh kaya lang d muh pah alam kung anu disisyon ni miko kung aalis bah sya o manatili na lang nah kasama ka?gumawa kana nang paraan para lang mapigilan muh si miko umalis go!!!gogogogoogogogo IVAN !!!masama lang ang loob ku sau kasi pina iyak muh ang bida namin hehehe gogogogo
MARAMING SALAMAT!!!!!!sa author nah sumulat nang gaya nito nah kakainspire lalo nah mga ganitong kwento nakakakilig,nakakaluha,nakakatuwa at higit sa lahat nakaka inlove MORE POWER AND GOD BLESS!!!!!!! SALAMAT
kinikilig much..hehehe
kaabang-abang talaga..
great story...
God bless.. -- Roan ^^,
Post a Comment