"Oh, itong pamunas. May pamalit ka ba?" si Ivan kay Angeline.
"Wala nga eh." maarteng sagot ni Angeline.
Napa-buntong hininga si Ivan sa sagot ni Angeline. "Paano ngayon yan? Halatang basa yang damit mo."
Sumagot si Angeline na para bang iiyak. "Hindi ko nga alam eh."
"Sansali, sandali gagawan natin ng paraan yan. Wag ka ng mag-alala."
"Paano?"
Saglit na nag-isip si Ivan kung ano ang maarin niyang gawin. "Kung magsuot ka muna ng sweater o jacket? Ok lang ba? Meron ako sa cabinet, tignan mo kaya? ano?"
"Sige, susubukan ko. Kunyari nilalamig na lang ako."
Itinuro ni Ivan ang cabinet ng mga damit niya. Agad namang pumunta roon si Angeline Siya na rin mismo ang nagbukas at pumili ng maaring ipagtakip sa kanyang nabasang pang-itaas.
"Ok na siguro ito, Ivan."
"Sige na suotin mo na kung ok na sayo." Pagkatapos ay iniba ni Ivan ang usapan. "Bakit ka nga pala binasa ni Mico? Anong ginawa mo?" Nakita ni Ivan nang manlaki ang mga mata ni Angeline sa tanong niya.
"Anong ginawa ko?" may kataasan ang tono ni Angeline. "Nagpaalam ako sayo na pupunta lang ako sa cr, tapos sinundan pala ako ni Mico at ayun na, binasa na niya ako." saglit na tumigil. "dahil sa selos. Oo nagseselos dahil magkasama tayo. Sabi na nga ba at may nililihim yang Mico na yan. Ang sama pala ng ugali."
Nagtitiim bagang na lang si Ivan. "Sigurado ka ba?"
"Ivan... nakikita mo naman siguro ang ginawa sa akin di ba?"
"Ok, ok. Sigurado ka na ba sa suot mo? Bababa na tayo."
Biglang kumapit si Angeline kay Ivan. "Ivan, ipagtanggol mo ako kay Mico. Natatakot ako sa sa kanya."
"Huwag kang mag-alala." nasabi na lang ni Ivan.
-----
Naka-upo si Mico sa sofa habang naghihintay sa pagbaba ni Ivan at Angeline. Nakabawi na siya sa pagkabigla nang biglang kampihan ni Ivan si Angeline at hindi siya. Gusto niyang magpaliwanag kay Ivan kungbakit niya iyon ginawa. Dalangin niya na hindi galit sa kanya si Ivan. Pero, sa ibang bahagi ng kanyang utak, nasisigurong galit sa kanya si Ivan.
"Huwag naman sana." bulong niya sa sarili. Agad siyang napalingon ng marinig ang mga yabag ng mga paa pababa sa hagdanan. Agad siyang tumayo nang makita sina Ivan at Angeline. "Ivan." tawag niya.
Agad lumingon si Ivan sa kanya. Nakita pa nga niyang biglang kumapit ng mahigpit si Angeline sa braso ni Ivan. Lalapit sana siya, nang magsalita si Ivan kay Angeline. Pinalabas na ni Ivan ang babae. Sumunod naman ang huli at naiwan silang dalawa.
"Ivan." muling tawag niya sa pangalan nito. "I'm sorry, pero-"
"Bakit mo ginawa iyon kay Angeline, Mico?"
"Kasi-"
"Anong kasi? Dahil nagseselos ka? Tingin mo ba tama 'yung ginawa mong pagbasa sa kanya? Hindi ko yata inaasahang magagawa mo yun kay Angeline. Pangalawa, naghanda-handa kayo dito para sa birthday ko, tapos para gumawa lang ng eksena. Ok naman kayo ni Angeline ah?"
Naiyak na si Mico dahil sa sunod sunod na tanong ni Ivan. Halos hindi na niya maintindihan at hindi na alam kung paano magpapaliwanag. Pati siya ay naguguluhan. "A-ang alam ko... ako ang nasa ta-ma, I-van."
Napa-tingala si Ivan sa itaas sa sagot ni Mico. "Alin ang tama? Ang pambabasa mo kay Angeline? Kailan pa naging tama iyon Mico? Nambabastos ka ng bisita ko."
"Hindi mo kasi alam Ivan. Niloloko ka niya." napasigaw si Mico sa tindi ng sama ng loob. Hindi siya maintindihan ni Ivan.
Dahil sa pagsigaw ni Mico mas lalong napatiim bagang si Ivan. "Anong hindi ko alam at paanong niloloko?"
"Noong isang araw." halos pasigaw ni Mico itong sinabi. "Nakita ko si Angeline na may kasama siyang ibang lalaki. Niloloko ka lang niya. Hindi totoong may gusto siya sa-" naputol ang gusto niyang sabihin nang magsalita si Ivan. Alam niyang galit na ito at hindi siya naiintindihan.
"Ah.. Mico. Ano naman?" pigil ang pagsigaw ni Ivan. Ayaw nitong may makarinig.
"I-Ivan? A-ng ibig mong s-sabihin... wala kang pakialam kahit lokohin ka niya?" biglang napatigil si Mico sa pag-iyak at sisinok-sinok na sumagot. Halos magkandautal si Mico.
"Oo. Tama ang narinig mo. Anong pakialam ko kung niloloko niya lang ako na may gusto siya sa akin. Ang problema ngayon, bakit mo ginawa iyon kay Angeline? At sinakto mo pang kaarawan ko. Kasama ba iyan sa sorpresa mo?" Biglang naalala ni Ivan ang tagpong nakita niya sina Mico at Mark. "Close na pala kay ni Mark?" biglang tumawa si Ivan ng nakaka-insulto. "Sa paguusap niyo kanina para bang matagal na kayong nagkakilala ah. Ang alam ko never ko pa siyang nabanggit sayo. O baka naman nagkita na kayo ni Mark sa school nung mag ki ta din kayo ni Angeline."
"H-ha?" hindi makapagreact si Mico. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung paano uumpisahan ang kanyang paliwanag.
"Hindi ko kasi maintindihan ang mga sinasabi mo Ivan?"
"Wala na siguro tayong dapat pag-usapan."
"H-ha? Anong ibig mong sabihin Ivan?" biglang nahintakutan si Mico sa sinabi ni Ivan.
Umiling-iling lang si Ivan at ngumisi katulad pa rin kaninang nakaka-insulto. Pagkatapos, tumalikod na si Ivan.
"Ivan." tawag ni Mico. Nagsimula na namang putak ang mga luha ni Mico. "Ivan..."
Pero hindi na lumingon pa si Ivan. Napaupo na lang si Mico sa sofa at doon tahimik na lumuluha. Wala na siyang masabi kundi ang matulala at alalahanin ang mukha ni Ivan kung papano ito nagalit sa kanya.
-----
"Kamusta na kayo diyan? Enjoy lang ha." bati ni Ivan sa mga nadaanan nang muli siyang lumabas. Pinilit niyang alisin ang nangyari kanina. Pero hindi niya mawaglit ang maisip si Mico na naiwan sa loob. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya. Pero naninindigan siya sa mga sinabi niya.
"Ivan." si Angeline. Agad ang kapit nito kay Ivan.
Sinalubong ni Ivan si Angeline ng masaganang ngiti.
"Ivan, tinatanong nila sa akin kung kailan mo ba daw ako sasagutin ahahaha."
"Sasagutin?" nagsalubong ang kilay ni Ivan sa pagtataka.
Natawa si Angeline. "Sabi ko sa kanila ako na ang nanliligaw."
Sa loob loob ni Ivan, nakaka-offend ang sinabi ni Angeline. Marunong siyang manligaw. Ang kaso wala siyang gusto kay Angeline. Parang hindi maganda sa kanyang pandinig ang sinabi ni Angeline pero pinilit niyang huwag ma-inis. Tumawa na lang siya para maitago ang nararamdaman inis kay Angeline.
-----
"Mico." tawag ni Mark. "Kanina pa kita hinihintay sa labas akala ko babalik ka. Wala tuloy akong makausap." sabi niya kahit hindi lumilingon sa kanya si Mico. Tumabi siya kay Mico sa pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ni Mark nang makitang luhaan si Mico. "Mico bakit?"
Hindi kumibo si Mico. Patuloy lang itong sisinok-sinok.
"May nasabi ba akong mali kanina? Im sorry hindi ko alam na na-offend na pala kita."
Ayaw sana ni Micong mamansin kahit ano pa ang isipin ni Mark basta wala siyang gana dahil sa sakit na nararamdaman. Pero, pinansin niya ito dahil nagsosorry sa wala namang kadahilanan. Baka makonsensya pa siya kapag hindi niya ito pinansin. "Huwag kang mag-alala hindi ikaw ang may kasalanan."
"Ha, ganun ba? Sino? Sabihin mo. Isa ba sa mga classmate namin ni Ivan?"
"Oo classmate mo ang sumakit sa puso ko. Ano ang gagawin mo sa kanya? Ipagtatanggol mo ako?" peor hindi nya iyon maisatinig sa halip iba ang isinagot niya. "Wala ito. Huwag kang magalala magiging ok din ako."
"Sabi mo yan ah. Ayaw mo na bang lumabas? Naroon sila Ivan nagkakasayahan sila. Kasama sila Angeline."
Biglang tumaas ang isang kilay ni Mico. "Ang angeline na iyon." Lumingon siya kay Mark. "Wait lang mag-aayos lang ako ng mukha tapos labas tayo. Gusto kong mabantayan si Ivan, lalabas ako."
"Tama para makalimutan mo muna yang lungkot mo." pagktapos ay ngumiti ng pagkaluwang-luwang si Mark. Ngiting parang bata na kita halos lahat ng ngipin.
Napa-ngiti si Mico sa ginawang pag-ngiti ni Mark.
-----
"Yan tumatawa ka na uli." natatawa ring pahayag ni Mark.
"Ikaw kasi eh, ang lakas mong mambola." sagot ni Mico. "Alalahanin mo, ano ako... alam mo na tapos ako ang kasama mo baka kung anong isipin nila sayo."
"H-ha? Hindi naman siguro. Saka alam naman ng mga classmate ko na may girlfriend na ako." sabay tawa. "Yung ibang hindi naman nakakakilala sa akin, siguro wala na akong pakialam sa kanila."
"Talaga lang ha?" pagkatapos ay naghanap ng mauupuan. Kasabay ng pagturo ng mapuppwestuhan nila ay ang makita si Ivan at Angeline na halos magkayap na. "D-doon tayo."
"Halika." sagot ni Mark. Hinawakan nito ang kamay nya bilang pagakay sa pwestong napili nila.
-----
Hindi naman lingid kay Ivan ang pagkakahawak ng kamay nila Mico at Mark. Kaya naman kahit umiiwas na siya sa mga pagkapit ni Angeline ay guamnti na rin siya ng pagakbay dito.
"Pareng Ivan," tawag ng isang kaklase sa grupo. "Mukhang may realsyon na namang mabubuo niyan." sabay tawa.
"Ganun ba?" sagot ni Ivan. "Tignan natin bukas."
"Ano?" gulat ni Angeline. "Sigurado ka Ivan?"
Natawa na lang si Ivan kahit ang totoo ay nakukuyumos na niya ang mga kamay sa galit habang napapansin sina Mico at Mark na masayang nag-uusap.
-----
Naririnig ni Mico ang usapan sa grupo ni Ivan. Dinig na dinig niya ang sinabi ng di kilalang lalaki at ang sagot ni Ivan. Lalo lang nagdurugo ang puso niya. "Yun ba ang ibig sabihin ni Ivan na wala na kaming dapat pang pag-usapan? Kasi, bukas magiging sila na ni Angeline?"
"Mico." tawag pansin ni Mark. "Bigla kang natulala?"
"Ah eh wala lang parang may nakita lang akong kung ano sa banda roon." alibi niya.
"Saan" agad nilingon ni Marka ng dakong tinuro ni Mico. "Madilim naman eh. Huwag mong sabihin namamalikmata ka? Huwag kang ganyan Mico, takot kaya ako sa multo." sabay tawa ni Mark.
"Ano? Ibig sabihin, takot ka sa madilim?"
"Ganun na nga."
Sabay silang nagkatawanan.
At bigla na lang...
"Mico. Sumama ka muna sa akin." si Ivan kay Mico sa siryosong pagsasalita.
"S-sandali lang Mark ah." paalam niya kay Mark. Muntikan pa siyang mapatid nang may pwersa ang paghila sa kanya ni Ivan. "Bakit ba kasi?" tnaong niya nang naglalakad na sila papasok ng bahay ni Ivan.
Hindi nagsalita si Ivan hanggang makapasok sila sa bahay. Nang makapasok ay saka niya binitiwan si Mico. "Akala ko narito ka dahil umiiyak ka? Pero yun pala nakikipagusap ka na kay Mark at ang saya-saya mo pa. ang bilis mo namang kalimutan ang ginawa mo kay Angeline."
Kanina pa nagsalubong ang kilay ni Mico. "Anong gusto mong gawin ko dito magmukmok at magapansing umiiyak ako sa sama ng loob?"
"Pero bakit-"
"Bakit ano? Ako pa rin ang mali makita mo lang akong tumatawa?"
Napa-hawak si Ivan sa ulo sa sobrang inis na nararamdaman. Napataikod pa siya kay Mico at para bang gustong magbuhos ng matinding emosyon.
"Ikaw nga diyan eh, ang higpit ng yakap mo kay Angeline. May sinasabi ba ako? Wala."
"Dapat lang dahil wala kang pakialam sa ginagawa ko."
"Oo kaya nga kahit sagutin mo siya bukas wala pa rin akong pakialam di ba?"
"Oo."
Nagsimula na namang sumikip ang dibdib ni Mico. Nagbabadya na naman ang kanyang pag-iyak. "Ganun pala Ivan. Ibig sabihin-" hindi niya naituloy ang sasabihin.
"Ibig sabihin?" paguulit ni Ivan.
"Kung sasagutin mo siya bukas, ibig sabihin hindi mo ako mahal Ivan." nahagulgol na si Mico sa harapan ni Ivan. "Ganun ba Ivan, hindi mo talaga ako mahal?"
"Wala akong matandaang sinabi kong mahal kita Mico."
Tigagal si Mico sa narinig. "H-hindi mo a-ako m-hal Ivan?"
"Oo. Mico, Oo."
"Diba, hinahalikan mo ako? Akala ko mahal mo ako Ivan? Sabi mo masaya ka na malaman mong mahal kita? Paanong nangyari yun Ivan? Mabait ka sa akin, na dati hindi. Tapos, lagi mo akong niyayakap. Tapos- Ivan, hindi mo ba talaga ako mahal?"
"Inuulit ko, wala akong sinabing mahal kita. Siguro-" bigla siyang natigilan. Naghanap siya ng karugtong sa sasabihin. "dahil iyon sa halos tayo na lang lagi ang magkasama kaya naging close tayo ng sobra sobra. Dahil lang yun doon at wala nang iba."
Hindi alam ni Mico kung paano sasagot. Napatango nalang siya. Sisinok-sinok.
"Kaya huwag mong isiping may gusto ako sayo."
"S-sige, gagawin ko. Mali lang pala ako. Akala ko kasi eh." suminghap muna si Mico ng maraming hangin para makapagsalita ng maayos. "Pasensya na ha. Yun lang talaga ang akala ko. Akala ko-" pinilit niyang ngumiti. "Sige aalis na ako." tumalikod siya pero muli ring humarap kay Ivan. "Sandali, aayusin ko lang ang sarili ko. Baka kasi isipin nila na kung anong nangyari sa akin." sabay ngiti. "Siya nga pala..." muli na namang nagbadya ang mga luha kay Mico. "sana kahit man lang dyan sa pagprepare ko ng suot mo, naapreciate mo. Yun lang. Salamat na rin ha? Sige, paalam. Aalis na ako. Bye." at isang sulyap pa kay Ivan. Para bang naghihintay si Mico na pigilan siya.
Agad tumakbo si Mico para makauwi sa sariling tahanan.
-----
18 comments:
kaka-sad tlga ina major2 way..hehehe
*carlorenz*
naluluha ako sa part ni Mico.... kainis naman si Ivan denial to the max parin haist... post napo next chapter please.... i'm lovin it(",)
-shanejosh-
kakainis na c ivan ha....cge na nga..OA naman kc etong c Mico...
Pero kakaawa tlaga c Mico...
C Ivan naman kasi eh, ngpakita pa ng sweet gestures, ayan tuloy masakit sa akin, este ky Mico pala...jejeje...
-josh110111
eto na sinansabi ko...hais...napaiyak ako sa sakit...grabeh...bakit naman ganito...
wala nah ko masabi subrang sakit sa part ni mico abay nag expect pah namn sya nah maging sila ni ivan un pala wala rin go mico lumaban kah tingnan natin kung makatiis si ivan kung my iba kang kasama
grabi subrang ganda talaga!!!!!!isa sa mga paborito ko hehehehe SALAMAT!!!!!!!!at nasundan agad pero next nah
OMG! pang 7 ako! i cant believe it! haha! JOKES! haha
inulit ko pa kasi from the start!
NAINIP KASI AKO MR. AUTHOR! ANG TAGAL KASE NG KASUNOD! *NAGPAPARINIG AKO! CHE* HAHA
Eto na talaga!
this chapter is the most dramatic! ever! i swear! Ramdam kita Mico! Ramdam kita! *Mar Roxas lang?? haha*
I HATE YOU NA IVAN! DI KA MAKAKA SCORE SAKEN! CHE! HAHA
---Grabe naman ako parang di ako 16 mag salita! ahaha
follow me on twitter, i follow back promise! :))
twitter.com/yeahitsjm
--> superJM irr
ang sakit! nakikiramay ako kay mico..tsk..ganunpala? ha after all...sige wala naman palang pakialamanan..ok! goodluck and congrats! ingat na rin..! ngayon alam ko na..tss
so sad aga-aga ito yung eksena na mababasa ko:(
sobrang hapdi naman...huwag naman gann...sana maayos na
kawawa naman si mico ang kitid kasi nang otac ni ivan ko estey naya eh huhuhu =<
kawawa naman si mico. harap harapan pa talagang sinabi ni ivan dahil lng sa selos sya kay mark. hayst. sana makabawi pa sya kay mico.
kawawa naman c mico . :(
may guzto kaya c ivan kay mico.. wew.. ???
nkakaexcite..
i love it,., :)
Ang ganda ng part na ito...kakaawa si Mico...huhuhu
huhuhuhu sakit talaga kahit ilang bisis ko tung babasahin di aku magsasawa subrang ganda lalo na`t sa part ntu
sobrang lungkot ng ambience ...
parang may pinaghugutan ka boss erwan ... parang ilang lines ehh true to life :((
sad ng part .. can't help but to wait for the next chapter ....
really loving this story..
tear-jerker to ah..
God bless.. -- Roan ^^,
grabe ang ganda part 38 na pls!!!!!!
i love the simplicity of the this story, the plot, the characters (not far from reality unlike other stories)keep it up! :))
Post a Comment