Followers

CHAT BOX

Sunday, February 6, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 23

Nangingiti si Ivan habang naglalakad sa loob ng subdivision pauwi sa kanila. Excited na siyang makita si Mico at maibigay ang kanyang pasalubong. Nang makarating sa harap ng kanilang bahay, napatigil siya. Nangingiti siyang pinakiramdaman muna kung nasaang bahay ba si Mico. Sa bandang huli, dumiretso din siya sa bahay niya.

"Sana nasa bahay si Mico." natutuwa niyang pahayag.

Kumatok pa siya sa pintong bahay bago pumasok. Nakangiti siyang pasilip na pumasok. Inaakalang may taong makikita sa pagpasok.

"Ay, wala?" naibulalas niya nang walang taong maabutan sa loob. "Nasaan kaya ang mga yun?" sabay tawag sa ina. "Ma?..." Walang sumagot. "Baka nasa kwarto."

Dali-dali niyang tinungo ang living room para ihagis doon ang gamit na dala. Pagkatapos ay tinungo ang kwarto ng ina.

Hindi na siya kumatok, agad na niyang binuksan ang pinto ng kwarot ng ina. "Ma..." nagpalinga-linga sa paligid. "Wala?" Muli niyang isinar ang pinto. "Umalis siguro. Di bale si Mico nalang ang pupuntahan ko."

Masaya niyang tinungo ang baba dahil pupunta siya sa kabila. Kala Mico. Masaya niyang gagawin iyon.
-----

Nakaharap si Mico sa harap ng waching machine na gumagana. Malapit na kasing humudyat ang washing machine para tanggalin ang lamang mga damit. Maya-maya nga lang ay inaalis na niya ang laman.

Ginagawa niya ito dahil nababagot siya. Dapt ang kasambahay niyang si Saneng ang gagawa pero dahil walang magawa nagpresenta nalang siya na maglalaba. Heto nga at tapos na siya at babanlawan na lang ang mga damit niya.

"Anong ginagawa mo?"

"Naglalaba..." sagot niya sa taong nagtanong sa likuran niya. Bigla siyang natigilan. At lumingon. Ang iniisip kasi niya ay si Saneng ang nagtanong kasi kanina pa siya nito binibirong himala daw na maglalaba siya. Pero bakit hindi niya naiisip kaagad na iba ang boses ng nagtanong at sumagot pa talaga siya. "Ivan? Anogn ginagawa mo dito?"

"Kakauwi ko lang. Bakit ganyan ka magtanong parang nakakita ka ng multo." tanong ni Ivan dahil napansin niyang bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mico.

"Naka-uwi ka na pala." sa halip na isinagot ni Mico. Muli siyang humarap sa washing machine at tinaggal ang natira pang mga damit.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan?"

"Nababagot kasi ako." sagot ni Mico. Pagkatapos ay humarap kay Ivan na basa ang damit banda sa tiyan at mabula pa ang mga braso.

Natawa si Ivan sa hitsura ni Mico. "Tingin ko nga. Wala kasi si Mama sa bahay eh."

"Kaya nga nabagot ako dahil walang tao sa inyo. Wala akong makausap."

"Ganyan ka pala mabagot, naglalaba. Parang may naisip ako." nangingisi si Ivan.

Tumaas naman ang kilay ni Mico dahil parang alam niya ang gustong tumbukin ni Ivan. "Ano naman iyon."

Biglang tumawa si Ivan. "Pwede bang pati damit ko labahan mo na rin kapag nababagot ka? Joke."

"Galeng..." saka napansin ni Mico ang dala-dala ni Ivan. "Ano yan?"

"Ah eto?" iniharap ni Ivan ang dala kay Mico.

"Pi..zza!" tili ni Mico.

"Yupp, pasalubong ko sayo."

"Talaga?" agad inabot ni Mico ang ang pasalubong ni Ivan. "Pwede ba mamaya na nating kainin tapusin ko lang itong banlawin. Hayaan mo bibilisan ko."

"Oo naman."

"Saglit lang." si Mico at inilapag niya ang box ng pizza sa isang upuan. "Saglit lang ha." pagkatapos ay hinarap nya ang banlawin. Ngumiti pa siya sa huling sulyap kay Ivan.

Nagbabanlaw na si Mico. Napapansin nga ni Ivan na nagmamadali si Mico. Natatawa siya sa ikinikilos ni Mico. Dahil sa kapamamadali, madalas na nagtatalsikan ang tubig sa mukha nito.

"Dahan-dahan lang naman." si Ivan.

"Ano ka ba? Kailangan bilisan noh. Naghihintay ka kaya."

"Okey lang ako."

"Doon ka kaya muna sa loob para hindi ka mabagot."

"Hindi ako nababagot."

"Bahala ka."

"Sa totoo nga, masaya akong pinagmamasdan kita."
-----


"Magpalit ka na. Basang-basa ka na."

Napatingin si Mico nang diretso kay Ivan. Nakaramdam siya ng pagaalala sa tono nito. "Sige."

Nakangiti si Ivan nang lagpasan siya ni Mico para makapagpalit. "Mico, bilisan mo ha?"

"Opo." masayang sagot ni Mico.

Pagkatapos sumagot ni Mico ay naging doble ang kanyang pagmamadali. "Mahal ko ang nagsabi. So, bilis bilis bilis Mico. Hehehe."
-----

Nakapagpalit na si Mico ng damit. Pero bago siya lumabas sa kwarto niya ay tinungo muna niya ang laptop sa ibabaw ang side table. "Naandito na si Ivan kaya, ikaw papatayin na muna kita. Mamaya na lang uli tayo magkita ha..." kinausap niya ang larawan ni Ivan na naka-post sa laptop.

Iyon kasi ang ginawa niya para kahit papano, habang wala si Ivan, nakikita pa rin niya ito. "Hindi kaya biro ang walong oras na wala siya. Talagang nakakabagot na hindi ko makita si Ivan sa ganoong haba ng oras."


Pagkatapos ay tinungo na niya ang pinto para lumabas. Laking gulat niya nang mapagbuksan si Ivan. "Bakit ka nandiyan?"

"Hinihintay ka."

Napatingin si Mico sa paligid ng kwarto niya. Kinabahan kasi siya lalo na nang mapatapat ang mga mata niya sa kanyang laptop. "Nakinig ka?"

"H-ha? Nakinig? Bakit, may kausap ka ba dito sa loob?" nagtatakang tanong ni Ivan pagkatapos ay bahagyang sinilip ang kwarto ni Mico.

"Wala." saway ni Mico. "Nagsasalita kasi ako mag-isa." alibi ni Mico pero may katotohanan.

"Nge." natatawa si Ivan.

"Halika na sa baba." yaya ni Mico. Nauna na si Mico para maiwasan ang usapin. "Kamusta pala ang pasok mo?" tanong niya para maiba ang usapan.

"Ah.. ang pasok ko? Okey naman." sagot ni Ivan habang bumababa sa hagdan kasunod ni Mico.

Hindi na muna nagtanong si Mico pagkatapos. Dumiretso si Mico sa kusina para kumuha ng maiinom. Lilingunin niya si Ivan para tanungin kung ano ang gusto nitong inumin kaso hindi na pala ito nakasunod. Tinanaw niya si Ivan at nakita niyang kinuha pala nito ang pizza na nailapag kanina sa center table sa living room. Hindi na niya ito tinawag dahil nakita niyang papalapit na ito sa kanya. Binuksan na lang niya ang ref at kumuha ng dalawang softdrink in can.

"Gusto ko yan." si Ivan nang makita ang hawak na inumin ni Mico.

Napangiti si Mico. "Ang galing ko naman mag-isip."

"Parang kabisado mo na ang lahat ng gusto ko, ha?"

"Hindi naman. Kaunti lang." sabay tawa. Nakita niyang binuksan na ni Ivan ang box ng pizza. "Mukhang dito na natin kakainin."

"Ganoon na nga. Ayaw mo ba?"

"Hindi naman akala ko mas gusto mo sa harapan ng t.v."

"Hindi Ok lang naman na dito." sabay ngiti.

Napakunot noo si Mico sa pagkakangiti ni Ivan. "Maka-ngiti ka parang may ibig sabihin ah?"

"Ngumiti lang eh. Ayan na, kain na tayo. Oy, ikaw ang dapat ang uubos niyan ah. Binili ko yan para sayo."

"Wow naman, nagdiriwang ang puso ko..." pagkatapos ay umupo na si Mico.

Umupo na rin si Ivan "Buti naman." sabay tawa si Ivan. "Hirap kaya mag-isip ng pasalubong."

"Nahirapan daw? Bakit naman kasi kailangan mo pa akong pasalubungan?"

"Gusto ko."

Natahimik si Mico. Bigla naman ang pagdating ni Saneng. Inalok niya ito nang pizza.

"Salamat. Pero mamaya na lang, kapag may natira." sagot ni Saneng pagkatapos ay kay Ivan nagsalita. "Alam mo ba kanina pa yan bagot na bagot dahil wala ka."

Napatingin si Ivan kay Saneng nang sabihin iyon. "Aha! Ibig sabihin na-miss mo talaga ako." tinapunan niya ng sulyap si Mico at kumuha ng slice ng pizza. "Hindi ko masyadong nahalata. Hehehe."

"Aling Saneng naman eh." saway ni Mico. Napansin niyang paalis na si Saneng may kinuha lang itong isang bagay.

"Sabi ko nga po, labahan na rin niya ang damit kapag nababagot siya." sabay tawa si Ivan.

Napatigil sa paglakad si Saneng. "Ay oo nga pala. Ginulat ako ng batang yan. Biglang naka-isip maglaba." tumawa rin pagkatapos.

Lihim naman na naiinis si Mico. "Nagkasundo kayo ah." Kumuha na lang rin siya ng isang slice ng pizza pagkatapos ay wala sa loob na dinampot ang sache ng sauce at ibinuhos sa sliced pizza sabay kagat. "Waaaaaaaaaaa...." sigaw niya. "A-a... ang-hang!" hot sause pala ang nilagay niya sa kanyang pizza.

Nagulat ang dalawa. Siyempre lalo na si Ivan na kaharap niya sa lamesa. Napatayo si Ivan habang si Saneng ay hinsi nakakilos sa gulat nang biglaang sumigaw si Mico.

"Mico, hot sauce yata yung nalagay mo." si Ivan. Agad niyang iniabot ang nabuksan na niyang softdrink in can kay Mico.

Kinuha naman ni Mico ang iniabot ni Ivan at tinungga. Ilang ulit pa rin niyang ginawa ang paglagok ng softdrink na minsan pa nga ay pinang-mumog pa niya.

Nakanga-nga naman si Ivan habang naghihintay ng resulta. "Ano?"

"Ang hapdi..." naiiyak na sagot ni Mico.

"Sige inom ka pa."

Saka naman nakapag-salita si Saneng na kanina ay tulala sa pagkakagulat. "Sandali kukuha ako ng asukal."

Umikot si Ivan papunta sa kinalalagyan ni Mico. Tumabi siya, pagkatapos ay hinimas niya ang likod ni Mico. Yun ang tanging naisip niyang gawin.

Nagkakanda-iyak si Mico nang magsalita. "Hindi naman ako nabulunan eh." tinutukoy niya ang ginawa ni Ivan na paghimas sa likod niya.

"Ay sorry." biglang inalis ni Ivan ang kamay. "Paano ba kasi yan matatanggal, eh binuhos mo yata lahat eh."

Naiyak na lang si Mico. Butong hininga naman kay Ivan.

"Heto, asukal. Sumubo ka tapos ibabad mo sa bibig mo." si Saneng.

"Effective po ba yan?" tanong ni Ivan.

"Oo naman. Sige na." at iniabot ni Saneng ang lalagyan ng asukal at kutsarita.

Si Ivan ang umabot at kumutsara para isubo kay Mico. "Nga-nga."

Agad namang ngumanga si Mico. Habang sisigok-sigok at impit dahil sa hapdi na nararamdaman, pinapaikot-ikot niya ang sinubong asukal sa bibig sa pamamagitan ng dila. Nakaramdam naman siya ng paunti-unting ginhawa.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Saneng. "Sige na. Ok na yata." tumalikod na ito para tunguhin ang sariling kwarto.

"Ok na ba talaga?" tanong ni Ivan kay Mico.

Tumango si Mico. "Pa-parang nanga-ngapal ang labi ko. Namamaga yata..." pagkatapos ay kinapa-kapa pa ni Mico ang palibot ng labi.

"Hindi naman. Feeling mo lang yun. Ang tanong kung mahapdi pa?"

"Ok Ok na. Hindi tulad kanina... Ang sakit talaga sa labi. Parang, parang..." biglang natawa si Mico. "parang gusto kong tumalon sa maraming tubig hehehe."

Napa-ngiti si Ivan. "Ok ka na nga. Natawa ka na eh." Hinawakan ni Ivan ang baba ni Mico para suriin kung nagkaroon ng rushes.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mico dahil nagkalapit ang kanilang mga mukha. Napatitig tuloy siya kay Ivan.

"Buti na lang hindi nagsugat yang labi mo sa sobrang init ng sauce." Pagkatapos ay napa-tingin siya sa mga mata ni Mico na sa sandaling iyon ay titig na titig sa kanya.

Hindi alam ni Ivan kung ano ang nagtutulak sa kanya para ilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Mico. Habang ang huli naman ay unti-unting lumalakas ang kabog ng dibdib at napapapikit sa alam niyang posibleng mangyari.

Ilang sandali pa ay tuluyan nang naghinang ang kanilang mga labi. Damang-dama ni Ivan ang bahagyang init ng mga labi ni Mico. Pero iyon ay nakadaragdag para sa kanya ng kasabikan sa ginagawa.

Noong una, hindi kumikibo ang mga labi ni Mico dahil hindi pa niya napapaniwalaang nangyayari na naman ang pinapangarap niyang mangyari- ang mahilakan si Ivan. Gumanti na rin siya.

Saglit pa ang tumagal at inilayo na ni Ivan ang ang labi niya sa labi ni Mico. "O-okey ka na?"

Tumango na lang si Mico nang nakangiti. Hindi kasi niya nakita sa mukha ni Ivan na hindi nito gusto o hindi sinasadya ang paghalik sa kanya.

"Kainin na natin ang pizza." tumawa muna si Ivan. "Baka ayawan mo na ang pasalubong ko?"

Umiling si Mico nang todo saka nagsalita. "Hindi noh? Galing yan sayo eh."

"Mabuti naman. Go!" si Ivan ang kumuha ng para kay Mico saka niya muling kinuha ang sa kanya.

"Sarap naman. Kahit walang sauce."

"Oo. Yan nga ang naisip kong bilihin sa labas ng university. Kasi, kasi kilala na sa amin na masarap talaga 'to. Buti nalang hindi ako nagkamaling magugustuhanmo rin ito."

"Oo naman. Madalas rin kaya akong kumakain nito kaya lang walang hot sauce." sabay tawa.

"Ikaw kasi hindi mo muna tinitignan ung sauce."

Siniko ni Mico si Ivan. "Oo na. Huwag mo nang ipaalala, nahihiya ako sa nangyari. Pero thankful talaga ako dahil- dahil doon, muli ko na namang nadama ang mga labi ni Ivan. Mahal na niya ako... Mahal na niya ako. Kaunti na lang at magiging kami na. Naniniwala na ako. Kailan kaya niya sasabihing mahal niya rin ako. Hindi ako makapaniwala.."


"Natahimik ka." tanong ni Ivan nang mapansing natahinik si Mico.

"Wala naman. Ninanamnam ko lang ang sarap." sabay ngiti ng ubod ng tamis.

Gumanti naman si Ivan ng matamis ding ngiti.
-----

7 comments:

ram said...

wahhh kakakilig ang moment nila mico at ivan. bukas ano kaya ang mangyayari sa kanila. saan kaya matutulog ni ivan baka kila mico naman. hahahay

Anonymous said...

They kissed again. Whew!

Anonymous said...

the best ang chapter 23, tamang tama lang kilig moment nila ivan at mico, ivan, sana mang ligaw kana kay mico wag kana patumpik tumpik pa baka maunahan pa kita jan hahahaat ikaw naman mico wag mona pahirapan c ivan naku baka mapunta pa yan sa iba ikaw din, thank you sa writer super ang kwento mo.sa poll mo nga pala ako kuntento na ako sa mga kwento mo solve na ako dun, wala ng hahanapin pa ika nga

ram said...

ang susunod na pasalubong ni ivan maanghang uli para may reason sya na halikan si mico hahaha

Anonymous said...

nakakatuwa naman ang story na to. sa first kiss nila nagulat pa si IVAN although nagustuhan rin niya un. pero sa pangalawa nilang KISS parang wala lang.... parang ok na lang ang halikan niya si MICO. SWEET talaga. malapit pa naman ang VALENTINE'S DAY!!! Ano kaya ang ibibigay ni IVAN kay MICO? haaayyyyy.... kakakilig...
next na pls... at sana iniisip na nilang pareho ang Feb 14. hehehe

- Japaul -

jasper said...

ay OO nga pala. di na rin nagtanong si MICO ba't siya hinalikan ni IVAN. parang magiging natural na lang ang halik sa kanilang dalawa, 'no? pero tiyak si MICO, dahil demure, di pa rin magiinitiate na halikan si IVAN. haaayyy again. talagang naeexcite ako sa mangyayari pa. kaya please boss erwan ang susunod na. hehehe.

- Japaul -

Ram said...

Hahaha d pa valentine sa kwento kc start pa lng ng klase it means june pa lng.