Followers

CHAT BOX

Wednesday, February 2, 2011

IVAN (My Love, My Enemy) Chapter 21

Pasilip pang lumabas si Mico sa C.R. "Buti na lang umalis na rin sila. Baka sa loob pa ako ng C.R. abutan ng kamatayan sa sobrang kaba." nasabi ni Mico nang makalabas. "Teka, ang binilinni Tita, ang niluluto." dali-dali siyang pumunta sa niluluto. Nilasahan niya ito. Nasarapan siya. "Mukhang OK na ito."

"Masarap ba talaga?"

"Ay kalbong Ivan." sigaw niya sa gulat ng biglang may magsalita. Agad siyang lumingon para makita ang nagsalita. Laking gulat niyang nasa harapan na niya si Ivan. "Saan ka galing?"

Hindi sumagot si Ivan. Lumapit lamang siya kay Mico.

"Huwag kang lalapit. Ipapalo ko ito sayo." banta ni Mico. Ipapalo daw niya ang hawak na sandok.

"Sige ipalo mo."

"Hindi ka natatakot?" nanginginig na tanong ni Mico.

"Bakit parang takot na takot ka sa akin?"

"Da-dahil galit ako sa yo." tumakbo si Mico palayo kay Ivan. Nasa pagitan na nila ang lamesa.

Napa-buntong hininga si Ivan. Hindi niya masabing sorry dahil nahihiya na rin siya. Paulit-ulit na lang. "Ganyan rin ba ang gagawin mo sa akin kapag kumain na tayo?"

Biglang napa-isip si Mico. Imposible na siyang maka-iwas mamaya dahil kakain. Malamang na uupo sila sa harap ng lamesa at nakakahiya naman na bigla bigla siyang tatayo at kakaripas ng takbo kapag lumapit si Ivan sa kanya. "Basta huwag kang lalapit." nasabi na lang niya. "Natatakot ako sayo..." dugtong pa niya.

Muling napa-buntong hininga si Ivan. "Nagkaroon ba ng trauma sa akin si Mico dahil sa ginawa kong panggugulo noong nakaraang linggo?" napatitig na lamang siya kay Mico.

Napansin ni Mico ang malungkot na mukha ni Ivan. Nagulat siya ng biglang kumilos si Ivan. "sabi ko huwag kang lalapit eh."

"Pupuntahan ko lang si Mama para sabihing kumain na tayo."

"A-ah Ok. Sige, para maka-uwi na rin ako."

"Hindi ka pwedeng umuwi."

"Ano? Bakit?"

"Ang lakas ng ulan."

Saka napatingin si Mico sa may bintana. Madilim sa labas wala siyang makita. Pero naririnig niya ang hampas ng hangin doon. Ramdam na nga niyang umuulan. Hindi niya napansin kanina dahil tutok ang atensyon niya kay Ivan. "Uuwi pa rin ako. Imposible namang walang payong dito sa inyo."

Natawa si Ivan. "Hindi kita papahiramin."

"Ang damot mo naman. Kasama na rin ba iyan ugali mong masama?"

Natigilan si Ivan sa sinabi ni Micong masama ang ugali niya. "I deserve that, I think. Sino nga ba naman ang matutuwa sa gianwa ko." muli syang napa-buntong hininga. Hindi na siya sumagot pa roon bilang pagtanggap ng katotohanang tama si Mico. Pero tototohanin niya ang sinabi kanina. "Hindi talaga kita papahiramin ng payong para magtagal ka pa dito."

"Hindi pwede." matigas na tanggi ni Mico. "Dahil kung ganoon pala, ngayon palang uuwi na ako." sabay talikod para umalis.

Agad namang tinakbo ni Ivan si Mico para pigilan.  Sa bilis niya hindi na namalayan ni Mico na hinatak siya ni Ivan.

"Ano ba?" reklamo ni Mico nang mahawakan ni Ivan sa braso.

"Hindi ka aalis." matigas na pigil ni Ivan.

Napatingin ng masama si Mico kay Ivan. Pero ang ikina-bigla niya nang makita ang mga mata ni Ivan na salungat sa tono ng pagpigil sa kanyang umalis. May lungkot ang mga mata ni Ivan. Nararamdaman niya. Parang gusto niyang maawa. "H-hindi aalis na talaga ako." sabi niya sa mahinang paraan.

"Huwag ka na munang umalis. P-please."

Nagkanda-kumabog ang dibdib ni Mico dahil sa pagpigil sa kanya ni Ivan. Ang tono ni Ivan na nagmamakaawa dagdagan pa ng salitang "please" sa huli ang nagpahirap sa kanyang huminga. Nakaramdam siya ng bigat sa kanyang damdamin. Nararamdaman din niyang may bigat ding nararamdaman si Ivan.

"Sige na, dito ka na kumain pagkatapos pwede ka ng umalis. Pakiusap."

Napatalikod siya kay Ivan. Ayaw niya ang tono ng pananalita nito. Nadadala siya sa lungkot ng pananalita nito. Parang may kung anong babagsak sa kanyang mga mata na ngayo'y nakakaramdam ng pangangati.

Nagulat si Mico nang bigla siyang yakapin ni Ivan.

"Im sorry."

Tuluyan nang naluha si Mico.

"Sobra kitang nami-miss. Pakiusap huwag ka na munang umalis."

Hindi alam ni Mico kung paano siya sasagot at magsasalita. Napi-pipi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

"Pakiusap."

Naririnig niya sa kanyang likod ang pag-iyak ni Ivan.

"Pakiusap. Pakiusap."

"Sandali nga." unang nasabi ni Mico. Pabalya niyang inalis ang pagkakayakap sa kanya ni Ivan. "Akala mo siguro nakalimutan ko na ang mga ginawa mo." mahinahon pero may tono parin ng galit si Mico.

Hindi na naka-pagsalita si Ivan.

"Alam mo kasi ang problema sa'yo, Hindi masakyan yang biglaan mong pagiiba ng mood. Nasa loob ang kulo mo Ivan. Hindi ko alam kung saan mo hinuhugot yang galit mo. Tinatanong naman kita ng maayos kung bakit ka nagkakaganyan? Ayaw mong sumagot."

Napa-yuko si Ivan.

"Ano?" napasigaw si Mico. "Hndi ka parin sasagot? Ganun na lang uli sorry tapos OK, na kalimutan na ang nangyari tapos may mangyayari na namang nakakagulat tapos magso-" Nanlaki ang mga mata ni Mico nang halikan siya ni Ivan.
-----

Saglit lang ang nangyaring paghalik ni Ivan kay Mico. Ang tanga mo naman IVan, bakit mo hinalikan si Mico?" Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para gawin iyon. Ang alam lang niya iyon ang nagawa niya. Iniwan niya ang labi ni Mico at nakita niyang gulat-na gulat ito. "Im sorry." hingi niya ng paumanhin. Tatalikod sana siya.

"Ba-bakit mo ginawa i-iyon?" nagkakanda-utal na tanong ni Mico pero hindi sumagot si Ivan. Nanatili lang itong nakayuko. "Sabi ko, bakit mo ginawa iyon?" sa pagkakataong iyon may lakas at tigas na ang kanyang tanong.

Bumuntong hininga muna si Ivan. "Dahil ma-" hindi naituloy ni Ivan ang dapat na sagot. "Dahil gusto ko lang." sa halip ang isinagot niya.

"G-gusto mo lang?" parang ayaw ni Mico na ganun lang ang dahilan ni Ivan. May gusto pa siyang marinig.

"Siguro... dahil na-miss lang kita ng sobra." patuloy na dahilan ni Ivan sa tingin sa malayo.

"Na miss mo lang ng sobra." nasabi niya ng pabulong. Napayuko siya.

Napansin ni Ivan ang ginawang pagyuko ni Mico. "Patawarin mo ako. Alam ko marami na talaga akong nagawang mali..." pagkatapos ay tumalikod na si Ivan.

Nararamdaman ni Mico na sincerity ni Ivan sa paghingi ng sorry nito sa kanya. Bigla siyang nakaramdam takot nang tumalikod si Ivan. Takot na hindi na sila magka-ayos pa. Hinabol niya si Ivan at niyakap nya ito.

Humarap sa kanya si Ivan. "Ibig ba sabihin niyan, pinapatawad mo na ba uli ako?"

Bahala na ang nasa isip ni Mico. Basta ang mahalaga ang magkaayos sila ni Ivan. "Ikaw kasi eh."

"Yes. Halos dalawang linggo rin kitang hindi nakausap." gumanti siya ng yakap at nagpaikot-ikot sila ng kilang beses sa kasiyahan.

"Sandali ano ba? Ang ingay mo na nga ang gulo mo pa." natutuwang kasabay ng pagsigok-sigok na reklamo ni Mico.

"Natutuwa lang talaga ako." pinisil ng dalawang kamay niya ang pisngi ni Mico. "Namiss talaga kita, Mico."

Medyo nahiya siya sa ginawa ni Ivan. Ngumiti na lang siya. "Ayy.." tili niya nang ulitin ni Ivan ang pag-ikot. Hindi siya binibitawan ni Ivan sa pagkakayap. Natutuwa ang puso niya.

Napaupo si Ivan sa upuan sa harap ng lamesa. Dahil yakap niya si Mico napaupo naman si Mico sa kandungan nito.

"Ay ano ba yan..." tili ni Mico. "Parang ang sagwa naman."

Patuloy ang tawa ni Ivan. "Okey lang. Basta masaya ako ngayon."

"Ganoon? Talaga ok lang? Baka mamihasa ako niyan. Ulit-ilitin ko 'to" sabay hagikgik. Nakalimutan na ni Mico ang pagsigok.

"Ay ganoon? Sige na alis ka na." sabay tawa.

"Ay..."

Pareho silang nagkatawanan.

"Ano luto na ba?"

Biglang napatayo ang dalawa nang marinig ang tawag ni Divina. Buti na lang at hindi sila nakita sa ganoong ayos. Tumalikod si Mico at pasimpleng nagpunas ng basa sa mukha.

"Opo Ma. Natikman na ni Mico ang ulam. Tatawagin ko na nga dapat kayo." si Ivan nang lumitaw ang ina.

"O sige na at kumain na tayo. Para makauwi na rin si Mico."

"Ay hindi Ma. Hindi pa uuwi yan si Mico." pagkatapos ay kinilabit ni Ivan si Mico. "Di ba?"

"Ah-" gulat niya sa ginawa ni Ivan. "O-opo."
-----

"Hinalikan ako kanina ni Ivan... Tama ba na isipin kong dahil mahal na niya ako? Sana... pero natatakot naman din akong umasa. Baka sa huli mali lang ako. Ngayon pa lang kapag iniisip ko nakakaramdam na ako ng sakit. Paano pa kung hindi nga totoo? Maari ba talaga iyon? Na maging kami? Hayss... siguro meron na nga siyang nararamdaman pero kaunti pa. Kaunti pa para maniwala ako." Napatingin siya kay Ivan. Nakita niyang naka-tingin ito sa kanya habang sumusubo. Napa-ngiti rin siya ng ngumiti ito sa kanya.

Ang swerte ko kung totoosin. Haysss... ayoko nang magkagalit pa kami ni Ivan. Ang hirap ng matagal mong hindi nakakausap ang mahal mo. Mahal ko talaga si Ivan. Totoo. Maniwala kayo o sa hindi. Mahal na maha....l ko talaga siya. Sana... maulit uli ang halik niya sa akin." Napangiti siya. "Masaya ako ngayon ng sobra." Muli siyang napasulyap kay Ivan. Nahuli na naman niya itong naka-tingin sa kanya.
-----

Nasa harap na sila ng t.v. saka lang narinig ni Mico na nagsalita sa kanya si Ivan. Ang iniisip niya nahihiya lang ito dahil kanina ay naroon ang ina niya. Kaya ngayong wala na sunod-sunod naman ang mga tanong nito.

"Na-miss mo ko?" tanong ni Ivan.

Tinignan lang niya ito at pabirong inisnaban.

"Ah ganoon ah? Hmmm... hindi ka pa makaka-uwi."

"Titila na rin yan." sagot ni Mico habang naka-tingin sa t.v. pero wala doon ang isip niya. Na kay Ivan. Panay ang ngiti niya.

"Nangingiti ka diyan?"

"Wala naman." tumingin siya kay Ivan. "Na-miss kita."

Napangiti ng maluwang si Ivan sa hindi niya inaasahang pahayag ni Mico. "Sabi ko na nga ba. ako pa hindi pa ba ako mami-miss sa ganda kong lalaking 'to?"

"Ang kapal ha." sabay hampas ng throw pillow.

"Totoo naman ah?"

"Ha ha." pero bigla niyang naisip si Vani. "Ay si Vani... hindi ko pa naasikaso. Hala.. kailangan ko nang umuwi." tatayo na siya.

"Sandali." pigil ni Ivan. "Ang lakas pa ng ulan."

"Pero si vani..."

"Tatawagan na lang natin si aling Saneng."

Napatingin si Mico sa bintana. Malakas pa ang ulan. "Puntahan ko na lang kaya? Kasi, minsan hindi nakain si Vani kapag hindi ako ang naghanda ng pagkain niya eh."

Napa-tingin si Ivan ng diretso sa kanya. "Sige, diyan ka lang kukunin ko lang muna sa labas ang payong. Titignan ko kung naroon. Diyan ka lang muna."

"Sige."

Hindi na tinanaw ni Mico si Ivan sa pag-alis. Hinayaan na lang niyang nakatingin ang mata sa t.v. kahit ang isipan ay na kay Vani. "Kawawa naman si Vani."
-----

"Aling Saneng?" tawag ni Ivan habang kumakatok sa pintuan nila Mico. "ang lamig."

Mga ilang ulit ang pagtawag at pagkatok niya sa pinto bago siya pagbuksan ni Saneng.

"Oh bakit Ivan?"

"kukunin ko po si Vani. Nasa bahay po kasi si Mico."

"Yun nga ang iniisip ko eh. Halika pasok ka."

Pumasok si Ivan at agad-agad niyang hinanap si Vani. Agad naman niyang nakita itong nakadapa sa isang gilid. "Vani... si Kuya Ivan mo narito para kunin ka. Sabi yun ni Mico."

Agad namang lumapit sa kanya si Vani. Noong una natakot siyang tahulan nito pero nawala iyon nang agad itong lumapit sa kanya.

"Ivan, magpunas ka muna."

"Hindi na po, aalis na po agad kami."

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Kaya ang lakas ng hangin. Wala namang bagyo pero hindi pangkaraniwan ang hangin. Alam niyang kapag sumugod siya mababasa sila ni Vani kahit may dala silang payong. May naisip siyang gawin.

Ipinasok ni Ivan sa t-shirt niya si Vani, masigurado lang na hindi ito mabasa. Kinuha niya ang payong at sinugod ang ulan.
-----

Nagtataka si Mico bakit parang ang tagal ni Ivan. Kaya naa-tingin na rin siya sa gawing pintuan kung saan pumunta si Ivan pero walang Ivan ang naroon. "Ano kaya nangyari doon?" Magbabalik na sana siya ng tanaw sa t.v. nang biglang bnumukas ang pinto. Lakign gulat niya ng makitang basang-basa si Ivan. Napatayo siya. "Iva-" hindi niy anaituloy nang makita niyang iniluwa sa loob ng t-shirt ni Ivan si Vani. "Ivan. Vani?" Lumapit siya roon.

Napa-tingin si Ivan kay Mico nang naka-ngiti. "Ayan na."

"Bakit hindi mo sinabing pupunta ka pala sa bahay?" pag-aalala ni Mico.

Ramdam ni Ivan ang concern ni Mico. "Hayaan mo na."

"Basang-basa ka. Oh?"

"Oo, magpapalit na ako."

"Bilisan mo."

Muli nilang tinahak ang living room. "Magpalit ka na." utos ni Mico nang makita niyang naka-tayo pa sa harapan niya si Ivan.

"Sabi ko nga."

"Gusto pa yatang magpatuyo."
-----

Muling bumalik si Ivan na may dalang towel. "Punasan mo muna si Vani."

Hindi ang dala ni Ivan an towel ang naka-agaw pansin kay Mico kundi ang damit nitong basa. "Hindi ka pa nagpapalit?"

"Kinuha ko muna itong tuwalya para kay Vani." sagot ni Ivan.

"Pwede namang pagkatapos mo na eh."agad niyang kinuha ang towel at binalot si Vani. Pagkatapos ay binuhat ito. Wala sa loob niyang sinabing...  "Halika sasamahan kitang magpalit."

"Talaga sasamahan mo ko?" maghang tanong ni Ivan.

Biglang natigilan si Mico. "Oo nga bakit ko naman pala kailangan pang samahan si Ivan? Basta..." pinilit na lang niyang sumagot.

"Ok." tanging sagot ni Ivan.

Natuwa naman siya nang sumang-ayon si Ivan.
-----

"Palit na." utos ni Mico habang inilalapag si Vani sa sahig nang makapasok sila sa kwarto ni Ivan.

"Nakahubad na." sagot ni Ivan na kasalukuyang nakatalikod kay Mico.

Napatingin si Mico. Nakita niyang naka-hubad na nga ito ng t-shirt. Hindi kasi niya napansin dahil nakatingin siya sa baba nang ibinababa niya si Vani. "Sabi ko nga." Nakikita na niya itong kumukuha ng bagong damit sa aparador. "Mmm papalicious ang katawan ng papa Ivan ko. Ahihihi."

"Sandali lang..." paalam ni Ivan nang makahanap ng bagong damit. Papasok siya sa banyo para duon ipagpatuloy ang pagpapalit.

Naintindihan ni Mico ang ibig sabihin ni Ivan. "Hmpt..."  biro niya sa sarili nang sa banyo si Ivan mag-papalit. Naghintay siya habang naka-upo sa kama ni Ivan. Pinapanood niya si Vani na paikot-ikot sa lapag. Narinig niya ang pagpatak ng tubig sa loob ng banyo. "Nagbabanlaw siguro."


"Ok ka lang?" tanong ni Ivan nang makalabas sa banyo.

Napangiti si Mico nang makitang nakapajama na si Ivan pero wala pa rin itong suot na t-shirt. "Oo naman. Lalo na kung ganyan kaganda ang view?" pilyo niyang sagot.

Natawa si Ivan. "Ikaw may sabi niyan ah."

"Oo naman. Hindi ko naisip na kita pala sa bintan mo ang bahay namin." sabay tawa.

Napa-taas ang kilay ni Ivan. "Ganun? Malamang..."

"Oo."

"Akala ko pa naman..."

"Na..." nakangiti si Mico habang naghihintay sa susunod na sasabihin ni Ivan. Pero hindi na sumagot pa si Ivan. "Na ano?" giit ni Mico.

"Halika na baba na tayo. Pakainin mo muna si Vani." yaya ni Ivan.

"Hmpt. Ayaw sumagot ah. Sige na nga." Tumayo siya sa pagkakaupo at pinuntahan si Vani para buhatin. nauna na rin siya sa pagpunta sa pinto. Pero bago siya lumabas ng tuluyan sa pinto muli siyang tumingin kay Ivan. "Hindi mo talaga sasabihin?"

"Na ano?..." naka-simangot na si Ivan.

"Ay.. naka-simangot na agad." tumalikod siya kay Ivan at naglakad. "Sige na. Oo na, maganda ang katawan mo." sabay hagikgik. "Gusto nang pinupuri eh. Mag tshirt ka na nga. Baka makatunaw."

Hindi nakita ni Mico ang luwang ng pagkakangiti ni Ivan, imbes na ma-offend sa huli niyang pinahayag.
-----

Nasa dining area sila habang pinapanood si Vani na kumakain.

"Hindi pa ba tapos yang si Vani kumain?" tanong ni Ivan ng mapansing naka-tungo parin ang aso sa lalagyan ng pagkain nito.

"Gutom na gutom na talaga siguro."

"Mukha naman eh."

Pagkatapos ay tumingin si Mico sa katawan ni Ivan. "Hindi malamig no?" nakahubad pa rin kasi ito.

"Hindi." simpleng sagot ni Ivan.

"Sige ganyan ka na lang. Wish ko lang na wala kang sipon bukas."

"Hindi yan..." nangiti si Ivan.

"Masaya ka ah. Nagsssaya naman ang mga mata ko eh. HEhehe."

Binatukan ni Ivan si Mico. "Natawa ka?"

"Grabe naman to parang tumawa lang eh."

"Natawa ka kasi."

"Masama?" pagkatapos ay bumulong. "Magbibilad ka ng katawan tapos ayaw mong pinagpapantasyan. Charing."

"Ano?" narinig ni Ivan ang ibinulong ni Mico. "narinig ko yun."

"Ok. Nagtatanong ka pa."

"Ah ganun ah." hinila niya ni Ivan si Mico at sinakal ito sa pamamagitan ng kanyang braso.

"Ay..." tili ni Mico. "Huwag mo akong bibitawan ha? Pabor sa akin." sabay tawa.

Binitawan ni Ivan si Mico. "Masaya ka." natatawa siya sa hitsura ni Mico. Nagulo kasi ang buhok ni Mico.

"Oh bakit mo ako binitawan. Sakalin mo uli ako. Yung matagal ah... Hmpt."

"Masaya ka nga."

Gustong mag-galit-galitan sana ni Mico kaya lang bigla siyang natawa. Tumawa din ng malakas si Ivan. "Heh. ako lang ang pwedeng tumawa."

Tumahol si Vani. Napatingin silang dalawa sa aso.

"Hala, nagalit yata si Vani?" tanong ni Ivan.

"Hindi. Tapos na daw siyang kumain."

"Ah... akala ko kakampihan ka ng alaga mo."

"Naman..." sabay dila kay Ivan.
-----

Tinutungo na nila ang living room pagkatapos mailigpit nila ang pinagkainan ni Vani.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan nang mapansing padiretso si Mico sa paglakad.

"Pauwi na." sagot ni Mico.

"Naulan pa."

"Mahina na. Saka gabi na kailangan mo nang matulog. May pasok ka pa bukas."

Saglit na tumigil si Ivan. "Ok."

"Sige paalam na kami ni Vani. Pahiram nga pala ng payong ha?"

Tumango na lang si Ivan.

"Hindi mo kami ihahatid?" natatawang tanong ni Mico nang mapansing hindi kumikilos si Ivan.

"Ah oo nga pala."

"Tignan mo to absent minded."

"Halika na." yaya ni Ivan.

Sumunod si Mico kay Ivan sa pag labas. Nang nasa pintuan na sila, biglang humarap sa kanya si Ivan nang naka-ngiti.

"Huwag ka na lang umuwi. Dito ka na lang matulog."

Nanlaki ang mga mata ni Mico. "sigurado ka? Pabor."

"Halika ka balik na tayo." sabay tawa ni Ivan. Hinihila na niya si Mico pabalik. "Pabor pala. Nahiya pa akong sabihin kanina."

"Hala... kaya pala natutulala kanina..." natatawa si Mico. "WOW kilig....!"
-----

"Hindi ka talaga magdadamit?" tanong ni Mico nang maka-pasok na sila sa kwarto ni Ivan.

"Magdadamit na."

"Huwag na..." sabay tawa.

Napa-tingin si Ivan kay Mico. "Sabay ganun eh."

"Biro lang... Tama lang na magdamit ka para mapigilan ko ang sarili kong ma-rape ka." diretsahang pahayag ni Mico sabay tawa.

"He he. alam ko naman  na hindi mo gagawin yun." sagot ni Ivan habang nagsusuot ng t-shirt. "Sana noon mo pa ginawa."

"Siyempre naman." nauna nang nahiga si Mico pagkatapos ay muling nagbiro kay Ivan. "Higa na, mahal ko. Totoo yun mahal ko hihihi" 


Lumapit si Ivan at hinila ang unan. Pagkatapos ay binato kay Mico. "Mahal ka diyan ah."

Natawa si Mico. "Yan... matawag ka lang na mahal nanghahampas ka agad ng unan. Paano pa kung ano... ano" nilagyan niya ng kaunting lambing ang huling salita niya.

"Yuck." natatawang angil ni Ivan. Tumatabi na siya kay Mico.

"Bakit naman yuck?"

"Bakit ano pa ba ang gusto mong palabasin?"

"Yun na nga..." sabay tawa. "na yakapin ka uli. Oh ano? Pumapayag ka naman na yakapin ka ah. Yun ang ibig kong sabihin. Hindi yang kung ano- anong iniisip mo. Bakit hindi ka ba papayag na magpa... mmm yakap?"

Muli siyang pinalo ni Ivan. "Manahimik ka na nga."

Tawa muna ng tawa si Mico bago tuluyang tumahimik. "Sige na matulog ka na. Tutulog na rin ako."

"Ge." maikling sagot ni Ivan.

Patalikod kay Ivan nang tuluyang ayusin ni Mico ang pagkakahiga. Habang nakatihaya naman si Ivan na nakatanaw sa kisame.

"Kanina... hinalikan ko si Mico. Nabigla din ako sa ginawa ko. Tama ba na sabihin kong dahil, dahil mahal ko siya? Hay... buti na lang at hinid ko nasabi. Mali iyon. Pero... ayoko na nga mag-isip." sinubukan niyang ialis sa kanyang isipan ang namumuong damdamin niya para sa kaibigang si Mico pero hindi niya nagawa. "Imposible. Lalaki si Mico. Imposibleng magkagusto ako sa kanya." hindi niya naiwasang pakinggan ang tibok ng kanyang puso. Napansin niyang ang lakas ng tibok niyon. "Ang ibig sabihin ba noon?... Bahala na nga... basta masaya ako ngayong maayos na uli kami ni Mico."

Ang sumunod ay paggalaw niya sa kama para tumagilid paharap kay Mico na naka-talikod sa kanya. Hind siya nag-dalawang isip na yakapin ang katabi.

Napa-dilat si Mico nang maramdaman niyang niyakap siya ni Ivan. Siyempre natuwa ang kanyang damdamin pero kasabay noon ang katanungang bakit siya niyakap ni Ivan? "Hindi naman malamig? Kanina nga naka-hubad pa siya. Di bale... ang mahalaga niyayakap niya ako." Bahagya pa siyang nagsumiksik kay Ivan. Masaya siyang hindi gumalaw si Ivan sa nang gawin niya iyon.

Nararamdaman ni Mico ang hininga ni Ivan sa tuktok ng kanyang ulo. Nakakatuwa sa kanyang pakiramdam. Komportable siya sa ayos niya sa pagkakahiga, sigurado nya pero parang pinabibilis ni Ivan ang tibok ng puso niya na nagiging sanhi ng hindi niya mapalagay. Wala sa isip niya pero nagawa ng katawan niyang umusog pasiksik kay Ivan ng isang beses pa. Muli, walang reaksyon mula sa likod niya.

Muling napadilat si Mico nang yakapin pa siya ng mahigpit ni Ivan. Saka niya napansin ang wall clock sa dingsding ng kwarto. "Alas nuebe palang pala. Mahaba pa ang gabi." tili ng utak niya.

Samantalang, nagsasaya naman ang pakiramdam ni Ivan sa pagkakayakap niya kay Mico. Hindi na niya naiisip na kanina lang ay todo tanggi nya para sa damdamin niya kay Mico. Ikinatuwa pa nga niya ang pagsiksik sa kanya ni Mico. Hindi lang damdamin niya ng natuwa. Kanina, bahagya pa siyang napadilat ng magkaroon ng epekto iyon sa kanyang katawan. Pero, hinayaan niya. "Hindi ko namang... hindi kami darating doon. At alam ko ring hindi gagawin sa akin ni Mico iyon. Hanggang ganito lang..."


Pero mali ang akala ni Ivan. Dinala ang kanyang labi, palapat sa ulo ni Mico.

Naramdaman ni Mico ang labi ni Ivan sa kanyang bumbunan. Kanina nararamdaman niya lang ang hininga nito, ngayon pati ang init ng hininga nito ay damang-dama na niya. Kasabay ang paglapat ng labi ni Ivan na para bang hinalikan siya nito. Hind na napatid ang ngiti niya.

Aminin man o sa hindi ni Ivan, nakakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan. Nagkakaroon ng epekto sa kanya ang pagkakalapat ng kanilang katawan. Hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng tapang sa ginagawa niya ngayong paggalaw ng kanyang ilong sa buhok ni Mico. Nasisiyahan siya sa nararamdamang kiliti. Kasabay ang pagbilis ng tibok ng kanyang dibdib.

Nakapikit siya pero ang imahinasyon ay nagsisimula nang makita si Mico. Na para bang mga labi nito ang kanyang hinahalikan.

Kasunod ang paggalaw ng dalawang nilalang para mapagbigyan ang tawag ng kanilang damdamin.
-----

Hindi na alam ni Mico kung paano nagsimula, pero sa kanya na ang mga labi ni Ivan. Ramdam niya ang banayad na halik ni Ivan sa kanyang mga labi na kanya namang ginagantihan pagsunod sa inuutos ng kanyang damdamin.

Kapwa naka-pikit ng mga sandaling iyon habang halos ang kalahati ng katawan ni Ivan ay nakapatong na sa katawan ni Mico maging malaya lamang siya sa paghalik kay Mico. Nararamdaman niya ang nagbabandyang pag-hingal ngunit hindi siya kumbinso sa itatagal ng pagkakalapat ng kanilang mga labi.

Damang-dama ni Mico ang bigat ni Ivan kahit kalahati palang ng katawan nito ang nakapatong sa kanya. Lalo na nang tuluyan na niyang nararamdaman sa kanyang katawan ang kung anong bahagi sa katawan ni Ivan sa ilalim ng manipis nitong pajama.

Habang patuloy na nakikipagbuno sa pagahalik laban kay Ivan, ang isip niya ay tunguhin ang parte ng katawan ni Ivan na kung saan matigas na nakalapat sa kanyang harapan. Unti-unti bumababa, pagapang sa katawan ni Ivan maabot lang ang kanyang tinutumbok. Narinig nya ang mahinang ungol ni Ivan.


Halos isigaw ng utak niya ang salitang malapit na nang biglang bumitaw sa kanya si Ivan. 


"Sorry."  mabilis na bigkas ni Ivan. At umayos siya ng pagkakahiga.


Nanlalaki ang mga mata ni Mico sa gulat sa ginawang pagkalas ni Ivan. Bigla siyang nakaramdam ng matinding hiya sa harapan ni Ivan nang ma-realize ang nangyari. Napa-talikod siya kay Ivan.

"Sorry." muli si Ivan. "Hindi ko napigilan." humihingal.

"Hindi niya napigilan?" rumihistro sa utak ni Mico. "Ibig ba sabihin noon, gusto niya talaga ang kanyang ginawa?" tanong niya sa ginawa ni Ivan. Pero nanatili siyang naka-talikod kay Ivan.

"Mico." tawag ni Ivan. "Ok ka lang?"

Tumango siya bilang sagot.

"Pasensiya na talaga."

Muli siyang tumango.

"Hindi na mauulit."

Napapikit si Mico nang mariin nang marinig ang salitang "hindi na mauulit." Tumatanggi ang kanyang isipan. Pero muli siyang napadilat nang biglang yakapin siya muli ni Ivan.

"Pasensiya na talaga."

Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ni Mico at tuluyan nang pumikit.
-----



13 comments:

Anonymous said...

OhMyGawd! My nangyare! Syet! Kilig much. Nahulog na ng tuluyan si IVAN.

Perfect!

Anonymous said...

omg...
second comment sa chapter na ito...
1st time all in all d2 sa story....

kakakilig naman...
tuluyang nahulog na nga si IVAN..
his heart and body say yes pero ang mind says no....

cant wait for the next chapter... post agad...

two thumbs up....

-sonic-

Anonymous said...

grabe! ang ganda ng chapter na ito! hintayin ko ulit yung kasunod...

-jayEm

karl jay said...

salamat at naipost din,,,ang tagal ng paghihintay pero sulit n sulit nmn,,,ang sarap magbasa ng ganitong story,,kilig to d max,,,nahulog n talaga si ivan,,pero ang masama,pinipigilan nila kya sila nasasaktan,,hihintayin nya pa ba na magkaroon ng ibang susuyo sa pagmamahal ni mico,,gayong alam nya n masasaktan sya kapag nangyari ito,,ang pag ibig talaga,,nararamdaman na idine deny pa,,

Lester Del Rey said...

ay. Akala ko may bagong characters.

- ewan ko, pero I think may barrier pa between Ivan and Mico. I just can't figure it out.

- yung Rico ba (upcoming story mo) ay si Rico din dito sa Ivan?

- ewan ko. Isang tanga-tangahan (Mico) at isang hari ng self-control (Ivan). Goodluck!

Anonymous said...

LOVE ko talaga ang story na 'to. Kinikilig ako sa role ni IVAN. Congrats talaga sa author. Galing ng flow ng story. Talagang maiimagine mo ang mga nangyayari habang binabasa mo ito. Bawal talagang magskip kahit isang word. Nakakatuwa at may halikan na... hahaha... simula na. IVAN i love na rin. hehehe.

Japaul

Anonymous said...

wew......nabitin ako para kay mico....malapit na eh....malapit na....lolz......PAKTAY KANG IVAN KA....hihihih





-Jhay Em

Anonymous said...

wahh sana may mangyari sa kanila bago mag umaga. tapos dahil sa nagyari di na naman sila magpapansinan, makakakilala si ivan ng babae sa skul pero d nya mahal kc si mico pa rin ang hinahanaphanap nya. hayst

Anonymous said...

haaaay.. sana mas mabilis ang update!! kakakilig na eh

fayeng said...

WHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEW! I LUV THE WAY THE STORY GOES........ KALANGITAN..... AHAHAHAHA

Anonymous said...

sulit ang paghihintay napakaganda, sobrang nakakilig,,,,,,,,,,,,,unti unti ng pinaparamdam ni ivan na mahal nya c mico, kinikilig naman c mico sa ginawa ni ivan thanks dude, ganda ng 21 keep it up men,,,,, rate ko on scale 1 to 10 ay 10 bravoooooooooo

Anonymous said...

yes! finally na ipost din ang chapter 21.sulit naman ang paghihintay super ganda talaga ang ivan,,,,,,,,,,,sana tuloy lang ang pagpapakilig ng kwentong ito. this is the most beatiful story that i had read. thanks mr. writer for a wonderful story that you shared to us

Anonymous said...

The flow of the story is very interesting. Ang ganda! Nakakakilig, at ang nagpaganda talaga dito, yung NABIBITIN ka. I love Ivan na. Panalo!

--bluerain :)

11/10-score :P