"Emman, bakit parang..." tanong ni Randy.
"Ha? Wala, wala naman. Ok lang ako. Hwag kang mag-alala." sagot agad ni Emman kahit hindi alam ang talagang tinutukoy ng kaibigan.
"H-ha? Ang ibig kong sabihin, parang madami yatang laman yang bag mo. Bakit? Bakit, parang natataranta ka Emman? Ah, baka may tinatago ka dyan sa bag mo? Na-curious tuloy ako." sabay tawa.
"Ah wala. Wala 'to."
"Sige." Tinapik ni Randy ang balikat ni Emman saka umalis. "Lalabas muna ako."
"A-ah. Ok." Agad siyang napa-singhap ng hangin. "Ano ba itong nangyayari sa akin?" bulong niya sa sarili.
"Oo nga." singit ni Mae, na naka-upo sa harapan at kanina pa pala napapansin ang ikinikilos ni Emman.
"Ay!" gulat ni Emman. "Kanina ka pa ba dyan?"
Imbes na sagutin ang tanong pinansin na lang ni Mae ang bag na dala ni Emman. "Bakit parang lumaki yata ang bag mo ngayon? Mmm parang ang daming laman."
"Wala naman. Projects lang."
"Projects daw? Meron na ba tayong project? Parang wala pa naman. Ah, siguro kaya ka medyo natataranta dahil may tinatago ka dyan noh?"
"Ah wala, wala." tangi ni Emman.
"Ay naku, patingin ako." Kahit hindi close si Mae kay Emman, kilala naman ito sa pagiging mausisa. Kaya alam ni Emman na hindi siya titigilan nito. "Hindi talaga kita titigilan."
"Emman," tawag ni Rico.
Napa-harap si Emman sa pinto kung saan naroon si Rico na kakapasok lang. "Ngayon ka lang?"
Natawa muna si Rico. "Oo eh."
"Hoy, patingin na muna ako ng laman ng bag mo Emman." singit ni Mae.
"Tara na sa upuan natin Emman." Saka hinarap si Mae. "Damit ang laman ng bag ni Emman. May gala kasi kami mamaya pag-uwian. Ok?"
"La-lakad?" nagtatakang si Emman.
"Tara na nga sa likod?" yaya uli ni Rico. "Oh, wag mo ng kukulitin si Emman ha?" baling uli niya kay Mae.
Nang maka-upo na sila sa kani-kanilang pwesto, agad naman nagtanong ang nagtatakang si Emman.
"Anong lakad ang pinagsasabi mo?"
"Overnight sa bahay namin." agad na sagot ni Rico.
"Overnight? Ok lang?"
"Oo. Di ba pinag-paalam na kita sa magulang mo kahapon?"
"Ganun ba yun? Ang alam ko, bibisita lang ako saglit. Tambay tas uuwi din. Kaya mo pala ako pinagdala ng ekstrang uniporme."
"Oo." Natatawang pagsang-ayon ni Rico. "Ganun na nga, po." Diniinan niya ang huling salita. "Saka bakit parang natataranta ka kay Mae, eh tinatanong lang naman niya kung ano ang laman ng bag?"
"Mmm wala naman."
"Nahihiya ka sigurong malaman niya na may ekstra ka dyan na uniform?"
"Hmmm hindi naman."
"Eh bakit nga?"
"Basta hindi naman talaga ako nahihiya na malaman niya kung ano ang laman ng bag. Eh ano naman kung may dala pa akong uniform di ba?" paliwanag ni Emman.
"Oh eh ano ang dahilan bakit ka pinagpapawisan kanina?"
"K-kasi, naka-salubong ko kanina si-" naputol ang sasabihin ni Emman ng matanaw na pumasok sa pinto si Randy patungo sa kinaroroonan nila.
Agad naman naintindihan ni Rico ang ibig sabihin ni Emman kahit hindi na nito natuloy ang sasabihin. "Mmm Emman palit uli tayo ng pwesto." alok ni Rico bago pa man maka-lapit si Randy.
"S-sige." Agad silang nagpalit ng pwesto.
"Oh, anong meron bakit lagi na kayong nagpapalit ng pwesto?" tanong ni Randy ng makalapit.
"Wala naman." sagot ni Rico.
"Emman, may problema ka ba?" tanong ni Randy ng maka-upo. Umiling si Emman at tipid na ngiti. "Napapansin ko lang kasi parang lagi kang matamlay sa twing nakikita kita. Baka lang kasi may nagawa o nasabi akong hindi maganda. Naisip ko rin yan kasi hindi ka na tumatabi sa akin."
Lihim na nagugulat si Emman sa mga narinig. May kung anong gumugulo ngayon sa kanyang isipan. Kumakabog ang kanyang dibdib na may halong kirot. "Bakit ganun si Randy magsalita sa akin? Bakit parang wala siyang alam. Ganun lang ba talaga yun? Hindi ko siya maintindihan parang ang bilis niyang kinalimutan ang lahat? Ah, baka hindi lang niya nahahalatang nasasaktan ako sa twing nakikita ko siya. Pero imposible, hindi ba talaga niya alam na nasaktan ako sa ginawa nya?"
"Ah, Randy." singit ni Rico. "Nagpalit lang talaga kami ng upuan dahil gusto kong mas makita at marinig ang itinuturo ng guro." sabay ngisi. Pero sa loob-loob, naiisip niyang nagtataka na si Emman sa mga ikinikilos ni Randy. Alam niyang magtatanong at magtatanong si Emman at maari itong maging dahilan para magkaalaman ang lahat. "Pero kahit magbistuhan sina Emman at Randy, hindi naman ako aamin na ako ang may gawa nun kahit ano man ang mangyari."
Napa-kunot noo si Randy. "Parang ang lalalim ng mga iniisip nyo? Parang ayoko maniwala. Parang may iba eh."
Tumawa si Rico. "Hindi. Nagkakamali ka lang. Huwag ka mag-isip ng kuna ano. Ayun oh, magsisimula na si teacher mag-turo tara makinig na tayo." at isang tawa pa muli. "Wew." sa loob-loob niya.
----
"Kanina ka pa tahimik Emman. Nakakatakot na yan ah?" Inakbayan ni Rico si Emman habang naglalakad sa pasilyo ng school building.
"Nagtataka lang kasi ako kay Randy." mahinang paliwanag ni Emman.
"Na? Bakit anong meron sa bestfriend mo?"
"Iba kasi siya magsalita kanina eh. Parang wala siyang alam sa nangyari. O sadya lang na nagpapanggap siyang walang alam. Parang ganun kasi eh.
"Ah, baka ganun nga." agad ni Rico.
"Anong ganun nga?"
"Na, sinasadya lang ni Rico na kunyari wala siyang alam para..."
"Para?"
Sa totoo lang walang alam si Rico kung paano dudugtungan ang kanyang sinabi. "Siguro, para ano..."
Napa-nganga lang si Emman ng wala pang maisagot si Rico.
"...makalimot siguro." sabay tawa si Rico.
"Makalimot?"
"Oo, makalimot. Ano, parang sinasadya niyang magpatay malisya ah... kunyari walang nangyari para walang iisipin. Ganun."
Natahimik na lang si Emman. Iniisip niya ang mga sinabi ni Rico. "Maari."
"Tara, bago tayo umuwi sa bahay, samahan mo muna akong magpunta sa plasa."
Napa-tingala si Emman sa matangkad na si Rico. "Plasa?"
"Oo, para naman maka-gala ako doon. Gusto ko munang mag-tambay doon bago umuwi. Mukhang maganda doon eh."
"Oo maganda talaga doon kaso hindi na ako masyadong nagpupunta doon dahil magkaiba naman ang daan pauwi ng bahay." sagot ni Emman.
"O kaya nga dapat na talagang samahan mo ko dun."
"Ok." napa-ngiti si Emman.
"Yun, kasi kapag pupunta kami ni Tita sa groceries store nadadaanan namin yun. Sabi ko, try ko kayang magtambay doon kasama ang kaibigan ko." sabay tawa.
"Ah... so ako ang isasama mo kasi..."
"Kasi ikaw ang kaibigan ko." dugtong ni Rico. "So, tara na?"
Natawa si Emman. "Parang hindi ikaw si Rico? Yung siga na nakilala ko nung una."
"Huwag mo na isipin yun. Tara na. Gusto mo pa magpahila?"
Muling natawa si Emman. "Para kang bata."
"Bata?"
"Masyado ka kasing excited."
"Excited? Hindi."
"Oo, kaya."
"Loko-loko hindi ah."
Natawa uli si Emman. "Oh tignan mo, itatanggi pa kahit huli na. Bata talaga. Tara na nga."
"Ok." natawa na lang si Rico. "Akala ko magpapahila ka pa eh."
"Magpapahila? Hindi dahil mauuna na ako doon. Paunahan na lang pumunta sa plasa. Bye." biglang tumakbo si Emman papalayo. "Mahuli may tae sa pwet." sigaw niya.
Tawa ng tawa si Rico kay Emman habang naglalakad pero na-realize niyang lumalayo na nga si Emman kaya napahabol na lang siya. "Uunahan kita para ikaw ang may tae sa pwet." sigaw din niya.
-----
"Ice-cream."
Natawa si Rico sa hiniling ni Emman. Kanina pa kasi niya ito kinukulit kung ano ang gusto nitong kainin pero ayaw sumagot. Ok lang daw at hindi siya gutom. Pero hindi niya ito tinigilan. Sa wakas ay napa-sagot na rin ito. "Ice cream lang?"
"Ikaw na mayaman. Kailangan ba talaga madami?"
"Hindi naman, masyado lang kasi akong nasimplehan sa gusto mo."
"Hoy, Rico hindi ko gusto yun. Pinilit mo lang kaya ako." sabay tawa.
"Ok. Sabi mo eh. Ano bang flavor ang gusto mo?"
"Kahit ano. Siguro, chocolate. Teka, sigurado ka bang may pera ka?"
Natawa si Emman. "Oo naman, kukulitin ba kita kung wala naman ako dala?"
"Hindi. Kasi, kanina sa canteen ang dami mong kinain tapos may libre pa ako. Nahihiya lang talaga kasi ako."
"Wew, huwag ka na mahiya. Magkaibigan nga tayo di ba? So, natural lang share ko sayo kung ano ang meron ako."
"Mmm... Sige. Pero lagi mo tatandaan Rico na Ok lang ako kahit wala ha?"
Muling natawa si Rico. "Oo. Alam ko naman na sanay ka sa wala. Oops! Wala ako ibig sabihin ah. Ah... sa totoo nga lang naisip ko, buti pa kayo, simpleng buhay pero nabubuhay. Tignan mo sarili mo, sobrang talino-"
"Grabe ka naman. At sobrang talino talaga ah?"
"Oo. Tama naman ako di ba?"
"Hmm... Pero huwag mong isipin na wala kaming problema ha? Sobrang dami namin inaalala sa araw-araw kaya."
"Pero, nalalagpasan nyo."
"Hmm... Oo, medyo pero laging nandoon eh hindi nawawala." Natawa si Emman. "Ay, siguro mali ka. Hindi namin nalalagpasan, naiiwasan lang namin kasi laging nasa harap namin eh."
Natawa rin si Rico sa pinunto ni Emman. "Basta." Ngumiti siya ng ubod ng tamis sa harap ni Emman. "Naniniwala ako, malalagpasan mo rin ang mga yun. Ikaw pa."
"Weh? Parang, parang manghuhula ka yata ngayon? At, sinisimulan mo akong basahan ng future?"
Natawa si Rico. "Hindi naman. Nakikita ko lang kasi sayo. Masikap ka kasing tao. Saka totoo."
"Totoo? Hmm... Totoo daw. San mo nahugot yan?" sabay tawa. "Biro lang. Ok po. Salamat."
"Welcome."
"Oh yung ice-cream ko baka matunaw na."
Namilog ang mata ni Rico habang nakangiti. "Aba, hindi pa nga nabibili, matutunaw agad?" binuntutan niya ito ng tawa.
"Oo, matutunaw na yun kakahintay sa atin." sabay tawa.
"Tara."
"Tara." sagot naman ni Emman.
-----
"Alam mo, ang sarap mong kasama. Kanina pa tayo dito naka-upo pero hindi ako nababagot." pag-iiba ni Rico ng usapan mula sa kung ano-anong bagay na napagusapan na nila. "Ang dami mong kwento."
"Ako ba talaga ang maraming kwento o sadyang may angking kadaldalan ka lang talaga?"
Natawa si Rico. "Hindi. Sa totoo lang ngayon lang ako nakaranas ng ganito."
"Weh, imposible ka. Magdi-dilim na, ngayon ka pa magsasabi ng hindi totoo?" sabay tawa. "Biro lang."
"Oo nga. Dati kasi, nagtatambay kami ng mga kaibigan ko pero sa mga mall. Maglalaro ng sa mga arcade o kaya naman gagala-gala lang sa department store pero yung magtatagal ng ganito na nakaupo, never kong nagawa 'to. Nagku-kwentuhan kami ng mga kaibigan ko pero hindi matagal. Madalas mga kwentong barbero, kayabangan, mga babae o kaya naman mga gusto namin gulpihin ang mga pinaguusapan namin."
"Grabe naman kayo, yung gugulpihin talaga?"
"Oo. Ganun lang talaga ako noon. Mas gusto ko pa nga umuwi sa bahay ng maaga para maglaro ng computer games."
"Ah..."
"Kaya, nakakatuwa kasi masaya din pala yung ganito, yung buhay-buhay ang pinag-uusapan. Siguro dahil may tiwala ako sayo Emman kaya napapa-kwento ako." sabay tawa.
"Kita mo na, ikaw ang madaldal sa atin."
"Oo. Kasi ikaw, sinimulan mo kasi eh."
"Ako talaga ha?" sabay tawa. "O siya ako na nga. Pero siguro naman hindi naman ako bad influence."
"No, mabait ka. Mabait ka talaga."
"Weee... mabait daw. Dapat nga ako magsabi sayo ng mabait eh. Kasi- ay hindi pala, mapagbigay pala. Ang dami mo na kasi sa akin nililibre. Kaya maraming salamat ha?"
"Walang anuman uli. Pero hindi pa ba ako mabait?" namumungay ang mga mata ni Rico sabay tawa.
Natawa si Emman. "Mmm mukhang kailangan ko muna kasing pag-isipan dahil nanggugulpi ka eh kaya hindi ka pa mabait. Joke lang."
"Ikaw talaga." sabay akbay ni Rico kay Emman ng hindi sinasadya.
Biglang napasinghap ng lihim si Emman sa ginawang pag-akbay na iyon ni Rico. Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan na dahilan kung bakit parang may kilig siyang nararamdaman. "A-ako na naman." tangi niyang nasabi.
"Magbabago na ako." bulong ni Rico sa kawalan.
"Magbabago?"
"H-ha?" Maang-maangan ni Rico. "Anong sabi mo?"
Inalis ni Emman ang braso ni Rico sa kanyang balikat. "Loko, magsasabi ng 'magbabago na ako' tas pag tinanong parang wala sa sarili."
Natawa si Rico. "Wala yun."
"Wala yun. Oh ano tara na, madilim na." paalala ni Emman.
"Ayoko pa sana umuwi eh pero sige para maka-habol tayo sa hapunan."
"Teka, alam ba sa inyo na kasama mo ko?"
"Oo naman, naku-kwento ko kay Tita Mariella kaninang umaga. Sinabi ko na rin sa kanya na doon ka matutulog."
"Si Tita Mariella mo di ba si Madam principal yun?"
"Oo nga. Ang kulit." sabay tawa. "Tinanong mo na yan kaninang umaga eh. Ngayon ko lang nalaman may sakit ka sa pagkalimot aahahhaa."
"Che! Tara na nga."
"Uy, pikon."
"Hindi ah." sabay dila. "Tara na."
Tumawa muna si Rico ng may kalakasan bago tumayo sa pagkakaupo at sumunod sa nauuna ng si Emman. "Hoy, Emman alam mo ba ang sa amin. Nauuna ka na eh. Iiwan mo ko dito?" biro niya.
"Kunyari lang naman." sabay tawa. "Syempre di ko alam sa inyo. Pinapahabol lang kita."
"Mahilig kang magpahabol ah?"
Tawa na lang ang sinagot ni Emman.
-----
"Ang laki." mangha ni Emman sa nakitang laki ng bahay ni Rico.
"Anong laki-laki ka dyan?"
"Ang bahay, mansyon na ba ang tawag dyan?"
Natawa si Rico. "Mansyon? Hindi yan mansyon, malaki lang talaga. Pero, hindi sa amin yan ah. Nakikitira lang ako dyan. Ibig ko sabihin sa tita ko yan. Sa principal natin."
"Ah... Nakakalula naman."
Muling natawa si Rico. "Tara na."
"Teka." Hindi maka-galaw si Emman. "P-parang nahihiya ako."
"Nahihiya? Welcome ka dito. Saka ang alam ko kilala ka naman ng tita ko."
"Kilala?"
"Oo, di ba? Madalas nakaka-usap mo ang prinsipal sa school dahil sa mga programs ng Student Council?"
"Oo, pero marami naman kami kapag bumibisita sa office ni Mrs.-"
Agad na pinutol ni Rico si Emman. "Miss hindi misis." sabay tawa.
"Hala!" namula ang pisngi ni Emman. "Nahihiya na ako."
"Parang tinama lang naman kita. Tara na. Madilim na." nakangiting paalala ni Rico.
Huminga muna ng malalim si Emman. "Sige. Tara na."
-----
"Tita Mariella, si Emman po kaklase ko po." Pakilala ni Rico kay Emman nang maka-pasok sila sa loob ng bahay. Naabutan nila ang butihing prinsipal ng San Simon National High School sa living room ng sarili nitong bahay. Agad tumayo ang babae.
"Welcome. Hindi ko matandaan ang pangalan mo pero sigurado akong isa ka sa mga estudyanteng nangunguna sa sa paaralan natin, tama ba ako?"
Napamulahan ng mga pisngi si Emman. "Mmm..."
Natawa si Mariella.
"Ah, tita siya po Emmanuel Dore, isa sa mga matatalino sa klase namin. Pero sigurado ako, siya ang magiging first honor.” Pagmamalaki ni Rico sa kanyang tita.
“Ah, hindi po.” Tanggi naman ni Emman.
Natawa si Mariella sa reaksyon ni Emman. “Bakit Rico, hindi ka ba magaling sa klase?”
“Tita, marunong din ako, siyempre pero mas magaling si Emman sa akin.”
Muling natawa si Mariella. “Emman, hindi man kita matandaan pero bilang kaibigan ng pamangkin ko, welcome ka dito sa bahay namin. Sige na Rico, maghanda na kayo at kakain na tayo.”
“Maraming salamat po Ms. Miranda.” Si Emman.
-----
“Grabe ka pala kumain. Kain dambuhala.” Natatawang sabi ni Emman ng makapasok sila sa sariling kwarto ni Rico.
“Dambuhala?”
“Oo. Ilang platong kanin ba ang nakain mo? Kung hindi ako nagkakamali, mga apat siguro.”
“Masarap kasi ang ulam.” Natatawang si Rico.
“Ay, oo nga. Sobrang sarap ng ulam.”
“Teka, doon sa cabinet na yun, may nakahanda doon na pamalit mo. Oo, masarap talaga magluto si Tita Mariella.”
“Pati talaga pamalit ng damit nakahanda na rin ah.”
Natawa si Rico. “Oo, sa totoo lang pinaghandaan ko talaga ‘to.”
“Ah… wow, espesyal ako ha.”
“Mmm, ganun na nga siguro.”
“Bakit?” seryosong tanong ni Emman habang naka-upo sa kama.
Ngumiti muna ng maluwang si Rico. “Siguro dahil, ikaw ang una kong kaibigan sa school? O dahil close tayo? Saka baka mabait ka lang talaga.”
Natawa si Emman. “Talagang patanong ah. Pero sigurado ako sa huli, mabait talaga ako.” Sabay tawa ng malakas.
“Ok, Ikaw na mabait at ako na ang masama.” Biro ni Rico.
“Oy, wala akong sinasabi ah. Saan ka pupunta?”
“Magpapalit lang ako ng damit, gusto mo ba mauna?”
“Hindi. Sige lang Rico.”
-----
“Thank you talaga ha?” si Emman habang pareho na silang nakahiga sa kama para matulog.
“Bakit?”
“Grabe naman ‘to. Siyempre, binigyan mo ako ng pagkakataon na makaranas ng ganito, feeling ko tuloy ang yaman-yaman ko. Nakakahiya bang sabihin na first time ko lahat ng ito?”
“ Talaga? Hindi mo ba naranas ang mga ‘to sa bestfriend mo?”
“Sa bestfriend ko? Kay Randy ba?”
“Oo. Mayaman din yun di ba? Di ba, anak yun ng Brgy. Captain ng barangay nyo?”
“Oo, pero hindi pa talaga ako nakakapasok sa bahay nila. Sa labas lang. Nung pumunta ako doon sa labas lang kami ng bahay nila kasi maraming tao sa loob. May pagtitipon, ewan ko, basta bawal yata pumasok doon.”
“Ah…”
“Tulog na tayo, Rico. Ang dami na nating napag kwentuhan. May pasok pa tayo bukas.”
“Sige, tapos ulitin natin ito kapag walang pasok kinabukasan para matagal-tagal kang mag-stay dito.”
“Ikaw ang bahala. Salamat.”
-----
1 comment:
wow salamat at meron na itong kasunod. kala ko di na masundan dahil may nangyari sa iyo author gaya ng sabi sabi. kumusta na po? miss ko na itong kwento na to.araw araw ko itong inaabangan. salamat po ulit.
Post a Comment