Panay ang singhap ng hangin ni Jesse nang nasa harapan na siya ng opisina ng kanyang boss. Inangat niya ang kanyang kamay para kumatok nang mapansin niyang nanginginig ang kanyang kamay. "Kakayanin ko 'to." Naibulong niya sa sarili. Pakatok na sana siya nang biglang magbukas ang pinto. Nagulat pa siya nang mabungaran ang sekretarya ng kanyang boss.
"Ikaw ba ang may kailangan kay Sir James?" tanong ng sekretarya sa kanya. "Kanina ka pa hinihintay."
"S-sige salamat. Papasok na nga sana ako."
"Tuloy ka. Pero medyo mainit ang ulo ni Sir."
"A-ah ganoon ba? Sige, salamat. Papasok na ako."
Pagkatapos umalis ng sekretarya sa pintuan agad na pumasok si Jesse sa loob ng opisina. Agad niyang nakita ang kanyang boss na nakayuko abala sa ginagawa sa kanyang lamesa.
"S-sir." nanginginig niyang tawag.
"Maupo ka." Hindi tumitingin anyaya ni Justin sa bagong dating. "Ang tagal mong hindi pumasok." sabi niya nang mapansin nakaupo na si Jesse.
"A-ah opo."
"Nagpo-po ka na naman."
"Pasensya na Sir. Nakalimutan ko lang." saka ang pilit na ngiti. "Ang sa totoo lang po, kaya ako narito kasi may gusto akong sabihin sa inyo."
"Sandali." awat ni Justin. "Nung isang araw ka pa hinihintay. Bakit hindi ka pumasok? Kasama ka sa mga magiging regular. Pero sinabayan mo naman ng pag-absent."
"A-ah. Pasensiya na. M-may nangyari po kasi. Yun din po ang gusto kong sabihin sa inyo ngayon."
Napa-kunot noo si Justin. "Teka nga pala. Dapat hindi ako ang kinakausap mo tungkol dyan. Gaano ba ka-importante yang dahilan mo at bakit ako pa talaga ang sadya mo?"
"Ikaw po talaga ang sadya ko Sir."
"Oh? Huwag kang mag-alala. Ano man ang dahilan mo, hindi na sa akin importante yun. Ang empleyado ko na ang bahala mag-asikaso sayo."
Biglang pinagpawisan si Jesse. Naisip niyang bakit parang ang hirap i-connect ang gusto niyang sabihin sa mga sinasabi naman sa kanya ni Justin. Ayaw ba talaga ng pagkakataon na masabi niya o nahihirapan lang talaga siyang magsabi. "Kasi Sir..."
"Kasi?..."
"Ito na..." naisip niya nang pangalawahan ng kanyang boss ang gusto niyang sabihin.
"Kasi?" pag-uulit ni Justin.
Naluha si Jesse. Pigil ang paghikbi. Nahihirapan siyang umamin. "Kasi po..."
"Oh teka. Huwag kang umiyak? Namatayan ka ba?"
Lalong naiyak si Jesse. "T-tungkol ito sa kapatid mo Sir."
Napa-kunot noo lalo si Justin. "Kapatid?"
Napa-tingin si Jesse sa kanyang boss. Nagtaka siya sa reaksyon nito. Binasa niya ang mukha ng kanyang boss sa tanong nito nang marinig ang sinabi niyang kapatid. "Oo. Di ba kapatid mo si Jonas?" Saka niya napansin ang panlalaki ng mata ng kanyang boss.
"Anong nangyari kay Jonas? Nasaan ang kapatid ko?" Napatayo siya sa pagkakaupo.
"Nahihirapan na siya. Hindi mo ba alam?"
"Ha???" reaksyon ni Justin.
Si Jesse naman ay parang nalalabuan sa mga reaksyon ng kanyang boss. Naguguluhan siya kung may alam ba ang kanyang kuya o sadyang nagugulat lang ito bigla niyang ibinalita. Pero natatandaan niyang nakausap ito ni Jonas sa telepono at alam niyang nagtatalo ang mga ito tungkol sa sakit ni Jonas. "Baka pinaglilihiman din ni Jonas ang kanyang kuya."
"Sumagot ka. Ano na ang nangyari sa kapatid ko. Nasaan siya?" pasigaw na tanong ni Justin nang matigilan si Jesse.
Hindi ganoon kalakas para kay Jesse ang sigaw ng kanyang boss pero para siyang nabibingi at napipipi. Pinilit ni Jesse na tumingin sa mukha ni Justin bago magsalita. Ngunit napansin niyang nanunuri na ang mga nito.
"Huwag mong sabihing-" sa isang ulit na pagkakataon, muling kumunot ang noo ni Justin ngunit mas kinikitaan ito ngayon ng galit. "Ikaw ang tinutukoy ni Jonas na..."
Hindi kumibo si Jesse. Nanatili lang siyang nakayuko. Saka niya dinig na dinig ang mga murang hindi pangkaraniwan sa kanyang pandinig. Mga murang sa mga mayayaman at inglesero lang niya naririnig.
"Bakit hindi ko alam?" isa pang mura ang binitawan ni Justin bago nagpatuloy magsalita. "Ang tagal mo na rito pero wala kang sinasabi."
Binging-bingi si Jesse sa mga mura ni Justin habang ang kaba ay hindi matigil dahil sa tono ng pananalita ni Justin. "N-nung isang araw ko lang nalaman na magkapatid pala kayo ni Jonas."
"Woah." tumawa si Justin na nakaka-insulto. "Hindi ako naniniwala. Sinadya nyo na ilihim sa'kin. Nasaan ang kapatid ko?"
Huminga ng malalim si Jesse. Ayaw na niyang magpaliwanag sa paratang nito. "Kaya nga ako pumunta rito... gusto kong kunin mo na si Jonas. Nahihirapan na siya."
Ang lakas ng tawa ni Justin. "Pinagsawaan mo na? Kasi may sakit. Hindi ka na ba niya kayang suportahan? Ganun ba kabilis naubos ang pag-aari niya." isa pang tawa.
Napa-nganga si Jesse ang pagkuyom ng mga palad sa mga akala ng kanyang boss sa relasyon nila ni Jonas. "Hindi ako ganyan." pigil at mahina niyang paliwanag.
"Talaga?" nakaka-insultong ngiti pa at kinuha nito ang cellphone sa lamesa saka may tinawagan.
Narinig ni Jesse na may inuutusan ang kanyang boss sa kabilang linya.
"Tsk tsk tsk." nang matapos si Justin sa cellphone nito. "Nalinlang niyo ako." sabay tawa. "Matagal akong nag-isip kung sino ba ang lalaking kinalolokohan ng kapatid ko. Ngayon, malalaman ko-"
Napa-tingin si Jesse sa mukha ng kanyang boss. Nagtatangis ang mga bagang sa pagpipigil ng galit. Suminghap siya ng hangin.
"Magaling kang dumiskarte." patutsada ni Justin.
Nagulat si Jesse nang biglang tumilapon ang isang naka-file na mga papel sa lamesa ng kanyang boss. Binuhos ni Justin ang kanina pang pinipigilang galit sa hawi ng kanyang gamit sa lamesa.
"Ano na ang nangyayari sa kapatid ko. Sumagot ka."
"N-na-nagpapahinga." utal-utal na sagot ni Jesse.
"Ang lagay niya?"
Napa-labi si Jesse. Pinipigilan niya ang panibagong nagbabadyang mga luha. "Ngayong araw, tatlong beses ko siyang napansing inatake ng sakit ng ulo."
Napa-talikod si Justin kasabay ang pagsapo sa ulo. "Malamang alam mo ang dahilan kung bakit nagkaka-ganyan ang kapatid ko?" mahinahon pero halata pa rin sa boses ni Justin ang pigil na galit.
Hindi na napigilan ang pagbagsak ng luha sa pagiging aminado, na siya ang dahilan kung bakit hindi pa matuloy-tuloy ang pagpapa-opera ni Jonas.
Saka bumukas ang pinto. "Sir, naghihintay na po sa labas ang ambulance." ang sekretarya ni Justin.
"Ok." Agad na sumunod si Justin sa sekretarya. Nang nasa pintuan si Justin, nilingon nito si Jesse. "Ikaw? Ang inuupo-upo mo pa dyan?"
"H-ha?" agad napatayo si Jesse.
"Hindi mo kami sasamahan. Hindi ko alam kung saan kayo nagtatago ng kapatid ko."
"A-ah. Oo, sasamahan ko kayo."
-----
"Sa oras na makuha ko ang kapatid ko, siguraduhin mong hindi ka na magpapakita sa kanya." Ito ang sinabi ni Justin kay Jesse bago sila bumaba ni Jesse kotse. Nasa likod nila ang ambulance.
Nangilid ang luha sa mga mata ni Jesse at tiim-bagang na tumingin kay Jesse. "Hindi ganyan ang gusto ni Jonas." may katatagan niyang sagot.
Tumingin ng matalim si Justin kay Jesse. "Bakit? Ano ba ang pakialam mo sa amin ng kapatid ko? Di ba binabalik mo na siya sa akin?"
"Ganun ba yun?" umirap si Jesse kay Justin. "Binabawi ko na ang mga sinabi ko. Hindi mo isasama si Jonas."
Natawa si Justin sa sinabi ni Jesse. "Makapagsalita ka parang may maipagmamalaki ka."
"Kailangan niya magpagamot at alam ko na kailangan niya ng pamilya na gagabay sa pagpapa-opera niya. Pero hindi nangangahulugan na pati relasyon namin mapuputol na. Mahal ako ni Jonas at ma-" natigilan si Jesse nang magmura si Justin.
"Wala akong pakialam sa pagmamahalan nyo. Kukunin ko ang kapatid ko para humaba ang buhay niya, para sa kanya, sa aming magkapatid. Hindi para sayo. Tandaan mo yan!" Isa pang mura ang ipinamalas ni Justin. "Oh, saan ka pupunta?" tanong niya nang nagmadaling buksan ni Jesse ang pinto ng kanyang kotse.
"Hindi ko ibibigay sayo si Jonas."
Tumawa si Justin. "Gusto mo bang makulong? Hindi mo pag aari ang kapatid ko. Kahit anong oras pwede kitang ipahuli."
Parang binuhusan si Jesse ng malamig na tubig sa narinig. Hindi niya napigilan ang luha. "Sigurado ako kapag na gumaling si Jonas, babalikan niya ako. Kaya ayaw niyang magpa-opera dahil gusto niya akong kasama."
"Wala akong pakialam." galit na sabi ni Justin. "Huwag mo akong subukang idemanda ka kapag nagpumilit kang gawin ang gusto mo. Tandaan mo kahit saan mo tignan at kahit saan ka pumunta hindi legal ang pagsasama nyo. Kaya kung ako sayo, manahimik ka sa isang tabi at mawala ng parang bula kung ayaw mong masira ang buhay mo. Tama na ang mga nakuha mo sa kapatid ko." Pagkatapos noon ay bumaba na si Justin.
Sumunod si Jesse sa paglabas sa kotse. Basang basa ang mukha niya ng luha nang tumingin kay Justin.
"Ito pa." baling sa kanya ni Justin. "Magpasalamat ka dahil ngayon wala akong ibang iisioin. Ang gusto ko lang makuha si Jonas at mapabuti ang kalagayan niya. Magpapa-opera siya sa amerika. Kaya kung manggugulo ka, siguraduhin mong may laban ka dahil sa estado ng buhay natin, pinapasahod lang kita."
Napa-nga nga si Jesse sa sinabi ni Justin. Para siyang tinarakan ng kung anong matalim na bagay sa kanyang dibdib. Saka niya lubusang napagtanto na iba nga pala ang estado ng kanyang buhay. Napa-sandal siya sa gilid ng kotse.
-----
"Jesse." tawag ni Tamie.
Agad ang pag-lingon ni Jesse kay Tamie. "Kamusta si Jonas?"
"Ayun, hindi pa nagigising. Naroon na sa loob yung kuya niya. Kamusta ka? Ok ka lang?"
Pinahid ni Jesse ang pisngi saka suminghot-singhot. "Kaya ko 'to. Ok lang ako."
"Hindi ka ba papasok?"
"Gusto kong pumasok pero-" tinanaw niya ang pinto ng bahay. "Baka magising si Jonas, sigurado, makikita ko lang ang galit niya sa akin."
"Jesse, tama ang ginawa mo. Para sa kanya naman yun. Saka kapag gumaling naman siya kung mahal ka talaga niya hahanapin ka pa rin niya. Kahit harangan pa siya ng sibat ng kanyang kuya."
"Alam ko Tamie. Pero ayaw ng kuya niya. Alam ko galit na galit siya sa akin. Nagpipigil lang ang boss ko."
"Hayss... Jesse, pasasaan pa at maayos din ang lahat. Ang mahalaga sa ngayon, makapag-pagaling na si Jonas."
"Oo, Tamie. Yan na lang ang iniisip ko. Para 'to kay Jonas. Mas masakit sa akin kung sa piling ko pa si Jonas mawawala sa akin ng paunti-unti. Kahit gusto kong magkasama kami, mas masakit pa rin ang makita ko siyang nahihirapan sa cancer niya."
Hindi na nagsalita si Tamie. Inalo na lang niya si Jesse. Hinintay nilang dalawa ang paglabas ni Jonas at ang kuya nito.
-----
"A-anong-" nagulat si Jonas. Nagising siya nang maramdamang may humawak sa kanyang braso. "Anong ginagawa niyo rito?" Saka siya napatingin sa lalaking nasa likurang ng dalawang lalaking naka-unipormeng puti. "Kuya?"
"Oo Jonas. Kapatid ko. Sinusundo na kita."
Mas lalong napakunot noo si Jonas. "Bakit?"
"Ibinalik ka na sa akin ng kinakasama mo. Nagsawa na siguro sayo. Wala ka na yata maibigay kapatid ko kaya sinadya na ako sa opisina. At-" bahagyang natawa si Justin. "Akalain mong isa pala mga trabahador ko ang pinagmamalaki mong sinasabi mong mahal mo. Ano ka ba Jonas? Ang laki talaga ng pagkabulag mo sa taong yun."
"Hindi ko kayo kailangan. Pwede ba bitiwan niyo ako. Hindi ako sasama sa inyo." Mas tumuon siya sa kuya niya. "Kuya, hindi ikaw ang magde-desisyon sa akin. Umalis na kayo." Pero mukhang hindi nakikinig kay Jonas ang dalawang unipormadong lalaki. Nagpumiglas si Jonas. "Hindi ako baliw para gantuhin niyo ako. Kuya?"
"Jonas, hindi na ako papayag na hindi ka sasama. Magpapa-opera ka sa amerika na kasama ako." Saka nagsalita si Justin sa dalawang lalaki. "Sige na, ihatid na yan sa kotse."
Nagsalita ang isang naka-unipormadong lalaki. "Hindi po ba ambu-"
"Hindi na. Sa bahay na lang kami dederetso." sagot agad ni Justin.
-----
Sa di kalayuan, naroon sina Jesse at Tamie nagtatago. Gaya ng sinabi ni Justin, pinilit ni Jesse ang sarili na hindi na magpakita kay Jonas.
Kahit may kalayuan ang kinatatayuan ni Jesse, sinisikap pa rin niyang hindi gumawa ng ingay o galaw na maaring mapansin ni Jonas. Kung pwede nga lang, ayaw na sana niyang tanawin pa ang papaalis na sina Jonas at ang kuya nito. Sobrang sakit sa kanya ngunit mas pinili niyang tanawin pa rin ito sa huling pagkakataon.
Napakapit siya kay Tamie nang makita niyang halos kaladkarin si Jonas papasok sa kotse ni Justin. "Tamie. Sinasaktan nila si Jonas."
"Bakit kasi pinipilit mo pa ang sarili mo na tignan."
Hindi na umimik si Jesse. Tinanaw na lang niya ang papaalis na sasakyan ng boss niya. "Wala na Tamie."
"Halika ka na sa bahay nyo. Magpahinga ka na."
Napa-buntong hininga si Jesse habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Jesse, nakaka-dehydrate ang sobrang pagluha." biro ni Tamie.
"Ok lang, kung para kay Jonas naman 'to. Saka alam kong kulang pa ito sa kasalanan ko sa kanya."
"Ayan ka na naman eh. Ano ba ang kasalanan mo doon? Eh para sa ikabubuti naman niya ang ginawa mo."
"Oo pero, sa aming dalawa... mga desisyon na ginawa namin."
"Naku, maiintindihan niya yun. Halika na nga. Magpahinga ka na muna sa bahay mo. Tapos kapag Ok ka na, ako ang tutulong sayo makakuha ng passport at mga iba pang kailangan mo para maka-sunod ka kay Jonas."
Napatigil sa paglalakad si Jesse. "Tamie?"
"Oo. Seryoso ako."
"Salamat Tamie." agad ang ngiti sa mga labi ni Jesse.
"Hmmm yan sana kahit papaano gumaan yang sakit sa puso mo. Totoo ang sinabi ko ah. Kahit bukas na bukas din."
"Salamat talaga Tamie. Oo, gumaan ang pakiramdam ko. Nagkaroon ako ng pag-asa." Kahit papaano nagkaroon nga ng pag-asa si Jesse. "Pero sabado bukas di ba?"
Natawa si Tamie. "Oh eh ano? Hindi naman siguro mawawala agad ang pag-asa mo?" Napansin ni Tamie ang malalim na pagsinghap ni Jesse ng hangin. Alam niyang iyon ay dahil sa kahit papaanong pag-gaan ng pakiramdam. "Jesse, hanga ako sa relasyon nyo ni Jonas. Ayoko sana gawin ito, pero napa-kapit na ako sa patalim. Kung para talaga kayo sa isa't isa, darating ang araw, magkakabalikan din kayo. Sa ngayon, susundin ko muna ang plano. Patawarin nyo sana ako ni Jonas."
-----
Hindi alam ni Jesse kung saan nakatira ang kanyang boss na si Justin. Hindi niya tuloy alam kung saan maaring puntahan si Jonas.
Dalawang araw ang nakalipas. Hinihintay niya si Tamie para sa lakad nila. Balak sana niyang dumaan kung saan man niya maaring makita si Jonas.
"Jesse." tawag ni Tamie.
Napa-lingon si Jesse sa pintuan. Naghihintay siya sa sala. "Dyan ka na pala."
"Pasensiya na ha, natagalan ako."
"Wala yun. Tamang-tama lang. Pero bago tayo umalis, kumain muna tayo. May niluto ako."
"Talaga? Sige." saka niya sinipat ang buong katawan ni Jesse. "Ampoge mo ngayon ah? Hmmm kahit namamaga yang mata mo." sabay tawa. "Naku, baka hindi ka photogenic sa picture ah?"
"Aw." reaksyon ni Jesse sa sinabi ni Tamie. "Loko ka talaga."
"Nagbibiro lang. Kain na tayo. Nagugutom na ako." sabaya tawa. "Pasensiya na ha. Kakapalan ko na mukha ko."
"Sige na. Para sayo talaga yang niluto ko."
"Nice naman." napa-pikit pa si Tamie nang ngumiti. "Salamat. Kaya pala inlove na inlove sayo si Jonas eh. Napaka-sweet mo."
"Mmm..." ungol ni Jesse.
Natawa na lang si Tamie.
-----
"Si kuya?" tanong ni Jonas kay Yaya Koring. Naabutan niya ang matanda sa dining table nag-aayos ng ilang kalat.
"Jonas, halika na rito at kumain ka na."
"Yaya Koring wala po akong balak kumain. Hindi ako nagugutom. Gusto kong malaman kung nasaan si kuya?" hindi naman galit pero may diin ang tono ni Jonas nang magsalita sa kanyang yaya.
"Ah eh, umalis muna. Babalik din daw agad."
"Ilang ulit ko ba sasabihin sa kanya na wala na akong balak magpa-opera."
"Jonas?"
"Yaya Koring, wala na akong balak magpa-opera. Nawalan na ako ng pag-asa."
"Jonas, hindi tama ang iniisip mo..."
Kahit walang balak kumain. Umupo si Jonas sa harapan ng lamesa dahil sa nararamdamang panghihina ng katawan. Tiim-bagang siyang tumingin sa kawalan.
" Hindi ka pa nakain Jonas, anak lalo ka lang manghihina nyan."
"Ok lang yaya. Mas maganda nga na mamatay na lang ako ng tuluyan." Hindi napansin ni Jonas na tumulo ang luha ng kanyang yaya dahil sa sinabi niya.
"Naku, wag ka naman ganyan mag-isip."
"Yaya, ang malayo sa minamahal ang masakit sa akin ngayon." nagsimulang alalahanin ni Jonas ang nangyari nung biyernes.
"Nasaan si Jesse?" tanong ni Jonas sa kuya niya.
"Aba malay ko? Basta ka na lang iniwan."
"Hindi ako naniniwala." muli siyang pumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanya.
"Jonas, iniwan ka na niya. Hindi pa ba sapat na pinapakuha ka na niya sa akin dahil hindi ka na niya kayang samahan? Mag-isip ka nga. Isipin mo naman yang sarili mo. Puro ka na lang Jesse, Jesse, mahal, mahal. Gagaling ka ba dyan?"
Kahit ayaw maniwala ni Jonas may kung ano ang tumitimo sa isip niya na maaaring totoo nga ang sinabi ng kanyang kuya. "Hindi ako naniniwala." nanlulumo siya sa doon dahilan para magkaroon ng pagkakataon ang dalawang lalaki na mapadali siyang mailabas ng bahay. "Hindi ako iiwanan ni Jesse."
"Kung hindi ka iiwanan ni Jesse, nasaan siya ngayon? Dapat hindi ka niya basta-basta iiwanan. Alam naman niyang maselan ang kalagayan mo."
"Hindi totoo yan, mahal ako ni Jesse."
"Jonas, jonas." tawag ni Aling Koring sa nagbabalik tanaw na si Jonas.
"P-po?"
"May iniisip ka yata? Naku Jonas, kahit para sa akin lang kumain ka na. Kahit kaunti. Hindi ganyan ang katawan mo noong huli kitang makita."
"Yaya..." napa-buntong hininga si Jonas. "Bakit kaya ako iniwan ni Jesse?" tanong niya na malayo sa tinutukoy ni Aling Koring.
"A-ah ano ba yun, Jonas? Sino ba si Jesse?"
"Siya po ang mahal ko."
"Jesse? Mahal mo?"
"Opo."
"Lalaki?"
"Opo."
"Bakit lalaki?"
"Sa kanya ako umibig." diretsong sagot ni Jonas.
Natahimik si Aling Koring. Minamatyagan niya ang anak anakan na nakatingin sa kawalan. Alam niyang malayo ang iniisip nito. "Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?"
Napa-buntong hininga si Jonas. "Syempre hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng cancer, pero nang mawala siya sa tabi ko, parang nawalan na rin ako ng ganang mabuhay..."
"Ano ba ang dahilan niya kung bakit ka niya iniwan? Nakausap mo na ba siya?"
"Hindi ko po alam. Akala ko magigising ako na katabi ko siya pero," hindi na napigilan ni Jonas ang pagtulo ng luha. "Alam ko mahal niya ako, nararamdaman ko yun. Alam kong mahal na mahal niya ang magulang niya pero nagawa niyang iwasan sila para sa akin. Pero bakit sa isang iglap lang, iniwan niya ako. Ang ganda-ganda ng pagsasama namin. Pero..." Nagtuloy-tuloy nang umagos ang mga luha ni Jonas dahil sa sama ng loob.
"Baka may dahilan siya."
"Ang bilis ng pangyayari. Parang kanina lang, nagtatawanan pa kami tapos ngayon, narito na uli ako sa bahay, nakakulong. Ang gusto ko lang naman magkasama kaming aalis. Pero hindi na niya mahintay. Sumuko agad siya."
Isang buntong hininga ang nang galing kay Aling Koring. "Nararamdaman ko ang dahilan niya ay para sa kabutihan mo Jonas."
"Magpapa-opera naman ako eh. Gusto ko lang na kasama siya."
"Bakit ba hindi siya makasama sayo?"
"Si kuya ang dahilan. Ayaw niya kay Jesse."
"Tama lang na huwag mo nang sayangin ang pagkakataon mong magpa-opera Jonas. Magpagaling saka mo balikan ang nawala sayo. Kung mahal mo talaga yung tinutukoy mong si Jesse, pagkatapos mong magpaopera, saka mo siya tanungin kung bakit niya iyon nagawa sayo. Alam ko, at nararamdaman ko, tama ang ginawa niyang ito."
"Paano kung hindi naging matagumpay ang pagpapa-opera ko?" tanong ni Jonas na titig na titig sa yaya niya.
"Huwag mo isipin ang ganyan. Lumaban ka. Saka mahihirapan nga talaga ang doktor mo kung ngayon pa lang pinababayaan mo na ang sarili mo."
Napa-singhap ng hangin si Jonas.
"Jonas, hindi lang si Jesse ang malulungkot kapag nawala ka nang bigla sa mundong ito. Marami kami dito sa paligid mo ang umaasang magiging mabuti ang kalagayan mo. Saka..." abot-abot ang kalungkutan ni Aling Koring. "Ayokong makitang uunahan mo akong pumunta sa langit anak ko. Huwag naman."
Ramdam na ramdam ni Jonas ang pagpapahalaga sa kanya ng kanyang yaya. Parang nawala ang kaninang sama ng loob niya sa mga sinabi sa kanya ni Aling Koring. Niyakap niya ito para gumaan ang pakiramdam.
"Jonas, kung hindi man maganda ang ginawa ng kuya mo sa inyong dalawa ni Jesse, kahit hindi ko alam ang mga pangyayari, ngayon, sundin mo na lang muna ang kuya mo. Para sa iyo rin naman iyon. Hindi naman gagawa ng bagay ang kuya ng ika sasama mo. Siguro talagang ayaw niya lang sa kinakasama mo pero ikaw pa rin ang magdedesisyon sa sarili mo. Balikan mo si Jesse kapag magaling ka na. Ang mahalaga tutulungan ka ngayon ng kuya mo para gumaling. Huwag mo nang sayangin. Sigurado ako, kung mahal ka talaga ni Jesse, ganyan din ang iniisip niya, ngayon."
"S-salamat yaya. Huwag ka nang umiyak."
Natawa ng mahina si Aling Koring. "Sige, hindi na ako iiyak kapag kumain ka na."
"Sige po. Kakain na ako, tapos sisiguraduhin kong susundin ko na si kuya. Aalis na kami."
"Ganyan nga Jonas."
Pero hindi pa man sila nakakapag-simula muli na naman umatake ang pagsakit ng kanyang ulo.
-----
"Ano? Isang buwan pa?" Ito ang naibulalas ni Jesse nang malamang halos isang buwang proseso pa ang dapat niyang hintayin.
"Wow, gusto mo instant?" maarte at pabirong tanong ni Tamie.
"Tama lang talaga ang desisyon kong ipaubaya na kay Justin James Jimenez, ang boss ko si Jonas. Sana maintindihan ako ni Jonas."
"Oh, ayan na naman ang mata mo. Luluha na naman. Ano ka ba, tama talaga ang desisyon mo. At sigurado akong maiintindihan ka noon."
"Hay naku, nakaalis na kaya sila? Lagi kong dalangin na sana nasa maayos siyang kalagayan."
"Hindi pa yata."
"Ha? Paanong hindi pa? Alam mo?" takang tanong ni Jesse.
"Hindi hindi. Kasi di ba sunday ngayon, baka kasi walang flight." sabay tawa sa alibi niya.
"Ay ganun ba? So nasa bahay lang sila ngayon, o kaya nasa hospital?"
"Siguro."
"Sana alam ko kung nasaan ang bahay niya, o kaya naman yung hospital na pagdadalhan sa kanya. Gusto ko siyang madalaw."
"Madalaw?" parang nanlalaki ang mga tenga ni Tamie. "Sigurado ka? Baka sa kwarto niyo, mayroon doon si Jonas na address kung saan siya dati nakatira."
"Mmm baka. Hindi ko pa nga nahahalungkat mga gamit niya."
"Mmm o kaya naman magtanong ka na lang sa mga nakakakilala kay Jonas, baka sila may alam."
"Eh hindi ko nga alam kung sino-sino mga kaibi-" saka may naalala si Jesse. "Si A-arl."
"Tama si Arl." sagot ni Tamie.
Napa-kunot noo si Jesse. "Kilala mo rin si Arl?"
"Hindi hindi, nakasalubong ko lang siya sa hospital, remember. Ang pogi kasi kaya tinanong ko ang pangalan. Nakita ko kasing kausap mo eh."
"Ah... ganun ba?" saka nag-isip si Jesse. "Naiwan ko sa bahay yung binigay niyang calling card. Pero alam ko kung saan nakalagay. Ano pa ba ang gagawin natin?" tanong niya kay Tamie.
"Wala na Jesse. Ang gagawin natin, umuwi na. Hahanapin natin ang calling card na sinasabi mo para magkaroon ka ng chance magkaroon ng balita kay Jonas. Bilis, wag kang pabagal-bagal. Tatakbo tayo." mas maarteng sagot ni Tamie.
Natatawang sumunod si Jesse kay Tamie. "Mas excited ka pa ah."
"Oo excited ako sa ending ng love story niyo. Bilis, ang bagal mo Jesse."
"Oo ito na."
"Pag sinabi kong bilis, bilis. Kasi, naiihi na ako." sabay tawa ni Tamie.
-----
abangan ang huling kabanata...

11 comments:
huhuhu habang binabasa ko 'to... Ang sakit sa dibdib. I felt the emotions of Jesse. Sobrang sakit lalo na makatanggap ka ng masasakit na salita galing kay Justin. Ewan, masyado akong nadala sa chapter na ito. Sobrang awa ko sa sitwasyon ni Jesse kung alam ni Justin ang pinagdaanan ni Jesse. Huhuhu. At ano na naman balak nila Arl at Tamie? Di ba mabait naman c Arl? Sana gumaling si Jonas. Di ko maimagine ang gagawin ko if ako si Jessie. A basta naiyak ako dito ewan baka pati sa pagtulog ko dala ko pa rin ang sakit. Super affected talaga ako. Sana mabilis ang update pra naman get-over agad ako sa chapter na ito.
2 Thumbs Up for making me cry a river.
kainis nman tlga huhuhu...dami ko iyak sa story na to..kung kailan ayos na pg sasama ni jesse at jonas...saka pa cla pnghiwalay...sana gumaling c jonas..at mgkita cla muli ni jesse..love na love ko cla dalawa..hehehe
Waaaaahhuhuhu sobrang nakakaiyak ang chapter na ito at hindi ko iniexpect na ganito kasikip sa dibdib ang chapter na ito. Sobrang awa ako sa sitwasyon ni Jesse. Kung papaano sia alipustahin ni Justin. Naiyak talaga ako duon. As in Sobra!!! Tama si Gerald baka pati sa panaginip ko dalhin ko ito. Kung twitter lang ito baka trending na worldwide (yun ang OA hahaha). Seriously, ano ang dahilan nila Tamie at Arl para gawin kay Jonas at Jessie ang paghiwalayin sila? Last chapter na pala ang susunod. Tapos na ba ang kwento ni Jonas at Jessie. Dami pa nawawalang karaters. Siguro, panibagong Episodes na naman. Sana po mabilis ang update please? Anyways, kahit pinaiyak mo ako salamat sa chapter na ito.
last chapter na next.. kakaiyak tong chapter na to.. galing mo talaga ma author..
malalampasan nyo din iyan Jesse at Jonas... True Love waits nga diba..
can't wait for the finale!
Great Job Mr. Author!
:)
haist..last chapter na yung next? ang lungkoooooooooot. :(
dami kong tanong ngayon. grabe talaga.
ANG sakit nun sa part ni jesse... sobrang awa talaga ako sa kanya lalo na ipamukha sa kanya ni justin na pera lang ang habol nito kay jonas.... hu hu hu hu nakakaiyak talaga.... mga walang hiya talaga sina tamie at arl......baka sila ang may gustong makuha ang yaman ni jonas...
ramy from qatar
Eto na yung true love waits, ang pahihintay ni Jesse. Nararamdaman kpong mahabang adventure na naman ang tatahakin niya. Mas malaking papel ang gagampanan ni Justin. At si Art ay magiging hadlang din.
wohh..!!!
hay TRUE LOVE kelan kaya darating..??
hehe.. baka busy pa siya..
super nice..
God bless.. -- Roan ^^,
nanggigigil ako kay kuya Justin ..
anSAMA niya .. aarrrgggghhh!
granted na tutol siya sa relasyon nung dalawa .. pero kailangan bang pagsalitaan niya ng masasama si kuya Jesse?
papayag ako ngayon .. dahil para naman ito sa ikakabuti ni Jonas .. sana lang talaga .. GUMALING NA SI KUYA JONAS T_T i can't help it but to cry . T_T
P.I ka Arl at Tamie .. mga P.I kayo ..
pakatatag ka kuya Jesse .. di ko alam kung anong plano ni Arl sa'yo ..
wag ka sanang bumitiw sa pagmamahalan niyong dalawa ni kuya Jonas ..
at salamat kay yaya Koring .. you're well-appreciated ..
kalungkot aman ang nagyari, anu ba balak ni arl at tamie? buti nlang at anjan c yaya koring. . . sana gumaleng kaagad c jonas at magkabalikan cla ni jesse.. . sana may update na agad.
Post a Comment