Hindi sumagot si Jonas. Ngumiti lang siya sa biro ng ka-trabaho na araw-araw naman nitong ginagawa sa kanya.
"Seryoso ngayon si Mr. Schroeder." sabay tawa ni Ms. Lamino.
Lumingon si Jonas kay Ms. Lamino. "Dumating na ba si Mr. Robledo?"
Imbes na sagutin ni Ms. Lamino ang tanong ni Jonas, ipinagpatuloy nito ang pagbibiro. "Ilang araw na lang makaka-two months ka na." Humarap si Ms. Lamino ng masaya ang mukha saka tumitig kay Jonas na nakatingin sa kanya. Napa-kunot noo siya. "B-bakit ganyan ang mukha mo?"
Napa-kunot noo rin si Jonas. "Bakit?" Bigla niyang nahipo ang mukha. "May dumi ba?"
"Wala naman. Ang ibig kong sabihin, parang hindi ka natulog. Hmmm..." napalitan ng ngisi ang kaninang mapagtanong na mukha ni Ms. Lamino. "Nagpuyat ka kagabi noh?"
Mas lalong kumunot ang noo ni Jonas. "Oo, napuyat nga ako kagabi." sabi niya ng itak niya.
"Hindi ka na sumagot." sabay tawa ni Ms. Lamino. "Tama siguro ang hinala ko. Malamang pati yung kasama mo napuyat din."
Nabasa ni Jonas ang laman ng isip ni Ms. Lamino kaya sinakyan na lang niya ito. "Ay oo, ganoon na nga. Haha, ikaw ha? Masyado kang intregera." sinundan pa ng malakas na tawa.
"Ayy..." medyo nakaramdam ng hiya si Ms. Lamino. Bakit nga ba siya nang-intriga. Hindi na siya nahiya. Kababae niyang tao.
Pero iba ang nasa isip ni Jonas. Hindi totoong napuyat siya dahil sa kung ano ang naiisip ni Ms. Lamino. Napuyat siya dahil hindi siya makatulog sa sakit ng kanyang ulo kagabi. Pinilit niyang huwag ipahalata iyon kay Jesse. Tiniis niya ang sakit. Hwag lang niyang ma-istorbo ang tulog ni Jesse. "Ayokong mag-alala sa akin si Jesse." napa-buntong hininga siya.
"Good morning." si Mr. Robledo, pumasok na sa opisina.
"Good morning Mr. Robledo" halos sabay na bati ng dalawa.
-----
"Isang buwan na lang matatapos na ang trabaho ko rito." nasabi ni Jesse nang makababa sa sinakyang jeep. Nakatayo siya sa harapan ng supermarket kung saan siya nagtatrabaho. "Sa susunod na buwan malamang maghahanap na naman ako ng trabaho." napa-ngiti siya saka naglakad.
Masaya si Jesse sa mga nangyayari. Kahit pa alam niyang mawawalan na siya ng trabaho sa susunod na buwan, hindi siya nag-aalala. Nagkakaroon siya ng tiwala at lakas ng loob na hindi mag-alala para sa hinaharap dahil kay Jonas.
"Sigurado mamimiss ko ang pagtatrabaho ko rito." bulong niya nang maka-pasok sa locker room.
"Musta Jesse, mukhang maganda ang araw mo ngayon ah?" bati ng ka-trabaho. Ang katrabahong tumulong sa kanya ng may sakit siya.
Natawa si Jesse. "Lagi naman ako masaya ah?"
"Oo, alam ko. Pero parang iba ang dating ng mga ngiti mo ngayon eh. May kung ano sa bukas ng mukha mo." sabay tawa.
"Loko, parang... parang nang-aasar lang." biro ni Jesse. "Pero," pag-iiba niya. "alam mo bang mamimiss ko kayo sobra kapag wala na tayo rito."
Natawa ang ka-trabaho. "Malamang, naka-limang buwan na tayo rito, isang buwan na lang paalam na." sabay tawa.
"Oo nga eh." sagot ni Jesse. "Ok na ba? Sabay na tayo sa loob."
"Sige. Pero Jesse may alam ka na kung saan ka mag-aaplay sa susunod?" tanong nito habang nakasunod kay Jesse.
"Wala pa naman. Huwag kang mag-alala te-text kita kapag may maaaplayan ako sa susunod."
"Ay oo nga pala, may cellphone ka nga pala." sabay tawa. "Kasi naman, buwan na ang cellphone na yan sa iyo, pero parang wala kang cellphone."
"Dalawang buwan na nga eh. Wala kasi akong load." sabay tawa.
"Pero panay ang tawag."
"Ako ang tinatawagan, hindi ako." pagtatama ni jesse.
"Ah... sig basta, text mo ako kapag mag-aaplay ka na ah?"
"Sure."
-----
"Jonas?" Naka-ilang ulit na si Ms. Lamino sa pagkatok sa c.r. ng opisina. "Kanina ka pa hinihintay ni mr. Robledo may ipapagawa daw sayo. Ano bang nangyayari sayo dyan sa loob? Ilang beses mo na yang ginagawa, ang magbabad dyan sa loob. Lagi sigurong sira ang tyan mo?"
"Sandali lang, lalabas na ako." sagot ni Jonas sa likod ng pinto.
"Bilisan mo na lang. Kailangan ka na kasi ni Mr. Robledo eh."
"O-oo."
-----
"Ilang araw ko nang napapansin iho..." umpisa ni Mr. Robledo. Nang matyempuhan niya ang inaanak sa kanyan lamesa.
"Po?" takang sagot ni Jonas. Habang inaayos ang mga papel na hawak.
"...para kasing may problema ka Jonas. Napapansin ko naman na masaya ka sa ginagawa mo. Maayos mong ginagawa ang mga trabaho mo. Pero sa kabilang banda parang may pinapabayaan ka."
"Po? a-ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Hindi ka ganyan ng magsimula ka rito. Bumabagsak ang katawan mo iho. Napapansin ko."
"Hindi naman po ninong."
"Nabibigatan ka ba sa trabaho mo rito?"
"Hindi po ninong." sagot agad ni Jonas.
"Huwag kang mag-alala Jonas, naiintindihan ko. Alam ko naman na hindi ganito ang nakasanayan mo."
"Ninong, mali po kayo. Masaya ako sa ginagawa ko at sisiw lang 'to." sabay tawa.
Nagpakawala ng hangin si Mr. Robledo. Basta Jonas, kapag hindi mo na kaya magsabi ka lang. Saka, parang hindi ka na kumakain. Tumitingin ka ba sa salamin? Nanlalalim ang mga mata mo."
Tumawa si Jonas. "Ninong huwag nyo pong pansinin yan, sadya yan."
-----
"Ito ang schedule kung kelan ka magpapa-exam."
"Doc, pwede ko po bang malaman kung ano ang gagawin natin sa examination?" kinakabahang tanong ni Jonas sa doctor.
"Mmm kailangan mo magpa-CT scan, parang x-ray test iyon kaya lang brain mo ang titignan natin. Batay kasi sa mga sagot mo sa medical interview at physical examination na ginawa lang natin kanina, nararapat lang na mag-undergo tayo sa CT scan.
Napa-buntong hininga si Jonas.
"Huwag kang kabahan sa gagawin natin." nabasa ng doctor ang inugali ni Jonas.
-----
"Jesse, susunduin kita." tawag ni Jonas gamit ang cellphone.
"Sige, hihintayin na lang kita sa kanto. Palabas na ako."
"Ok, hinatayin mo ako. Parating na ako."
"Mag-ingat ka. Huwag kang magmadali."
"Opo."
-----
Nawala na si Jonas sa kabilang linya. Alam niyang on his way na ito dahil naririnig niya sa kabilang linya ang mga ugong ng sasakyan. Kakatayo palang niya sa pwestong paghihintayan niya nang napa-tingin siya nang may pumaradang sasakyan sa kanyang harapan.
"Jesse." si Justin.
"Sir?"
"Wala kang sakit?" biro ni Justin.
Natawa si Jesse. "Wala Sir."
"Buti naman, wala kasi akong balak na ihatid ka." sabay tawa.
Nagulat si Jesse sa birong iyon ng kanyang boss. Tipong napa-close ang dating ng birong iyon. Pero sinikap niyang itago pagkabigla at kasiyahan. "Mukhang masaya ngayon si Sir ah?"
"Sige, mauuna na ako." saka pinaandar ni Justin ang kotse.
Tinanaw na lang ni Jesse ang kotse ng boss palayo habang naka-ngiti. Sa pagbawi ng tingin, napansin niya ang papalapit na sasakyan naman ni Jonas. Agad siyang sumakay nang huminto sa kanyang harapan.
"Boss mo 'yun di ba?" tanong ni Jonas nang maka-upo na si Jesse.
"A-h, Oo." nagtataka si Jesse kung bakit parang alam ni Jonas. "Bakit mo naman alam?"
"Hula ko lang. Ang gara ng kotse. Siguradong mamahalin, kaya malamang boss mo ang nakausap mo. At-" saglit na tumigil si Jonas. "Ngiting-ngiti ka pa. Gwapo siguro ang boss mo?"
Napa-kunot noo si Jesse. "Ganoon na ba talaga ako naka-ngiti?" saka siya may naiisip. "So, ibig sabihin kanina ka pa naroon. Akala ko pa naman malayo ka pa?"
"Akala mo malayo pa ako?" nagpakawala ng hangin si Jonas. "Malapit na ako nang tinawagan kita. Ayaw ko kasing magmadali ka kapag nalaman mong nasa harap na ako ng supermarket."
"Ok." simpleng sagot ni Jesse. Minabuti na lang niyang huwag nang sumagot pa. Kanina pa niya naramdaman ang selos ni Jonas. Itinutok na lang niya ang atensyon sa mga nakikita sa daan.
"Tumahimik ka?" maya-maya tanong ni Jonas. Malapit na sila sa tirahan.
"Hmmm?" lingon ni Jesse kay Jonas. "Wala naman. Nagpapahinga lang ako." Pinilit niyang ngumiti.
"Ok." Hindi na rin umimik si Jonas. Hanggang sa makarating sila sa harapan ng bahay.
Bumaba si Jesse para buksan ang gate. Nang mabuksan na niya ang gate, hinintay niyang pumasok ang kotse ni Jonas. Nakatayo siya sa gilid. Tinitignan niya ang nakasaradong bintana ni Jonas na para bang nakikita niya ito sa loob. Tinted kasi ang salaming kotse. Nagtataka siya kung bakit hindi pa pumapasok ang kotse ni Jonas. Pinuntahan niya ang bintana kung saan nakaupo si Jonas. Kinatok niya ito. Nang walang nakuhang response, agad siyang umikot sa kabilang pinto para tignan si Jonas sa loob. Kinabahan siya.
Pagkabukas niya ng pinto, nakita niya si Jonas na nakasandal ang ulo sa head board, nakapikit at pawis na pawis. "Bakit?" nag-aalalang tanong ni Jesse. Napansin niya ang hawak ni Jonas na maliit na bote ng gamot. Kinuha niya ito sa pag-aakalang kailangan iyon ni Jonas.
Dumilat si Jonas at umiling-iling. "O-ok na ako."
"Naka-inom ka na?" tanong ni Jesse.
Hindi sumagot si Jonas sa tanong na iyon. Muli nitong kinuha kay Jesse ang maliit na bote. "Sige na, ipapasok ko na ang kotse."
Muling lumabas si Jesse ngunit hindi niya maiwasang mag-alala.
-----
"Jonas, ano nga ang nangyari sayo?" habol ni Jesse kay Jonas.
Diretso lang si Jonas hanggang makarating sa kwarto. Wala siyang balak na suamgot sa tinatanong ni Jesse.
"Jonas?..." nayayamot na si Jesse nang makarating sila sa kwarto. "Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Anong problema?"
"Gusto kong magpahinga!" pasigaw na sagot ni Jonas. Natigilan siya sa sinabi.
Napatulala si Jesse. Iyon ang unang beses na sinigawan siya ni Jonas. Nagulat siya. Hindi niya akalaing iinit ang ulo nito sa pamimilit niya. Gusto lang naman niyang malaman dahil concern siya. Pinigilan niya ang nararamdaman. Sinikap niyang maging malumanay sa sasabihin. "Maghahanda lang ako ng makakain. Bumaba ka na lang ha..." Saka siya tumalikod.
Alam ni Jonas ang mali niyang nagawa. Gusto niyang humingi ng paumanhin pero naiwan siyang natitigilan dahil pati sarili niya ay hindi makapaniwalang nagawa niya iyon kay Jesse. Nanlumo siya at tinungo ang kama. Ibinagsak niya ang katawan saka bumuntong hininga. Hindi niya namamalayang gumagapang na ang kanyang mga luha.
-----
Naalimpungatan si Jonas nang umuga ang kama. Napalingon siya, saka niya nasilayan si Jesse na inaayos nito ang sarili sa paghiga patalikod sa kanya. "Nakatulog pala ako..." Tumayo siya sa pagkakahiga para hubarin ang suot. Pinagmamasdan niya si Jesse na alam niyang masama ang loob sa kanya. Lihim siyang napabuntong hininga.
Muli siyang umakyat sa kama, para muling humiga. Tinabihan niya si Jesse na nakatagilid patalikod sa kanya. Payakap kay Jesse ang paghiga niya.
"Ano ba?" reklamo ni Jesse. Inalis niya ang braso ni Jonas sa kanyang katawan.
"I'm sorry."
"Bakit hindi ka kumain? Naghihintay ako sa baba."
"Nakatulog kasi ako. Sorry na. Hindi na mauulit." Muling niyakap ni Jonas si Jesse. Pero muli na namang tinanggal ni Jesse ang braso nito. "Jesse..."
"Hindi ba ako pwedeng maging concern sayo? Ano bang masama sa pagtatanong ko?" Hindi niya maiwasang maitago ang sama ng loob sa kanyang tanong.
Napa-buntong hininga si Jonas. "K-kasi..." Hindi magawa ni Jonas na magsabi ng totoo. "Sige, sasabihin ko na sa iyo ang dahilan." Pero hindi pa rin kumikilos si Jesse. "Kasi, ang daming ginawa sa opisina tapos napagalitan pa ako. Hindi ko naman kasi kasalanan yung nangyari pero ako ang napagalitan. Paulit-ulit ko kasing iniisip kung bakit ang nakita ng boss ko. Ayun, biglang sumakit ang ulo ko." Narinig niyang bumuntong hininga si Jesse. "Jesse... Sorry na."
Tumagilid paharap si Jesse kay Jonas saka tumitig. "Yun kasi ang una. Hindi ko akaling sisigawan mo ako. Nagulat ako."
"Sshh.. wag mo na isipin yun, pangako hindi ko na uulitin. Kung ano man ang problema sa trabaho ko, doon lang yun. Hindi ko na dadalhin dito."
Tumango si Jesse. "Hindi ka pa nakain?"
"Bukas na lang." napa-ngiti si Jonas. Alam niyang wala nang sama ng loob si Jesse sa kanya.
"Sige." Hindi na tinanggihan ni Jesse ang pagyakap ni Jonas sa kanya.
"I love you, Jesse."
"Mahal kita... Sobra. Kaya ayaw kong nakikita kang may dinaramdam." saka sinalubong ni Jesse ang mga labi ni Jonas.
Ramdam na ramdam ni Jonas sa mga halik ni Jesse ang lalim ng pagmamahal nito. Pero may isang bagay ang umiikot din sa kanyang isipan. Iyon ay ang huling mga salitang binitiwan ni Jesse. Sa patuloy na umuusad ang bawat minuto, may nabuo siyang desisyon.
-----
"Good morning." bati ni Jonas kay Jesse nang maabutan niya ito sa lamesa na naghihiwa ng sibuyas. Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi.
"Ang aga mo yatang gumising ngayon?" tanong ni Jesse. "Hindi pa nga luto ang sinaing ko. Hmmm ano naman ang naamoy kaya ka napabangon." natatawa siya sa biro.
"Mmm may gusto lang akong gawin ngayong umaga. Kaya inagahan ko ang gising."
Napakunot noo si Jesse. "Kasama ba ako dyan?" sabay tawa. "Hindi ka ba talaga napuyat?" Tumaas-taas pa ang mga kilay ni Jesse. Alam niyang alam ni Jonas ang ibig sabihin niya sa salitang napuyat.
Natawa si Jonas. "Bakit naman ako mapupuyat. Pampasigla ngayon ng bagong umaga."
"Sira." saka napansin ni Jesse ang tuwalyang nasa balikat ni Jonas. "Dito ka sa baba maliligo?"
"Oo. Para diretso kain na ako."
"Sige, bibilisan ko na lang ito."
"Hindi wag. Maaga pa naman eh. Tignan mo ikaw, alam ko napagod kita kagabi pero ang aga mo pa rin gumising." sabay tawa ni Jonas.
"Ewan. Iniba ko na nga ang usapan, binabalik mo pa. Hmmm."
"Bakit ka nagba-blush? Nahihiya ka pa sa akin?" sabay tawa.
"Isa?" sabay tutuk ng kutsilyo kay Jonas. "Pag hindi ka tumigil ikaw ang isasahog ko sa iluluto ko." biro ni Jesse pero halata ang pamumula ng pisngi.
Tumayong tumatawa si Jonas bilang distansya sa babala sa kanya ni Jesse. "Naku naman Jesse, ilang ulit na nating ginagawa yun, pero nahihiya ka pa ring pag-usapan natin yun? Parang... parang lagi kang virgin ah." muling tumawa ng malakas si Jonas.
Lalong pinamulahan ng pisngi si Jesse. "Grabe ka Jonas." Pero hindi na rin niya napigilan ang matawa. "Gusto mo talagang magpaluto ah."
"Hindi. Hindi na. Maliligo na ako." Dumiretso si Jonas sa bathroom "Pero kung gusto mo sumabay, ok lang." Naka-ngising siya.
"Heh. Hindi na."
Tawa na lang huling ipinamalas ni Jonas bago isinara ang pinto ng bathroom.
-----
"Jonas, kanina ka pa dyan." Pero walang sumagot sa loob ng bathroom. "Naluto na ang niluluto ko hindi ka pa lumalabas dyan. Nagpapaputi ka ba?" biro niya. "Ano na ako nyan kung magpapaputi ka pa? Uling?" natawa siya sa sarili niyang biro. Pero wala pa rin sumasagot sa loob ng bathroom. Kinabahan na siya lalo pa't naalala niya ang nangyari kahapon. "Jonas?" tawag niyang may pag-aalala. Saka niya kinatok ng kinatok ang pinto.
-----
"Jonas?" nabuksan na ni Jesse ang pinto gamit ang susing nakuha niya sa drawer ni Jonas sa kwarto nila. Mabuti na lang tama ang napili niyang susi. "Jonas? Anong nangyari sayo?" Naabutan niyang paupong nakasandal si Jonas sa wall, naka-pikit. Halatang may sakit na dinaramdam. Lumuluha. "Jonas..." naiiyak niyang tawag. Inalalayan niya itong makatayo. Pero parang walang malay si Jonas na patuloy lang lumuluha. "Kumapit ka sa akin..." Utos niya sa hubad na si Jonas.
Gustong mailabas ni Jesse si Jonas sa loob ng bathroom, pero medyo nahihirapan siya sa bigat nito. Ang laki ng pag-aalala niya para dito. Minabuti na lang ni Jesse na idiretso ito sa mahabang sofa. Sigurado kasi siyang mahihirapan siyang iakyat ito sa kwarto.
Agad siyang tumakbo sa kwarto nang maihiga si Jonas sa sofa. Kumuha siya ng kumot at damit para kay Jonas. Pagbalik niya napansin niyang nakadilat na si Jonas.
"Jesse, paki-kuha ng gamot ko. Yung katulad kahapon."
Walang tanong-tanong agad na bumalik si Jesse sa kanilang kwarto. Doon niya hinanap ang maliit na lalagyan ng gamot ni Jonas. Nakita rin niya ito sa drawer kung saan naroon kanina ang mga susi ng buong bahay. Agad siyang bumaba para mapainom kay Jonas.
-----
Naka-upo si Jesse habang pinagmamasdan si Jonas habang nagbabawi ng lakas ang ito. Hindi siya nagtatanong. Ayaw niyang maulit ang nangyari kahapon. Ayaw niyang uminit ang ulo ni Jonas. Basta ang alam niya may sakit ito. Sumusunod lang siya sa kung anong iutos ni Jonas.
Ilang saglit din ang nakalipas nang nilingon na rin siya ni Jonas. Gumalaw si Jesse para ipakitang naroon lang siya nag-aabang ng kailangan ni Jonas.
"Maraming salamat." si Jonas. Saka inabot nito ang kamay ni Jesse.
Ayaw magsalita ni Jesse. Pero hindi niya napigilan ang maluha sa sinabi ni Jonas. Para sa kanya may malalim pa na dahilan kung ito nagpapasalamat sa kanya.
"Bakit ka umiiyak?" nakangiting tanong ni Jonas.
Umiling-iling si Jesse.
"Bakit nga?" pangalawa ni Jonas. "Sumakit lang ang ulo ko. Huwag kang mag-alala."
Ngumiti ng tipid si Jesse saka tumango ng pagsang-ayon. Pero alam niyang hindi lang iyon simpleng sakit ng ulo.
"Yan, panatilihin mo ang ngiting yan ah. Ayoko nang nalulungkot ka."
Biglang nahampas ni Jesse ang balikat ni Jonas. "Ikaw kasi. Tinatakot mo ako." Hindi na napigilan ni Jesse magsalita.
Tumawa si Jonas. "Yung hampas mo ang talagang masakit."
"Sorry."
"Biro lang. Ok lang ako. Saglit lang tapos kakain na tayo."
"Sige." sang-ayon ni Jesse.
-----
Hindi na pumasok si Jesse sa pag-aalala kay Jonas. Hindi na rin pumasok si Jonas. Nauwi sa biruan ang nangyari kanina.
"Ikaw kasi pinagod mo ako kagabi." si Jonas.
"Kita mo na. Ako na ngayon ang sinisi mo. Akala ko ba Ok ka lang? May pampasigla ka pa ng umaga dyang nalalaman."
Natawa si Jonas. "Oo nga."
"Oh eh bakit nangyari sa iyo yun?"
"Napasma lang." sabay tawa.
Natawa rin si Jesse sagot ni Jonas. "Pasmahin mo mukha mo. Hindi ba nakakapasma ang pawis?"
"Aba, hmmm bakit parang game ka ng pag-usapan natin ang ginagawa natin ha?"
Tumaas ang isang kilay ni Jesse. "huwag mong ipagkamali..."
Natawa si Jonas. "Well..."
"Well ka dyan. Magpahinga ka hindi yang kung ano-anong naiisip mo."
"Well, sabi ko nga." sabay tawa.
Magkayakap silang nanunood sa t.v.
-----
Ayaw sana ni Jesse na payagan si Jonas na lumabas ng hapon na iyon pero mapilit si Jonas na may importante itong gagawin. Saglit lang daw ito. At may dala naman daw itong gamot kung sakali may maulit.
"Sige, pero bilisan mo lang ha?"
"Oo. Sabi kasi yan ng mahal ko eh."
"Siguraduhin mo lang."
"Opo."
-----
Hindi nagtatanong ni Jesse sa tunay na dahilan ng sakit ni Jonas, gusto niyang magmula ito sa mga labi nito. Sa bawat pag-uusap kasi nila, nararamdaman niyang walang balak at umiiwas si Jonas tungkol doon. Ang balak niya ngayon ay malaman kung ano ang tunay na sakit ni Jonas. Gusto niyang magtanong hindi kay Jonas...
-----
"Kuya." si Jonas
Nagulat si Justin nang mag-angat siya ng mukha ay at nakita ang kapatid sa loob ng opisina niya. "J-jonas? Anong sorpresa ito?" Napangiti siya.
-itutuloy...
7 comments:
thanks sa update
I was very sad of the flow of the story. Thinking the inevitable death of Jonas. If I were Jesse, I dont know what to do when I finally found out that my other-half is dying. This story is really a super drama.
This indeed A drama of love and life.
kakalungkot nmn ang chapter na ito,sana nmn di grabe sakit ni jonas, tnx sa update
naku malamang sasabihin na ni jonas sa kapatid nya ang lahat lahat.... na maysakit na cancer malapit na mawala sa mundo..... malamang ipagbilin nya si jesse kay justin..... wahhhhhh ang sakit nun.....
ramy from qatar
Wala ako ibang masabi. Nakakakilig at natatakot ako sa drama na kasusuungan ni jesse. Ayoko mawala si jonas! :(
salamat sa update sir. :) kahit na nakakalungkot nga lang. ayoko sanang mabasang mamamatay si Jonas, pero mukhang dun papunta yung kwento. pero oks lang. that's life. :)
keep it up sir :)
Post a Comment