CHAT BOX
Saturday, January 14, 2012
TRUE LOVE WAITS (Last Crescent Moon) Chapter 10
Posted by
(ash) erwanreid
"Kuya." si Jonas
Nagulat si Justin nang mag-angat siya ng mukha ay at nakita ang kapatid sa loob ng opisina niya. "J-jonas? Anong sorpresa ito?" Napangiti siya.
"Busy ka ba kuya?"
"No! Basta ikaw. Masaya akong makita ka uli."
"May gusto lang naman akong sabihin sayo kuya eh. Hmmm ipagtatapat."
"Teka, maupo ka muna Jonas. Bakit pala parang kakagaling mo lang sa pag-iyak? Parang nanlala-lalim an mga mata mo?"
Umupo muna si Jonas bago sumagot. "Wala 'to."
"Oh ano ang kailangan mo? Balak mo na bang bumalik sa atin?"
Matipid ang ngiting pinamalas ni Jonas. "Parang imposible mangyari yun kuya. May sarili na akong pamilya... di ba?"
Nawala ang mga ngiti sa labi ni Justin. "Jonas, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Pamilya bang matatawag ang sinasabi mong pakikipag-relasyon sa kapwa mo lalaki." Nagbawi ng tingin si Justin. "Bakit? Ano bang kailangan mo at napasugod ka rito."
Naramdaman ni Jonas ang biglang pag-iba ng pakikitungo ng kanyang kuya. "May ipagtatapat lang ako. Saka kung sakali masabi ko na sayo. May plano ako at sana yun ang masusunod."
Kunot noong napatingin si Justin sa kapatid. "A-anong ibig mong sabihin. Ano bang ipagtatapat mo?"
Napa-labi si Jonas.Hinahanap niya ang katatagan niya bago siya magsimula. "K-kuya... may sakit ako."
"Halata naman sa hitsura mo eh." sagot agad ni Justin. "Una ko pa lang kita sayo yun agad ang napansin ko."
"Kuya... hindi isang simpleng sakit meron ako!"
Naputol ang ssabihin ni Justin ng marinig niya iyon kay Jonas. "P-paanong... anong sakit?"
Nakuhang mula ni Jonas ang buong atensyon ng kanyang kuya. Ramdam niya ang concern nito. "M-may..."
"Sabihin mo na!" Napatayo si Justin mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair.
"May cancer ako. Kuya natatakot ako." Tumingin si Jonas ng diretso sa kanyang kuya nang lumuluha. Hindi makapag-salita ang kanyang kuya. Nakakatitig lang ito sa kanya na parang tinatantiya siya kung nagsasabi siya ng katotohanan. "Totoo ang sinabi ko kuya. Bata pa lang ako, alam ko nang may iba akong nararamdaman. Pero nilihim ko yun sa inyo. Saka kanino ba ako magsasabi? Kay Tito Ramon?"
"B-bakit ako... Jonas. Ako ang kuya mo? Bakit mo nilihim?" madaling umikot si Justin papunta sa harapan ni Jonas. Umupo siya sa kaharap nitong upuan. Hinawakan niya ang mga kamay nito. "P-paano mo nasigurado? Sabihin mo sa akin."
Hindi na napigilan ni Jonas ang humagulgol sa harapan ng kanyang kuya. Alam niyang totoo ang concern nito sa kanya. "Hindi ko naman kasi inisip na la-lala ng ganito kuya... Brain cancer 'to kuya."
"Bakit hindi mo nga sinabi sa akin?"
"May iniinom akong gamot, akala ko Ok na yun. Nasa amerika ng mga oras na iyon. Matagal kang bumalik. Hanggang sa natutunan ko na lang na tanggapin na may sakit ako. Na, na mamatay rin ako. Tutal wala naman akong pamilya..."
"Ako Jonas, kapatid mo ako. Alam mong mahal na mahal kita. Kung sinabi mo yun sa akin sana bumalik ako at naipagamot natin agad yan. Alam mong hindi kita matitiis."
"Alam ko yun kuya..."
"Pero bakit hindi mo ginawa. Bakit ngayon lang?" Niyakap ni Justin ang kapatid. Awang-awa siya. "Pupunta tayo sa ibang bansa para ipagamot natin yan."
Bumitiw ang sumisigok-sigok na si Jonas. "Tungkol doon ang gusto kong sabihin sayo kuya. Sana hindi mo ako tanggihan."
"Ano?"
"Sinabi ko na sa iyong may kinakasama na ako..."
Nagbawi ng tingin si Justin. Hindi niya nagustuhan ang pinaalala ng kapatid. "Tayo lang ang aalis."
"Sige, pero gusto ko sanang tanggapin mo ang minamahal ko kuya."
Napatayo si Justin sa kinauupuan. "Bakit pa? B-bakit ko kailangan- Jonas, hindi ka niya matutulungan. Sino ba kasi yang lalaking kinakasama mo? Jonas, inuulit ko hindi ka bakla tulad ng pagkaka-kilala sayo."
Kahit bumalik sa mataas na tono ang pagssalita ng kanyang kuya, pinilit niyang maging mahinahon. "N-nasa paligid lang siya kuya. Ang ibig kong sabihin... dito rin siya nagtatrabaho."
"Sino?" gulat na tanong ni Justin.
Muling napalabi si Jonas. Tinatanong niya ang sarili kung dapat ba niyang sabihin kung sino ang tinutukoy niya. "Kuya, ihaharap ko siya pagbalik ko. Aasa akong tatanggapin mo siya para sa akin."
"Jonas! Hindi ko masikmura yang mga sinasabi mo..." Napahawak siya sa kanyang ulo. "Hindi ka seryoso kapatid ko. Sabihin mo... Aalis tayo, kahit bukas. Pupunta tayo kung saan man, malagpasan mo lang yang sakit mo."
"Kuya..."
"Jonas nagsisimula na naman tayo. Isipin mo muna ang sarili mo. Iwanan mo muna yang lalaki mo."
Napa-isip si Jonas sa sinabi ng kanyang kuya. "Iiwan ko muna si Jesse... Paano kung hindi nagtagumpay ang magiging operasyon? Parang hindi ko yata kaya kuya. Bakit hindi na lang natin isama?" Parang bata si Jonas sa harapan ng kanyang kuya kung sumamo sa nais mangyari.
Napa-buntong hininga si Justin. "Pasunurin mo na lang siya. Gusto ko, bukas din sa amerika ka magpapa-konsulta at mag-undergo ng kung anong operasyon kung kinakailangan."
"K-ku-"
"Yun ang gusto ko, Jonas. Para sa iyo ang sinasabi ko... Hihintayin kita bukas sa bahay."
Napayuko si Jonas nang muling dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Natatakot siya hindi lang para sa kanya kundi para kay Jesse. Paano kung hindi siya makabalik? Naramdaman na lang niyang inaalo siya ng kanyang kuya.
"Sundin mo na lang ang gusto ko Jonas, magtiwala ka sa kuya mo. Mahal ka ng kuya mo."
-----
Lulugo-lugo si Jonas nang lumabas ng kanyang sasakyan. Hindi niya naiwasang lumuha ng matitigan ang mukha ni Jesse na mapagtanong. Hindi man isa tinig ni Jesse ang nasa isilp kitang-kita naman ni Jonas sa mukha nito ang pag-aalala. Pinilit niyang ngumiti. Sinalubong niya sa Jesse ng yakap.
"Anong nangyari sa lakad mo?"
Nakaakbay si Jonas kay Jesse. "Halika na sa loob."
Hinihimas-himas ni Jesse ang likod ni Jonas habang tinatahak nila ang papasok ng bahay. "Nagugutom ka na no? Tama lang ang dating mo."
Nasa pintuan na sila sa puntong iyon nang tumigil si Jonas sa paglakad. Humarap siya kay Jesse nang may masayang mukha. "Sorry..."
Natawa si Jesse. "Ano ka ba? Para saan? Para ka naman nagbibiro. Ngiting-ngiti tapos nagso-sorry? Gusto ko tuloy magtaka..."
"Kasi, nag-resign na ako sa trabaho ko."
"Ba-"
"Doon na muna tayo sa loob." Hinila ni Jonas si Jesse.
Nagpadala naman si Jesse at nang makarating sila doon ay inulit niya ang hindi naituloy na tanong. "Bakit?" Nagtataka lang siya sa desisyon ni Jonas pero wala siyang balak manghinayang o magreklamo. Ngayon pa na alam niyang kailangan na magpahinga ni Jonas pansamantala. Magkatabi silang umupo.
"Kasi, hindi na kami magkaintindihan ng boss ko. Hindi ko na rin matiis. Kaya-"
"Naku, Ok lang yun. Wag kang mag-alala, naiintindihan ko. Alam ko naman na alam mo ang ginagawa mo. Maganda nga iyon para makapag-pahinga ka naman. Nahalata ko na rin kasing bumabagsak ang katawan mo. Akala ko lang nung una mas lalong pumuputi ka lang, pero hindi pala. Namumutla kamo. Ok lang yun." Niyakap niya si Jonas. Pagpaparamdam niya ng kanyang pagsuporta sa desisyon nito.
"Huwag kang mag-alala, marami akong naipon. Alam kong makakasapat sa atin yun habang wala pa akong bagong trabaho."
"Ano ka ba? Hindi ko iniisip yun. Basta ang mahalaga sa akin, makita kitang masaya, hindi nahihirapan. Saka gusto ko talaga makabawi ka ng lakas. Kaya dito ka muna sa bahay, magtaba." saka tumawa si Jesse.
"Tataba pa ba ako?" seryosong tanong ni Jonas.
"Napaka-seryoso mo naman. Oo naman. Hindi man mataba pero yung magkaroon ka ng laman." natatawang si Jesse.
Napangiti si Jonas. "Payat na ba talaga ako sayo?"
"Hindi naman. Tama lang ang katawan mo. Pero mmm siguro mas mas magandang magdagdag ka pa ng bigat."
"Bakit? Kung hindi ba ako madagdagan ng bigat mababawasan din ba ang pagmamahal mo sa akin?"
Napa-kunot noo si Jesse. "Bakit ang seryoso mo?" Hinawakan ni Jesse ang magkabilang pisngi ni Jonas. "Siyempre, dahil mahal kita, maging lumba-lumba ka man o maging payatot, mamahalin pa rin kita. At dahil mahal kita, ayokong nakikita kang may sakit. Yang ganyan... Ang lungkot mo. Nalulungkot din kasi ako..."
Napa-buntong hininga si Jonas. Hinawakan niya ang mga kamay ni Jesse na nasa pisngi niya. "Huwag kang malungkot, Ok lang ako di ba? Sabi ko sayo, ayokong makita kang nalulungkot. Ayokong makita kang umiiyak."
"Kaya nga dapat ipakita mo rin hindi ka malungkot. Dapat happy-happy tayo."
Tumango si Jonas. Pero saglit siyang natigilan. "Mmm Jesse..." gusto sana niyang sabihin na may kailangan uli siyang gawin. Na kailangan niyang iwan si Jesse pansamanta.
"Ano?"
"Wala." sabay tawa. "Kain na tayo."
Natawa si Jesse. "Naninibago talaga ako sayo. Ang seryoso mo pero, nakakatawa na-"
Hindi na pinatapos ni Jonas ang sasabihin ni Jesse. Agad niyang hinalikan ito ng ubod ng tamis.
-----
Hindi magawa ni Jonas na sabihin kay Jesse na kailangan niyang umalis para magpagamot. Nahihirapan siya. "Dati naman akong hindi nagsasabi ng hindi totoo kay Jesse, pero bakit ngayon parang wala akong alam na alibi? Ayoko kasi kitang iwan eh." Hindi niya intesyong maisatinig iyon na ikinagulat ni Jesse. Nasa sala sila ng gabing iyon habang nanunuod ng telebisyon.
"Ha? B-bakit, may balak kang umalis?"
"Hindi, hindi. Naalala ko lang yung linya kanina sa soap-opera."
"Hmm saan? Wala akong matandaan ah..."
"Never mind." tumawa si Jonas. "Basta meron yun, pero huwag mo nang intindihin."
Ibinalik ni Jesse ang atensyon sa pinapanuod. Hindi na niya namalayang nasa iba na tumatakbo ang kanyang isip. "Ayokong pumasok bukas. May gusto akong puntahan..." Saka siya napatingin kay Jonas. Napansin niyang hindi na ito nanonood dahil nakapikit na ito. "Jonas, gusto mo na bang umakyat?"
Napadilat si Jonas. "Hindi, sige na tapusin mo na yang pinapanuod mo. Saka na lang tayo umakyat."
"Sige." Muli niyang hinilig ang ulo niya sa dibdib ni Jonas.
-----
"Hindi ka talaga aalis?" paninigurado ni Jesse nang sabihin ni Jonas na wala siyang balak na umalis kinabukasan. "Papasok na ako ha? Dito ka lang. Baka naman kung ano-ano naman ang gawin mo?"
"Ano naman ang gagawin ko? E hindi naman ako marunong sa gawaing bahay."
"Alam ko. Naninigurado lang ako baka magbalak ka eh. Wag kang magpapagod ah."
"Hindi talaga." Tinaas pa ni Jonas ang kanyang dalawang kamay.
Natawa si Jesse. "Masunurin. Sige papasok na ako." Tumalikod na si Jesse.
"Bye, babe."
Agad namang napalingon muli si Jesse. "Bye babe ka dyan?"
Natawa si Jonas. "Ayaw mo? Sweet nga eh."
"Oo, pero saan mo naman nakuha yan ha?"
"Naisip ko lang." sagot ni Jonas.
"Sige, bye babe." natawa si Jesse sa panggagaya niya. "Huwag ka ng sumunod ako na ang magsasara ng gate. Dyan ka lang."
"Grabe naman 'tong babe ko. Lahat na lang."
"Shhh... bye babe." Kumaway na si Jesse para magpaalam.
-----
Naabutan ni Jesse ang kanyang boss na may pinapagilang empleyado ng opisina. "Si Sir mainit na naman ang ulo." naibulong niya habang papalapit. Kung saan kasi malapit ang locker room naroon nakatayo ang kanyang boss.
Nalingunan ni Justin si Jesse na papalapit. "Hindi ka na naman pumasok kahapon." Seryoso pero hindi galit na tanong ni Justin.
"Ayy Sir James, sorry po nagkasakit po kasi yung kasama ko." Hinintay ni Jesse na sumagot ang kanyang boss sa reason niya. Pero wala itong sinabi. Tumalikod din ito sa kanya. "Teka Sir, bakit parang malungkot na naman kayo? Nung isang araw lang ang saya-saya niyo ah?" Walang pakialam si Jesse sa katayuan niya sa itinanong. Basta komportable siya sa sinabi.
Kunot-noong tumingin si Justin kay Jesse. "Nagmamadali lang ako. Inaasikaso ko lang itong mga iiwanan ko. Tapos mga nagkakamali pa. Ang aga-aga mga wala sa hulog."
"Ahh... Sige po Sir, magtatime in na po ako." Sa pangalawang beses hindi na uli sinagot ng kanyang boss ang kanyang sinabi. "So mamaya makakapag half day ako. Hindi ako mahihiya kasi aalis si Sir. Yes."
Natuwa si Jesse sa mga posibleng mangyari. Umaayon sa plano niya ang pagkakataon.
-----
Kanina pa pinalagay ni Jesse ang kanyang loob bago pumunta sa isang kilalang pharmacy. Alam niyang masasagot ang tanong niya mula sa hawak-hawak niyang maliit na bote. Naka-kuha siya ng isang empty bottle sa isa sa mga drawer ni Jonas. Nang nabasa niya ang description, nalaman niyang iyon ay pain reliever. Pero ang tanong niya ay kung bakit ilang lalagyan na ang meron si Jonas. Naisip niyang hindi lang nung isang nung isang araw sumasakit ang ulo ni Jonas, kundi matagal na siyang nakakaramdam ng pananakit ng ulo. "Bakit?"
Sa tanong na iyon ni Jesse, akala niya ay may lakas na siya ng loob. Napagtanto niyang bumalik lang ang takot niya sa kung anong malalaman niya.
Tumayo na si Jesse sa pagkakaupo sa isang karendirya kung saan siya kumain ng tanghalian. Sa kabilang kalsada naroon ang pharmacy kung saan siya magtatanong. Kahit kumakabog ang dibdib, tinangka na niyang tawirin ang kalsada.
-----
"Magkano po kaya ito..." ipinakita ni Jesse ang bote na kunyari ay gusto niyang bilihin.
Kinuha naman ng lalaki ang pinakita niyang bote. "Ah Sir, kailangan po namin ng reseta kapag ito ang bibilihin nyo."
"Ha? Ah... ganun ba? Napag-utusan lang kasi ako eh."
"Kailangan po talaga ng reseta."
"Sige babalik na lang ako. Pero, matanong ko lang. Para saan ba itong gamot na ito?"
Kumunot noo ang lalaki. "Hindi niyo po alam?"
Ngumiti si Jesse. "Mmm alam ko pain reliever 'to. Sa... sakit ng ulo. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kaya nitong sakit."
"Ah... kasi sa pagkakaalam ko po Sir, high dosage po ito na ginagamit sa may mga migraine. Hindi ito sa mga simpleng sakit lang ulo."
"Migraine..." ngumiti si Jesse. "Tama, iyon nga ang nararamdaman ni Jonas. Sala-" Hindi niya naituloy ang pasasalamat nang magsalita uli ang lalaki.
"Saka Sir, pwede rin ito sa mga may cancer..."
Parang nawalan ng pandinig si Jesse nang marinig ang salitang cancer. May sinasabi pa ang lalaki pero ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang salitang "cancer." "Si Jonas...? I-imposible naman mangyari yun... Sigurado ka ba?"
"Opo Sir."
"S-salamat." Agad na tumalikod si Jesse para lumabas sa malaki at kilalang pharmacy na iyon.
-----
"Imposible..." naluluha si Jesse habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung saan siya susunod na pupunta. Basta lang sinusunod niya ang galaw ng kanyang mga paa. "Hindi magkakaroon ng ganoon si Jonas. Imposible talaga."
Sumusikip ang dibdib ni Jesse sa patuloy niyang pag-iisip kaya naman nang makakita siya ng isang bench na maaring maupuan ay sinadya na niyang maupo muna. Doon niya nilabas ang nadaramang kaguluhan ng kanyang isipan.
-----
Sakay si Jonas ng sarili niyang kotse. Nasa harapan siya ng gusaling pag-aari ng kanyang kuya Justin. Kung saan din nagta-trabaho si Jesse. Alam niya ang pinag-usapan nila ng kanyang kuya, tandang-tanda nya. Pero ngayon niya nabuo ang desisyong hindi siya aalis hanggang hindi niya kasama si Jesse. Sisikapin niyang maayos kaagad ang dapat ayusin ni Jesse para makalipad din ito papunta sa ibang bansa. Susuwayin niya ang gusto ng kanyang kuya.
Galing na rin si Jonas sa kung saan siya nagpapakonsulta. Sabi ng kanyang doktor, kailangan daw ng consent ng kamag-anak niya ang gagawing operation kung sakaling makuha na niya ang resulta. Kaya talagang kailangan na malaman ng kanyang kuya kung sasa-ilalim siya sa isang operasyon.
"Narito lang rin naman ako, susunduin ko na lang si Jesse. Sabi niya huwag ko na raw siyang sunduin." napa-ngiti siya. "Sigurado magagalit sa akin yun. Te-text ko muna siya."
-----
Malapit na si Jesse sakay ng jeep ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagtext si Jonas. Nagreply siyang huwag na. Dahil sakay na siya ng jeep.
------
Parang hindi magawang pumasok ni Jesse sa loob ng bahay. Mabigat ang kanyang katawan, nanginginig. Kanina nang nagreply siya sa text ni Jonas, hindi niya maiwasang maluha dahil sa pag-aalala. Saka niya napansin na wala ang sasakyan ni Jonas.
Nagmadali siyang pumasok. "Nagkasalisi kami ni Jonas, sabi ko naman huwag na ako sunduin eh. Makulit talaga."
Nakapasok na siya sa loob ng bahay at nakapikit na binagsak ang katawan sa sofa. Hinihintay niyang marinig ang ugong ng sasakyan ni Jonas.
------
Hindi naman nagtagal narinig na ni Jesse ang ugong ng sasakyan. Agad siyang bumalikwas para tunguhin ang pintuan. Binuksan ang gate at isinara ito nang makapasok ang sasakyan ni Jonas. Hindi niya hinitay na makalabas ito. Nauna na siyang pumasok sa loob ng bahay.
"Hindi kita napansin na lumabas?" maya-maya tanong ni Jonas nang makasunod na.
"Hindi nga rin kita napansin eh. Late ka na kasi nagtext. Magluluto lang ako Jonas. Saglit lang ha?"
"Parang malungkot ka? Jesse... may... masaba ba pakiramdam mo?"
"Hindi ah?" ngumiti ng matamis si Jesse.
"Mmm baka naman galit ka sa akin dahil hindi ko sinunod yung gusto mo?"
"Na alin? Yung huwag mo akong sunduin? Ok lang, wala namang nangyari sayong masama. Sa uulitin lang ha sumunod ka sa akin paminsan-minsan."
Sumunod si Jonas sa kusina kung saan nakatayo si Jesse. "Susunod naman ako sayo lagi. Nasunod pala." Niyakap niya si Jesse habang nakatalikod ito na para bang miss na miss.
"Talaga? Dapat pati magsabi ng totoo ganun din." napalunok si Jesse sa nasabi niya. Ayaw niyang makahalata si Jonas.
"Oo naman. Sa katunayan nga, gusto ko asikasuhin natin maka-kuha ng passport, gusto kong makapunta tayo sa ibang bansa."
Umikot si Jesse habang yakap ni Jonas. Magkaharap na sila. "Ano na naman yang naiisip mo?"
Natawa si Jonas. "Ayaw mo? Ipapakilala na kita sa kuya ko. Tapos pupunta tayo sa ibang bansa."
"M-may kuya ka?"
"Oo."
Napa-ismid si Jesse. "Sabi na dapat kang magsabi ng totoo. May kuya ka pala. Akala ko ba ulila ka na?"
"Hindi ko pa ba nasabi sayong may kuya ako?"
"Hmpt, wala akong matandaan. Ang natatandaan ko malayo ang mga kamag-anak mo saka hindi ka na kinikilala."
Natawa si Jonas. "Basta may kuya pa ako. Tapos pupunta tayo sa ibang bansa."
"Bakit?" seryosong tanong ni Jesse.
Napa-titig naman si Jonas. "Kailan ko ba masasabi kay Jesse ang katotohanan. Sobra akong natatakot."
"Bakit nga?"
"Bakasyon."
"May trabaho pa ako."
"Magagawa natin yan ng paraan."
"Ikaw na nga ang bahala." sang-ayon na lang ni Jesse. Umikot uli siya para harapin ang lababo. Yakap parin siya ni Jonas. "Hindi ba sumakit yang ulo mo?"
"Hindi. Magaling kasi yung nurse ko eh." natatawang sagot ni Jonas.
"Nurse! Sino namang nurse yan?"
"Siyempre yung yakap ko."
"Mmm..." humarap uli si Jesse. "Ayoko ng nurse, gusto ko doktor."
Natawa uli si Jonas. "Sige, ikaw bahala."
"So dapat susundin mo ako di ba kasi ako doktor?"
"Oo naman."
"Samahan kitang magpa-check-up."
Natulala si Jonas sa sinabing iyon ni Jesse. "Huh?"
"Oo."
Pinilit na tumawa ni Jonas. "Huwag na maabala pa kita sa trabaho mo. Ako na lang."
Hindi alam ni Jesse kung ano ang nagtulak sa kanya at bigla niyang niyakap si Jonas, ng mahigpit. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. "May tinatago sa akin si Jonas, nararamdaman ko. Ayoko marinig iyon. Natatakot ako."
-----
itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
nakakaiyak nmn ang chapter na ito,jonas nmn magsabi kana ng totoo kay jesse! good chapter mr. author, sana may kasunod agad....
ang lungkot talaga. pero mukhang may pag asa pa naman na gumaling si Jonas. sana magkatotoo. haist. kalungkot talaga.
keep it up sir :)
Post a Comment