"Dad, si Tita Juanita ba ang tunay kong ina?" tanong kaagad ni Arl sa ama nang dumating. Hinintay talaga niyang dumating ang ama nang ihatid nito si Juanita. Nang magkita kasi sila kanina, hindi na niya maitanggi ang tuwang nararamdaman. Ang kasabikang magkaroon ng ina sa katauhan ni Juanita. At nang umalis nga ito, hindi na niya maiwaglit sa kanyang isipang, si Juanita nga ang kanyang tunay na ina.
CHAT BOX
Sunday, July 31, 2011
Saturday, July 30, 2011
TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 23
Posted by
(ash) erwanreid
Wednesday, July 27, 2011
MY LIFE'S PLAYLIST (chap 7)
Posted by
Kirk Chua
Salamat sa readers...
Tuesday, July 26, 2011
TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 22
Posted by
(ash) erwanreid
Monday, July 25, 2011
MY LIFE'S PLAYLIST (chap 6)
Posted by
Kirk Chua
TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 21
Posted by
(ash) erwanreid
Sunday, July 24, 2011
Hiling 8
Posted by
Ako_si_3rd
sorry po kung medyo natagalan ang pag update ko kasi nga sa reason na may work na po ako...
again maraming salamat po sa mga readers ng HILING at patuloy na tumatangkilik ng storyang ito di ko na po kayo maiisa-isa dahil sa nakikigamit na lang po ako ng computer dahil sa wala naman pong wireless dito sa bahay nila auntie kaya di na po ako makakapag isa-isa sa inyo...
anyways alam nyu na po kung sino sino kayo.. kaya maraming maraming maraming salamat po sa inyong suporta...
3rd/Roj
Tuesday, July 19, 2011
MY LIFE'S PLAYLIST (chap 5)
Posted by
Kirk Chua
“Hoy buksan nyo nga ‘tong pinto. Bumaba na kayo meron na breakfast!” sigaw ni Erol.
Pinilit kong umalis ng higaan at tinanggal ko ang pagkakayakap ni Rex sa akin. Sa pagpilit kong kumalas napabagsak ako sa sahig. Laking gulat kong nakahiga pala dito si Kian.Monday, July 18, 2011
MY LIFE'S PLAYLIST (chap 4)
Posted by
Kirk Chua
The story contains themes and scene that may not be suitable for your preference. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Saturday, July 16, 2011
TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 20
Posted by
(ash) erwanreid
"Jessica, sandali..." habol ni Jesse nang mag-off sila sa trabaho. Nakatayo na si Jessica para pumara ng jeep. "Sandali..." saglit na tumigil si Jesse para makakuha ng hangin. "Halata ko naman na hindi mo ako pinapansin eh..."
Wednesday, July 13, 2011
MY LIFE'S PLAYLIST
Posted by
Kirk Chua
Aminin na nating lahat, halos iisa lang naman ang ating pangarap, ang matagpuan ang iisang taong makakasama natin sa habambuhay. Ang nag-iisang taong magbibigay kulay sa ating mundo. Ang taong makakaramay natin sa lahat ng paghihirap. Ang taong higit na magpapaligaya sa atin. At ang taong magbibigay halaga sa atin sa pinahiram na buhay sa atin ng Diyos.
Sabi nga sa isang kasabihan, Love knows no boundaries.
Sa totoo lang sawang sawa na ako sa linyang “I’m sorry” at “Let’s be friends” or “I hope we can still be friends”. For some reason ang sarap nilang sagutin ng “Ano akala mo sa akin, walang friends?! Marami ako nun wag ka nang dumagdag! Hindi friendship hanap ko, relationship noh!”. But then again that would be mean and down right offensive. But I guess di ko kahit kailan masasabi yun kasi it’s against my nature. At isa pa kinokontra yan ng isang kasabihang, lalo mong di makikita pag hanap ka ng hanap.
Di ko alam kung kelan ako naging ganito ka-EMO, as I remember ako yung pinaka-friendly at pinakamasayahing tao sa klase naming. I guess it all goes to show that no matter where you stand in life, no matter what you are or who you are, loneliness catches up to us. There comes a time when we feel most vulnerable that we can’t even see all the positive things around us. The only thing left to do is to be strong and hope, yes just hope, parang pandora’s box lang. Nung nakalabas na ang lahat ng evil at misery na laman ng box ang natira ay HOPE.
----------
-----------
Habang nasa kama ako napayakap na lang ako sa unan ko. Ambigat bigat ng nararamdaman ko talaga. Parang bawat heartbreak ko nagbabalik lahat ng sakit ng damdamin na nangyari mula sa unang una kong minahal.
Unang minahal ko si Francheska, kaibigan ko sya. Bata pa ako nun pero somehow I knew it was love. Since sa edad ko nun wala pa akong alam kung anung gagawin sa feelings ko naging masaya na lang ako na kaibigan ko sya. After graduation expected ko makikita ko pa sya since malapit lang naman bahay nila at pwedeng pwede ko syang dalawin. Nagulat na lang ako nung nabalitaan kong lumipat na sila ng Cebu. Wala pa akong celphone nun at kung meron man wala rin naman sya. Di ko nalaman address nya. Wala pa rin akong alam sa computer nun kaya di ko man lang nakuha friendster or email nya. Wala akong agawa kundi magmukmok sa kama ko. Minsan naman umakyat sa rooftop at humiga sa ilalim ng mga bituin habang hinayaan ko na lang ang luha ko na umagos sa pisngi ko.
Si Fiona ang pangalawa kong minahal, naging bestfriend ko sya nung high school. Di ko alam kung bakit pero nung second year ko lang sya napansin kahit na kaklase ko na sya mula first year. I tried to be close to her hanggang sa maging kaibigan ko na sya at naging kagrupo ko pa sa project research. Nalaman kong masama pala naging impression ko sya kanya dahil nakikisali daw ako sa mga nang-aasar sa kanya dati na sa totoo lang eh di ko na maalala. Mula noong conversation naming na yun nagpakahusay ako sa klase. Nagbago rin ako ng ugali. Change hairstyle at kung anu anu pa. Nung ready na akong manligaw sa kanya niyaya ko syang makipagkita sa akin sa fountain kung saan madalas magkita ang grupo naming para sa project. Duon ko nalaman na every after class pala eh dumadalaw sa bahay nila sa Miko at last week lang eh sinagot na nya. Di ko akalaing sa panahong matatapat na ako dun ko pa makakaharap ang ganung kasakit na balita. Di ko na lang sinabi sa kanya ang nararamdaman ko. Inisip ko na lang na baka magbreak din sila. After ng year na yun lumipat sya sa Taguig. At since school at bahay lang ako madalas, kahit part lang yun ng NCR wala akong idea kung pano makarating dun. Dun na rin sya nagtuloy ng pag-aaral. At tulad ng dati I’m faced with the same pain.
And the third person to take my heart to the clouds ay si Lorelei. Shy type sya. Ang tahimik sa sulok ng klase. Unang tingin ko pa lang sa kanya nakita ko na ang ganda nya sa likod ng maputla nya balat at simpleng pananamit. Like what I did with Fiona, sinubukan kong maging malapit sa kanya. And this time nanligaw na ako sa kanya. Ang sabi nya focus muna daw sya sa pag-aaral. So I settled with being friends with her. As time pass natuto syang mag-ayos, magmake-up, at manamit ng maganda. Di ko napansin nya isa na pala sya sa sikat sa buong course namin. Maraming nanligaw sa kanya at ikinukwento nya yun sa akin. Sa mga nanligaw sa kanya wala sya kahit isang sinagot. I was so sure na pinanghahawakan nya ang sinabi nyang di sya magbo-boyfriend hanggat di sya nakakapagtapos ng college. One dumating ang 2nd year walang Lorelei na kasama sa list ng klase. Wala na rin contact sa kanya. Nalaman ko na lang thru facebook sa ate nya na buntis na pala sya. Nagka-boyfriend sya habang nagtatrabaho sya sa Wacdo ng part time. Pakiramdam ko that time walang wala na akong dapat paniwalaan sa mundo. Nag-adik ako sa online games. Lagi akong napupuyat dahil late na ako umuuwi mula sa computer rental. Late ako madalas sa subjects ko at minsan ay di na ako pumapasok. That sem I got the lowest average ever. Thanks to my friends di ako bumagsak that sem.
-------------------
Nakaupo ako sa isang sulok ng kwarto. Sa harap ko ay isang comforter, nakahiga ang dalawang kong malapit na kaibigan. Nakayakap si Liezel kay Kian habang natutulog. Siguro if I was seeing this last two months super devastated ako.
If your thinking na minahal ko si Kian, nakabingo ka! Sya ang unang lalaking sinabihan ko ng harap harapan na mahal ko sya. At syempre as expected sa straight, lumabas ang mga katagang “Lalaki ako, ganun ka rin. Wag na lang ako ang mahalin mo ng ganyan. Kaibigan mo pa rin naman ako eh.” At dagdag nya pa “at least alam mong kahit kailan di ako sa ‘yo magbabago at tanggap kita!”
It feels like a knife thru my heart. Ang malala pa dun itong si Liezel na bespren ko ay gusto rin si Kian at sinabihan rin sya ng kaibigan lang. Pero as expected rin, naging mas sweet si Kian kay Liezel at nagdrift ng kaunti si Kian sa akin. Pero ngayon, I feel happy for them kahit hindi pa sila. I guess nakalipas na ang lahat para sa akin.
---------------
Sa ngayon masaya rin ako dahil madalas kong ka-chat ang bagong super bespren kong matatawag na fag hag kung officially ako na ganun na, si Reina. How I wish maging GF ko na lang sya. Sarap kausap at cute pa. Sya ang naging sandalan ko nung wala akong makausap at matakbuhan sa problema ko kay Kian at Liezel.
At lastly, syempre hindi ko pwedeng kalimutan ang MSOB family. Dami ko yatang naging crush dyan. At may isang tao dyan na nagpatibok ng puso ko, na-crushed nga lang ang heart ko nung nasabi ko sa kanya ang feelings ko. But hey what can I do that is what we call summer romance. It only last till it’s hot. Buti na nga lang friends pa rin kami.
---------------
The last paragraph, ayan ang sinabi ko last 2 months. Akala ko di ko na uulitin ang kabobohan ko pero nandito na nga ulit ako. Naging komportable ako na kaibigan ko sya. Nangarap akong magbabago pa ang nararamdaman nya. Haist Emman. Dumaan na naman ako sa isang emotional storm. Sa totoo lang naguguluhan pa rin ako. Sa edad kong ito I feel dapat mature na ako sa aking mga desisyon, aksyon at nararamdaman but it seems na hindi pa rin. Salamat talaga kay Reina at Kuya Mikee kung wala sila baka mas wala na akong nagawa sa buhay kong matino. At syempre ang kasama ko sa panahon ng kalungkutan ko, ang celphone ko, at ang PLAYLIST NG BUHAY KO.
-----------------
What have I done
I wish I could run away from this ship going under
Just trying to help
Hurt everyone else
Now I feel the weight of the world is, on my shoulders
What can you do when your good isn't good enough
And all that you touch tumbles down
Cause my best intentions
Keep making a mess of things
I just wanna fix it somehow
But how many times will it take?
Oh how many times will it take for me
To get it right
To get it right
Can I start again
With my faith shaken,
Cause I can't go back and undo this
I just have to stay
And face my mistakes
But if I get stronger and wiser, I'll get through this
What can you do when your good isn't good enough
And all that you touch tumbles down
Cause my best intentions
Keep making a mess of things
I just wanna fix it somehow
But how many times will it take?
Oh how many times will it take for me
To get it right
So I throw up my fist
Throw a punch in the air
And accept the truth
That sometimes life isn't fair
I'll send out a wish and I'll send out a prayer
And finally someone will see
How much I care
What can you do when your good isn't good enough
And all that you touch tumbles down
Cause my best intentions
Keep making a mess of things
I just wanna fix it somehow
But how many times will it take?
Oh how many times will it take
To get it right
To get it right
-------------
MY LIFE'S PLAYLIST: Wag na
Posted by
Kirk Chua
“Tweet tweet text message!”
Nagising ako sa pagba-vibrate ng phone. Mukhang marami na namang GM ang nagkalat mula ng muling pagtulog ko.
MY LIFE'S PLAYLIST: Sino nga ba sya?!
Posted by
Kirk Chua
Nakita kita sa tabi ko mahimbing na natutulog. Hay ang sarap tingnan ng mukha mo. Parang langit na talaga ang kinalalagyan ko sa sandaling ito.
TRUE LOVE WAITS (A Time For US) Chapter 19
Posted by
(ash) erwanreid
Tuesday, July 12, 2011
Monday, July 11, 2011
Hiling
Posted by
Ako_si_3rd
I would like to ask my apology kung di na po ako agad-agad makaka pag update ng HILING...
there has been a sudden change of plan para sa akin... starting tommorow July 13, 2011... ay magiging busy na po ako...
bukas po ako aalis on my way to dasmariƱas cavite for my work..
makakapag update parin naman po ako pero hindi na po ganon kadalas..
again ako po ay humuhingi ng sorry kung di na po ako agad-agad makakapag update...
thank you po again sa pag suporta ninyo ng aking akda...
3rd/ROJ
there has been a sudden change of plan para sa akin... starting tommorow July 13, 2011... ay magiging busy na po ako...
bukas po ako aalis on my way to dasmariƱas cavite for my work..
makakapag update parin naman po ako pero hindi na po ganon kadalas..
again ako po ay humuhingi ng sorry kung di na po ako agad-agad makakapag update...
thank you po again sa pag suporta ninyo ng aking akda...
3rd/ROJ
Monday, July 4, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)