Followers

CHAT BOX

Tuesday, June 14, 2011

TRUE LOVE WAITS (A Time For Us) Chapter 16


Sa kadiliman, nakatayo doon si Jessica habang pinagmamasdan sina Jonas at Jesse. Nagpupuyos ang puso niya sa galit. Tama nga ang hinala niya, may namumuong pagtingin sa pagitan nila Jonas at Jesse.


"Kaya ko nga sinabi kay Jonas ang feelings ko para kay Jesse, dahil nararamdaman ko sa kilos at galaw niya na may itinatago siyang pagtingin kay Jesse. Ang hindi ko inaasahan, may pagtingin na rin pala si Jesse kay Jonas. Hindi yata ako makakapayag. Ang alam ko, ako ang unang nakakilala kay Jesse. Mahal ko siya."

Sinikap ni Jessica na maging maayos ang hilatsa ng hitsura. Walang makikitang sama ng loob. Naka-ngiti siyang lumapit sa dalawa.

"Jessica, ang tagal mo ah?" si Jesse nang maramdamang parating na si Jessica.

"Ewan ko ba Jesse parang sumama kasi ang tyan ko." saglit na tumawa. "Nag-alboroto." pagkatapos ay tumingin siya ng diretso kay Jonas nang nakangiti. Wala siyang pakialam kung may mabasa man si Jonas sa kanyang mukha.

Natawa si Jesse sa sinabi ni Jessica. "Nakaka-ilang bote na kami. Mukhang nalulugi na ang tyan mo Jessica." biro ni Jesse. Ibig niyang sabihin, marami na silang naiinom ni Jonas habang si Jessica ay kaunti pa lang.

"Huwag kang mag-alala Jesse. Babawi ako." sagot ni Jessica na may pagmamayabang. Totoong nilangkapan niya iyon ng kaunting parinig para kay Jonas. "Nasaan na ba ang ibang bote?" Hanap ni Jessica sa mga nakatambak na gamit sa gilid niya.

"Ito Jessica." Iniabot ni Jonas ang isang bote ng beer kay Jessica.

"Salamat Jonas." si Jessica. "Masaya ang gabi di ba? Kaya dapat sulitin natin ito ha? Wooo." sigaw ni Jessica.

Tawa sa tuwa si Jesse. Habang si Jonas ay nakakaramdam ng kakaiba sa ikinikilos at sinasabi ni Jessica.
-----

"Ano kaya pa?" tatawa tawang tanong ni Jesse kay Jonas.

Nahihilo na rin si Jonas, pero sigurado niyang hindi pa siya lasing. "Marami ka ng nainom Jesse. Halata na sa pananalita mo." naka-ngiting sabi ni Jonas kay Jesse.

"Si Jessica nga wala nang masabi sa sobrang kalasingan." Pagkatapos ay tinignan ni Jesse si Jessica. "Jessica, hatid na kita sa kwarto mo." yaya ni Jesse.

"Jesse, ako na lang ang maghahatid sa kanya." mungkahi ni Jonas kay Jesse. Aktong tatayo na si Jonas.

Biglang nagsalita si Jessica. "Gusto ko si Jesse ang maghahatid sa akin sa kwarto ko."

"Sige na Jonas ako na lang ang maghahatid kay Jessica. Dito ka lang ha?"

"Sige pero, babalik ka ha?" si Jonas.

"Oo, asahan mo ako." nakangiting sagot ni Jesse. "Halika na Jessica." Tumayo si Jesse na medyo mawawalan sana ng panimbang pero napatungkod kaagad sa balikat ni Jonas kaya nakatayo ng maayos. Inabot ni Jesse ang kamay ni Jessica para tulungang makatayo.

Nang kapwa nakatayo na ang dalawa, saka nagpaalam si Jessica kay Jonas. "Jonas, hihiramin ko lang si Jesse ha. Sandali lang."

"Sige." kunot noo pero nakangiting sagot ni Jonas. Pagkatapos ay kay Jesse nagpahiwatig na bumalik.

Tatango-tango naman si Jesse.
-----

"Jesse huwag mo muna akong iwan." biglang kumapit payakap si Jessica kay Jesse. "Hayaan mo muna akong makatulog."

Natawa si Jesse. "Sige."

"Dito ka dali." hinila ni Jessica si Jesse sa kama. "Tabihan mo ako."

"Sige." sagot ni Jesse. Nang makita ni Jesse ang kama, naramdaman niya ang pagod at kagustuhang matulog na rin pero buo sa isipan ni ang pagbalik sa lugar kung saan naghihintay si Jonas.

"Jesse, ang init. Sandali ah." biglang tinanggal ni Jessica ang unang damit na nakasuot sa katawan niya.

Papikit-pikit lang si Jesse na naka-ngiti. Hindi siya nakakaramdam ng malisya. Pero bigla na lang siyang napatitig nang pati panloob na ni Jessica ang tinatanggal nito. "J-jessica sandali..." awat ni Jesse.

"Ok lang yan Jesse. Tayo lang naman ang nandito eh." tuloy-tuloy pa rin si Jessica sa paghuhubad.

"K-kahit na. Teka tatalikod ako."

Pero huli nang matanggal na ni Jessica ang huling kasuotan pangtaas at nakabig na niya si Jesse palapit sa kanya. Agad niyang hinalikan si Jesse ng ubod ng riin ngunit may kasabikang maangkin.

"J-jes... jessica." awat ni Jesse sa ginagawang paghalik ni Jessica sa kanya. "Lalabas na ako."

"Huwag Jesse. Mahal kita." at muli niyang sinubsob ang mukha sa mukha ni Jesse.

Nakakaramdam si Jesse ng pagtianod sa mga halik ni Jesse. Pilit niyang nilalabanan pero dala yata ng kalasingan, sumasangayon din ang kanyang kalamnan.

"Jesse. Mahal kita." muling usal ni Jessica hanggang sa matangay na nya si Jesse sa gusto niyang mangyari.
-----

Nakahiga si Jonas sa naka-latag na sapin sa buhanginan. Nakatingin siya sa kalangitan na nagkalat ang mga bituin. Naka-ngiti siyang pinagamasdan ang mga iyon. Masaya siyang naghihintay kay Jesse sa pagbabalik nito. Sigurado siya na sa pagbabalik ni Jesse sa kanyang tabi ilang saglit na lang, ay mapupuno na naman ng sobrang kasiyahan ang kanyang puso ngayon pang alam na niyang mahal rin siya ni Jesse.

"Mahal na mahal kita Jesse. Paka-iingatan ko ang pagmamahal mo sa kin. Pangako ko yan sayo." Excited siyang sabihin iyon kay Jesse pagdating.

Pumikit muna siya habang naghihintay.
-----

"Doc, ito na po ba lahat?" tanong ng isang nurse habang hawak-hawak ng mga profile ng mga pasyente.

"Sige na." sagot ni Dr. Arman Sto. Domingo.

"Sige po Doc."

Tumayo na ang nurse para sa pag-alis. Naka-salubong nito ang gwapong lalaki sa pinto.

"Arl?" masayang tawag ni Arman sa anak nang makitang nasa pinto ito.

Saka lang sumagot si Arl nang makalabas na ng tuluyan ang nurse na halatang natulala nang makita siya. "Yes Dad. Nakakapagtakang pagbisita po ba?" natatawang tanong ni Arl sa ama.

Natawa rin si Arman. "Oo nga eh. Ang alam ko ayaw na ayaw mo ang amoy ng hospital. Pero ano ang nagdala sayo rito?"

"Wala lang. Na-miss ko lang siguro ang Dad ko na naging busy lately."  saka umupo sa visitors chair sa harapan ng lamesa ng Dad niya.

"Talaga? Parang gustong magpalibre lang ng tanghalian ang pagkakaintindi ko Arl, anak?" sabay tawa.

"Hindi naman Dad. Pero kung iyon ang naisip niyo eh, why not?" tawa rin ni Arl.

Sasagot sana si Arman nang biglang bumukas ang pinto.

"Doc, may naghahanap po sa inyo. Mr. Ramon Jimenez daw po."

Nanlaki ang mga mata ni Arman sa anak. "Mukhang may bisita ako Arl."

Napa-ngiti si Arl. "Kausapin mo na Dad. Saan mo ako gustong ipwesto?" biro ni Arl na ang ibig sabihin ay kung saan siya magtatago.

"Magtatago?" natatawang si Arman.

"Tanong ko lang naman Dad."

"Doc, papasukin ko na po ba?" tanong uli ng nurse na nagbalitang may bisita si Arman.

"Sige patuluyin mo." sagot ni Arman.

"Sige po."

Hindi pa man nakakapasok si Ramon sa kwarto, ay naiwan na ni Arl ang dating kinauupuan. Lumipat ito ng pwesto para sa bagong dating.

"Dr. Sto. Domingo, kaibigan." bati ni Ramon nang makapasok at nang makitang nakaupo si Arman sa pwesto nito.

Tumayo si Arman para sa pakikipagkamay sa kaibigan. "Kamusta ka rin Don Ramon..." sabay tawa. "Ano? Gaano na ba kayaman ang kaibigan ko?" matapos makipagkamay ay umupo na si Arman. "Maupo ka."

"Salamat."

"Ano ba ang naghatid sayo rito Mon?" yun ang tawag ni Arman kay Ramon noon pa man.

"Mukhang inaatake na naman kasi ako." sa pagkakasabi noon ay kasabay ang himas sa dibdib. "Tumataas na naman yata ang presyon ko. Eh naisipan ko ng personal na magpa-check up sa gayon ay makapagkwentuhan. Tagal na nating hindi nagkakausap, kaibigan."

Natawa si Arman. "Oo nga, halos limang taon din yata."

"Tama ka roon." biglang napa-tingin si Ramon sa binatang naka-upo sa isang sulok. Bigla niyang naalala si Jonas dahil tantiya niyang magkasing-edad lang sila noon. Biglang sumama ang mukha niya.

"Bakit?" tanong ni Arman.

"Sumakit ang ulo ko bigla. Bigla ko kasing naalala ang kapatid na lalaki ng anak ko." sabay tawa ni Ramon.

Nakisakay na rin sa tawa si Arman. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan. "Siya nga pala, ang anak ko si Arl." Inilahad ni Arman ang kanyang kamay patungo sa direksyon ng anak sa isang sulok.

Muling tumingin si Ramon sa binata. Kitang-kita niya ang pagkakangiti nito. Pero may ilang bahagi sa kanyang utak na sumasangayong ngisi ang pagkakangiti nito. "Ikaw pala ang anak ni Doc. Sto. Domingo?"

Tumayo si Arl para makipagkamay kay Ramon. "Opo, ako po si Arl Sto. Domingo. Ang nag-iisang anak ni Dr. Arman Sto. Domingo." pagpapakilalang may pagmamalaki ni Arl para sa sarili at sa kanyang ama.

Natawa si Ramon saka tumayo. "Kinagagalak kitang makilala."

Nang magbitiw ang mga kamay, nagpaalam si Arl sa ama. "Dad, babalik na lang ako sa lunch ha?"

"Sige anak." sagot ni Arman.

"Ah... Mr...?"

"Tito Ramon na lang."

"Tito Ramon, alis po muna ako."

"Sige."
-----

Kanina pa ang kunot sa noo ni Jonas simula nang magising na wala sa tabi niya si Jesse. Halos alas nuwebe na ng umaga pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto sina Jessica at Jesse. Lukot ang mukha niyang nag-aayos ng mga kalat sa paligid. Bahagya niyang tinatabunan ang mga nagkalat na abo.

Panay ang tingin ni Jonas sa pintuan ng kwarto na inookupa ni Jessica. Pero sa tuwing titingin siya, nanatiling sarado ang pinto. Napa-buntong hininga siya.
-----

"Ang sakit nang ulo ko." reklamo ni Jesse nang magising. Tumayo siya sa pagkakahiga. Habang nakapikit, sapo-sapo ng dalawa niyang kamay ang kanyang ulo. "Ang dami kong nainom kagabi." hahakbang sana siya nang maramdamang maagan ang kanyang pakiramdam. Saka niya naisip na wala siyang suot. Agad siyang nagdilat at tinanaw ang sarili.

Parang gusto niyang sumigaw, pero napipigil niya ang sarili. Nilingon niya ang kama. Lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Jessica na hubad ang pang-itaas nito. Ang kalahati pababa ay natatakpan ng kumot. Natuptop niya ang kanyang bibig sa nakita. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa nikikita. Binalik niya ang katinuan ng sarili at hinila ang kumot para matakpan ang buong katawan ni Jessica.

"Sandali, paano nangyari yun. Hindi ko maalala." Sabi niya nang magawa na niyang matakpan ang katawan ni Jessica. Saka bumalik sa kanyang alaala ang nangyari kagabi nang ihatid niya si Jessica at mapa-hanggang sa mangyari ang lahat. Kinabahan siya at ramdam ang pawis sa noo. Huminga siya ng malalim para makakuha ng lakas at tatag sa mga nangyari.

Inayos niya ang sarili. Isinuot ang mga damit at saka maingat na lumabas. Sa labas natanaw niya si Jonas na nakaupo sa dati nitong pwesto. Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Jonas. Unti-unting nangati ang kanyang mga mata. Parang hindi niya kayang makita si Jonas sa ganoong ayos. Nakatalikod sa kanya sa di kalayuan habang nakatanaw sa karagatan. "Jonas.." bulong niya. "Hinihintay mo nga pala ako kagabi..." dugtong niya.

Mabagal ang paglakad niya patungo sa kinaroroonan ni Jonas. Nang nasa likod na siya saka siya bumigkas. "J-jonas..." Narinig ni Jesse ang pagsinghot ni Jonas. "Umiiyak ka?"

"Alam ko nandyan ka na, malayo palang nararamdaman ko na ang pagdating mo..." malungkot na sabi ni Jonas. Sabi mo sa akin babalik ka kagabi?" saka nilingon ni Jonas si Jesse na nakatayo sa kanyang likuran. Pinilit niyang ngumiti.

Umupo si Jesse sa tabi ni Jonas. "S-sorry..." biglang pumasok sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Jessica. "Sasabihin ko ba ang tunay na dahilan?" nagbago ang isip niya. "Naka-tulog ako Jonas. Patawad."

"Okay lang yun." naka-ngiting si Jonas. Pero mababanaag parin ang kalungkutan sa mukha.

Bumuntong -hininga si Jesse. "Sana nga."

Saglit na katahimikan. "Ah Jesse..."

"Mmm..." ungol ni Jesse.

"Naalala mo pa ba ang pinag-usapan natin kagabi?" tanong ni Jonas.

"Ang alin? Tungkol saan?" kunot noong tanong ni Jesse.

Napa-ngiwi si Jonas. "Hindi mo na siguro natatandaan..."

"Ang alin ba, Jonas?"

Bumuntong-hininga muna si Jonas. "Sinabi mo sa akin na..."

Biglang natawa si Jesse. Alam na kasi niya ang ibig sabihin ni Jonas. "Oo... tandang-tanda ko."

"Ang alin?" tanong naman ni Jonas.

Tumitig si Jesse sa mga mata ni Jonas. "Hindi ko kinakalimutan yun. Oo, sinabi kong mahal din kita, Jonas."

Napa-ngiti ng maluwang si Jonas. Namungay ang mga mata. "Sabi mo yan ah?"

"Oo, parang ikaw ang nakalimot sa atin kasi nagtatanong ka pa. Kailangan mo pa bang siguraduhin yun?"

Natawa si Jonas. "Oo, gusto ko lang talaga masigurado. Sorry."

"Wala yun. Ang mahalaga, alam mo na ang damdamin ko para sa yo."

"E, ah... parang ikaw pa ang malakas ang loob na sabihin sa akin na mahal mo ako ah?" tanong ni Jonas.

"Sinusunod ko lang ang sinasabi ng puso ko." sagot ni Jesse.

Muling ngumiti ng napaka-luwang si Jonas. "Asahan mo Jesse, pakaka-ingatan ko talaga yang pag-ibig mo sa akin. Pangako. Hindi ka magsisi sa akin. Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko." saka hinawakan ni Jonas ang kamay ni Jesse. "Hindi ako magbabago. Mahal na mahal kita."

Naluluha si Jesse habang pinakikinggan iyon kay Jonas. "Aasahan ko Jonas. At asahan mo na tutumbasan ko yun ng mas higit pa."

Hindi na nila napigilan ang mga sariling yakapin ang isa't isa.
-----

Tahimik lang si Jessica nang lumabas sa kwarto. Maayos na siya. Hindi mababakasan ng kung ano mang pangyayari kagabi. Maliban sa kanyang mukhang halatang bagsak dahil sa isipin.

"Jessica, good morning." bati ni Jonas.

Ngumiti lang si Jessica saka umupo sa cottage. Napa-tingin siya kay Jesse. Nahuli niya itong naka-tingin sa kanya pero agad nagbawi. Tulad niya hindi rin maka-react. Patuloy niyang tinignan si Jesse na naghahanda ng pagkain nila. "Jesse, tutulungan na kita." Tumayo si Jessica at kinuha sa kamay ni Jesse ang sandok ng kanin.

"A-ako na." ssabi ni Jesse.

Natameme naman si Jessica.

"K-kumuha ka na lang siguro ng tinidor, Jessica." utos na lang ni Jesse. Naramdaman kasi niyang naa-asiwa si Jessica.

"S-sige." sagot ni Jessica.

Habang abala ang dalawa sa paghahanda ng kanilang almusal. Pasimpleng nakikiramdam si Jonas na nasa isang sulok at nagbubukas ng de-lata.
-----

"Magandang tanghali Dad." bati ni Justin habang naka-upo sa hapag-kainan nang pumasok ang ama roon.

"Narito ka pala ngayong tanghali Justin." si Ramon na umupo sa paborito nitong pwesto sa lamesa.

"Wala naman akong masyadong gagawin sa opisina Dad kaya minabuti kong dito na lang sa bahay kumain. Nagpaluto ako kay Aling Koring ng nilagang baka."

Napa-ismid si Ramon. Alam kasi niyang iyon ang paborito ni Jonas. Kahit kailan talaga hindi niya nagawang gustuhin ang anak na iyong ng kanyang yumaong asawa. "O siya, kumain."

"Saan pala kayo galing Dad?" kapagdakay tanong ni Justin sa ama.

"Ah... sa kaibigan kong doktor. Nagpakonsulta lang ng kalagayan baka hindi ko na pala alam na bukas na ako mamatay." biro ni Ramon.

Hindi natawa si Justin. "So, ano po ang result ng pagpapaconsult mo Dad?"

"Ayun, maraming taon pa daw akong mabubuhay. Huwag ko lang aaraw-arawin ang nilagang baboy." tatawa-tawa si Ramon nang matapos magsalita kasunod ang pagkagat sa hiwa ng baka.

"Baka yan Dad. Hindi baboy."

Muntikan nang mabulunan si Ramon. "Ganun na rin yun."

Lihim na napa-buntong hininga na lang si Justin.
-----

Dumating na ang hapon, pero ang lahat ay nanatiling tahimik sa isa't isa. Naiilang si Jesse kay Jessica. Ayaw naman niyang magpakita ng lambing kay Jonas dahil baka kung anong isipin ni Jessica.

Hindi maka-kibo si Jonas dahil nakakaramdam siya ng kalamigan sa pagitan nina Jesse at Jessica.

Ayaw kumibo ni Jessica dahil hiyang-hiya siya sa nangyari kagabi. Pero ang kabilang bahagi ng kanyang utak ay sumasangayon sa nangyari. "Tama lang yun, dahil ako ang dapat na mahalin ni Jesse. HIndi ikaw Jonas. Hindi bakla si Jesse para mapasa-iyo. Alam ko yun. Ikaw lang ang nag-iimpluwensya kay Jesse."


Tumakbo pa ang mahabang oras at si Jonas na ang kumibo.

"Sa tingin ko pagod na ang lahat kaya wala nang maka-kibo." sinikap ni Jonas na idaan sa biro ang kanyang sinabi. Pero walang kumibo sa dalawang kausap. "Mmm siguro gusto niyo nang umuwi? Kaya lang... nahihiya kayong magsabi dahil nga iniisip niyo ako na gusto pang magtagal dito. Tama?" sabay tawa. "Ok lang sa'kin. Ok na ako. Ano?"

Bumuntong hininga muna si Jessica bago nagsalita. "Siguro nga Jonas, kailangan na nating umuwi. Wala na naman ding naliligo sa atin. Puro lang tayo nakatunganga. Umuwi na siguro tayo. Sa tingin mo Jesse."

"H-ha? Ay oo. Kayo, kayo pala. Sige, kung yun ang gusto ng nakakarami eh. Tara na." Sinimulan na ni Jesse magligpit ng gamit.

Nagmamasid lang si Jonas. Naguguluhan kasi siya sa nangyayari.
-----

10 comments:

yeahitsjm said...

first :))

Jun said...

nxt na nxt na.. hehe

Jasper Paulito said...

nakakaasiwa nga.

third ako sa nagcomment... hehehe

aR said...

point of view ni jessica..may point siya..kasi parang naimpluwensiyahan siya ni jonas.


point of view ni jesse..e meron din namang feelings kaya lang di pasure kung anu talaga yun, baka paghanga lang or kung anu man.

para kay Don.Ramon..matutuluyan ka dinXD

at kay jesse sabihin na niya para di na mabigla si jonas kasi syempre baka may mabuoXD

wastedpup said...

Biatch pala itong si jessica eh. Ayoko na sa kanya. Kawawa namam si jonas. Akin ka na lang bro. Di kita pagpapalit. Salamat po sa update. Ang galing galing... :))

jackcolin21 said...

nice chapter.....love triangle. pero kay jesse at jonas ako!

Anonymous said...

hala.. triple J love triangle..hehe

kala ko nman mabait tong si Jessica, i was wrong..

super nice story..

God bless.. -- Roan ^^,

ram said...

naku mahina ka jesse nagpatalo ka sa tukso. kawawa naman si jonas. akin ka na lng jonas.

Aerbourne14 said...

goodluck sa triangle na 'to...

Nadala lang si jessica, goodluck kung may nabuo, ;)

next na.. n___n

Anonymous said...

nxt n.. nakkainis... ang tagal ko inaabangan 2 tapos late ko n mabasa... hay.... pero ok n din kc my update nman n... wayne