Followers

CHAT BOX

Saturday, March 8, 2014

TRUE LOVE WAITS (If The Feeling Is Gone) Chapter 1




Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng mawala si Jonas sa piling ni Jesse. Halos araw-arawin ni Jesse ang pangungulit sa mga katulong kung nasaan si Jonas dahil mapahanggang ngayon ay hindi siya naniniwala na patay na ito. Ramdam niya sa kanyang puso na nanatiling buhay si Jonas at makakapiling niya ito balang araw. Pero tulad ng una, patuloy at patuloy na sinasabi ng mga magkakasambahay na wala na talaga si Jonas.

Halos 7ng buwan na rin ang nakakalipas simula naman ng mawala sina Jessica at Marco. Kahit alam niyang nasa mabuting kalagayan ang kaibigang si Marco, inaaalala pa rin niya kung saan ito naroon. Kahit ang kaibigang si Jessica, hindi pa rin siya magkaroon ng balita dito.

At simula ng magalit ang kanyang mga magulang, hindi na rin siya nakakauwi sa kanilang probinsya para makapiling ang mga ito.

Tahimik lang siyang gumagawa ng mga gawaing bahay. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapag-linis ng paligid. Mula sa pighati, sakit na nararamdaman sa pagkawala ng minamahal ngayon lang uli na-realize ni Jesse na kailangan pa rin niyang kumilos pero, hindi ibig sabihin noon na naka-move on na siya sa mga nangyari. Nananatili pa rin ang kanyang puso na nagmamahal at umaasang magbabalik si Jonas pagdating ng araw.

Ngayon sisimulan uli niya ang kanyang buhay ng may katatagan para sa kinabukasan habang buo ang pag-asa. Alam niyang may mga tao sa kanyang paligid na maasahan, na gagabay sa kanya ano mang oras niya hingiin. Magsisikap uli siya para makamit ang kanyang mga plano.

"Magkikita pa tayo Jonas." Kasabay noon ang pagtulo ng mga luha. "Di ba? Maghihintay ako? Alam ko babalik ka."
-----

"Jessie?" sigaw ni Tamie mula sa labas ng gate. Agad niyang nakita si Jesse sa pintuan. Napansin niyang pinagpapawisan ito. Napansin din niya ang hawak nitong walis tambo. "Ay!!!" tili niya sa kasiyahan. "Papa Jesse. Himala sa mga himala. Mukhang Ok ka na."

"Hindi ka papasok?"

"Ay!!! Syempre papasok." agad pumasok ng gate si Tamie. "Mukhang busy tayo ah. Pero mas mabuti yan para naman..." hindi na niya tinuloy ang sasabihin.

Tumalikod si Jesse para iwan ang pintuan. "Medyo busy nga ako. Naglilinis ako ng buong bahay. Puro agiw na."

"Pansin ko nga Papa Jesse."

"Ano pala ang pinunta mo dito? Baka hindi kita maasikaso, hindi pa ako tapos." Pauna na agad ni Jesse habang pinagpapatuloy ang pagwawalis sa sahig.

"Mmm... wala naman Papa Jesse. Gusto lang kita kamustahin."

"Araw-araw mo naman akong kinakamusta."

"Aba, syempre eh kaibigan kita saka wala din naman akong ibang mapuntahan at kailangan mo naman talaga ng titingin-tingin sayo kahit ayaw mo no... Eh halos patayin mo na ang sarili mo kakaiyak dyan, at halos hindi ka na kumain. Siguro, kaya kong bilangin ang tinira mong tasa ng kape sa loob ng ilang buwan. Tignan mo sarili mo ang payat-payat mo na. Hmm nabawasan na ang kapogian mo. Pero natutuwa na ako ngayon kasi alam ko at ramdam ko bumabawi ka na."

"Tapos?" Tanong ni Jesse kahit wala siyang gana makinig. Mas gusto pa niyang magligpit ng kalat.

"Tapos?" Saka natawa si Tamie. "Wala na. Hmmm... alam ko na Papa Jesse."

Napakunot noong tumingin si Jesse kay Tamie. "Ano na naman yun?"

"Ipagluluto kita." Tumingin si Tamie sa wall clock. "Tamang tama para sa pananghalian. Sandali, uuwi muna ako dito ko na lang lulutuin yung ulam."

"Hmm yan ang magandang narinig ko sayo Tamie."
-----

Hapon ng Sabado nang makarinig si Jesse mula sa pinto ng mga katok. Inisip niyang si Tamie na naman iyon. Ngunit nang pagbuksan niya ng pinto ang kumakatok. Nagulat siya nang ibang tao ang kanyang nakita.

"S-sino po kayo? Anong kailangan nyo?"

"Ah... Ako si... Pwede bang pumasok muna ako?"

Napa-kunot noo si Jesse. "Sino ba 'tong taong 'to at ayaw pang magpakilala." sabi ng isip niya. Tinignan niya ito mula ulo ang hanggang paa at hindi naman niya ito kinakitaan ng pagiging masamang tao. Napansin niyang may hawak itong attache case kaya naisip niyang may sadya talaga ito. "S-sige. Tuloy po kayo."

Nang maka-upo, "Ako nga pala si Atty. Ramil Hermosa, kaibigan at abogado ni Jonas."

Agad napa nga nga si  Jesse. "A-abogado... ni Jonas? K-kamusta siya." Na-excite si Jesse magkaroon ng balita mula kay Jonas. Halos gusto niyang magmakaawa para sa balita.

"Teka, teka. Kaya ako narito para malaman mo ang mga naiwan ni Jonas sa pangalan mo. Sa akin niya pinaayos ang mga ari-arian niya."

Natigilan si Jesse. "Ibig sabihin... Totoo."

"Ah... ibig sabihin, hindi ka naniniwala?"

Muli na naman ang panghihina na nararamdaman ni Jesse. "Nasaan siya?"

"Siguro, yung si Justin ang dapat mong kausapin tungkol dyan."

Tumitig si Jesse sa kaharap. "Bakit hindi mo alam. Parang napaka-imposible naman?"

"Mmm... mas mabuting malaman mo yan sa nakakatandang kapatid ni Jonas. Narito ako para i-detalye sayo ang... sabihin na nating minana mo mula kay Jonas Davis. Kilala mo naman siguro si Jonas, mayaman."

"Teka, mayaman? Alam ko may bahay at lupa, kotse at trabaho pero sabihin na mayaman, teka naguguluhan ako. May nalaman ako tungkol sa kanya na oo mayaman siya pero hindi niya sa akin sinabi kung gaano siya kayaman. Teka, lalo akong naguguluhan."

"Sabihin na natin, oo maguguluhan ka talaga dahil darating talaga na magugulahan ka at malulula sa malalaman mo. Kaya, narito ako para sabihin sayo ang dapat mong malaman at tulungan ka, ayon sa hinabilin ng kaibigan kong si Jonas."

"Ibig sabihin matagal mo na akong kilala." umiwas ng tingin si Jesse.

"Hmm... Oo, ganun na nga."

Napa-buntong hininga si Jesse. "Sige, makikinig ako."

"Ok." binuksan ni Ramil ang dala nitong attache case at iniabot kay Jesse ang kinuha nitong papel sa loob noon. "Simulan ko na lang sa... ganito, si Jonas o sa totoong pangalan ay, Jonas Schroeder, anak ng isang negosyanteng amerikano na nag-invest at bumili ng stocks sa ilang bangko dito sa pilipinas at nang kalaunan ay pinagsasama ang pag-aari nito at bumili ng mas malaking stock sa isang bank company."

Napa-tikhim si Jesse. "Tapos..."

"Mula sa isang flight, nag-crush ang sinasakyan nitong eroplano at namatay. Mula noon, nalipat na sa pangalan ni Jonas ang lahat ng pag-aari ng kanyang ama."

"L-lahat?"

"Oo. Kung ang itatanong mo ay ang kanyang kuya, hindi niya tunay na kapatid si Justin James Jimenez."

"Ah-ok."

"Magkapatid lang sina Jonas at Justin sa ina. Ngayon, maliban sa bahay at lupa, sasakyan at pera sa kanyang mga bank account, magmamana ka rin ng parte sa isang kilalang bangko dito sa pilipinas."

Napa-singhap si Jesse. "P-pero..."

"Alam ko, at pinaliwanag sa akin ni Jonas na hindi mo sasamantalahin ang pera ni Jonas at naniniwala ako sa kaibigan ko. Alam ko na parang hindi kapani-paniwala pero ayun ang totoo at simula ngayon ay sayo iyon. At alam kong hindi kaya sa ngayon panghawakan ang ganung ari-arian pero dapat na tanggapin mo yun. Narito naman ako para alalayan ka hanggang sa matuto ka. Kung darating ang araw na magkaroon ka ng tiwala sa akin, malugod akong tatanggapin na maging abogado mo rin at mag-ingat ng iyon ari-arian."

"Hindi ko talaga 'to ine-expect at wala akong balak... anong bang gagawin ko sa ganun kalaking pera? Paano- paano ba?"

Natawa si Ramil. "'Wag kang mag-alala, gaya nga ng sabi ko. Narito ako para umalalay sayo. Hindi naman kailangan na bukas harapin mo agad ang lahat, pero dapat lang na sa darating na mga araw, alam mo ang pasikot-sikot sa magulong laban ng negosyo."
-----

"Ang pogi naman nung abogado ni Papa Jonas. Actually abogado mo na ngayon." maharot na sabi ni Tamie nang hinahatid nila ng tanaw ang sasakyan nitong papaalis.

"San ka ba galing kanina, akala ko ikaw ang kumakatok."

"Ay, tulog ako ng mga panahong iyon." sabay tawa. "Mayaman ka na Papa Jesse. Grabedad na ito, ang kapit-bahay ko bigtime."

"Biglang bigtime. Hay naku. Wala akong balak, mas gusto ko ang simple. Gusto ko nang umuwi sa amin sa Batangas at makapag bagong buhay. Tama na sa akin ang sapat lang. Saka ano naman ang alam ko sa pagpapatakbo ng isang bangko?"

"Grabe ka naman Papa Jesse. Bigay sayo ang mga yan ni Papa Jonas, at deserve mo yan. Hindi yan ipagkakatiwala I mean, ibibigay sayo kung hindi mo kaya. Saka hindi naman agad-agad magpapatakbo ka ng isang kompanya. Kahit hindi ka magtrabaho no, kikita ka. Mantakin mo, 18 percent of stock ng isang bangko nasa pangalan mo? Gusto kong himatayin. Kahit hindi ka na magtrabaho. Tama, balikan mo ang mga magulang mo at isama mo rito para makalasap naman sila ng ginhawa."

"Haysss..." natahimik si Jesse.

"Oh, ano na naman ang pinaglalayag ng iyon isip ha, Papa Jesse. Naku, naku.... pinasasakit mo lang lagi ang ulo eh kung tutuusin dapat nagpapahinga ka lang sa iyong kwarto at nagpapakasaya."

"Naisip ko lang yung kuya ni Jonas. Paano kapag nalaman na niya na ako ang nagmana ng lahat? Galit na galit sa akin yun.

"Nandyan si Sir Arl. Hello, marami kang kakampi. Lalo pa at marami ka ng pera, kahit sino pwede mong upahan."

"Tamie!" saway ni Jesse. "Hindi ako ganyan mag-isip."

Natawa si Tamie. "Sorry naman po."
-----

Lumipas pa ang mga araw, hindi namamalayan ni Jesse na paunti-unti bumabalik na ang kanyang kasiyahan sa tulong ni Tamie. Kahit patuloy siyang nangungulila sa pagkawala ni Jonas nakakahanap na siya ng mga bagay na maaring makatulong sa kanya upang pansamantalang mapawi ang mga lungkot na kanyang nararamdaman.

Meron siyang planong nagawa, ang umuwi sa kanyang mga magulang.

"Ano ka ba naman Papa Jesse. Talaga bang hindi ka na mapipigilan?" pangungulit ni Tamie.

"Mga isang buwan pa naman ako dito, pero oo hindi na magbabago ang isip ko."

"Eh, paano 'tong bahay? Yung mga iniwan sayo ni Jonas, ano, ganun ganun na lang ba yun?"

"Teka, parang nung nakaraang araw ganyan ganyan din ang mga tanong mo. Uulit ba tayo?" medyo na iinis na si Jesse.

"Hmm... bahala ka na nga sa desisyon mo Jesse. Basta kung saan ka masaya supurtahan pa rin kita."

"Ok. Salamat." saka bumuntong hininga si Jesse. "Hindi ko naman kasi kailangan ang pera, pangalawa alam kong galit na galit sa akin ang kuya ni Jonas. Ano mang oras, babalik yun dito at babawiin niya ang alam niyang sa kanya. Kaya ngayon pa lang sinisigurado ko nang wala akong kukunin. Hindi ako nang aangkin ng hindi sa akin."

"Anong hindi sayo? Eh nasa pangalan mo na nga?"

"Ayoko ng makipagtalo. Tama na sa akin ang alaala ni Jonas. Doon ako masaya hindi sa kung ano pa man."

Napansin ni Tamie na nangingilid na naman ang mga luha sa mga mata ni Jesse. Kaya minabuti niyang aluin ito. "Iba ka talaga Papa Jesse."

"Ikaw, wala ka na naman bang gagawin?"

"Oo."

"Araw-araw na yan ah?"

Natawa si Tamie. "Alam mo naman suportado ako ng kapatid sa abroad. Kaya kahit hindi na ako magtrabaho ayos lang ako."

"Hmmm... lagi ka na lang kasi nandito."

"Jesse, pinagtatabuyan mo ba ako?" kunyaring nagtatampong si Tamie.

Natawa si Jesse. "Hindi naman, pero pwede bang bukas, hwag ka munang pumunta. Gusto ko muna mapag-isa. Saka may balak akong puntahan."

"E di sama ako."

"Hindi na. Personal."

"Personal? Hmm baka naman bigla ka na lang umalis ng walang balikan? Baka naman bukas ang plano mong pag uwi sa Batangas doon sa magulang mo?"

"Ha?" natawa uli si Jesse. "Hindi. Gusto ko lang talaga mag-isa."

"Sure?"

"Oo naman."

"Ok."
-----

"Marco, ginabi ka yata ngayon?" tanong ni Jessica nang mapagbuksan ito ng pinto.

"Eh, pinag-overtime ako ni boss. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, hinihintay kita eh."

"Sana kumain ka na, baka mapasama kay beybi yang pagpapalipas mo ng gutom." saka hinimas ni Marco ang tyan ni Jessica.

"Anong pagpapalipas? Parang ngayon lang ako hindi kumain ng maaga. Tara na, kain na tayo, tamang-tama lang yung pagkakainit ko ng pagkain."

"Sige-sige."
-----

"May dinaanan ka pa ba? Justin, babae ako. Hindi mo dapat ako pinaghihintay ng 3ng oras sa ganitong oras ng gabi."

"I'm sorry Sheena, oo may dinaanan ako pero please ayoko munang makipag-talo."

"Ganyan naman lagi. Sino ba kasi yang pinagkakaabalahan mo? Babae ba yan? Hindi na ako naniniwalang business pa rin yang inaatupag mo. Hello, Justin almost 1 oclock na ng madaling araw alalahanin mo."

"Wala akong ibang babae."

"Eh sino nga.?"

Napa-tiim bagang si Justin sa kakulitan ng kanyang girlfriend. "Kung ayaw mong maniwala, huwag. Ayokong makipag-talo. Ihahatid na kita."

Umuusok ang bumbunan ni Sheena pero pinigil na lang niya ang sarili.
-----








5 comments:

Anonymous said...

cool... simula na ng kwentong puno ng puso..


marc

Unknown said...

Sana tuloy pa hehe simula na ulit yes

Anonymous said...

ang ganda po ng story na to .. sana matapos na po ito agad. hehehehe ^_^v

RJ said...

ang tagal ko tong hinintay!

tandang tanda ko pa rin yung storya kaya simula pa lang nung chapter medyo malungkot na agad :(

haha pero masaya ko nagsimula na to :)

maraming salamat!

App Developers Gurgaon said...

What you're saying is completely true. I know that everybody must say the same thing, but I just think that you put it in a way that everyone can understand. I'm sure you'll reach so many people with what you've got to say.