Followers

CHAT BOX

Friday, December 23, 2011

Hiling Chapter 16: The Knights Wish Granted


Guys heto na po ang Chapter 16 ng Hiling...

nilubos lubos ko na po para wala nang masabi na nabitin or naiklian sa chapter na ito...

naging super busy lang po talaga ako these past few months kaya hindi na ako masyado nakakapag update kaya sana maintindihan po ninyo...

pero magkaganun paman gusto ko magpasalaman sa mga readers na walang sawang nag bibigay ng comments, suggestions and violent reaction (constructive criticism).

sa lahat isa lang gusto kong bangitin ang pangalan and that is coffee prince for his undying support for all the BOL stories, all the other former active commentators na naging silent ulit again thanks parin po...

oh and by the way to the loyal HATER TOTIX thanks but no thanks...

-3rd-


Blog: http://bloodillusion.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada

here the Story

________________________________________________________________________________

Hiling Chapter 16: The Knights Wish Granted

-oO0Oo-

Felix Lim

Hindi ko na alam pa ang gagawin sa mga oras na iyon. Naiwan akong tulala at hindi makapag isip ng mabuti. Gulong uglo ang isip ko kung bakit lahat ata ng tao sa paligid ko ay ganun. Wala naman kasing makikitang kahit anung special trait sa akin.

Tulala parin ako dahil sa pagiisip ko at saka ko na lang naramdaman ang pag lapit sa akin ni sarrah na siyang nagpabalik ng aking ulirat. “Felix... ngayon siguro alam mo na....” ang mahinahon niyang sabi

Hindi na ako naka imik pa bagkus ay inilapit ko na lang ang aking mukha sa kanyang balikat tapos doon ko ibinuhos ang lahat ng aking nararamdaman. Hindi ako nag dalawang isip na umiyak sa kanya dahil sa pakiramdam ko para akong isang laruang pwede nilang pag laruan at saktan kahit anung oras.

Hindi ko na nakuha pang magsalita pa bagkus ay umiyak na lang ako ng parang walang bukas. Naramdaman ko na lang ang kanyang kamay na humahagod sa aking ulo na parang pinapagaan niya ang aking loob at sinasabing ok lang ang lahat dahil sa di niya ako iiwan.

Patuloy parin ako sa pag iyak di ko parin kasi ma absorb ng mabuti ang mga nagnyayari sa akin. Maging ako ay naguguluhan narin dahil sa mga nangyayari, una si Dre, sumundo si KM tapos nang umalis ako ng Pilipinas napag desisyunan kong piliin si Dre dahil na rin siguro sa mas magaan ang loob ko sa kanya, pero makalipas ang 2 buwan ay pinili ko na ring isara ang puso ko dahil sa nasaktan din ako sa aking paglisan at pag iwan sa kanya.

Akala ko magiging ok na talaga ang lahat, unti-unti na akong nakakabangon mula sa pagkakalunod ko sa sariling luha at pighati pero, heto nanaman. Ngayon kung kelan akala ko makakya ko na talagang isara ang sarili ko sa lahat, at sa dami pa ng tao siya pa, bakit pa ba siya. Ayaw ko nang magmahal muli dahil alam ko masasaktan at masasaktan lang ako, hindi naman ako mapiling tao eh pero kasi sa tuwing nakikita ko silang magkapatid ay lagi ko lang naalala si Dre, kaya nga mas ginusto kong manatili lang kaming magkakaibigan, ayaw ko na kasing malala pang muli ang sakit at pighati ng nakaraan.

Patuloy lang talaga ako sa pag iyak hanggang sa nakatulog ako sa bisig ni Sarrah.

Sarrah Mendoza

Di ko na alam ang gagawin ko dahil sa kahit sa labag sa kalooban ko at ayaw kong makitang umiiyak si Felix ay titiisin ko, mahal ko din naman kasi siya pero kung si Lance ang aking magiging karibal ay handa akong magparaya. Mas mahal ko ang kapatid ko dahil sa siya lang ang lagi kong katuwang sa lahat ng bagay kaya handa akong ibigay ang lahat para lang maging maligaya siya.

Lingid sa kaalaman ni Lance ay kilala ko kung sino ang iniwang mahal ni Felix sa Pilipinas. Alam ko na si Insan yun, si DJ dahil sa kahit na di niya alam na nandito lang sa amin si Felix ay agad siyang tumawag sa akin at saka niya sinabi sa akin ang lahat ng tunkol sa kanya. Sa una nabigla ako di ko kasi akalaing magmamahal siya ng kapwa niya lalaki katulad ni Lance. Pero tinanggap ko na lang ito dahil kahit pag bali-baliktarin man ang mundo ay pinsan ko parin siy at kapatid ko rin si Lance kaya wala na akong magagawa kundi ang tanggapin kung sino at kung ano sila.

Nang nalaman ko ang tunkol doon ay agad kong binuksan ang facebook account na sinabi sa akin ni DJ sa telepono at doon sa unang tingin pa lang ay kahit papanu maging ako ay nabighani na rin sa kanya.

Sino ba naman kasi ang hindi mabibighani sa metal grey niyang mata na kahit sa simpleng tingin lang ay mistulang laging nakikiusap.

Pero sa lahat ng pangyayari sa buhay ko ay hindi ko inaasahang ay siya din pala ang sinasabing Transfer Student ni Lance noon sa akin na crush niya at gusto niya. Kung pinaglalaruan ka nga naman kasi ng tadhana sa dami ng mag aagawan kami pang 3. Pero sa loob ko handa akong magparaya para sa ikaliligaya ng 2 lalaki na pinaakamahalaga sa buhay ko.

Agad kong nilapitan si Felix sa mga oras na iyon at ipinaramdam ko sa kanya na hinding hindi ko siya iiwan at sasaktan, pinilit kong icomfort siya hanggang sa makatulog sa aking mga kandungan.

Dahan dahan kong ibinaba ang ulo niya sa sahig at saka nilagyan ng unan para kahit papanu ay hindi niya maramdaman ang pag alis ko. Dahan dahan kong tinawag si Lance alam ko kahti lasing siya kaya parin niya ang sarili niya.

“psst lance... bumangon ka nga diyan...” ang sabi ko sa kanya.
“anu ba... mamaya na... umiikot pa talaga ang paningin ko.. mamaya na please...” ang sagot niya sa akin

“hoy bumangon ka diyan at buhatin mo si Felix andun siya nakatulog na sa may sala.. dali na buhatin mo na.. at ihatid mo dito sa kwarto...” ang agadran kong utos sa kanya

Agad din naman siyang bumangon kahit na mejo sumusuroy-suroy siya sa pag lalakad ay bumangon parin siya at pinuntahan si Felix, inalalayan ko na lang siya para hindi sila matumba.

Inilapag na lang niya si Felix sa aming kama para tabi-tabi kaming tatlo sa pag tulog sa gabing iyon. Bago ako matulog ay binihisan ko muna si Felix ng damit pang tulog, kinuha ko ang isang sando at boxers ni Lance na hindi na niya ginagamit at saka ko ito isinuot kay Felix para kahit papanu maging kumportable siya sa kanyang pag tulog. Nilagyan ko na lang ng unan sa gitna ng dalawa at kami talaga ni Felix ang magkatabi.

Lance Mendoza

Groggy at masakit sa ulo ang una kong naramdaman pag gising ko kinaumagahan, pinilit kong alalahanin ang lahat ng nangyari kagabi. Nasa malalim akong pagiisip dahil sa sumasakit parin ang ulo ko. Dahan dahan akong tumayo at saka naghubad ng aking damit at itinira lang ang underwear ko, saka bumalik sa pagkakahiga.

Naidlip akong muli pero agad na nagising dahil sa pag dantay sa akin ni Sarrah. Pero ang pinagtakahan ko ay hinding hindi talaga nandadantay si Sarrah pag tulog, naguguluhan ako gusto kong alamin kung sino ang katabi ko baka kasi sa sobrang kalasingan ko ay nagdala ako ng kung sino dito, tiyak papatayin ako ni Sarrah mamaya.

Nakatalukbong ito ng kumot kaya dahan dahan kong inalis ang kumot at sa pagkakakita ko ay doon sa akin bumungad ang maamong mukha ni Felix, naka sando na rin lang ito at naka boxers.

Agad akong napatayo dahil sa nakita ko, anung ginagawa niya dito at bakit kami magkatabi sa kama?

Dahil sa aking ginawa ay di ko rin sinasadyang magigising siya at pagkakita niya sa hitsura kong walang damit at tanging boxers lang ay saka din siya tumayo at saka napabulyaw sa akin

“ Anung ginagawa ko dito? Angung ginawa mo sa akin? Asan ang mga damit ko?”

Di ko alam wala talaga akong maalala, dali dali akong nagbihis at saka lumabas ng kwarto at hinanap si Sarrah.

Felix Lim

Nagising ako dahil sa biglaang may gumalaw sa aking hinihigaan. Pag mulat ng mata ko ay nakita ko si Lance na walang ibang suot na damit kundi ang boxers lang, maging ako ay ibang damit na ang naka suot sa akin. Naka sando na lang ako at boxers, di ko nga alam kung kanino ang suot ko wala naman kasi akong ganitong sando at lalong hindi ako nagsusuot ng boxers.

Gulong gulo ang isip ko di ko mawari sa isip ko, baka may nangyari sa amin ni Lance, pero ang pinagtatakahan ko bakit ako nasa loob na ng kwarto. Ang huli ko kasing natatandaan ay umiiyak ako sa bisig ni sarrah tapos nun ay di ko na alam ang kung anu na ang sumunod.

Dali dali akong bumangon at pag tingin ko ay nasa sahig na ang aking mga damit na suot kagabi. Dali dali akong nag suot at saka walang pagdadalawang isip na lumbas ng kwarto at agad na tinumbok ang pintuan palabas ng bahay nila.

Pag labas ko ay doon bumungad sa akin si Sarrah na nag luluto ng barbeque, lalabas na sana ako at magpapaalam pero bago ko pa iyon masabi ay agad siyang nagsalita.

“Oh gising ka na pala... maya ka na umalis, dito ka na kumain, please... and by the way sorry kung hindi kita sinabihan or ginising man lang kagabi para makapag palit ng damit, kaya ako na lang ang nagpalit ng damit mo para maging comfortable ka naman sa pag tulog mo.”

Lahat ng bagay na tumatakbo sa isip ko ay biglang nawala, para akong namula sa narinig ko. Kung anu anu na ang sinabi ko kanina kay Lance yun pala si Sarrah ang siyang nag bihis sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang sumagot ng OO, dahil na rin iyon sa hiya ko kay Lance at para na rin kay Sarrah.

Ang naging kalabasan ay doon nanaman ako nag lagi sa kanila hanggang sa sumapit ang gabi, niyayaya pa nga ako ni Sarrah na doon ulit magpalipas ng gabi total halos 3 days din naman kami off sa klase, pero ako na nag umayaw sa kanilang alok nila mejo naiilang kasi ako sa sitwasyon ko ngayon kay Lance kaya hanggat maari ay iiwasan ko muna siya para makapag isip-isip din naman ako kahit papanu.

Akmang aalis na ako ng tinawag ako ni Lance. “Lix....” nanlaki ang mga mata ko at para akong biglang nabigi sa narinig kong pagkakatawag niya sa akin, bakit ba sa dami ng pwede niyang itawag sa akin yun pa.

“hmmm...” ang mahinahon kong tungon sa kanya pagkalingon ko

“hintay hatid na kita sa inyo” ang alok niya sa akin

“naku huwag na.. kaya ko namang makauwi sa amin ng mag isa” ang pag tanggi ko sa alok niya

“sige na please... kami na mag hahatid sayo, baka kasi pagalitan ka ng dad mo dahil di ka naka uwi kagabi” ang agad na sabat ni sarrah

Di ko alam kung bakit di ko magawang tumanggi pag si sarrah na ang nakikiusap sa akin kaya ang kinalabasan ay napa OO nanaman ako.

agad na lumiwanag ang mukha ni Lance ng napapayag ako ni sarrah na sila ang mag hatid sa akin pauwi, tutal napa isip din naman ako, baka nga magalit sa akin si papa dahil di ako naka uwi samantalang ang paalam ko ay agad akong uuwi pagkatapos ng gagawin namin.

Sa loob ng kotse ay si Lance ang driver, si Sarrah ang katabi niya at ako naman ay nasa back seat, mejo malalim ang iniisip ko pero kahit papanu ay napapansin ko parin na panay ang pag sulyap sa akin ni Lance sa rear view mirror tapos ang laki ng kanyang ngiti, yung tipong kahit gabing gabi na ay ang liwanag parin ng kanyang aura.

Di ko talaga alam pero binalewala ko na lang iyon, hanggang ngayon kasi di pa mawala sa isip ko ang kanyang ginawa kagabi sa akin, ang kanyang pag halik, yung halik na kay DJ at KM ko lang natikman ngayon pati na rin sa kanya. Agad akong napahawak sa dibdib ko at kinapa ang singsing na ginawagng kwintas ni KM, habang hawak ko ang singsing na ito kahit papanu ay may nagsasabi parin sa likod ng isip ko na mahal ko rin siya pero alam ko sa mga oras na ito ay may nahanap na siyang taong mamahalin niya ng higit pa sa akin.

Pagkatapos noon ay si Dre nanaman ang pumasok sa isip ko, naalala ko parin siya, mahal ko parin siya hanggang ngayon, pero alam ko para sa ikabubuti niya ang aking ginawa.

Nasa ganoon akong pag iisip ng biglang piantugtog ni Sarrah ang stereo ng kotse at tumugtog ang isang kantang akmang akma sa sitwasyon naming ngayon ni Dre


Hiling - Silent Sanctuary Mp3
Musicaddict.com


Minsan di ko maiwasang isipin ka... 
Lalo na sa t'wing nag iisa... 
Ano na kayang balita sayo... 
Naiisip mo rin kaya ako... 
Simula nang ikaw ay mawala... 
Wala nang dahilan para lumuha... 
Damdamin pilit ko nang tinatago... 
Hinahanap ka parin ng aking puso... 
Parang kulang nga kapag ika'y wala... 
(Chorus)
At hihiling sa mga bituin... 
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin... 
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin... 
Patungo... 
Ala ala mong tinangay na ng hangin... 
Sa langit ko na lamang ba yayakapin... 
Nasan ka na kaya, aasa ba sa wala... 
(Chorus)
At hihiling sa mga bituin... 
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin... 
Hihiling kahit dumilim... 
Ang aking daan na tatahakin... 
Patungo sa iyo, patungo sa iyo... 
Bridge:
Ipipikit ko ang aking mata dahil... 
Nais ka lamang mahagkan... 
Nais ka lamang masilalayan... 
Kahit alam kong tapos na
Kahit alam kong wala ka na... 
(Chorus)
At Hihiling sa mga bituin
Na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim
Ang aking daan na tatahakin
Patungo sa iyo, patungo sa iyo
Para akong pinupukol ng kanta paulit-ulit sa ulo ang mga linya ng kanta, lahat ng iyon ay agad na tumatak sa aking utak, at paulit ulit na tumutogtog sa ulo ko.

Natahimik ako pagkatpos ng kanta kasi tama ang kanta hindi ko talaga maiwasang maisip si Dre lalo na lagi ko siyang nakikita sa katauhan ng kambal.

Pagkatapos ng kantang iyon ay ibang kanta naman ang tumugtog pero di ko ito marinig, dahil sa paulit-uli, paulit-ulit parin ang kanta kanina sa loob ko at parang iyon na lang ang kantang kaya kong pakinggan.

Bumalik lang ang aking ulirat ng tinapik ni Sarrah ang aking balikat at sinabing nasa labas na kami ng aming tinutuluyang apartment.

Pag baba ko ng sasakyan ay dirediretcho ako sa pinto at sa pag bukas nito ay agad na bumungad sa akin si papa, sa pagkakasalubong pa lang niya sa akin sa oras na iyon ay alam ko galit siya sa akin, dahil di ko natupad ang parte ko na umuwi kagabi, tapos ngayon gabi pa ako ulit umuwi.

“san ka galing? At bakit ngayon ka lang umuwi, ni di ka man lang nag pa abiso sa amin alam mo bang halos mabaliw na ako at si tito Aelvin mo sa kakahanap sayo kagabi!” ang agaran niyang bulyaw sa akin

“ahm excuse us...” ang agad na singit ni Sarrah sa likod ko

“what do you want?!” ang mataas na tono ni papa, alam ko galit talaga siya dahil tama nga naman di ako nakapag paalam na doon ako matutulog kina sarrah

“we are here to tell you it is our fault Felix wasn’t able to come home last night, we persuaded him to stay, so please... I will say sorry for him.. please...” ang pagmamaka awa ni Sarrah na parang isang ate na nanghihingi ng sorry dahil sa nagawang kasalanan ng kanyang kapatid.

“ok then.. but next time please do inform me ahead of time. My husband and I had almost gone nuts just to find my only son, he is my world so please I almost lost him twice and I don’t want to experience it again. Oh my apologies by the way I’m Anton Lim and this is my Husband Aelvin Cruz-Lim and you are?” ang mahabang paliwanag ni papa

Nakita ko ang pakabigla ng konti ni sarrah di ko pa nga pala nasabi sa kanila na kasal sa kapwa lalaki si papa. Agad kasing nagpakasal si papa at si tito Aelvin isang buwan matapos kaming makalipat dito.

“nice to me meet you sir... im Sarrah Michelle Mendoza and he is Lanchester Micheal Mendoza my twin brother” ang agarang sagot niya

“nice to meet you...”

“papa.. tama na pong English.. pinoy din po sila” ang bulong ko kay papa

“huh? Pinoy kayo?” ang mejo nabiglang tanong ni papa

“hehehehe opo.. we are half pinoy po... and we can speak in pure tagalong so di niyo na po kami kailangang kausapin in English.” Ang sagot ni sarrah

“Ok then... sige hija... kung gayun pala mas maigi  para din a ako mahirapan sa pakikipag usap sa inyo, so ikaw si Sarrah, pwede ko bang malaman ang relasyon mo sa anak ko??” ang agarang tanong ni papa kay sarrah

“ako po..hahaha, im just his best friend, mas maigi pong tanungin ninyo si Lance..” ang pilyong sagot ni Sarrah kay papa

Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Sarrah dahil di ko inaasahan na ganun ang magiging sagot niya. Agad naman bumaling ang tingin ni papa maging si tito Aelvin ay naki usyoso narin dahil sa narinig niya ang sagot ni sarrah

“....ahm.... anu po.... eh......” ang nauutal na sagot ni Lance

“anu? May relasyon ka ba sa anak ko? Don’t worry base naman sa nakikita mo ok lang sa akin kung anu ang maging karelasyon ni Felix as long as masaya ang anak ko, ok lang yun” ang tugon ni papa kay Lance

“kasi po.. sir... ahm... pwede.. po... bang... sa loob na lang natin pagusapan?” ang direktang tugon niya kay papa

Napatawa ako dahil parang hindi naman talaga ganun ang gusto niyang sabihin pero para kasing sa sobrang kaba ya iyon na lang ang kanyang nasabi. Walang pag aalinlangang pinapasok kami ni papa.

Pag pasok na pag pasok ay agad kong hinila si Sarrah sa may kusina para kumuha ng maiinom at para narin matanong siya kung anu ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya kay papa.

“hey.. what are you talking about, huh.. anu ibig mong sabihin kanina kay papa na tanungin si Lance kung anu ang relasyon niya sa akin?” ang agad kong tanong sa kanya..

“well, can’t you remember what had happened last night?” ang balik niyang tanong sa akin

Natameme na lang ako alam ko ang pinagsasabi niya pero naguguluhan parin ako kung anu ang gusting ipahiwatig ni Sarrah.

“oh come on... parang hindi naman tayo niyan mag best friend like what you said to papa, kaya sige sabihin mo na, anu nga yun...” ang pag pilit ko sa kanya

“ok...” tapos sabay ngiti ng napakalaki “like what I said, Lance likes you, and ang ibig kong sabihin sa dad mo is that tanunging niya si Lance kung anu ang gusto nitong sabihin, kasi kanina po ng pag gising niya ikaw ang nakita niyang katabi sa kama, kaya agad niya akong hinanap at tinanong ako kung may kinalaman ako sa pagtatabi ninyo. Tapos nun ay agad siyang nanghingi sa akin ng favor” ang mahaba niyang sagot sakin

“anu ang yun?”

“kasi po... gusto niyang magpatulong sa akin, na alam mo na...”

“anu nga.. di ko alam...” ang pag insist ko

“na.. ligawan ka...”

Natahimik ako muli sa kanyang sinabi, kinakabahan ako di ko alam kung may sasabihin si Lance kay papa, di ko alam kung anu ang magiging reaction ko kung ganun. Nasa masinsinan din kaming pag uusap ng makarinig ako ng isang malutong na halak-hak galing kina papa at tito Aelvin

Anton Lim

Sa pag pasok ni Lance ay agad ko siyang pinaupo at doon kami nag usap, sa loob parang alam ko na kung anu ang gustong sabihin nitong si Lance pero gusto ko kasi siya mismo ang magsabi sa akin para hindi ako mag karoon ng maling hinala.

“ahm... sir...gusto ko.... lang... po.... sanang..... mag.... ask.. ng permission.... to....” ang mejo nauutal paring tugons a akin ni Lance

“permission to what?” ang muli kong tanong sa kanya

“permission to.... court....Fe....Lix....” mejo utal parin ang kanyang pakakasabi

Di ko alam kung anu ang pumasok sa akin pero sa di tulad ng inaasahn ko ay natawa ako sa kanyang sinabi, di naman kasi sa tutol ako na ligawan niya ang anak ko, pero to think na sa akin talaga siya unang nag paalam at hindi kay Felix.

Napansin kong parang nalungkot si lance siguro ay hini iyon ang inaasahan niyang magiging reaction ko kaya agad siyang nilapitan ni Beh para sabihin ang sagot ko na alam ko rin ikatutuwa niya.

“Lance, don’t be sad... it’s really ok with us kung liligawan mo si Felix. Like what you can see mag asawa na nga kami, at pareho kaming lalaki so what would make you think na hindi kami payag na ligawan mo si Felix?” ang sabi sa kanya ni Aelvin

“......kasi...po...the...way...na...tumawa kayo....” ang malungkot niyang tugon

“hay naku, itong batang ito... alam mo, natawa kami hindi dahil sa sinabi mo, kundi dahil sa pagkakasabi mo. Para ka kasing kinakabahang tupa, to think na ang kaharap mo ngayon ay mag asawang pareho lalaki. Kaya to put your mind at ease, sige pumapayag ako na luigawan mo siya, basta huwag na huwag mong lolokohin o sasaktan ang anak ko ha, dahil pag nagnyari iyon, ako mismo ang makakaharap mo.” Ang mariing tugon sa ko sa kanya. Mabuti na rin naman kasi na magkalinawan para walang maging sisihan pag dating ng panahon

Lance Mendoza

Parang tatalon ang puso ko sa tuwa dahil sa pag sang ayon ng papa ni Felix na ligawan ko ang anak niya.

Napansin ko rin naman ang pag dating ni Sarrah kasama si Felix na may dalang juice. Hindi ko na pinapansin pa kay Felix pero binigyan ko na lang ng isang malaking ngiti ang dalawa pag harap nila sa akin.

Alam ko sa loob na alam ni Sarrah kung anu ang ibig sabih nun, ngayon ay kailangan ko na lang sabihin ito ay Felix, to get this over with.

Di rin naman nagtagal pa ang pakikiusap sa amin ng mga magulang ni Felix at binigyan na rin kami nito ng oras para makapag sarili, si Sarrah naman ay binigyan ko ng senyas n asana ay bigayn kami ni Felix ng oras na makapag usap ng masinsinan para masabi ko ang lahat.

“oh, Felix, where’s the bathroom? I need to use it..” ang agarang tugon ni Sarrah

“halika samahan kita” ang sagot ni Felix

“no..no.. just tell, me siguro hindi naman maze ang bahay ninyo kaya no need to come with me” ang palusot ni Sarrah, alam ko at halata ko nang gumagawa na ng paraan itong si Sarrah para makapag solo kami ni Felix

“ok, it’s just beside the kitchen counter” ang sabi ni Felix kay Sarrah

“thanks..” ang maikli niyang sagot tapos walang pasabing umalis

Ito na ang oras na hinihntay ko

“ahm.. Lix... can i tell yu something...” ang agad kong sabi sa kanya pagka-alis ni Sarrah

“anu yun?” ang pag balik niya ng tanong

Pasimple ko siyang inakbayan at saka tumabi sa kanya, tapos ay saka ako nag salita “Lix.... ahm.... pwede....bang..... manligaw??” ang mejo kinakabahan kong sabi sa kanya di ko kasi alam kung anu ang magiging sagot niya

Felix Lim

Para akong biglang nabingi sa kanyang sinabi, alam kong sasabihin niya ito pero di ko inaasahan na ganito kabilis. Siguro ay lumakas lang ang loob niya dahil sa binigyan na siya ng basbas ni papa na ligawan ako.

Natahimik lang ako sa pagkakataong iyon, at di ko pa alam ang isasagot sa kanya.

“Hey.. Lix... are you ok?” ang muli niyang tanong

Natulala kasi ako nag iisip kung papaya ako sa gusto niya. Hanggang ngayon kasi talaga natatkot parin akong magmahal muli

“im..ok...im ok...” ang matipid kong sagot

“so... can I have an answer?” ang muli niyang tanong

“sure...sige...” ang matipid ko paring sagot sa kanya

Ang ibig kong sabihin noon ay pwede ko na siyang bigyan ng sagot kung papayag akong ligawan niya ako pero nang marinig niya ang sagot kong iyon ay agad na lang siyang tumayo at nagtatalon sa tuwa saka ako hinagkan tapos ay ginawaran ng isang halik sa pisngi.

_

Lumipas ang oras at iyon nga ay patuloy siya sa panliligaw sa akin, umabot na ito sa doon na lagi siya sa bahay o kaya naman ay lagi niya akong sinasamahan kung saan ako mag punta.

Minsan naman ako doon ako sa kanila natutulog, pero di na tulad ng dati gamit na naming ni Lance lagi ang guest room ng kanilang bahay.

Sumapit ang 6 na buwan ng kanyang panliligaw at doon ay di ko na maikailang mahal ko na rin siya.

Isang malaking surpresa ang gusto kong ihandog sa kanya, sa takdang araw na napag desisyunan kong sagutin siya.

_

Makalipas ng 1 linggo ay dumating na ang pinakahihintay na araw, alam niyang ito ang aking kaarawan at ito rin ang napili kong araw na sasagutin ko na siya.

Lance Mendoza

Halos 9 na buwan na akong nanliligaw kay Felix. Alam ko at sigurado ako na siya ang mamahalin ko at ang taong gusto kong makasama habang buhay.

1 linggo na lang at kaarawan na niya at gusto ko bigyan siya ng isang malaking surpresa para kanya.

Maging si Sarrah ay hindi alam ang pinaplano ko para sa kaarawan ni Felix. Gusto ko kasing masurpresa ang lahat.

Pag dating ng araw ng kanyang kaarawan ay hindi na kami pareho ni Sarrah mapakali. Di pa kasi kami nakakapag handa ng husto. Makalipas ng 1 oras ay handa ang lahat at meron pa kaming konting oras na natitira para makapunta kami sa venue.

I really insisted on the venue, gusto ko kasing maging special ang maging kanyang 21st birthday afterall you’ll only get 21 once in a lifetime, everything has to be perfect.

_

Pag dating namin ay handa ang lahat at ang tanging kulang na lang ay ang birthday celebrant.

20 minuto ang makalipas at dumating na siya kaya nag simula na ang program na aming hinanda.

Felix Lim

Si Lance ang nag ayos ng lahat, di ko talaga ang alam kung anu ang pinaplano niya basta alam ko may gagawin siyang ikakabigla ko pero mas ikakasorpresa niya ang aking regalo para sa kanya.

Pag dating ko sa venue ay agad akong hinila ni Sarrah papunta sa isang kwarto at saka nilagyan ng Piring at earpiece, ayaw talaga nilang marinig kung anu ang kanilang pinaplano.

Naramdaman ko na lang na gumalaw ang upuang aking inuupuan at sa pag tanggal ng aking piring ay nasa gitna na ako ng stage at halos lahat ng mga tao na naging malapit sa akin sa aming paaralan ay nandoon.

Tinapik ako ni papa sa likod at sa aking pag lingon ay isang video call galing sa pilipinas ang kanilang ginawa.

Hindi ko talaga inaasahan na muli kaming magkikita kahit na sa video call lang. Naging mas gwapo si KM pati ang pinsan niyang si EJ ay ganun din, si JJ naman ay talagang napakaganda. Ang laki ng kanilang pinagbago, lahat sila ay nagbigay ng kanilang mensahe para sa akin, talagang napaiyak ako. Hindi ko aakalaing mahahanap nila ang mga kaibigan ko sa Pilipinas pero nagtataka ako kung bakit wala si Dre.

Mejo tinarak ang puso ko dahil sa hindi ko siya nakita, pero kahit papanu ay masaya narin. Andjan nanaman si Lance, at ang lahat ng puwang na iniwan ni Dre ay kanyang pinunuan.

Pag dating ng part ng program na kung saan ay binigyan nila ako ng kalayaang gawin ang lahat.

Kaya nilubos ko ito, at wala akong sinayang sa puntong iyon. Isa-isa kong binati ang lahat ng tao na naging parte ng buhay ko “first of all i would like to thank papa and tito aelvin, without you I would never be here today I might have been dead. I never imagined that one of my greatest wish would come true, and that is to meet my parents. even just a half of it, but never the less I’m still thankfull I’ve met you. Then comes my friends in the Philippines, Elixir John, Jestine Joan, Kelly Martin, Tyrone, and Dre, you guys were my inspiration to live, and continue my life. KM i do still love you no matter what happens, remember I owe you my life, if you would have never found me that day I would have never met papa. Dre I know it’s painful but I have to let you go, I love you no more words can match my feelings for you, but for our own good I have to let go and continue with our lives separately. I know you are still angry because of what happened but let me tell you this, the day that I said that i don’t feel right about us, I’m sorry but I lied. Up until now you are still here (turo sa puso) and no one can replace you. To my new found friends, thank you for being here with me today on this special occation. Being here with me today and celebrating this even with you means everything to me, and I will ttreasure this memory for the rest o my life. To the twins Sarrah and Lanchester, you have been with me for the past months, the way I imagined my transision from Philippines to California was horrible, I was dead the day i left Dre, but you gave me a new ray of life to start all over again and being with you means alot to me. Before I finish this none sense talk of mine I want to say something to every one.”

“Beb...(ang tawag ko kay Lance simula ng nanligaw siya) can you come up here please, I have something to tell you.”

Pag lapit niya sa akin ay agad ko siyang niyakap at saka walang ka kiyemeng hinalikan sa labi sa harap ng lahat.

“Beb, I know you are have been patiently waiting for the past 6 months, so today, I would like to inform everyone here, they will be the witness that today will the the official day that you are mine and I am your’s... I love you Beb”

Sarrah Mendoza

Hindi ko magawang maluungkot ng dumating ang araw na sinagot ni Felix si Lance. In fact masaya ako para kanila, “I love you felix” ang bulong ko sa sarili ko. Ito siguro ang sinasabi nilang totoong kasiyahan dahil sa nagmahal ako ng hindi naghihintay ng kahit na anung kapalit. Minahal ko si Felix na hindi umaasang mahalin din niya ako.

Natapos ang event na iyon at lahat kami ay naging masaya, sina tito Anton at tito Aelvin ay parehong masaya para kay Felix at Lance.

Lance Mendoza

Napakasaya ng araw na iyon, ang buong plano ko ay ang sopresahin si Felix sa pamamagitan ng video call ng mga taong naging malapit sa kanya sa Pilipinas, pero nabigo ako na macontact ang isang tao, iyon ay si Dre, di ko kasi alam kung sino ang dre na tinutukoy niya kaya hindi ko ito mahanap.

Magkaganun pa man ay alam ko naging masaya siya. Pero ang pinakamalaking twist na nangyari ngayon ay ang tunkol sa amin. I never thought na sasagutin niya ako sa harap ng lahat.

Hearing those words from him made my world go from ok.. to OK!!. Walang mapag lagyan ang saya ko ng sinagot niya ako.

Natapos ang lahat sa loob ng 6 na buwan ng paghihintay ay sa wakas na kuha ko na rin ang kanyang matamis na OO.

Siya na talaga ang gusto kong makasama habang buhay, no matter what happens he is my life now, without him my life would be meaningless.

Itutuloy....

2 comments:

Anonymous said...

wala ng kasunod??

mncantila said...

where's the continuation po? sad ako kasi nabitn ako .. hehehe..