Followers

CHAT BOX

Thursday, September 1, 2011

Piece Of Me Presents: Mr. Bikini Boy 2011





MR. BIKINI BOY 2011
by: pilyong_atenista

Binigyan ako ng pahintulot ng lumikha ng kwentong ito na mailathala dito sa BGOLDtm.
Ang kwentong ito ay nauna nang nailathala sa Bi Out Loud. 
-----



And the MR. BIKINI BOY 2011 goes to… Candidate no. 20 ..

(Halos lahat ay nag sitayuan at nagpalakpakan ng ako ay hirangin bilang Mr. Bikini Boy 2011 sa aming probinsya)..

Halos tatlong taon na rin ang nakalilipas ng makuha ako ang kampyonato sa patimpalak na aking sinalihan. Ngunit, hindi pa rin maalis ang ngiti at sayang nadarama ko.. hindi dahil sa napanalunan ko.. kundi, dahil sa isang taong naging inspirasyon ko sa pagsali sa paligsahang ito.


……

Alas tres na ng hapon ng matapos ang aking duty sa radio station na aking pinagtatrabahuan. Nag papartime kasi ako sa radio station upang may pantustos ako sa aking pag aaral sa kolehiyo lalo na at pamahal ng pamahal na ang matrikula sa Unibersidad namin.

Hindi lang pag di dj ang aking part time job. Rumaraket din ako sa pag model model at pagsama sa mga male pageants. Sayang din kasi, nakakadagdag na rin kahit papaano. Dise syete anyos pa lamang ako ng simulan ko na ang pagiging madiskarte sa buhay.


Tatlong araw makalipas ang kaarawan ko, namatay ang aking daddy. Halos nabaon din ang pamilya namin sa utang kaya ang natitirang savings niya ay halos ipinambayad din namin ni Mommy sa mga pinagkakautangan niya. Kung tutuusin, halos pulutin kami sa kangkungan ng aking mga kapatid at ng aking mahal na ina.

Apat kaming magkakapatid at ako ang panganay. Nasanay kami sa marangyang buhay kaya halos grabe ang adjustment namin ng mawala ang lahat saamin. I strived hard and I find ways para mabuhay. Naalala ko pa, the day after ng libing ni daddy, may baklang lumapit saakin and nag offer na they need models daw para sa magazine na I lalaunch ng company nila on the next month.

Hesitant pa ako noong una pero, wala akong choice but to grab the opportunity kaya doon nagsimula ang pagpapart time ko sa pag momodel model. Hanggang may itinayong radio station malapit saamin at isa ako sa mga mapalad na naging disc jockey. Anyway, related naman siya sa course ko kasi AB Communication naman ang field of specialization ko.

Life wasn’t easy for me pero kinaya ko lahat ng mga obstacles na pinagdaanan ko para lang mabuhay kaming mag anak. Mabuti nga ngayon dahil nagtatrabaho na si Mommy sa company ng ninong ko. Compared before, pasan ko ang family ko and ako ang tumayong padre de pamilya.

Brineak ako ng girlfriend ko dahil I find no time to her (sabi niya). But there is a rumor na sinulsolan daw siya ng kanyang family to broke up with me kasi hindi na daw kami mayaman. That hurts me a lot pero, buo pa din ang paninindigan ko. Hindi ako magpapaapekto sa kung sino man because, I wanna go back our life before..marangya , masaya, at tahimik.

Now, you know the story of my life… nakakalungkot diba? Anyway, going back.. Alas tres na ng hapon ng natapos ang duty ko at dali daling sumakay ng trycicle papunta sa Convention Center dahil last day na daw ng audition sa Mr. Bikini Boy 2011 sa aming probinsya. Sayang naman kasi ng kikitain in case ako ang manalo.

Pag baba ko, si RJ kaagad ang nakita ko.. (classmate ko siya noong high school).

“Jonathan! bilis na.. Pwede ka bang humabol sa screening. Dala mo na ba lahat ng mga requirements?

“Oo, RJ… kaso, hindi ko nadala yung swimwear attire ko. May extra ka pa ba jan?”

Agad naman akong pinahiram ng aking kaibigan at dali-daling nagbihis sa cubicle ng CR. Pagkatapos, agad kong tinungo ang registration area at agad na nag sign in sa registration form. Dalawang minuto lang ang nakalipas ay agad na akong tinawag ng organizer sa screening room.

Pagpasok ko ay agad akong kinabahan dahil lima ang judges at kakaiba tumingin. Lahat ng mga hurado ay bading at nagbubulungan pa ang dalawang judges habang ako ay rumarampa sa harapan nila.
Pagkatapos kong rumampa ay initial interview ang sumunod. Tinanong ako kung ano ang pangalan ko, kung saan daw ako nakatira, edad, bakit daw ako sumali sa patimpalak na ito, at bigla akong nagulat sa isang tanong ng hurado.

“Jonathan…. Ilan ba ang size ng sayo?” pilyong tanong ng isang hurado.

“Ahhh..Ehhh… naku, hindi ko po alam” ..halos hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa sobrang hiya.

Nagtawanan ang mga hurado at sabi ng nagtanong sa akin ay nag bibiro lamang siya. Halos, mabunutan ako ng tinik ng sinabi niya iyon. Pagkatapos ko ay ipinatawag kaming 38 na nag audition sa pageant at I aanounce na daw ang TOP 20 na siyang magiging official candidates.

Ako ang pang-38 dahil ako ang pinakahuling nag audition. Hiyawan ang mga talent scouts at mga taong nanonood kapag natatawag ang kanilang mga manok. Dalawa na lamang ang natitirang slots at hindi pa ako natatawag.

Una ng tinawag ng emcee si Candidate number 29 na si RJ, ang aking kaibigan na nagpahiram sa akin ng swimwear attire ko at doon pa lamang ay pinanghinaan na ako ng loob. Maya maya ay tinawag na din ang huling official candidate.

“Okay ladies and gentlemen, our last official candidate got the highest score among the other 19 candidates. He garnered 9.87 grade on a 10.0 scale. So here it is…”

Halos lahat ng mga naiwan na kalalakihan na hindi pa natatawag ay ramdam ang kaba at tensyon, lalo na ako. Halos napapikit ako at hiniling sa maykapal na sana ako ang makakuha ng last spot.

“Congratulations… Candidate no……

“Candidate no.. THIRTY EIGHT…MR. JONATHAN SANTILLAN”

Hindi ako nakapaniwala na saakin napunta ang huling slot ngunit, sobra ang aking pasasalamat sa maykapal dahil sa pagdinig sa panalangin ko.

Nagkaroon na kami ng short orientation makatapos ang announcement ng Top 20 official candidates ng search. Halos lahat ay deserving na makuha ang titolo dahil lahat naman ay matitipuno ang katawan at kagwapuhan naman. Ngunit, andun pa din ang “selfish wish” ko na sana ako ang makauwi ng korona upang mabayaran ko na ang tuition fee ko this semester.

Sa linggo na ang simula ng aming practice sa pageant kaya naman ay nag advance muna ako sa station ng pera upang ipangtustos sa aking pamasahe at allowance. 

First day of practice at ramdam ko na naman ang tensyon. Halatang suplado ang ibang mga co-candidates ko kahit ako pa ang gumagawa ng way para makipagkilala sa kanila. Hindi pa naman nagsisimula ang practice kaya umupo muna ako sa bench at nagpahinga sandali. Maya maya naman ay tumawag si Mommy at sinabihan akong kunin ko na muna daw ang perang hiniram niya kay Tita Lorna dahil baka magabihan siya sa bahay ng aking lolo.

Hindi pa tapos ang aming usapan ng biglang ma cut ang tawag niya at nakalimutan ko namang tanungin kung ano ang address ni Tita Lorna. Dali dali akong nagtext at biglang tumunog ang cellphone ko at pagkakita ko.. check operator na pala ako.

Napa mura ako sa sobrang inis at maya maya, may isang boses akong narinig…

“Ito o.. Gamitin mo muna phone ko… don’t wori, naka plan naman ako at hindi kita sisingilin” alok ng lalaki na sa tingin ko ay kasing edad ko din.

Walang alinlangan ko namang tinanggap ang alok ng isang butihing binatilyo at agad kong cinontact si Mommy upang tanungin ang address ni Tita Lorna. Pagkatapos tumawag, nagpasalamat ako sa kanya at ibinalik ko kaagad ang kanyang telepono.

“By the way.. I’m Leonard.. Leonard Dominguez. Isa din ako sa mga kasali sa search.. “

“And my name is… “ hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niyang dinugtungan ang sasabihin ko.

“Your name is Jonathan Santillan.. A.K.A. DJ Jian ..right?” sabay ngiti na parang kilalang kilala na ako ng binata.

“Oh..nice to know na kilala mo na pala ako..” mahinang sagot ko.

“Oo naman, masugid mo akong tagapakinig sa station niyo and magaganda naman talaga kasi ang mga songs na ipini-play mo … masyadong updated, di tulad sa kabila”

Parehas kaming tumawa dahil ang kabilang stasyon na ka kompetensya namin ay halos hindi na malaman kung anong dekada ang mga kantang ipiniplay at nakakatuwang isipin na aware pala din siya doon. 

Mula ng araw na iyon ay nagkapalagayan kami ng loob ni Leonard at naging malapit ko siyang kaibigan. Walang araw na lumipas na hindi kami nagtawanan at nagkakwentuhan ng kung anu anong bagay. Hindi iyon naging mahirap saamin dahil halos parehas kami ng personalidad at kung minsan nga ay napagkakamalan kaming magkambal pag lumalabas kaming dalawa after ng practice.

Halos parehas kami ng tangkad, 5’9 ½.. Kulay gatas ang aming mga balat, maganda ang hubog ng katawan, may six pack abs, alaga ng gym, matangos ang ilong, at singkit na mga mata. 

Water loo niya ang Q and A sa mga pageants dahil hindi naman siya maboka gaya ko. Doon siya laging sumesemplang kaya minsan niya lang makuha ang title. Kaya nga daw, hanga siya sa akin pag dating sa ganyan dahil aside sa fact na Communication major ako, ay napapractice ko pa ang skills ko sa radio bilang DJ.

Kaya naman ay kung minsan ay naglalaro kami ng Q and A segment sa isang lugar na wala sa aming nakakakita para maturuan ko siyang ma build ang confidence niya sa sarili. Alam ko naman kasing kaya niya pero, kulang siya sa self esteem. Matalino si Leonard. Consistent dean’s lister siya sa eskwelahang malapit sa amin. Kaya naniniwala ako na kaya niya.


Kaarawan ng mommy niya at inimbitahan niya ako sa party nila. Hindi na ako nakatanggi kay Leonard dahil sobrang bait niya sa akin at ngayon lamang ito humingi ng pabor. Sinundo niya ako sa bahay at personal pa siyang nag paalam kay mommy. Pagkarating namin sa bahay nila ay agad niya akong ipinakilala sa mommy at sa family niya. Nagkaroon ng konting salo salo at kasiyahan noong gabing iyon.

Nag inuman kami nila Leonard kasama ang daddy at panganay niyang kapatid na lalaki na si Kuya Ronel. Nagkakwentuhan at nagkasiyahan. Napansin nilang naparami ang aking inom kaya naman ay inutusan ni Kuya Ronel si Leonard na pagpahingahin ako sa guest room nila.

Halos nanlalambot ako at nahihilo dahil sa alak na aking nainom. Pagkarating namin sa guestroom nila ay agad akong pinahiga ni Leonard sa kama upang makapagpahinga.

“Hindi ka pala sanay sa inuman bro..” wika ng kaibigan

“Hindi talaga… alam mo naman, wala akong oras sa mga ganito. Mabuti pa ang rumaket ng mapagkakakitaan para may pang tuition sa nalalapit na exam” patawang sagot ko sa aking kaibigan.

Hindi siya umiimik… nahuli kong nakatitig siya sa akin ng matagal at tila may nais sabihin sa akin. Hindi ko naman ito pinansin at pinikit ko na lang ang aking mata dala ng sobrang pagkahilo at panlalambot ng katawan.

Maya maya ay nararamdaman ko na may tumatanggal ng saplot sa aking katawan at wala akong lakas upang ito ay pigilan. Patuloy pa ring nakapikit ang aking mga mata at maya maya ay naramdaman ko ang isang tubig na dumadaloy sa aking mga balat, mula ulo hanggang paa.

Napamulat ako at napansin kong pinupunasan pala ako ni Leonard gamit ang basang tuwalya at alcohol. 

“Ganito ang ginagawa ko kay kuya at kay daddy pag lasing na lasing na sila.. Lagi kasing busy si mommy kaya hindi niya magawan ng ganito ang aking kuya at daddy.” wika ni Leonard na tila may sama ng loob sa kanyang ina.


Patuloy lang siya sa pagpunas ng aking katawan at pagpaparamdam sa akin na ako ay mahalaga sa kanyang buhay. Hindi ko alam kung bakit biglang tumibok ang aking puso ng napakabilis at tila may mga nag aalab na apoy sa paligid namin. Pagkatapos niya akong punasan sa katawan ay iniwan niya ang planggana at basahan sa tabi at biglang pumanhik sa kama.

Umupo siya sa isang tabi at tinitigan na naman ang aking mukha na tila may nais sa aking iparating. Pinikit ko ang aking mga mata at maya maya ay naramdaman ko na parang may isang bagay na nakapatong sa aking katawan na tila galing sa apoy dahil sa sobrang init nito.

Pag mulat ng aking mga mata ay ang mukha ng aking kaibigan ang tumambad sa aking harapan at inibabaw ang malalambot niyang labi sa aking mapupulang labi. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon ngunit wala akong lakas upang pigilan ang kanyang mga balak.

Maya maya ay agad na niyang sinimulan na laruin ang aking mga labi gamit ang kanyang dila at hindi ko maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang tugon ko sa kanyang mga ikinikilos. Tila may isang musika na ipinapatugtog at parang alam na alam namin kung paano ito sayawin. 

Hindi nagtagal at ibinaba niya ang kanyang halik sa aking leeg at matapos nito ay ang aking dibdib naman ang nilaro ng kanyang dila at halos napapasigaw ako sa hindi mawaring sarap na aking nararamdaman ng mga oras na iyon. 


Napapikit na lang ako at ipinaubaya na sa aking kaibigan kung ano pa ang nais niyang gawin sa walang muwang kong katawan. Mas lalo pang tumindi ang sayang nadarama ng ibinaba niya ang kanyang matatamis na halik sa aking pusod papunta sa kaibuturan ng aking pagkalalaki.

Patindi ng patindi ang sarap na aking natatamasa ng taas baba niyang nilalaro ang aking sandata na tila wala ng bukas. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis niya itong ginagawa hanggang sa madama ko na ang pinaka tuktok ng kasarapan at ilang sandali pa lamang ay ibinuga na ng Mayon ang dagta na matagal nmg hindi nailalabas. 

Lupaypay na ang aking katawan at naubos na ang aking lakas ngunit, masugid niya pa ring sinasamsam ang likidong natapon dala ng sobrang kasarapan. Matapos nito ay agad siyang tumabi sa aking gilid at ipinaharap ang aking katawan sa kanyang matipunong katawan. Niyakap niya ako at siniil ng matatamis na halik ng bigla niyang sinabing.. “Mahal na mahal kita Jonathan…”

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at naibigkas ko ang mga katagang.. “Mahal na mahal din kita”.


Abot langit ang nadarama namin at daig pa namin ang mag asawa noong gabing iyon. Napagtanto ko na nahulog na din pala ang loob ko sa aking kaibigan. Naging kami at parehas naming ramdam ang tensyon dahil isang gabi na lamang at pageant na. Ngunit, sa kabila nito.. hindi namin itinuring na magkalaban ang isa’t isa. Nangako kami na kung ano man ang magiging resulta ay hindi ito magiging hadlang sa aming pag iibigan.

Dumating na ang araw ng patimpalak. Napansin ko na wala pa si Leonard at limang minuto na lang ay wala pa siya. Tinatawagan ko siya sa kanyang phone ngunit, unattended ito. 

Nagsimula na nga ang paligsahan at kahit wala siya ay ipinush through ng organizers ang pageant. Madalas maglikot ang mata ko at hinahap ang kabiyak sa bawat sulok ng coliseum. 

Inanounce ang TOP 15….. TOP 10…… TOP 5…. at ako ay laging nakakapasok.

Noong question and answer segment na ay bigla kong naalala ang mga matatamis naming sandali ng kasintahan sa tuwing wala kaming magawa sa buhay. Hindi ko napigilan at napangiti ako. Pag lipat ng aking tingin, nakita ko si Leonard sa may malapit sa mga hurado, nakaupo, at hawak hawak ang tarpaulin na nakalagay ang aking larawan at pangalan.

Nabigla ako at ibinato sa akin ang ngiti na tila nagsasabing, kaya mo yan! Hindi ko alam kung bakit andun siya at bakit niya iyon ginawa. Ganun pa man ay mas lalong tumibay ang aking kumpyansa sa sarili at umaasang maiuuwi ko ang titolo..
Gagalingan ko at gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya para sa mithiin naming dalawa.

Natapos na ang Q and A at halos nakakahinga na ako dala ng sobrang kaba at ikinatuwa ko ng sabihin ng emcee kung sino ang nanalo…

And the MR. BIKINI BOY 2011 goes to… Candidate no. 20 ..

(Halos lahat ay nag sitayuan at nagpalakpakan ng ako ay hirangin bilang Mr. Bikini Boy 2011 sa aming probinsya)..

Hindi matapos tapos ang pagbati ng aking mga taga suporta at mga kaibigan ng ako ang nanalo noong gabing iyon. Maya maya ay nakita ko na si Leonard dala ang isang napakatamis na ngiti at agad akong binati dahil sa natamong tagumpay.

Pumagilid kami sandali, sa kung saan ay walang makakakita. At di nagtagal ay niramdam naming ang tamis ng halik at pagmamahal ng isa’t isa. Hindi na siya sumama dahil nalaman niyang hurado ang tatlo niyang tita at sinabihan na siya na siya na ang mananalo sa gabing iyon.

“Hindi ko kayang manalo ng dahil sa ganoong estilo ng pagdedesisyon.. Alam ko na may mas karapat dapat na mag uwi ng titolo kaysa sa akin. Ginawa ko ito hindi dahil sa mahal kita, kundi alam ko na mas karapat dapat kang manalo”.. maluha luhang tugon ni Leonard.

Niyakap ko ang aking kasintahan at nagpasalamat sa kanyang ginawa. Mali man sa iba ang aming pag iibigan, hindi ito magiging balakid sa bulong ng aming puso.

Sa ngayon ay isang taon na rin kaming nagsasama ni Leonard at parehas kaming modelo sa isang modeling agency sa Lungsod ng Maynila. Lumabas na din ako sa isang commercial sa telebisyon at my incoming project sa isang fashion magazine.

Nawa’y maging inspirasyon an gaming kwento ni Leonard sa mga mambabasa. Hanggang sa muli .
-------

1 comment:

Anonymous said...

very engaging...