"Good evening." bati ni Divina, pagkapasok pa lang sa pintuan. Nasa likod niya si Ivan.
Hindi naman ngaulat ang mga naghihintay sa living room.
"Magandang gabi rin." ganting bati ni Laila. Halatang na-miss ang isa't isa. "Siya nga pala si Dino." ipinakilala niya ang asawa na katabi.
"Kamusta ka na?" panganga musta ni Divina kay Dino.
"Mabuting mabuti naman kami ng asawa ko." sagot ni Dino sa pangungumusta ni Divina habang si Mico ay napangiwi ng hindi man lang isinama ng ama. "Teka, yan na ba si Ivan?"
Lumingon muna si Divina kay Ivan na bahagyang nasa likuran niya bago ipikalala ngunit nagsalita na si Ivan para sa sarili.
"Opo tito Dino." sabay ngiti ni Ivan.
"Kamukhang-kamukha mo ang ama mo." sabay tawa ni Dino. "Patawrin niyo nga pala kami kung hindi kami nakapunta nang-" hindi na naituloy ang sasabihin.
"Naku wala yun. Ang mahalaga maayos na naman kami." si Divina na ang sumagot.
"Oh siya, tulad ng dati. Duon na tayo sa hapag-kainan." anyaya ni Laila. "Teka, nag-abala ka na naman ha." Napansin kasi niyang may bitbit na naman si Ivan. Sigurado niya na nag-prepare na naman si Divina.
"Wala yan." si Divina.
"Oh Mico, ikaw na ang magbitbit ng dala ni Ivan." utos ni Laila sa anak.
"O-opo Ma." magulat-gulat niyang pagsunod.
Habang pasulong ang lahat ay hinintay naman ni Mico si Ivan na makalapipt sa kanya at para makuha ang dala nito gaya ng utos ng ina. Hindi siya maka-tingin kay Ivan ng diretso.
"Bakit ang ganyan ang mukha mo?" tanong ni Ivan nang makalapit kay Mico.
"H-ha?" takang tanong ni Mico. "Bakit anong meron sa mukha ko?" Napa-conscious tuloy si Mico sa mukha. Maayos naman siya bago nilisan ang salamin. Sigurado naman niya na maayos ang pagkakalagay niya ng bahagya ng baby powder sa kanyang mukha.
"Nakasimangot ka."
Napansin pala iyon ni Ivan. Ang alam ni Mico pilit nga niya iyon tinatago pero hindi pala naka-lusot kay Ivan. Napa-yuko siya ng marinig iyon.
"Wala ah. Akala mo lang yun."
"Naiinis ka siguro dahil pinabuhat sa ito ni tita Laila?" ang naisip ni Ivan. Ang tinutukoy ang dala-dalang ulam na nasa tupperware.
"Hindi noh! Bakit naman?"
"Ayaw mong mabigatan."
"Kaya kong dalhin iyan. HIndi ako nabibigatan."
"Ows."
Dahil doon wala sa loob na nahampas ni Mico ng marahan si Ivan sa balikat. Hindi naman nagalit ang huli. Ngumiti pa nga si Ivan.
"Mico, Ivan nasaan na kayo?" sigaw ni Laila.
Saka lang nalaman ng dalawa na kailangan pala nilang sumunod sa mga nauna sa hapag-kainan.
"Ikaw kasi eh. Akin na nga iyan." si Mico at tatangkaing kunin ang bitbit ni Ivan.
"Huwag na. Ako na."
Gusto pa sanang tumanggi ni Mico sa mungkahi ni Ivan ngunit nagpatinaod na lang siya sa gusto nito. Nauna na siyang naglakad.
"Oh, sabi ko ikaw na ang magdala ng dala ni Ivan." hindi namang galit si Laila.
Sasagot sana si Mico nang unahan siya ni Ivan.
"Hindi na po tita. Ako po ang may gustong ideretso na dito." si Ivan.
"O sige maupo na kayo." si Laila.
Sa may dulo tahimik lang na nagmamasid ang naka-upo nang si Dino. "Ivan, dito ka na maupo sa tabi ko. Gusto kasi kitang maka-kwentuhan."
"Ay oo nga Dino mukhang magkakasundo kayo niyan ni Ivan ko." si Divina.
Napa-ngiti si Dino. bahagya namang napa-kunot ang noo ni Ivan nagtataka kung bakit iyon nasabi ng ina.
"Kasi si Ivan ko, ga-graduate na iyan sa architecture." pag-papatuloy ni Divina.
"Sabi na nga at magkakasundo nga kami nito ni Ivan." si Dino.
"Kung hindi mo kasi natatanong Ivan, si tito Dino mo ay sa architecture din ang field. Mahilig makipagkuwentuhan sa mga kagaya niya." si Laila na ang nagbigay impormasyon.
"Ah kaya pala, tita." natutuwang sagot ni Ivan. "E di kung ganoon po eh, pwede akong magtanong sa inyo tito Dino kasi graduating na po ako eh."
"Oo naman Ivan. Matutulungan din kita pag-graduate mo." si Dino.
"Talaga po? Ma, may trabaho agad ako pagkadraduate."
Si Laila uli ang nagsalita. "hindi lang iyon Ivan. Magandang kumpanya pa ang maari mong pasukan sa Makati kung saan nagtatrabaho ngayon ang tito Dino mo. Sigurado kahit baguhan ka pa lang makakapasok ka doo dahil bossy na iyang tito mo." sabay tawa.
"Wow." tanging nasabi ni Ivan sa katuwaan.
"Hindi naman." si Dino na natatawa sa reaksyon ni Ivan.
"Pero sigurado po iyon ha?"
"Oo naman Ivan. Sisiguraduhin ko yon. Basta ipapakita mo lang na gusto mo talaga ang ginagawa mo."
"Yes."
Halata ng lahat na sa una pa lang na pagkikita ay magkasundo na sina Ivan at si Dino. Ngunit sa kabilang banda hindi na yata maitago ni Mico ang pagngitngit ng kalooban.
"Sigurado na talaga iyon na magkakasundo kayo." si Mico.
Nagseselos si Mico dahil never niyang naramdaman na ganoon ang pagtanggap sa kanya ng ama kaya ganoon nalang ang nararamdaman ni Mico.
Sa mga oras na iyon ang kasiyahan ni Ivan at ng ama ang tanging naririnig niya. Nasasakitan ang tenga niya kapag natutuwa si Ivan sa naririnig mula sa kanyang ama. Habang pasulyap-sulyap naman siyang napapatingin sa kanyang amang masaya sa kausap.
"Palibhasa hindi achitecture ang kinuha ko noon. Kaya ganoon na lang pagkadismaya ninyo sa akin." ramdam na ni Mico na nangangati ang gilid ng kanyang mga mata. Pero pinipilit niyang itago iyon sa pangiti-ngiti. Ayaw naman niyang gumawa ng eksena. Una, nakakahiya kung bigla na lang siyang aatungal sa gitna ng hapag-kainan. Pangalawa, ayaw niyang masira ang gabi. Ang naririnig naman niyang masakit sa kalooban niya ay karapatan naman ni Ivan at ng ama niya iyon.
Hindi niya lang kayang tanggaping kay Ivan makukuha, ang hindi makita sa kanya ng ama.
"Sige, papadalhan kita na mga plano na maari mong pagkunan ng ideya." si Dino."
"Talaga namang angat na ako sa pasukan nito." masayang pahayag ni Ivan.
"Sige na kayo na ang mag-ama." sa loob-loob ni Mico.
"Mico, masyado ka namang tahimik diyan?" pansin ni Divina sa katabing si Mico."
"P-po? Nakikinig po kasi ako sa kanila kaya-"
Hindi kumbinsido si Divina sa sagot ni Mico pero hindi na rin siya umimik kung ano man ang nasa loob ni Mico.
"Kumain ka nito." sumandok si Divina ng ulam na dala nila at inilagay sa plato ni Mico.
"Salamat tita." si Mico.
"Huwag kang mag-alala." bulong ni Divina kay Mico.
"T-tita? Ano po ang i-ibig ninyong sabihin?"
Natawa si Divina. "Gagawan kita bukas ng chocolate cake. Alam ko na-mimis mo na iyon."
"A-ah opo." sang-ayon na lang ni Mico.
Pero ang totoo may nabuo na sa isip ni Divina kung ganoon na lang pagiging malungkot ni Mico. Lihim na lang siyang napa-buntong hininga para kay Mico.
Tumagal pa ang usapan. Si Ivan at Dino ang madalas na nag-uusap tungkol sa larangan na tinatahak nila. Minsan hindi na nila namamalayang silang dalawa na lang ang nag-uusap habang ang dlawang magkumare ay may sarili nang topic. Minsan lang si Mico makisali sa usapan ang ina at tita Divina niya. Kahit nakaka-relate naman siya sa napg-uusapan ng dalawa hindi pa rin niyang maiwasang ma-bore sa pinag-uusapan. Dahi ang atensyon niya ay laging nakukuha ng dalawang nagtatawanan, nagkakasiyahan sa pinag-uusapan.
Nasa living room na sila nagtuloy pagkatapos kumain.
"Swerte mo naman Ivan. Magkasundong-magkasundo kayo ni Dad. Ako nga matagal ko nang inasam na maging ganyan kami ni Dad. Kahit minsan lang." Gusto niyang lumuha ngunit pinipigilan niya. Para lang hindi matuloy ang pagluha ay sinandal niya ang ulo sa uluhan ng sofa.
"Bakit Mico? Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Divina.
"Ah h-" hindi naituloy ni Mico ang isasagot sana nang muling magsalita si Divina.
"Sige na magpahinga ka na. Okey lang kami dito. Huwag mo na kaming hintayin pang umuwi. Baka lalo pang sumakit ang ulo mo."
Napatitig naman si Mico kay Divina. Gusto niya ang mungkahi ni tita Divina niya pero hindi naman totoong masakit ang ulo niya.
"Sige na. Alam ko." pinipilit na ni Divina si Mico.
"Sige na Mico. Kami na bahal ni Saneng mamaya." sang-ayon ng ina.
Wala na siyang nagawa kundi sumunod. "Sige po aakyat na po ako." paalam niya.
Sa pagtayo ni Mico hindi niya alam na lihim na bumuntong hininga para sa kanya ang tita Divina niya. Dumiretso siya sa harapan kung saan naroon ang ama at si Ivan na solong nag-uusap.
"D-dad, aakyat na po ako. Bigal po kasing sumakit ang ulo ko." paalam niya sa ama pero walang reaksyon ang ama. Bahagya lang napatigil sa pagsasalita nang magsalita si Mico. Pinilit ni Mico maitago ang pagkapahiya sa hindi pagsagot ng ama sa kanya. "Mmm Ivan pasensiya na ha. Hindi ko kayo maihahatid ni Tita Divina."
"Sige lang Mico. Okey lang yon at magpahinga ka na." at ngiti ang huling tinuran ni Ivan para kay Mico.
Dahil sa ngiting iyon pasamantalang nawala ang pagkapahiya niya kanina. Pagkatapos noon ay dumiretso na si Mico sa kanyang kwarto.
HIndi lingid kay Ivan ang hindi pagpansin ni Tito Dino kay Mico sa paalam ng huli. Nasa isip niya si Mico nang sandaling iyon at hindi namamalayang patuloy palang nagsasalita sa kanya si Dino.
"Gusto mo ba iyon? Ano?" si Dino.
"A-y opo. siyempre naman." sang-ayon na lang niya kahit hindi niya sigurado ang ibig sabihin nito. Ibinalik na lang niya ang atensyon sa pakikinig.
----
Hindi pa nakakapasok si Mico sa loob ng kwarto, hindi na niya napigilan ang lumuha. Masakit talaga sa kalooban niya ang makitang naka-ngiti at humahalakhak ang ama niya dahil sa ibang tao. Masakit din sa kanya kahit sa harapan ng iba lantarang ipinapakita ng ama niya na hindi siya gusto nito.
Pagkatapos maisara ang pinto, ibinagsak niya ang katawan sa kanyang kama at duon sinubsob ang sarili sa pag-iyak.
-----
"Ivan."
"Ma, bakit po?" tanong ni Ivan habang nagsasara ng gate nila nang maka-uwi.
"Kasi, parang alam ko na kung bakit malungkot si Mico. Kung bakit siya ganoon ka-tamlay. Alam mo na."
"Sa totoo lang po Ma, kanina, hindi man lang siya pinansin ni tito Dino."
"Paanong hindi pinansin?"
"Nagpaalam kasi si Mico kanina dahil bigla daw sumakit ang ulo niya. Eh, si tito Dino pa nga ang unang sinabihan pero hindi man lang kumibo."
"Baka hindi lang narinig. Kasi nakikita ko kayong walang awat sa kwentuhan eh."
"Sana nga Ma, pero tingin ko napa-hiya doon si Mico. Kaya noong sa akin na siya nagsabi sumagot agad ako para hindi naman siya lalong mapahiya."
Tumango-tango na lang si Divina sa sinabi ng anak.
"Ma. Tingin ko, tingin ko lang ah. Hindi magkasundo ang mag-ama."
Napa-buntong hininga muna si Divina bago sumagot. "Yun nga rin ang naisip ko eh. Sa totoo lang ak ang nagsabi kay Mico na umakyat na dahil nararamdaman ko na hindi na maganda ang mood niya. Pinilit ko na nga lang si Mico. Simula nang dumating si Dino eh biglang tumamlay si Mico. Hindi naman siya ganoon di ba?"
"Opo Ma."
"Nahihiya nga lang akong magtanong kay Laila kung bakit eh."
"Sige Ma, pasok na tayo malamig ngayon ang simoy ng hangin."
Sumunod na si Divina sa anak sa pagpasok.
-----
"Good morning tito Dino." bati ni Ivan.
Nakita kasi ni Ivan si tito Dino niya na nagkakape at habang nagbabas ang dyaryo sa loob ng bakuran. Kaya naman agad agad siyanng pumunta roon.
"Magandang umaga naman din sayo Ivan." ganting bati ni Dino.
"Nakita ko po kasi kayo na naandito kaya pumunta ako."
"Tama lang yon. Gusto ko nga ng kausap. Sige upo ka dito"
"Si Mico po?" tanong ni Ivan nang maka-upo.
"Alam may gusto akong ipagawa sa iyo eh." sagot ni Dino na malayo sa tanong ni Ivan.
""A-ah ganoon po ba?" nahalata ni Ivan na iwas ito na pag-usapan si Mico. "Sige po. Ano po ba iyon?"
Bumuntong-hininga muna si Dino. "Matagal mo na bang kaibigan si Mico?"
"S-si Mico po?" hindi niya inaasahan na magtatanong ito tungkol kay Mico. "Itong bakasyon po nila dito, ngayon lang po uli kami nagkita. Kung tutuusin kailan lang po. Malaki po kasi ang pinagbago niya. Kaya-"
Nakatitig si Dino kay Ivan. "Ivan-"
"Po?" naasiwa si Ivan sa tanong.
No comments:
Post a Comment