"Bading ka ba?"
"Ay hindi po." matigas na tanggi ni Ivan.
Natawa si Dino. "Alam ko naman iyon. Gusto ko lang magsigurong galing mismo sa'yo"
"Ga-ganoon po ba? Bakit po ba ninyo naitanong."
"Hindi ka ba naaasiwa sa anak ko? Alam mo naman na hindi siya tulad nating tigasin." tuwiran salita ni Dino.
"H-hindi naman po." pagsisinunggaling ni Ivan. Alam niyang hindi naging maganda ang simula ng pagkikita nila ni Mico.
"Alam mo bang mataas ang pangarap ko sa kanya, kaya lang binigo niya ako." pahayag ni Dino.
Ngayon alam na ni Ivan na hindi nga pinansin ni tito Dino si Mico kagabi. Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Mico. Nakinig na lang siya.
"Hindi ko pinalaki si Mico na ganyan. Hindi ko talaga gusto. Sa totoo lang hindi kami niyan magkasundo. Hinahayaan ko siya, sige pero hindi ibig sabihin noon ay okey lang sa akin. Pinaparamdam ko sa kanyang hindi magaan ang loob ko sa kanya. Sinasadya ko." patuloy ni Dino.
Napa-buntong hinga naman si Ivan sa mga narinig.
"Gusto ko sanang kaibiganin mo siya." dugtong ni Dino.
"A-ah wala pong problema doon." sagot agad ni Ivan.
"Gawin mo siyang tunay na lalaki."
"H-ho." bigla siyang nag-alinlangan.
"Oo. Umaasa akong magbabago pa siya."
Nakita ni Ivan sa mga mata ni tito Dino niya ang pag-asam nito. Pero parang mahirap para sa kanya ang gawin iyon. Ang buong akala lang niya ay maging malapit na kaibigan. "S-sige po susubukan ko." nasabi na lang niya.
"Natutuwa akong marinig iyan mula sayo. Hayaan mo, tatanawin kong utang na loob iyan sa iyo."
Pinilit ngumiti ni Ivan. Pero bigla niyang naisip, hindi ba kaya ni tito Dino ang pinagagawa nito sa kanya?
"Tito Dino, matagal niyo na po bang hindi pinapansin si Mico?" lakas-loob niyang tanong.
"H-ha?" at nag-isip si Dino. "Bata pa lang si Mico. Nang makitaan ko siya ng pagiging mahinhin, nagbago na ang pakikitungo ko sa kanya. Bakit?"
"W-wala naman po. Naitanong ko lang."
"Alam mo, simula nang aminin niyang bading siya at hindi niya tinanggap ang alok ko sa kanyang mag-architecture siya, doon ko na siya lubusang iniwasan. Dahil ayoko."
"Pero mahal niyo po ang anak niyo di ba?"
Napabuntong-hininga muna si Dino. "Oo naman. Kaya lang..." tumigil ito "Ayoko."
Napa-tango na lang si Ivan. Sandaling katahimikan, at pagkatapos ay pinilit ni Ivan na gumawa ng ibang usapan para lang mawala lang ang gap sa kanila. Nakapag-kwentuhan pa sila ng matagal-tagal at iniwan ang isa't isa magtatanghali na. Niyaya pa ni Dino si Ivan na sa kanila na mag-lunch ngunit tumanggi si Ivan at nagsabing sa susunod na lamang.
-----
"Ivan. Bakit parang ang lalim ng iniisip mo ha? Galawin mo naman yang pagkain mo. Di mo ba gusto ang lasa?"
"Hindi pa naman ako nakakasubo." paliwanag ni Ivan.
"Oh kaya nga. Bakit hindi pa galawin? Ang tahimik mo naman."
"Naisip ko lang po... Ma, tama ba na kaibiganin ko si Mico para isang dahilan?"
Napa-maang si Divina. "Ano? Dahilan? Bakit? Anong meron bakit ka nagtanong ng ganyan tungkl kay Mico?" sunod-sunod na tanong ni Divina.
"Si Mama talaga, ma-curious lang sunod-sunod na ang tanong." reklamo ni Ivan.
"Oh sige na, isa-isa lang. Oh ano?"
"Kasi... naka-usap ko po si Tito Dino kanina. Sabi niya kung pwedeko ba daw kaibiganin si Mico." unang pahayag ni Ivan.
"Oh ano naman, yun lang pala eh. Bakit, hindi pa ba kayo magkaibigan ni Mico?"
"Mama naman eh. Di pa ako tapos." muling reklamo ni Ivan.
"Bilisan mo kasi."
"Kaya lang sabi ni tito Dino, gawin ko daw tunay na lalaki si Mico. Ano sa tingin mo Ma?"
Biglang natigilan si Divina. "A-ah eh, ano. Mmm. Siguro ano. Ah.."
Napanganga si Ivan habang naghihintay kung may karugtong ba ang sasabihin ng ina. "Ano Ma?"
"Wala naman sigurong masama. Kaya lang..."
"Kaya lang Ma?"
"Paano kung mabigo ka? Sa tingin ko, si Mico tanggap na niya ang sarili niya. Mahirap na mabago yata iyon."
"Ganoon ba Ma?"
"At paano kung mabigo ka nga tapos malaman niya na kaya pala kinaibigan mo siya ay dahil lang sa isang plano na baguhin mo siya? Hindi ba siya magagalit? Hindi ka ba makokonsensiya sa ganoon?"
Napa-buntong hininga siya. "Ganoon pala kahirap yun." nasabi ni Ivan sa sarili.
"Pero dapat ang magulang ang dapat na gumawa noon para anak nila."dugtong pa ni Divina. "Hindi ba nila kayang pangaralan... pasunurin, o pagsabihan si Mico? Kasi kung ganoon ibig sabihin, si Mico, talagang ganoon na siya." biglang tumingin ng diretso si Divina sa anak. "Ikaw. Kung kakayanin mo ba eh." bigla itong natawa. "Hindi ko ma-imagine si Mico na macho."
"Ma. Siryoso tapos biglang tatawa."
"Sorry anak. Basta para sa akin kung sino Mico, doon ako. Hangga't alam kong mabuti siyang tao."
Napa-isip doon si Ivan. "Tama naman siguro si Mama. Kung hindi naman nakakasama, bakit pa kailangan ng pagbabago? Masyado lang sigurong dismayado si Tito Dino. Pero paano na ang favor niya sa akin? Bahala na nga." kasunod ng buntong-hininga ay pag-subo ng kinakain.
-----
"Tita Divina." tawag ni Mico.
"Yes, Mico. Naandito ako."
Nakita ni Mico na lumitaw mula sa kitchen si Tita Divina. Ngumiti siya. "Tita sabi mo kagabi?" naglalambing siya.
"Oo alam ko. Kaya nga ako naandito sa kusina eh."
"Talaga po? Buti na lang hindi po nauubusan ng stocks kayo diyan ha?" napalitan ang kaninang lungkot sa mukha ng ngiti.
"Oo naman noh. At sak akung wala na naman eh, papatakbuhinko si Ivan diyan sa grocery store."
"Wow. Pero papayag ba iyon si Ivan na gawin iyon eh sigurado alam niyang para sa akin ang bini-bak mo Tita?"
"Oo naman uli. Yun pa. Kayo talaga. Hindi pa ba kayo nagkaka-ayos?"
"Ewan ko po sa kanya? Siya lang naman itong laging galit eh."
"Ah sige hayaan mo na. Tignan natin ang magiging desisyon niya."
"Po? Anong desisyon?"
"H-ha? Ay, ano siyempre desisyon niya kung kelan siya magpipigil na kaibiganin ka." sabay tawa. "Susuko na rin iyon." akala ni Divina na mahuhuli na siya.
"Ah... Sana nga po."
"Oh teka silipin ko muna."
"Sige po."
Iniwan muna ni Divina si Mico. Pumunta naman si Mico sa harapan ng t.v. na naka-bukas. Na-curious siya sa palabas kaya tinutok muna niya ang kanyang atensyon doon habang naghihintay kay Tita Divina. Hindi niya napansin na nasa likod na pala niya si Ivan.
"Umupo ka kaya."
"Ay butiki." gulat ni Mico at humarap siya sa nagsalita.
"Hindi naman ako payat na payat para sabihan mo ng butiki." walang reaksyong sabi ni Ivan habang pasalampak na umupo sa sofa.
"Hindi naman. Expression ko lang pagnagugulat. Pasensiya na."
"Ganoon? Eh bakit noong nagde-daydreaming ka hindi ganyan ang sinabi mo? Di ba nagulat ka rin noon?"
Napa-isip si Mico. HInagilap niya sa kanyang alaala kung alin ang sinasabi nitong nagulat siya. Saka niya naalala. Biglang lumaki ang butas ng ilong niya. "Siguro may narinig kang iba no?"
"Ano na naman iyon?" natatawang tanong ni Ivan nang makitang nanlalaki ang butas ng ilong ni Mico.
"Kunyari ka pa. Hmpt."
"Wala talaga. Eh kung meron man bakit ko naman sasabihin sayong mahal mo si-" sabay tawa.
Parang lumaki ang ulo ni Mico at naramdaman niyang nag-init ang mga pisngi niya sa narinig na pahayag ni Ivan. "E di may narinig ka nga?" paniniguro ni Mico.
"Alin ba doon ang gusto mong malaman?"
Biglang napatigil si Mico. Sasagot sana siya pero bigla niyang naisip na mapapahiya siya lalo kung ssagot siya sa tanong nito. "Ibig sabihin narinig niya ang mga sinabi ko? Patay. Ano ba yan nakakahiya naman. Nakakahiyang alam niyang pinag-pinagpapantasyahan ko siya." napakagat -labi siya. "Hindi totoo yun. Nagbibiro lang ako noon. Wala lang akong maisip na ibang pangalan kaya pangalan mo ang ginamit ko." pagsisinungaling niya.
Hindi nagsalita si Ivan. Naka-ngiti lang ito.
"Hoy. Narinig mo ba ako? Sabi ko-"
Hindi naituloy ni Mico ang sasabihin nang humarap sa kanya si Ivan. Nakaloko ang ngiti nito. "S-sabi ko nagbibiro lang ako noon."
"Wala na kaya akong sinabi. Nagpapaliwanag ka diyan?" sabay tawa.
Gustong mayamot ni Mico nang biglang tumawag si Tita Divina sa kanya.
"Opo naandiyaan na po." sigaw ni Mico. "Biro lang talaga yun ha?" nanlilisik pa ang mga mata ni Mico bago tinungo ang kusina.
Naka-ngiting pinagmasdan na lang ni Ivan si Mico sa pag-alis. "Nakakatuwa ka naman pagnaaasar." at isa pang maluwang na ngiti ang pinamalas niya.
-----
"Bakit nakita ko na namang lumabas si Mico?" galit na tanong ni Dino kay Laila.
"Ano naman? Diyan lang naman sa kabila? At wala namang iabgn tao sa paligid."
"Ano ba ang kailangan niya bakit hindi siya mag-pirme dito sa loob ng bahay?"
"Nagpaalam sa akin na kukunin niya yung promise ni Divina na cake sa kanya. Masama ba iyon?"
"Bakit hindi nagpaalam?"
Natigilan si Laila. "Magpapaalam? Eh hindi mo nga pinapansin. At nasaan ka ba kasi kanina?"
"Alam naman niyang pumasok ako sa loob ng c.r. Kahit na hindi ako kumikibo alam niyang kailangan pa rin niyang magpaalam."
"Ewan ko sa'yo. Siya angpagalitan mo mamaya hindi ako."
Napatiim-bagang si Dino. Hindi niya kasi gagawin iyon na pagsabihan ang anak mismo sa bibig niya. "Ikaw ang magsabi."
"Oo lagi naman."
Pagkatapos noon ay umalis na ito.
-----
"Maraming salamat po Tita." natutuwang si Mico.
"Walang anuman Mico." sagot ni Divina. "Basta lagi ka na uli dadalw dito ha?"
"P-po? Mmm parang hindi po eh. Kasi, hindi ako pinapayagan ni Dad kapag wala namang kailangan."
"Ganoon ba?"
"Opo. Ngayon nga po kay Mama lagn ako nagpaalam. HIndi ko na hinintay si Dad lumabas ng c.r. para magpaalam."
"Sige." malungkot na sagot ni Divina.
"Huwag po kayong mag-alala isang linggo lang naman po dito si Dad."
"O sige basta pag wala na Dad mo, araw-araw ka dito ha?" naka-ngiti na si Divina.
"Sige po."
"Sige na umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Dino."
"Salamat po uli sa cake."
-----
"Tawagin mo na Dad mo sa labas para kumain." utos ni Laila kay Mico dahil nakahanda na ang hapunan.
"Nasaan po ba si Dad?"
"Nasa labas na naman yata."
"Sige po."
Pinuntahan ni Mico ang ama niya sa labas. Nakita niyang naka-dungaw ito sa sa loob ng kotse. Tila may hinahanap o nagliligpit. Pero naisip niya ring imposibleng nagliligpit dahil madilim na at wala sa oras.
"Dad." tawag niya. Nakita niyang natigilan ang ama ngunit hindi ito gumalaw para lingunin siya. "Handa na po ang hapag-kainan." Gaya ng dati walang reaksyon ang natanggap ni Mico mula sa ama. "Sige po." Naisip nalang ni Mico na narinig naman siguro ng ama dahil sa ginawa nitong pagtigil sa ginagawa. Alam naman niyang hindi siya papansinin nito kaya umalis na lang siya.
"Ma. Mukhang may ginagawa sa kotse." sabi ni Mico sa ina.
"Anong ginagawa?" takang tanong ni Laila na nakaupo na sa harap ng mesa.
"Mukhang may hinahanap po eh."
Tumayo si Laila para puntahan ang asawa. "Dino, ano ba ang ginagawa mo diyan?"
Nilingon ni Dino ang asawa. Nakasimangot na sinagot niya ang asawa. "Hinahanap ko ang mga papel na kailangan ko. Ang alam ko dinala ko yun dito. Bwisit. Kung kailan ko kailangan hindi ko pa makita."
"Bukas na yan para maliwanag. Kumain muna tayo."
"Mauna na kayo. Kailangan ko iyon ngayon. Gusto kong pag-aralan."
Hindi na nagpilit pa si Laila. Kabisado na niya ang asawa. Pag may ginusto itong gawin, gagawin talaga. Hindi na pwedeng ipagpabukas pa. Kaya iniwan na niya ito. "Ikaw ang bahala. Mauuna na kami."
Hindi na rin kumibo si Dino. Pinagpatuloy niya ang paghahanap ng papel. Pero hindi talaga nya makita. Napa-isip tuloy siya kung nadala ba niya iyon o hindi. Napa-mura siya na mawalan ng pag-asa.
"Tito Dino magandang gabi po." bati ni Ivan.
"Oh ikaw pala Ivan." napansin ni Dino ang dala ni Ivan.
"Tito pinabibigay ni Mama."
"Ang Mama mo talaga simula pa noon ang hilig mag-abala. Pero salamat." tinanggap ni Dino ang mangkok na dala-dala ni Ivan. Nang makuha na at nilagay sa isang lamesa muli niyang nilingon si Ivan. "Ano Ivan? Magagawa mo ba ang pinagagawa ko sayo?"
Natameme si Ivan. Hindi pa siya nakakapag-desisyon. "Susubukan ko po."
Kita sa mukha ni Dino ang pagkadismaya sa sagot. "Hindi naman siguro mahirap-" hindi naituloy ni Dino ang sasabihin. "Sige ikaw ang bahala."
"Sige po." pagkatapos ay tumalikod na si Ivan. Sa pagtalikod ni Ivan parang hindi siya kumbinsido. Parang may gusto siyang sabihin. Kaya ilang hakbang pa lang ay muli na siyang humarap sa kinataayuan ni tito Dino.
"Tito Dino." tawag niya.
"Bakit?"
Natigilan siya bago magsalita. "Ano po kasi-" muli siyang natigilan.
"Ano?"
Gusto niyang magsalita ngunit parang walang lumalabas na boses sa kanyang bibig. "P-paumanhin po dahil-" sa wakas nasabi din niya. Kinakabahan siya.
Nagtaka naman si Dino sa kung ano ang ibig sabihin ni Ivan. Pero meron na siyang naiisip na dahilan.
Nagpatuloy si Ivan. "Dahil po... kasi po gusto kong maging kaibigan si Mico pero hindi dahil sa may dahilan. A-ang ibig ko pong sabihin, kakaibiganin ko si Mico dahil iyon po siya." para siyang mapupugutan ng hininga. "Gaya ng sabi ni Mama, wala naman pong nakikitang problema kay Mico na dapat baguhin. Mabait naman po Mico. Siguro po desisyon na niya ang maging g-ganoon. Siguro po, mag-aadvice na lang po ako sa kanya pero hindi ko po pipilitin na magbago siya. Ayoko po kasing dumating ang araw na pag nabigo ako sa layunin ko ay magalit siya sa akin. Sana po maintindihan niyo tito Dino."
Katahimikan. Hindi maka-tingin si Ivan kay tito Dino ng diretso dahil alam niyang sinusukat siya ng paningin nito. Nang maramdaman niyang wala naman itong sasabihin. Nagpaalam nalang siya. "Sige po tito Dino."
Nang makalabas na ng gate si Ivan ay halos patakbo na niyang tinungo ang sariling bakuran. Hingal na hingal siya gawa ng kaba, takot kay tito Dino niya. Ramdam niya na kumakabog ang dibdib niya. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago pumasok sa bahay. Kasabay ng pagpihit ng seradura ng pinto ang ngiti sa kanyang labi na nagpapatunay na nakaligtas na siya nakaambang panganib.
-----
Nakita ni Mico si Ivan na palabas ng bakuran nila na parang nagmamadali. Pinasilip kasi ng Mama niya ang Dad niya at sa ganoong eksena niya nakita ang dalawa. Nagtaka siya kung bakit ganoon na lang magmadali si Ivan. Bigla siyang nagtago nang gumalaw ang kanyang ama. Dali-dali siyang bumalik sa hapag-kainan.
"Ma. Kausap kanina si Ivan." balita ni Mico sa ina.
"Alam mo ba kung bakit?"
"Hindi po eh."
Hindi na umimik si Laila pero nasa mukha nito ang nag-iisip.
"Dala ni Ivan. Luto ni kumare mo." si Dino dala ang mangkok na may lamang ulam.
Napa-tingin ang dalawa na nakaupo sa harap ng lamesa.
"Bigay ni Divina?" si Laila. " Talaga ang kumare kong iyon oh." natutuwa. "Sige na umupo ka na. Kakasimula lang namin ni Mico."
Umupo na rin si Dino. Pinaghainan siya ni Laila.
Pasimpleng tinignan ni Mico ang ama pero wala siyang mabasa sa mukha ng ama. Hindi niya makitang masaya na dapat dahil nag-usap na naman sila ni Ivan. Pero wala rin namang galit, o lukot sa mukha na naiinis ito na karaniwan ng hilatsa ng mukha nito. Napa-maang nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.
-----
"Mico, isoli mo muna ito sa kabila. Maaga pa naman kaya baka bukas sila." utos ni Laila kay Mico. ang tinutukoy ang mangkok na pinaglagyan ng ulam.
"Sige po Ma." nakangiti niyang sagot. Siyempre makakapunta na naman siya sa kabila.
Nakalabas na si Mico nang lumapit naman si Dino kay Laila.
"Laila, dala ba ni Mico ang laptop niya?"
"Oo. Bakit?"
"Hihiramin ko. Gagawa na lang ako ng draft uli. Hindi ko talaga makita."
"Hintayin mo na lang kaya siya?"
"Kunin mo na ngayon. Hindi naman siguro iyon magagalit dahil minsan ko ng hiniram sa iyo iyon."
"Sandali at kukunin ko. Saneng ikaw muna dito ha?" paalam niya sa kasambahay.
Inakyat nga ni Laila ang laptop sa taas, sa kwarto ni Mico. Hindi naman siya nahirapan dahil nasa ibabaw lang naman ito ng kanyang kama. Ibinaba niya ito at iniabot sa asawa.
Nasa sala si Dino nang sandaling iyon. Agad niyang binuhay ang laptop. Hindi naman nagtagal at tumambad na sa kanya ang ikina-tangis ng kanyang mga bagang. Naningkit ang kanyang mga mata.