"Ate anong oras dumating si Dad?" tanong niya sa kasam-bahay na kasalukuyang naglalatag ng plato sa lamesa nang makita siya.
"Kararating lang ni Sir Dino." sagot ni Saneng at tinanaw pa nito ang wallclock na balak sanang sabihin ang eksatong oras ng pagdating.
"Ganoon ba? So, hindi pa siya kumakain?"
"Ganoon na nga Mico."
"Tingin mo kakain yun?" tanong niya. Ayaw kasi niyang maka-sabay ang ama baka hindi kasi maging maganda ang pakiramdam niya at mawalan ng gana kapag nagkaroon ng katahimikang walang imikan. Lagi naman kasing ganoon ang eksena. Nahihirapan siyang kumain kapag tunog lang ng kubyertos at plato ang naririnig sa hapag-kainan. Kulang na lang pati ang pag-nguya ng pagkain ay marinig.
"Oo Mico, kasi siya ang nagpahanda nito." itinuro ni Saneng ang niluto na nasa hapag-kainan na.
Saka lang niya napansin. Napa-oo nga siya sa sarili niya ng makitang marami ang nakahain. Tamang-tama sa may bisita. Napa buntong hininga na lang siya dahil pagkadismaya.
"So ibig sabihin, kailangan ko pa silang hintayin." nasabi niya sa kawalan.
Narinig ni Mico ang yabag ng paa pababa sa hagdan. Naisip niyang malamang ang kanyang ina iyon. Narinig nga niyang ginising ng ina ang ama at niyaya nitong dumulog na sa hapag-kainan para makapag-almusal. Maya-maya lang ay narinig na nya ang yabag papalapit sa kinaroroonan niya.
"Good morning Ma, Dad." bati ni Mico habang hinihila ang upuan na para puwestuhan niya.
"Good morning." nakangiting bati ni Laila.
Pero gaya ng inaasahan ni Mico walang reaksyon ang ama. Hinayaan na niya at maingat na umupo. Ayaw niya maka-gawa ng kahit kaunting ingay.
Maya-maya pa ay pare-pareho na silang kumakain. Gaya ng dati, pagtama lang kutsara't tinidor ang pumapailanlang na tunog.
"Mmm naalala ko... Mamaya pumunta ka sa kabila, Mico." si Laila.
Tumango lang si Mico.
"Tapos sabihin mo sa kanila na naandito na Papa mo. Papuntahin mo sila dito mamayang gabi para magsalo-salo tayo kahit maliit lang. Okey ba iyon Dino?"
Hindi umimik si Dino.
"Para naman makapag-kwentuhan naman kayo ni Mareng Divina at makita mo si Ivan. Naalala mo naman siya di ba?"
Saka lang niya napansing kumilos ito.
"Oo nga pala. Si Ivan, tama. Ang nag-iisang anak ni Divina. Kamusta na nga pala siya." biglang naging interesante si Dino. "Kasing edad lang siya ni-" biglang naputol ang sasabihin.
Alam ni Mico na dapat ay ang pangalan niya ang babanggitin hindi lang naituloy ng ama ng maalala. Hindi na siya kumibo at ni hindi rin siya tumingin sa kanyang ina na nararamdaman niyang sumulyap sa kanya.
At nagpatuloy si Dino sa pagtatanong. "Sige papuntahin mo sila dito."
Napa-tingin si Mico sa ama sa sinabi nito. Ang akala niya siya ang snasabihan ngunit sa ina ito nakatingin. Napahiya siya sa sarili niya sa pag-aakalang siya ang kinakausap ng ama niya.
"Oh Mico, mamaya ha?"
"Opo Ma." sagot niya na pilit ang kasiglahan. Pero alam niyang hindi maitatago ang pagiging matabang.
"Gusto kong makilala si Ivan." biglang singit ni Dino. "Baka marami kaming pagkakatulad ni Ivan." umaasa siyang mayroon siyang makita kay Ivan na hindi niya nakikita sa anak niya.
-----
"Mico, buti naman at dumalaw ka na uli dito. Na-miss talaga kita. Kamusta ka na?" sunod-sunod na pahayag ni Divina.
"Okey naman po ako. Ako din po namiss ko rin kayo."
"Eh bakit parang malungkot ka?"
"Ay wala naman po. Hindi po." tanggi niya. "Kaya po ako naandito kasi, dumating na po si Dad. Gusto ni Dad na duon na daw po kayo magdinner sa bahay mamaya. Para makapag-kwentuhan naman daw po."
"Ay ganun ba? Sige. Pupunta ako."
"Si-" bigla siyang natigilan. Bigla siyang nakaramdam ng selos. Tatanungin sana niya kung nasaan si Ivan dahil kabilin-nilinan ng mama niya na sabihin din kay Ivan.
"Si Ivan ba?"
Tumango lang siya.
"Nasa taas. Kakaakyat lang. Gusto mo tawagin ko?"
"Ay hindi na po. Natanong ko lang po. Sige tita, balik na po ako sa bahay." sinikap niyang huwag iphalata sa kausap ang nadaramang lungkot.
Ramdam ni Divina ang kalungkutan ni Mico. Hindi niya lang mabatid kung bakit.
-----
"Mico, nasabi mo na ba?" si Laila.
"Opo ma."
"Bakit?" tanong ni Laila sa anak dahil sa sagot nitong walang kagana-gana.
"Aakyat na muna po ako."
Hinayaan na lang ni Laila ang anak at hindi na niya kinulit ito.
Parang gustong magdabog ni Mico habang binabagtas ang hagdan. Kung wala lang sana ang ama na nakaupo sa sofa at tanaw siyang paakyat, aakyat sana siyang nagpapa-padyak. Tinungo na lang nya ang kwarto ng walang imik.
Dahil nasa malapit lang ang ama hindi muna makaka-punta si Mico sa kabila. hindi muna niya makikita si Ivan. Magkakasya muna siya sa pagtingin-tingin sa nakuha niyang picture ni Ivan na nak-save ngayon sa kanyang laptop. Binuksan niya ang laptop agad-agad nang maka-tungtong siya sa kama.
Hindi pa niya natatapos ang pagtingin sa mga picture ni Ivan. Nakatulugan niya kasi kahapon. "Atlist kahit papaano may mapagkakaabalahan ako." napangiti narin siya kahit papaano.
-----
Nakaupo si Ivan sa harapan ng kanyang kompyuter. Nanonood siya ng mga latest music videos sa youtube. Hindi niya namamalayang iniisip niya si Mico. Iniisip nya ang nangyari kahapon. Nagustuhan niya ang ginawa ni Mico kahapon. Hindi niya maitatanggi na nawala ang galit o inis kay Mico at nagawa pa niyang pahiramin ng kompyuter niya ng hindi nakikipagtalo. Oo nga nagkaroon ng pilitan pero alam naman niya sa sarili niyang nagpapapilit lang siya na ang sa ending papayag siya dahil payag naman talaga siya.
Noong una, nagpaplano siya kung paano niya gugunawin ang mundo ni Mico, maka-ganti lang ngunit biglaang nagbago. Aminin man niya sa hindi pero dahil iyon sa takot niyang magluto kaya si Mico na ang nagluto para sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang kinain niyang sinangag. Nasarapan talaga siya. Siguro dahil sa hindi siya nag-almusal pero naubos niya ang nai-sangag ni Mico. Parang limang plato yata ang nakain niya kumpara sa kakapiranggot na kinain ni Mico hindi dahil sa inubusan niya kundi dahil diet na naman.
Natawa siya sa naisip.
-----
"Mico." tawag ni Laila sa likod ng kanyang pinto.
"Ma?" sagot niya.
"Si Vani paliguan mo muna. Nakikipagharot sa Papa mo eh alam mo namang ayaw nun mabaho."
Napa-balikwas siya. "Opo Ma." gusto niya sanang tumanggi. Hindi na niya narinig pang nagsalita ang ina.
Hindi naman niya pwedeng iutos kay Saneng ang pagpapaligo sa aso dahil hindi nito kaya ang sobrang kalikutan ng alaga niya. Siya lang may kakayanang patahimikin ang alaga niya. Pangalawa, ayaw niyang masilip siya ng ama niya. Nagbe-behave nga siya eh.
-----
Dinig na dinig ni Ivan ang pag-sigaw ni Mico. Kaya na-curious siyang tignan ito sa kanyang bintana. Nakita nga niya si Mico sa bakuran nila na magpapaligo ng aso. Kahit nasa taas siya at nasa baba naman si Mico kita parin niya na lukot ang mukha nito. Muli niyang narinig ang pagtawag ni Mico sa alaga dahil tumakbo ito a tlumusot sa ilalaim ng kotse na nakagarahe sa loob ng bakuran. Saka lang niya napansin na dalawa na ang sasakyan sa loob.
"Sino kaya ang dumating sa kanila?" takang tanong ni Ivan.
Nagbalik ang kanyang atensyon kay Mico sa muli nitong pagtawag sa alaga. Bigla siyang napa-urong nang makita niyang yumuko si Mico para silipin ang alaga sa ilalim ng kotse dahil nakaharap sa kanya ang likuran nito. Kitang-kita niya ang pagbanat ng tela na nakabalot sa pang ibaba ni Mico. Nakaramdam siya ng para bang inaakit.
Muli ay naalala niya ang nangyaring kamakailan lang habang natutulog si Mico sa mahabang sofa sa baba. Buti na lang tamayo na ng tuwid si Mico dahil lumabas na rin ang alaga mula sa ilalim ng kotse. Buti na lang at naka-bawi na rin siya. Napa-singhap siya ng malalim.
Nangingiti naman siya habang pinapanood ang pagpapaligo ni Mico sa alaga. Masasabi niyang maalaga talaga si Mico sa aso niya. Minsan natatawa siya kapag iwinawagayway ng aso ang buntot na nagiging sanhi ng pagtilamsik ng tubig sa mukha ni Mico. Nakikita kasi niyang sumisimangot lalo si Mico.
Tumagal pa ng ilang saglit nang paliguan ni Mico ang alagang aso kaya sa ganoong haba ng oras din pinanood ni Ivan si Mico. Bigla na lang siyang nadismaya ng hindi na niya nakikita si Mico dahil pumasok na uli ito sa loob ng bahay. Ilang saglit din siyang naghintay na baka lalabas pa ito pero hindi na. Saka lang niya na-realize na nasisiyahan siyang pinapanood si Mico.
Bumalik na lang siya sa harapan ng kanyang kompyuter.
-----
Wala pang tanghali pero bagot na bagot na si Mico.
-----
"Ivan, wala ka yatang balak magtanghalian ngayon?"
Nagulat pa si Ivan nang magsalita ang ina na nasa pintuan ng kanyang kwarto. Bahagya siyang napabalikwas sa pagkakahiga.
"Mamaya na lang po." sagot ni Ivan.
"Himala sa mga himala ah? Siya nga pala kanina, pumunta dito si Mico."
"Nasa baba siya?" bigla niyang tanong sa ina.
Napakunot ang noo ng ina. "Himala na naman yata ang narinig ko?"
"Si Mama... ano naman ang himala doon?"
"Dati kasi pagnaririnig mo ang pangalan ni Mico, naka-kunot agad yang mukha mo. Ngayon, maaliwalas na maaliwalas yang mukha eh. At himalang nagreresponse ka na?"
"Hindi kaya. Nagulat lang ako na pumunta na pala siya dito." alibi ni Ivan.
"Eh kahapon lang magkasama kayo di ba? Paanong nagulat ka?"
Napaisip si Ivan. "A-ano. Ang ibig ko ng sabihin-" natigilan. "Di ba Ma, hindi pa kayo nagkikita? So, nagkita na pala kayo sa baba."
"Ay naku! Convincing?" hindi kumbinsidong sagot ni Divina sa alam niyang alibi ng anak. "Ano naman ang masama kung maging kaibigan mo na si Mico? Yun nga ang maganda para naman hindi na kayo nagbabangayan. Malapit nang magpasukan, hindi na naman kayo magkikita-kita."
"Tama na po yung magkakilala kami."
"Ugali mo Ivan ha?" hindi namang galit na saway ni Divina sa anak. "Siya nga pala napansin ko kanina na malungkot si Mico. Ewan ko kung bakit."
"Napansin ko nga po." ang tinutukoy ni Ivan ay nang makita niya kanina si Mico habang nagpapaligo ng alagang aso.
"Ano? Paano mo naman napansin eh hindi ka naman bumaba kanina?"
"H-ha? K-kasi kanina ano-, kahapon pala malungkot na siya."
"Ang gulo mong kausap. Ikaw siguro ang may gawa na naman?"
"Hindi po Ma ah. Kahit itanong mo pa sa kanya."
"Hmpt. Yung Dad niya dumating nga pala."
"Ah, kaya pala may bagong kotse sa kabila."
"Napansin mo na pala. Sige baba na ako. Teka, pupunta pala tayo sa kabila mamaya. Inimbitahan tayong duon mag-dinner kaya nagpunta dito si Mico kanina."
"Sige po."
Pagkatapos noon ay tumalikod na ang ina.
Nakatulala namang naiwan si Ivan. Maya-maya ay bigla niyang natampal ang noo. "Bakit ba bigla-bigla yatang nagiging interesado ako kay Mico ngayon? Muntikan pa akong mapagisipan ng kung ano-ano kanina ni Mama." Muli nanaman niyang natampal ang noo nang maalala ang pag-aalibi niya sa ina kanina. "Teka nga." Para siyang may gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung ano. Napapakamot siya sa kanyang ulo. Nabubuwisit. Naguguluhan. Matutulog na lang siya.
-----
"Ma, malapit na po silang dumating. Okey na po ba?" tanong ni Mico sa ina.
"Oo. Kaunting linis na lang sa paligid. Tulungan mo nga kami."
"Sige po."
Tinulungan na ni Mico ang ina at si Saneng sa pag-aayos ng hapag-kainan. Wala naman masyadong kailangan pang ayusin. Pero napansin niya ang mga kalat sa ilalim ng lamesa. Mga plastik na nagliparan. Umupo siya para makuha ang mga iyon. Medyo nahirapan siya sa isang plastik na sa gitna talaga ng lamesa kaya kinailangan pa niyang pumailalim ng husto.
"Handa na ba ang lahat?" si Dino na kakadating lang sa dining area.
Dahil doon, natigilan si Mico sa pagkuha ng kalat.
"Oo." sagot ng ina.
"Gusto ko maging maayos ha? Ayoko nang magulo." paalala ni Dino at bumalik na ito sa harapan ng tv sa sala.
Nang marinig iyon ni Mico, hindi na siya nakakilos. Feeling niya siya ang pinaaalalahan ng ama. Maaring siya nga hindi lang nito maideretso sa kanya. "Pero nakita ba ako ni Dad dito sa ilalim?" Nang matanaw na umalis na ang ama, saka siya lumabas sa ilalim ng lamesa.
Nagulat pa si Laila sa paglitaw ni Mico galing sa ilalim ng lamesa. Nakatalikod kasi siya ng pumailalim si Mico kanina. "anong ginagawa mo-" hindi na niya naituloy ng matanaw ang hawak-hawak nitong mga plastik. Napangiti na lang siya.
"Kinuha ko po kasi sa ilalim."
"Naandiyan ka ba ng pumunta dito ang Papa mo?"
"Opo. Hindi naman po ako nakita?"
"Hindi. Ako nga hindi kita nakita eh." at bumalik si Laila sa dirty kitchen.
Napaisip si Mico na hindi siguro para sa kanya ang sinabi ng ama. Nagmasid siya kung ano ang maaring ayusin pa pero wala na siyang makita. Maayos na ang lahat. Tatalikod na sana si Mico nang tawaging ng ina.
"Mico, bakit parang lungkot na lungkot ka? Parang pagod na ewan?"
"Ma, alam mo naman ang sagot eh."
"Mico, ama mo pa rin siya at asawa ko kaya hindi pwedeng kung ano ang gusto laging masusunod."
"Bakit naman po kasi-" hindi niya naituloy ang sasabihin.
"Mico." tawag paalala ni Laila sa anak.
"Kaya nga po ako nagpilit magbakasyon tayo dito para kahit papaano maging maganda naman po at maiba naman ang pakiramdam ko sa inaraw-araw na pagiging grounded."
"Marinig ka ng Papa mo. Hayaan mo na, kailangan din naman ng papa mo ng pahinga."
Wala na siyang sinabi. Ayaw niyang magalit ang ina sa kanya. Gayong ang ina lang niya ang nagiging tagapag-tanggol niya.
-----