"Hinihintay ko kasi si Markky ko at si BFF Susane. Wala pa eh. Ngyon lang na-late ang BFF ko kaya."
"Ang aga-aga pa. Halika na pasok na tayo sa room." hinila niya ang braso ni Billy.
Tumayo naman si Billy. "Teka nga. Ang ganda na naman ng araw mo ngayon ah?"
Natawa lang si Ivan. "Sigurado ka?"
"Oo naman. Nagbakasyon lang, ang laki na ng pinagbago mo. Dati, kahit ka-grupo niyo ako no pansin naman ako sayo. Suplado ka kaya..."
HIndi naman na-offend si Ivan mga huling sinabi ni Billy. "Ganon ba ako dati?"
"Nge, sarili mo hindi mo alam. Halika na nga. kakapit ako sayo ha? Kunyari ikaw si Markky ko." sabay tawa.
Naglakad na nga sila papunta sa loob ng room. "Buti hindi nagagalit si Susane saayo?"
"Magagalit?"
"Oo, dahil, dahil ipinapakita mong crush mo si boyfriend niya?"
"Ikaw na nga me sabi crush lang. Ano naman ang ikakagalit ni Susane?"
"Wala lang natanong ko lang. Magkaibigan nga kayo talaga."
"Correct."
"Hoy, bakit ka naka-pulupot sa Ivan ko?" sigaw ni Angeline. "Sino may sabi sayong papayag ako?"
Nagkatinginan sina Ivan at Billy. Si Billy ang unang nagsalita. "Kasi love na ako ni Ivan my love."
Natawa si Ivan.
"Yuck." tili ni Angeline. "Hindi ako naniniwala."
Hindi naman na-oofend si Billy dahil natural na lang silang mag-asaran ng kaibigan. "Yuck ka diyan. Tignan mo nga oh, hindi pumapalag si Ivan." sabay dila.
"Paano may kutsilyo kang hawak sa likod mo."
Muling natawa si Ivan sa sinabi ni Angeline. "Hoy kayong dalawa, parang tayong tatlo lang ang narito sa loob ah?"
"Hayaan mo sila Ivan my love." lumapit pa si Angeline para alisin ang braso ni Billy.
"Hep hep hep." saway naman ni Billy. "hindi pa ako nahahatid ni Ivan sa upuan ko. Napaka-ungentleman naman kung iiwanan ako rito." maarteng sabi ni Billy. "At huwag ka ngang maka-my love my love dyan."
"Grabe 'tong bading na 'to." pinilit ni Angeline na tanggalin ang braso ni Billy.
Inalis naman ni Billy ang braso. "Ayan na ayan na. Sayo na sayo na."
"Yan." si Angeline na ang nakakapit kay Ivan. "Teka nga bakit ka nga ba nagmamadali kahapon?"
Napaisip si Ivan sa tanong ni Angeline. "Kailangan ko lang talaga umuwi."
"Nako, kunyari ka pa. Siguro may girlfriend ka na noh?"
"Hindi pa." biglang sagot ni Ivan. "Ay, este wala ah." tanggi niya.
"Hindi pa, ay este wala ah. Napaghahalataan. Halatadong nagsisinungaling. Dyan ka na nga nagtatampo na ako."
Natawa si Ivan sa pag-alis ni Angeline. Alam naman niyang nagbibiro lang ito pero alam niya rin kalahati noon ay katotohanan. Napa-tingin siya kay Billy na naka-upo na sa pwesto nito, ngingisi-ngisi. Napakamot nalang siya sa ulo.
-----
"Akala ko uuwi ka?" tanong ni Ivan kay Billy nang makita ito sa loob ng canteen sa loob ng kanilang campus. Napansin niyang malungkot ito at naka-tingin sa malayo na para bang may hinihintay kahit nasa harapan na nito ang pagkaing na-order.
"Hindi na. Nasabi ko lang naman yun kanina dahil naiinis ako eh. Sabi ko sayo, hindi nale-late si Susane. Hindi talaga siya pumasok."
"Ano naman."
"Hindi pangkaraniwan."
Nakita ni Ivan ang pag-aalala sa mukha ni Billy. "May alam ka ba kung ano ang dahilan?"
Natigilan si Billy. "Dapat ko bang sabihin? Hindi. Nagtitiwala sa akin ang bestfriend ko. Hindi ko alam. Mmm nagseselos lang ako kasi, hindi rin pumasok si Mark, kaya... kaya ano, baka nag-date ang dalawa." alibi niya. Sa totoo lang hindi niya rin alam ang tunay na dahilan kung bakit umabsent si Susane. "Huwag naman sana ang kinatatakutan ko."
"Ewan. Oorder muna ako."
Pagkatapos ay umalis na si Ivan para umorder.
"Si Ivan?" si Angeline tanong kay Billy.
"Saan ka naman galing bruha ka? Ang akala ko pa naman magkasama kayo? Humihiwalay din pala ang higad sa sariwang dahon eh noh." biro ni Billy kay Angeline.
"Tigilan mo nga ako. Gutom na ako kaya ayoko muna ng biruan. Baka ikaw ang makain ko."
"Yuck. No way. I dont like. Sa lalaki ako nagpapakain." maarteng biro ni Billy. Sabay tawa.
"Sabi ko nga. Saan si Ivan?" umupo na rin si Angeline.
"Ayun oh." itinuro ni Billy si Ivan na kasalukuyang nasa harap ng counter.
Napangiti si Angeline ng makita si Ivan. "Ok."
"Maka-ngiti ka diyan para namang ang tagal ninyong hindi nagkita."
"Heh." saway ni Angeline.
Maya-maya pa ay dumating na si Ivan dala ang pagkain nito.
"Oh Angeline akala ko sa labas ka kakain?" tanong kaagad ni Ivan nang makita niya ang kaklase.
"Hindi na. Naimbyerna ako sa kausap ko." maktol ni Angeline.
"Kausap?" pag-uulit ni Billy. "Lalaki?"
Napa-tingin ng matalim si Angeline kay Billy. "Si Ivan lang ang lalaki ko noh."
Napa-taas ang kilay ni Billy. "May tonong defensive ka day. Wala akong ibig sabihin."
"Heh." muling saway ni Angeline kay Billy.
"Order ka na lang kaya." si Ivan.
"No, ayoko." sagot ni Angeline.
"Akala ko ba gutom ka?" si Billy.
"Ay, oorder na lang ako ng french fries at drink." sabay tawa.
"Ang gulo mo."
-----
Tapos na silang kumain. Naka-tambay na lang sila. Halos dalawang oras pa silang maghihintay para susunod nilang klase. Si Billy ang nagbukas ng mapag-uusapan.
"Sa totoo lang, ayoko kayong dalawa maging partners ko sa project natin ngayon."
"Mas lalo ako." sagot kaagad ni Angeline.
"Bakit naman?" si Ivan.
Ngumiti muna si Billy. "Alam nyo naman kung bakit eh. Siyempre, tatlohan lang sa bawat grupo. Sigurado ako na kukunin ako ni Susane sa grupo niya at dahil doon..." hindi naituloy ni Billy ang dapat na sasabihin sa sobrang kilig.
"Hala kinilig ang bading." si Angleine.
"Heh." saway ni Billy. "Di ba, magkakasama kami ni Markky ko hehehe. Kaso hindi sila pumasok. Ayun, sa inyo ako napunta."
NAtawa si Ivan. "Kasalanan ba namin?"
"Hindi naman. Kaunti lang." sabay tawa si Billy. "Ano pa ba ang magagawa ko. Alangan naman na doon ako sasama sa mga hindi ko ka-close."
"Tama lang na sa amin ka sumama, para hindi ako mahirapan." sabay tawa naman ni Angeline.
"Oo nga." sang-ayon namn ni Ivan. "Sigurado ako magaling ka doon sa pinapagawa ni Prof."
"Heh. Tigilan niyo nga ako. Ikaw Angeline, panindigan mo na iyang pagiging kuba mo kaka-drawing hehe. Huwag mo na iasa sa akin ang gawain mo ha."
"Kuba ka diyan?" napa-liyad si Angeline. Na-conscious siya sa sarili. "Bakit? Kuba na ba ako?"
Nagkatawanan si Billy at Ivan.
"Hindi naman. Niloloko ka lang niyan ni Billy." si Ivan kay Angeline.
Tumingin nang masama si Angeline kay Billy. "Ikaw talaga, ang lakas mo mang-asar."
"Weh... ayaw niya ng babaing kuba." sabay tawa si Billy. Kuba ang tawag ni Billy sa mga babaing archi. Madalas ito ang pang-asar nya sa bestfriend niya.
"Hindi noh. Like kaya ni Ivan ang mga arching babae."
"Sino may sabi sayo. E di sana niligawan na ako ni Ivan." sagot agad ni Billy.
Muling natawa si Ivan sa sinabi ni Billy. Mataman lang siyang nakikinig sa dalawa. Pero sa bandang huli, siya na rin ang nag-awat sa dalawa sa pamamagitan ng pagbubukas ng panibagong topic.
"Saan pala natin gagawin ang project?"
Natigilan ang dalawa sa pagbabangayan pagkatapos ay nagkatinginan. Para bang nababasa nila ang nasa isipan nila. Halos sabay pang sumagot sina Billy at Susane.
"Sa inyo!..."
-----
"Next month birthday na ni Ivan." paalala ni Divina kay Mico habang hinahalo ang nilulutong ginatan.
Nasa kusina sila Mico at Divina nang oras na iyon. Naisipan kasi ni Divina na magluto ng ginatan. Tinulungan naman ni Mico si Divina sa paghihiwa ng mga pansahog sa ginatan.
"Talaga po?" sagot ni Mico na nakaupo habang pinipiraso ang hinog na langka.
"Oo." pagkatapos ay sinabi ni Divina ang eksatong petsa ng kaarawan ni Ivan.
"Ay, eksaktong isang buwan nga po." nangiti siya. Naisip kaagad niya kung ano ang ireregalo niya. Wala pa siyang maisip pero halatang excited na siya para sa susunod na buwan.
"Kaya naisip kong maghanda. Tutal nandito ka, matutulungan mo siguro akong maghanda?"
"Oo naman po.Siyempre para sa mahal ko."
"Matagal-tagal na rin kasi na hindi nakakapag-invite si Ivan ng mga friends niya kapag birthday niya."
"Mmm ganoon po ba?"
"Kaya kung posible, gawin natin. Baka pwedeng pa-surprise natin kay Ivan." sabay tawa. "Sandali, tignan ko nga kung araw papatak ang birthday ni Ivan." tinungo ni Divina kung saan nakasabit ang pinaka-malapit na calendar. "Mico, biyernes." sigaw ni Divina.
"Magandang araw po." sagot naman ni Mico.
"Oo nga." si Divina nang makalapit.
"Anong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Ivan.
Nagulat ang dalawang nag-uusap. Halos napalundag pa si Divina sa pagkakatayo sa harapan ni Mico nang magsalita si Ivan.
"Dyan ka na pala Ivan. Kanina ka pa?"
"Kakapasok ko lang po. Bakit anong meron?"
Napa-tingin muna si Divina kay Mico. Napansin nitong bahagya pa itong nakaka-nganga tanda ng nagulat din. "W-wala naman Ivan. Nagluluto lang kami ni Mico ng miryenda." sabay nngiting pilit.
"Parang may tinatago kayo ah?" nagtatakang tanong ni Ivan. "Magpapalit lang muna ako." pero bago tumalikod ay ngumiti muna siya kay Mico.
"Sige anak." paalam ni Divina. Nang mawala na sa paningin. "Mico, nagulat talaga ako doon kanina." sabay tawa.
Natawa na rin si Mico. "Ako din naman po. Bigla-bigla po kasing sumusulpot ang anak ninyo eh."
"Oo nga eh. Ay, teka! ang niluluto ko. Baka mamuo sa ilalim." sabay patakbong tinungo ang niluluto.
Hindi na nababahiran ng pagkagulat si Mico. Nangingiti na siya simula nang nginitian siya ni Ivan ng ubod ng tamis. Nagdiriwang ang kanyang puso. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagpipiraso-piraso sa langka ng may kasamang pagmamahal.
"Tapos na ba yan Mico?" tanong ni Divina kapagdaka. Ang tinutukoy ay ang langka.
"O- opo. Okey na po."
-----
"Tingin ko may pinag-uusapan kayo ni Mama kanina eh." tanong ni Ivan kay Mico nang matapos silang mag-miryenda at kaka-alis lang ng ina.
Kunyaring nagulat si Mico sa tanong ni Ivan. Ipinakita talaga niya ang pagtataka sa mukha. "Ano naman ang pag-uusapan namin?" pagkatapos ay tumayo na si Mico sa pagkakaupo sa harapan ng lamesa. Ilalagay na niya ang pinagkainan sa lababo.
Natahimik muna si Ivan ng saglit. Nag-isip. "Sigurado ka?"
Natawa kunyari si Mico. "Akala mo siguro, pinag-uusapan ka namin?"
"Ganoon na nga."
"Hindi no."
Tumayo na rin si Ivan at dinala ang pinagkainan sa lababo. "Ako na."
"Sige." sang-ayon ni Mico na si Ivan na ang maghugas ng pinag-kainan. "Sa sala muna ako ha?" paalam niya dahil gusto niyang umiwas. Napapansin kasi niya sa mukha ni Ivan na hindi ito kumbinsido sa sagot niya. Hindi sumagot si Ivan pero nakita niyang tumaas ang kilay nito tanda ng pagsangayon.
-----
Nasa harapan sila ng t.v. pagkaraan na walang kibuan. Pareho silang tutok sa palabas. Nang mag-commercial break saka lang nagsalita si Ivan.
"Siryoso tayo ngayon ah."
Napa-tingin si Mico kay Ivan saka natawa. "Pansin ko nga."
"Kahapon lang ang ingay natin, ngayon..."
"Oo nga noh."
"Oo nga... bakit ngayon walang kang kibo?"
"Ha? Hindi naman." ngumiti ng madiin si Mico. "Wala lang siguro akong maisip pang ikwento."
"Ang sabihin mo, may tinatago ka lang."
"Grabe ka naman. Ano naman ang itatago ko?"
"May lihim kayo ni Mama." tuwiran sagot ni Ivan.
"Ikaw, hindi parin yan nawawala sa isipan mo."
"Nahahalata ko kasi."
Napa-isip si Mico. Ganoon ba kahalata ang dapat niyang itago? "Hindi naman siguro, nanghuhuli lang siya."
"Oh, bakit ka natahimik? Nahuhuli ka na no?"
"Grabe ka naman... Hindi noh." maang ni Mico.
"Magagalit ako sayo."
Napa-tingin ng diretso si Mico kay Ivan. Tinatantiya niya kung nagsasabi ito ng totoo o kung nagbibiro lang. Pero, wala siyang masigurado sa ekspresyon ng mukha ni Ivan. "Wala naman akong tinatago." pinilit niyang ngumiti. Ang totoo, nagsisimula na siyang kabahan. "Ano ba yan. Simpleng sikreto lang naman siguro iyon, pero bakit parang matataranta na ako kay Ivan?"
"Okay." sagot na lang ni Ivan at pagkatapos ay muling sumiryoso sa panonood ng palabas sa telebisyon.
Muling umere ang palabas kaya muli silang natahimik. Naisip ni Mico na makakahinga na siguro siya ng napakaluwag. Matagal-tagal rin bago muling nagpatalastas. Pero saka niya lang naisip na mas mahirap palang huminga ngayong wala na silang kibuan.
Muling umere ang palabas at muling natapos. Muling bumalik at tuluyan nang natapos pero hindi na sila nagkikibuan. Pasimple si Micong tumingin kay Ivan. Siryoso itong nakatingin sa t.v. Bumuntong hininga siya.
"Sisiryosohin ba niya na magagalit siya? Wala naman akong ginagawa ah... Malay ba niya na kung may tinatago talaga ako. Ay... naman! ayokong magkagalit kami ni Ivan. Ayoko nang mangyari uli yung napaka-haba namin walang pansinan."
Muli siyang tumingin kay Ivan. Laking gulat niyang naka-tingin na pala ito sa kanya.
"Magugulatin ka na pala ngayon?" simpleng tanong ni Ivan.
"H-ha? Hindi naman." muli siyang tumingin sa t.v. Ayaw niyang tumingin sa mga mata ni Ivan. Para siyang napapaso. Alam niyang dahil iyon sa tinatago niya. Salamat na lang at hindi na kumikibo si Ivan. "Nakakaiwas nga sa mga tanong, hindi naman kami nagkikibuan. Haysss..."