Followers

CHAT BOX

Wednesday, November 23, 2011

TRUE LOVE WAITS (Last Crescent Moon) Chapter 7


Thank You
Aries, Mark, R.J., Roan,
and also to my SILENT READERS.

♥ ^^
*****

Maagang pumasok si Jonas sa kanyang trabaho. Naunahan niya ang lahat ng empleyado sa opisina ng kanyang ninong. Wala sa kalahating oras siyang naghintay sa labas ng pinto ng opisina ni Mr. Robledo. Nang dumating si Ms. Lamino ay saka lang nakapasok si Jonas sa opisina ng kanyang ninong. 

Hindi maawat ang ngiti niya habang nakaupo sa swivel chair sa harap ng lamesa ng boss niya. Hinihintay niya si Ms. Lamino para sa gagawin niya sa loob ng opisinang iyon.

"Ah.." simula ni Ms. Lamino. Mas matanda ito kaysa kay Jonas ng apat na taon. "Kasi, hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sayo. Alam ko naman kung anong meron ka rito sa kumpanya so... Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit kailangan mo pang magtrabaho sa mababang posisyon, ang alam ko kasi, di ba, 18percent ng stock sa kumpanyang ito ay pag-aari mo? Tama ako di ba?"

Natawa si Jonas sa sinabi ng kanyang kaharap. Totoo ang sinabi ng kausap. Nag-iwan ang kanyang ama ng 18 percent stock ng kumpanya bago ito namatay sa plane-crush kasama ang kanyang ina. Walo ang naghahati-hati sa stock ng kumapanya. Si Jonas ngayon ang pang-apat sa may pinakamalaking stock. Nangunguna si Mr. Robledo na may 25 percent habang ang natitirang anim na stock holders ay naghati-hati sa 53 percent. 

"Yun lang ba ang problema mo? Ikaw, kung saan ka komportableng tawagin ako. Basta huwag mo akong tawagin na nagsisimula sa Sir. Pantay-pantay lang tayo dito. Si Ninong este si Mr. Robledo ang boss natin."

"Yun na nga eh. Kahit hindi ko naabutan si Mr. David Schroeder-"

"Hindi ko rin naabutan ang tunay kong ama." biro ni Jonas na may katotohanan naman.

Natawa si Ms. Lamino. "Oo, kahit hindi ko naabutan ang ama mo rito, kilala naman siya ng buong kumpanya. At ikaw, bilang tagapagmana natural lang na galangin ka dito."

"Sabi ko, ikaw ang bahala kung paano mo ako tatawagin. Wag lang may sir. Tawagin mo ako sa first name ko. Walang problema. Ikaw nga tatawagin kong Aileen." sabay tawa ni Jonas.

"Ok. Pero kapag nasa labas tayo ng opisina ni Mr. Robledo, Mr. Schroeder ang itatawag ko sayo ah."

Gamit ang swivel chair, habang naka-upo nagpa-ikot ikot muna si Jonas. "Sige." sabay tawa.

"Para kang bata." natatawang si Aileen Lamino. "Sige mag-start na tayo, Jonas."

"OK Aileen." sagot ni Jonas sa malambing na paraan.
-----

Sumilip si Justin sa supermarket bago tumuloy sa opisina. Hinahanap ng kanyang mga mata si Jesse kung pumasok nga ito. Pero walang Jesse ang nakita ng kanyang mga mata. "Saan nagpunta yun? Wala sa bahay nila kanina. Imposible namang nakasarado ang bahay habang may tao sa loob? Hmmm... bahala siya. Wala naman dapat akong pakialam sa kanya. Tama na ang mabuting loob na ipinakita ko sa kanya." Saka siya nagtuloy sa kanyang opisina.
-----

Hindi pumasok si Jesse. Balak niyang magpakasawa sa kama. Pero bago niya gawin iyon. Iisa-isahin muna niyang ligpitin ang mga bagay na sa tingin niya ay nakakalat. Wala naman siyang balak maglinis ng pormal. Balak din niyang magprepare ng makakain bago umakyat sa kwarto nila Jonas. Gagawin niya ito dahil hindi na ganoon kasama ang nararamdaman niyang sakit.

Naalala niya ang maliit na papel na nakuha niya sa dating bahay. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa saka binasa. 

Jesse, 

Kinuha ko na ang mga gamit ko. Nagsisimula na uli ako sa aming panibagong buhay. Iniwan ko ang mga gamit mo. Umaasa akong nasa mabuti kayong kalagayan ni Jonas. Ok lang kami. At sana makadalaw ka dito sa amin. Iiwan ko sayo ang address namin. Maraming salamat kaibigan.

Marco.

Huling nabasa ni Jesse ang address ng kanyang kaibigan. Napa-ngiti siya. Nakikita niyang nasa maayos na ang kaibigan niya. Na-excite siyang bisitahin ang kanyang kaibigan. Kailangan niyang itago ang papel na iyon para sa darating na araw ay mabisita niya ang kababata.

Sinumulan na niya ang mga balak sa araw na iyon ng masaya. Magpapahinga siya para sa pagdating ni Jonas mamaya ay maaasikaso niya ito tulad ng pag-aasikaso nito sa kanya kagabi. Kinikilig si Jesse sa naiisip.
-----

"Sisiw lang pala ito eh." Inaayos ni Jonas ang mga files, reports etc. ng alphabetically habang ang iba naman ay sa schedule pinagsunod sunod. Tinignan din niya ang inbox ng e-mails ng kanyang boss at nagpiprint kung kinakailangan.

Natawa si Ms. Lamino. "Talaga lang ha? Baka bukas magsawa ka sa ginagawa mo.."

"Hmm hindi siguro, inspired ako eh." sabay tawa.

"Talaga?" mangha ni Ms. Lamino. "At sino naman yang inspiration mo? Ang swerte naman niya."

"Hindi. Ako mismo ang swerte."

"Wow." Hindi maiwasan ni Ms. Lamino na kiligin. Napa-tingin ang dalawa nang may kumatok sa pinto. "Ako na."

Sinundan ng tingin ni Jonas si Ms. Lamino hanggang sa pinto. Curious siya kung sino ang taong nasa likod ng pinto. Nang magbukas ang pinto, napa-kunot ang noo ni Jonas nang kilalanin ang lalaking nakatayo roon. "A-atty. Hermosa?"

"Jonas?" maluwang ang pagkakangiti ni Atty. Hermosa nang makita ang kaibigan.

Napatayo si Jonas. "Ikaw nga. Ang tagal nating hindi nagkita ah. Mukhang kina-career mo na ang pagpapatubo ng puting buhok kaibigan?" biro niya.

"Siyempre, kailangan sa ating propesyon eh." sagot ni Atty. Hermosa. "Teka, bakit pala tinawag mo akong Attorney eh hindi ka nga nakikibalita sa akin?" tanong nito nang makalapit sa table ni Jonas saka naupo.

Umalis si Ms. Lamino para ipaghanda ng maiinom si Atty. Hermosa.

"Ako walang balita?" natatawang si Jonas. "Eh kung hindi nga lang ako nagbasa ng dyaryo hindi ko mababalitaang bar passer na ang kaibigan ko. At sino magsasabing ang pinaka-matandang kasa-kasama ko sa galaan ay certified attorney na ngayon."

"Huwag ka namang ganyan Jonas. Baka isipin ni Ms. Lamino na sampung taon ang tanda ko sayo. 7 years lang." parinig ni Atty. Hermosa kay Ms. Lamino.

Napa-tingin ng maka-hulugan si Jonas sa kaibigan. "I-ibig sabihin..." pabulong.

Kumindat si Atty. Hermosa. Nanliligaw kasi ito sa dalagang si Ms. Lamino.

"Kuha ko na." natawa si Jonas. "Goodluck kaibigan."

"Oh ikaw, ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ni Atty. Hermosa sa pag-iiba ng usapan.

"Nagtatrabaho." simpleng sagot ni Jonas.

"Ah... so ginagamit mo na ang kapangyarihan mo sa kumpanyang ito Jonas? Mabuti naman at natauhan ka rin." banat ni Atty. Hermosa. Dumating si Ms. Lamino dala ang isang tasang kape at makakain. "Salamat."

"Kapangyarihan? Isa lang akong hamak na empleyado dito." sabay tawa si Jonas.

Sumingit si Ms. Lamino. "Kung ganoon pala ang tingin mo sa trabaho mo, paano naman ako?" biro rin nito.

Napa-kunot noo si Atty. Hermosa. "A-anong ibig niyong sabihin?"

Si Ms. Lamino ang sumagot habang papunta ito sa pwesto nito. "Yang si Jonas, nagtatrabaho bilang staff ni Mr. Robledo."

"Hindi nga?" tanong ni Atty. Hermosa habang ngiti lang ang sinagot ni Jonas. "A-anong nakain mo?" natatawa ito.

"Basta ang alam ko inspired ako." sabay tawa ng malakas.

"Ang labo kaibigang Jonas."

"Teka, Attorney, ano nga pala sadya mo rito. Mukhang sa pag-uusap natin hindi ako talaga ang sinadya mo, maaring si Ms. Lamino?"

Natawa si Atty. Hermosa sa banat ni Jonas. "Kukunin ko kasi 'yung mga papeles na binilin ni Mr. Robledo kay Ms. Lamino. Isa na kasi ako sa abogado ni Mr. Robledo."

"Ah..." Biglang may pumasok sa isipan ni Jonas. "Ah, kaibigan kong attorney, may gusto sana akong ipagawa sayo eh." seryosong sabi ni Jonas.

"Ano yun. Sabihin mo lang, basta ikaw kaibigan."

"Magse-set ako ng date, pero hindi ngayon. Ok lang ba?"

"Oo naman. Maasahan mo ako dyan. Basta siguraduhin mo lang na kakabit ng propesyon ko ang ipagagawa mo ah. Hindi na tayo pwede sa alam mo na..." sabay tawa.

"Oo naman."
-----

"Sigurado ka bang hindi pumasok si Jesse?" tanong ni Justin sa kanyang sekretarya ng makabalik sa opsina niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang swivel chair at bahagyang nagpa-ikot-ikot.

"Opo Sir James. Ilang ulit pa nga po ako nagtanong. Saka imposible  naman pong oras nang trabaho, wala siya sa pwesto niya."

"Baka naman kasi sa warehouse tumuloy. Akala siguro, magbubuhat pa rin siya ng mga kahon. Paki-check nga."

"O-opo Sir."

Nang maka-alis ang sekretarya, isinubsob ni Justin ang mukha sa ibabaw ng lamesa. "Sumasakit ang ulo ko." bulong niya sa sarili. Wala kasi siyang gaanong tulog dahil kaka-isip kay Jonas, sa Dad niya. "Baka naman nagkasalisi lang kami ni Jesse kanina. Baka bumili ng makakain... ng gamot. Ay... bakit pati siya kailangan ko pang isipin?"

Muli niyang inangat ang ulo. Ipinagpatuloy niyang i-review ang mga bagong reports na natanggap niya sa araw na iyon.
-----

"Ang dami kong absent..." naibulalas ni Jesse nang mailatag ang katawan sa kama habang nakatulala sa kisame. Naka-kain na siya, naka-inom ng gamot at ngayon ay oras na para sa kanyang pahinga. Balak niyang magtuloy-tuloy sa pahinga para magising ng maaga at maasikaso si Jonas sa pag-uwi. Magluluto siya ng paborito ni Jonas, ang nilagang baka.

Bigla siyang napa-bangon. "Malamang kulang ang rekado na nasa ref." Saglit siyang nag-isip. "Mamaya na lang pag-gising ko." Muli siyang nahiga saka pumikit. Napa-ngiti siya sa kasabikang makita si Jonas sa pagbabalik nito mamaya.
-----

"Sir, wala po talaga. Imposible na nga po talaga siyang pumasok kasi..." Hindi alam ng sekretary kung itutuloy pa nito ang gustong sabihin. Gusto kasi niyang ulitin na wala namang Jesse ang nag time-in. Sinabi na niya iyon sa boss pero nagpumilit na hanapin sa loob ng supermarket.

"Hayaan mo na. Sige na bumalik ka na sa ginagawa mo." Kunot-noong sabi ni Justin. Tumayo si Justin habang hawak ang isang may kakapalan na mga papel. Sabay bagsak sa lamesa. "Ayoko nito!" Saka nagtuloy palabas ng opisina.

Nagulat ang sekretarya sa ginawa ng kanyang boss sa mga reports na niri-review nito. May mga ilang papel na nahulog sa lapag kaya napilitan itong tumayo at damputin ang mga ito.

"Si Sir... parang ewan eh. Nakakagulat lang."
-----

"Sige, Jonas. Ito na ang mga pinapaabot sa akin ni Mr. Robledo. Kailangan ko na rin umalis." Paalam ni Atty. Hermosa nang maibigay sa kanya ni Ms. Lamino ang mga papeles.

"Sige, ingat na lang kaibigan. Basta nasabi ko na sa iyo kung kailan tayo mag-uusap."

"Sige." saka tumingin si Atty. Hermosa kay Ms. Lamino. "Hanggang sa muli." Matamis ang ngiting ipinukol niya sa dalaga.

"Ingat." sagot ni Ms. Lamino. Nang makalabas na si Atty. Hermosa. "Jonas, ano hindi ka pa ba nagsasawa dyan sa ginagawa mo?" sabay tawa ni Ms. Lamino.

"Ang lakas mo mang-asar, palibhasa may inspirasyon ka rin pala." natatawang si Jonas. "At may matamis na ngiti pang iniwan."

"Ayy! Wala yun noh..."

"Naniniwala naman ako." sagot agad ni Jonas pero kabaligtaran ang ibig niyang sabihin.

"Wala nga iyon sabi. Huwag mong pag-isipan yun. Magkaibigan lang kami ni Atty. Hermosa."

"Oo na. Pakibuksan na lang yung bintana para maka-singaw yung salitang defensive." sabay tawa si Jonas.

"Hala..." parang batang naka-relate sa pinag-uuspan si Ms. Lamino. "Eh kamusta naman pala yung... yung ano mo? Girlfriend pa lang ba?"

"Ang panget mo naman mag-iba ng topic. Halatang umiiwas na mabiro." tawa si Jonas. "Pero Oo."

"Hindi ah." tanggi ni Ms. Lamino. "Anong Oo?"

"Oo magkasintahan pa lang kami, pero magkasama na kami sa iisang bubong." ngingiti-ngiti si Jonas na muling humarap sa monitor ng computer. Patalikod kay Ms. Lamino.

"Talaga?" manghang tanong ni Ms. Lamino.

"Oo."

"Ang sweet."

"Siyempre."

"P-paano iyon? E di ano..." sabay tawa si Ms. Lamino. Gumagana ang imahinasyon niya.

"Oops. Huwag mong pag-isipan ng hindi maganda. Behave kaming dalawa." sabay tawa.

"Ano bang sinabi ko?"

"Green." sagot agad ni Jonas nang hindi tumitingin sa dalaga.

"Hindi ah. Dyan ka na nga. May gagawin ako sa lamesa ko."

Natawa si Jonas sa tuwing umiiwas ang kausap sa bandang huli ng usapan. Pero kinikilig siyang pinag-usapan nila si Jesse kahit hindi talaga alam ni Ms. Lamino kung sino si Jesse. Bigla siyang napa-isip.

"Sa pagsasama namin ni Jesse... hindi pa nga talaga kami umaabot sa puntong..." napa-ngiti siya sa susunod sana niyang bibitawang salita sa kanyang isip. "Sex... hanggang kiss lang kami bago matulog. Niyayakap ko siya. Niyayakap niya ako... Hmm..." sabay tawa si Jonas sa kilig.

"Natawa ka dyan mag-isa?" pansin sa kanya ni Ms. Lamino.

"Wala naman. Natutuwa lang ako sa ginagawa ko." pagsisinungaling ni Jonas.
-----

Nag-paabot na si Justin ng tanghali sa isang restaurant na timanmbayan niya nang umalis siya ng opisina. Medyo may kalayuan ang narating niya. Balak lang sana niyang magkape, pero hindi niya namalayang alas-onse na pala ng tanghali. Minabuti na niyang kumain ng tanghalian.

Habang nilalapag ng waiter ang mga inorder niyang pagkain napansin niya ang bagong pasok na lalaki't babae. Parang kilala niya ang lalaki nang masuri niya. At ganun din ang babae. "Tama sila nga. Pero, bakit sila magkasama?"

Kahit nakikilala ni Justin ang dalawang iyon, wala naman siyang balak na batiin ang dalawa. Pero ang sigurado lang niyang ginagawa ay ang pagmasdan paminsan-minsan ang dalawa sa di kalayuang lamesa.
-----

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ni Jessica nang maka-upo na sila sa lamesang napili nila.

"Hindi ba pwedeng kumain tayo sa mas maganda at maayos na restaurant?" sagot ni Marco.

"Yun lang ba?" seryosong tanong ni Jessica.

"Gusto ko kasing... kahit papaano." napa-titig muna si Marco kay Jessica. "Sa pagsisimula natin." Saka niya hinanap ang kamay ni Jessica. Hinawakan niya ito ng dalawang kamay.

Bahagyang napa-iling si Jessica. Napa-tingin din siya sa paligid dahil sa ginawa ni Marco. Gusto sana niyang hilahin ang kamay niya pero sa puntong iyon ay hinigpitan ni Marco ang pagkakawak sa kamay niya. "Marco, hindi mo naman kailangan gawin ito. Dito pa sa mamahaling restaurant."

Natawa si Marco. "Hindi naman ito mamahalin tulad ng iniisip mo. Isang simple rin ito. Mas malinis nga lang at maganda ang serbisyo."

Napa-buntong hininga si Jessica. "Sige na nga. Bitawan mo na kamay ko. Nakakahiya eh."

Sinunod naman ni Marco si Jessica. "Jessica, gusto ko lang malaman mo, humihingi talaga ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo. At sana paniwalaan mong... minahal na kita simula pa ng makilala kita."

Napa-yuko si Jessica. "K-kahit... alam mo naman Mar-"

"Wala sa akin yun Jessica. Mamahalin ko rin kung ano man ang meron sayo. Dahil mahal kita."

Napa-singhap ng hangin si Jessica. "Marco... gusto kong mahalin ka. Sana nakikita mo yun sa mga araw na napag-samahan natin. Pero, sa ngayon... kasi, nag-aalangan pa ako at alam mo ang dahilan. Sana maunawaan mo Marco."

"Alam ko. At handa ako maghintay."

"Ang masisigurado ko lang sayo Marco, hindi ko na siya mahal. Kundi galit ang nararamdaman ko sa kaibigan mo." tumalim ang tingin ni Jessica.

Napa-buntong hininga si Marco. "Siguro, hindi na lang ako makikialam sa kung anong nararamdaman mo para kay Jesse. Kung galit ka man sa kanya, sige. Basta huwag mo ring ipagkait na naging mabuting kaibigan siya sa akin."

Napayuko si Jessica. Maya-maya ay napatango ito. Pagsang-ayon sa sinabi ni Marco. "Tatandaan ko ang sinabi mo Marco. Mamahalin mo ako, maging sino man ako o kung ano man ang mayroon ako."

"Oo. Pangako."
-----

Napa-tingin si Jonas sa relo hapon ng araw pa ring iyon. "Limang minuto na lang alas-singko na?" parinig niya kay Ms. Lamino.

"Bakit sawa ka na?"

"Hindi naman." sabay tawa ni Jonas.

"Gusto mo nang umuwi?"

Tumikhim si Jonas sabay tawa. "Pwede na ba?"

Natawa si Ms. Lamino. "Ok lang. Huwag kang mag-alala. Wala naman masyadong gagawin na kaya pwede ka ng mag-out. Saka ramdam ko naman na miss mo na si inspiration."

"Oo nga eh. Bigla ko kasing naisip na bilihan siya ng..." hindi na itinuloy ni Jonas ang sasabihin.

"Ano? Pwede ko bang malaman?"

"Huwag na ma-inggit ka pa." biro ni Jonas.

"Ayyy... sige na nga umalis ka na." tawa si Ms. Lamino.

"Sige salamat."

Ilan lang ang niligpit ni Jonas bago umalis. Masaya siyang lumabas ng opisinang iyon. Dederestso siya sa pinakamalapit na mall para bumili ng isang bagay na ibibigay niya kay Jesse. Naiisip na niya ang mangyayari. "Sigurado, sagot 'to kapag nami-miss ko siya." sabay tawa.
-----

LIKE our official fan page on facebook

and FOLLOW this official twitter account

5 comments:

RJ said...

huwat? bitin haha!

grabe naman ang appeal ni Jesse hahaha :D pati si Justin naakit na. at mukhang tama ang hinala kong nabuntis nga si Jessica. pero hindi ko lang alam kung ano ang kinakagalit niya dahil siya naman ang may gusto nun.

anyway, buti naman at malaya na sila ni Marco na mamuhay nang walang takot. isa si Marco sa mga gusto kong character dito e :D

keep it up sir :)

Anonymous said...

I think buntis si jessica tpos ang ama si jessi naku pano na yan si jonas huhuhu next chapter na po plssss!!!!!

Anonymous said...

im sure may pagtingin si justin kay jesse...paano yan magkapatid nabighani kay jesse...love triangle eto...tapos may brain cancer c jonas... wahhhh sad romance.... maraming luha naman....

ramy from qatar

Gerald said...

palagay pagagawa ng last will and testament c jonas. And si justin nabuburyong ksi di nia nasilayan si jesse. Cguro ang wapo-wapo ni jesse. Hahaha

Anonymous said...

superb..

God bless.. -- Roan ^^,