Followers

CHAT BOX

Monday, November 21, 2011

TRUE LOVE WAITS (Last Crescent Moon) Chapter 6



Thank You

R.J., Gerald, gener, Roan and Ramy from Qatar
and also to my SILENT READERS

♥^^
*****

Tumingin-tingin muna si Justin sa paligid bago bumaba ng kotse. Pinuntahan niya si Jesse. Nang makalapit, nagdalawang isip siyang kalabitin ito para gisingin. Ano nga ba ang sasabihin niya?
-----

Pakiramdam ni Jesse kahit nakapikit may tao sa harapan niya. Nagmulat siya ng mata. Dahil nanlalabo ang paningin, inaninag niya ang taong nakikita niya sa kanyang harapan. Kinurap-kurap niya ang mga mata para masino ang nasa harapan niya. Napa-ngiti siya nang makilala ang nasa harap. Pinilit niyang makatayo. "J-jo-" Hindi niya kinaya ang bigat ng katawan.

Inalalayan ni Justin si Jesse nang biglang bumagsak ito nang piliting makatayo. "Oo ako si James, ang boss mo."

Napadilat ng maayos si Jesse nang magpakilala ang kaharap. "S-sir James, ikaw po pala."

Hindi pa binibitiwan ni Justin si Jesse kaya alam niyang mainit ito. "Ang init ng balat mo. Malamang na mataas ang lagnat mo?"

"Nahihilo lang po ako, Sir."

"Bakit ka narito? May hinihintay ka ba? May susundo ba sayo?"

Napa-ngiti si Jesse sa hiya. Ramdam niya sa sunod-sunod na tanong ng boss niya ang concern. Wala yung tonong seryoso, galit, at ipinapakita ang pagiging mataas sa kanila. "Nagpapahinga lang po." Agad siyang yumuko. Nasusuka siya. Nasapo niya ang bibig.

"Oh!" napaatras si Justin. "Susuka ka ba?" Pero hindi niya narinig na sumagot si Jesse. "May susundo ba sa iyo?" Hindi pa rin sumagot si Jesse. Alam niya kung paano magkasakit kaya nauunawaan niya ito. Napansin niyang nakakabit pa rin sa damit ni Jesse ang I.D. nito kaya tinignan niya iyon.

Naisip ni Justin na malapit lang pala ang bahay nito kaya, hindi na siya nagdalawang isip na ihatid ito sa tinitirahan. "Sumabay ka na sa akin."

"P-po?"

"Ihahatid kita, alam ko naman ang lugar mo kaya Ok lang na sumabay ka na lang sa akin." Inakay na ni Justin si Jesse papunta sa kotse.

Hilong-hilo na talaga si Jesse. At dahil sa lamig ng hangin, tumitindi ang panginginig ng kanyang katawan. Hindi na niya inisip ang hiya. Gusto na rin kasi niyang umuwi.
-----

Naka-idlip si Jesse sa kotse ni Justin. Nagulat na lang siya nang tapikin siya ni Justin. "B-bakit?"

"Narito na tayo sa lugar nyo. San ba dito ang sa inyo?"

"Ay, sorry Sir James. Nakatulog pala ako." Agad na nagpalinga-linga si Jesse. Tinignan niya kung nasaan na ba sila. Saka napakunot ang noo niya. "S-Sir James, p-parang hindi po dito ang sa amin?"

"Huh? Anong hindi dito ang sa inyo? Sinunod ko lang naman ang address sa I.D. mo." Saka inabot ni Justin ang I.D. ni Jesse.

Saka natauhan si Jesse. "Ay ang tanga..." sa isip ni Jesse.

"Huwag kang mag-alala naiintindihan kita. Sa sobrang taas kasi ng lagnat mo, pati lugar mo hindi mo na matandaan." bahagyang napa-ngiti si James.

"S-sir, kasi..." Gustong ipaliwanag ni Jesse na hindi na siya nakatira sa lugar na iyon.

"Halika na. Sasamahan kita pauwi sa inyo." yaya ni Justin.  Lumabas na ito nang sasakyan.

"Kasi po Sir..." Hindi na yata narinig ni Justin ang huling tawag ni Jesse.

Binuksan ni Justin ang pinto sa side ni Jesse. "Halika ka na. Sasamahan na kita. Nahihibang ka na yata. Saan ba ang sa inyo?"

Napa-buntong hininga na lang si Jesse. Napansin niyang nag-iba na ang tono ng kanyang boss. Napalabas na lang siya sa kotse. "Dito po ang sa amin."

"Sige, aalalayan kita."
-----

"Nasaan ang susi ng bahay mo?" tanong ni Justin.

Kunyari ay naghanap si Jesse sa kanyang bag. "Sir, mukhang naiwan ko yata sa locker ko."

Napa-kunot noo si Justin. "Malamang sisirain na lang ang kandado? Alangang matulog ka rito?"

Napatango na lang si Jesse. Tinignan na lang niya kung paano sinira ng kanyang boss ang kandado ng pinto. "Salamat Sir." sabi siya nang itulak na ng kanyang boss ang pinto. Agad siyang pumasok nang nagbigay daan ito. "Ah Sir, gabi na po. Maraming salamat po talaga. Ok na po ako." Ayaw ni Jesse maging bastos pero nahihiya siyang ipakita ang loob ng bahay kaya minabuti na niyang ipagtabuyan ang boss. Wala rin naman siyang mao-offer kahit kape. Saka naalala rin niya ang iniwan nitong kotse sa kanto.

"Hindi, sisilipin muna kita sa loob. Alam kong wala kang kasam. Ok lang ako. Hwag kang mag-alala."

Nakaramdam ng hiya si Jesse. "K-kayo po ang bahala, Sir James." Dumiretso na sa pagpasok si Jesse saka sumunod ang kanyang boss.

Napa-kunot noo si Justin nang mapansing wala yatang gamit sa loob ng bahay maliban sa sofa na nakalatag sa  sobrang liit na sala. Luminga pa siya at bahagya niyang nakita ang kusina na tila malinis dahil iilan lang ang gamit. Naisip niya tuloy na marahil si Jesse lang talaga ang nakatira sa bahay na iyon.

Kahit si Jesse ay nabigla nang mapansing nagbago ang loob ng bahay. Tila lumuwang ang buong buhay. "Kinuha na siguro ni Marco ang gamit niya." Napahawak si Jesse sa kanyang noo. Saka siya lumingon sa kanyang boss. "Sir, magpapahinga na po ako."

"S-sige. Aalis na rin ako."

"Maraming salamat po talaga."

Tumango lang si Justin at saka tumalikod. Nang marating ang pintuan ay muli itong lumingon. "Kahit hindi ka muna pumasok. Naiintindihan ko. Sige na, magpahinga ka na."

Napa-ngiti si Jesse. "Maraming salamat Sir." Hinintay ni Jesse na mawala ang kanyang boss sa pintuan. Saka niya ito sinara. Napa buntong hininga siya sa ipinakitang magaan na pakikitungo ng kanyang boss. Biglang nabura yata ang una niyang pagkakakilala sa kanyang boss.

Saka niya naalala si Jonas. Natuptup niya ang kanyang bibig. "Oo nga pala. Ano ba ang nangyayari sa akin?" Tinungo niya ang kanyang kwarto. "Gigising na lang ako ng umaga para maka-uwi tapos hindi na lang ako papasok. Sasabihin ko naman kay Jonas ang totoo." Nagpasalamat siya ng makita ang kanyang gamit sa higaan. Alam naman niyang hindi iyon dadalhin ni Marco. "Basta bukas, gigising ako ng madaling araw. Kailangan kong umuwi. Sigurado, si Jonas nag-aalala iyon." Narinig niyang kumulo ang kanyang tiyan.
-----

"Nasaan si Jesse? Overtime? Imposible." Muling binuhay ni Jonas ang makina ng sasakyan. Nasa tapat siya ng 3J Supermarket para sunduin si Jesse dahil napansin niya kanina sa bahay na late na ng isang oras si Jesse sa pag-uwi.

Nag-aalala siya kaya siya napasugod sa pinagta-trabahuan ni Jesse. Pero tuluyan nang magsasara ang Supermarket wala pa ring Jesse ang lumalabas. May napagtanungan siyang isang empleyado, at sinabi nitong kanina pa daw naka-uwi si Jesse.

Pinatakbo na niya ang sasakyan. Pinipilit niyang isuksok sa kanyang isip na walang masamang nangyari kay Jesse. May isang lugar na naisip si Jonas na maaring puntahan ni Jesse. Umaasa siyang doon niya ito matatagpuan.
-----

Nakapasok na sa loob ng bakuran ang kotse ni Justin kanina pa pero hindi niya magawang bumaba ng kanyang kotse. Nanatili lang siyang tulala habang patuloy pa rin ang ugong ng makina ng sasakyan. Lagi na lang siyang ganito sa tuwing uuwi ng bahay. Napa-buntong hininga siya bago patayin ang makina.

Nang iwanan niya ang kotse, naka-salubong niya si Aling Koring sa pintuan ng bahay. "Magandang gabi, Aling Koring." walang gana niyang bati si kasambahay.

"Kanina pa kita hinihintay lumabas sa kotse mo. Dumiretso ka na sa lamesa. Kumain ka na muna bago umakyat sa kwarto mo. Sige na."

"Sige po. Pero sabayan niyo ako."

"Alam ko naman yun eh. Sige na." Sumunod ang matandang kasambahay sa binata.

"Alam niyo bang naka-usap ko ang alaga ninyo?" sabi ni Justin sa matanda kahit nakatalokod patungo sa dining area.

"A-ano ang sabi? Kamusta na si Jonas?" nagagalak si Aling Koring na magkaroon ng balita sa inalagaan niyang si Jonas.

Umupo muna si Justin ng maayos sa upuan bago sumagot. "Ang nakakalungkot hindi kami nagkaintindihan."

Kasabay ng pag-upo ni Aling Koring ang napapansini  niyang lungkot sa mga mata ni Justin. "A-ano bang napag-usapan ninyo? Maari ko bang malama?"

"Siguro, ayaw niya lang talaga manatili dito kaya kung ano-anong sinasabi. Mas gusto pa yata niyang magalit ako sa kanya kaysa bumalik dito sa bahay." Inabot ni Justin ang bowl ng kanin.

Napatayo si Aling Koring para asikasuhin si Justin. Pero pinigilan siya ni Justin.

"Aling Koring, ako na lang po. Asikasuhin niyo na lang ang sarili niyo. Ako na lang ang bahala..." sa puntong iyon may malaking lungkot sa pananalita ni Justin. "Kahit sa simpleng bagay na ito, maipakita kong kaya ko naman mag-isa."

Ayaw na mag-salita ni Aling Koring. Hinayaan na lang rin niya si Justin. Naiintindihan naman nya ang ibig sabihin nito. Alam niyang hindi pa rin nakakabangon ang binata sa pangungulila sa ama at sa kapatid. Tahimik na lang silang kumain.
-----

Pinagmamasdan ni Jonas si Jesse. Ayaw niyang istorbohin ang pagtulog nito lalo pa't nahipo niyang mainit ito. "May sakit pala si Jesse..." Pero ang ipinagtataka niya bakit hindi sa bahay ito tumuloy. Wala naman silang pinag-awayan at masaya silang naghiwalay kaninang umaga.

Pinadapo niya ang kanyang labi sa noo ni Jesse bago tumalikod at lumabas ng kwarto.
-----

Unti-unting napa-mulat si Jesse nang maramdaman ang mainit na hangin sa kanyang noo. Tila may humalik sa kanyang noo. Pero naisip din niyang panaginip lang iyon. Kanina lang ay kasama niya si Jonas sa kanyang panaginip at sila'y masaya. Wala naman siyang namulatan sa pagdilat niya. Muli siyang pumikit na may gaan ang pakiramdam.
-----

Bumalik  si Jonas kay Jesse matapos bumili ng ilang makakain ni Jesse pag-gising. Inihanda niya iyon para may makain si Jesse kapag nagising na ito. Maaga siyang nakatulog kagabi kaya hindi pa siya nakakaramdam ng antok. Babantayan niya si Jesse hanggang kaya niya.
-----

Tumitilaok na ang mga manok nang maalimpungatan si Jesse. Napa-balikwas siya sa pagkakahiga nang maalalang kailangan pa pala niyang umuwi. Bahagyang kumirot ang ulo niya sa ginawa niyang biglaang pagbangon. Saka niya napansin ang pagkain sa maliit na lamesa sa gilid ng papag.

"Sino ang naghanda nito?" Saka niya inalala ang nangyari kagabi. Napa-ngiti siya. "Si Sir James." Nagpasalamat siya sa kanyang isip.

Nagugutom na talaga siya kaya sinimulan na niyang kainin iyon. Isa sa dahilan kung bakit siya nagmamadali ay para makauwi ng maaga kay Jonas. Kaya naman nang matapos agad niyang inasikaso ang sarili para maka-alis.

Palabas na si Jesse ng bahay, nang mapansin niya sa lapag ang isang papel uli. Alam na niyang galing iyon kay Marco. Dinampot niya iyon at nilagay sa bulsa. Mamaya na lang niya babasahin. Ginawaan na lang niya ng paraan para maisara ang pinto ng bahay.
-----

Maliwanag na nang makarating si Jesse sa bahay. Naabutan niyang nag-aasikaso si Jonas ng sarili sa pagpasok. Hindi muna siya kumibo. Umupo muna siya sa sofa habang tinatantiya ang mood ni Jonas. Nararamdaman niya ang pagiging seryoso ni Jonas. Nagkatinginan na sila pero nang hindi ngumingiti sa kanya si Jonas. Alam niya kung bakit kaya nagsimula na siyang magpaliwanag.

"J-jonas... kasi..."

"Oo alam ko na."

"Ha?"

Hindi naman galit si Jonas pero ipinaparamdam niyang seryoso siya. "Bakit hindi ka dito tumuloy kagabi? May sakit ka pala." Paroon at parito si Jonas sa pag-aasikaso sa sarili.

"K-kasi, hilong-hilo ako kagabi. Hinatid ako ng boss ko. Ang wala sa isip ko, ihahatid pala niya ako sa dati kong tinitirahan. Hindi ko naalalang iba pala ang naka-address sa I.D. ko."

Napa-tigil si Jonas sa paglakad. "Hinatid ka ni K-" muntikan na ni Jonas masabi ang salitang kuya. "Hinatid ka ng boss mo?"

"Oo." sagot ni Jesse.

Napa-buntong hininga si Jonas. "A-anong sabi? Anong nangyari?"

Napa-titig si Jesse kay Jonas. "Huwag kang mag-alala. Hinatid lang talaga ako. Saka, binilihan ako ng makakain. Ganoon lang."

"Ang iniisip pala ni Jesse, si Kuya Justin ang bumili ng binili kong pagkain para sa kanya."  napabuntong hininga uli si Jonas. "Ok lang. Naiintindihan ko Jesse, pero nag-alala talaga ako kagabi. Sinundo kita sa Supermarket pero wala ka na daw doon kaya naisip kong doon ka nga sa lumang bahay nagpunta."

"Pumunta ka rin doon?" tanong ni Jesse.

"Oo. Sinilip kita. Binatayan pa nga kita eh." Lumapit si Jonas kay Jesse saka hinalikan ang noo nito. "Umalis lang ako bago ka magising. Naisip ko kasing baka sinadya mo lang talagang mapag-isa." Tapos na si Jonas ihanda ang sarili sa pag-alis. "Nasa lamesa ang gamot, inihanda ko na. Akala ko kasi hindi mo ako maabutan. Sa trabaho na lang ako mag-aalmusal. Magpahinga ka." Isa pang halik ang iginawad ni Jonas kay Jesse bago tumalikod.

"Sige. Mag-ingat ka."

"Sandali, Jesse." Hinintay ni Jonas na lumingon sa kanya si Jesse bago ipinagpatuloy ang gustong itanong. "Ok lang ba na iwan na kita?"

"O-oo naman Jonas. Ok lang ako. Kaya ko sarili ko."

"Ok. Saka, sa susunod. Pakiusap. Huwag sasabihin sa boss mo ang tinitirahan natin ha?"

"O-ok." Hindi nag-isip si Jesse ng kung ano sa binilin ni Jonas bago umalis. Pero ang biglang pumasok sa isipan niya ay maaring si Jonas ang naghanda ng makakain niya. Napahiya siya sa sarili. "Si Jonas pala ang dapat kong pasalamatan. Bakit nga pala sa akin gagawin iyon ni Sir James. Ang lakas ko naman sa kanya pati pagkain ko siya pa ang mag-iintindi." 
-----


Akala ni Justin ay maabutan pa niya si Jesse sa tirahan nito. Sumaglit kasi siya at nagdala ng makakain para kay Jesse. Gaya nga ng napansin niya kagabi, alam niyang nagugutom na si Jesse. Alam niyang natulog ang si Jesse na walang kinain. Pero nang mapatapat siya sa pinto, napansin niyang may kalang na iyon at siguradong walang tao sa loob.

Bumalik na lang siya sa kanyang kotse. "Pumasok siguro..." naisip niya kung bakit hindi naabutan si Jesse sa bahay nito. Saka siya natawa sa sarili. "Bakit ko nga ba ito ginagawa sa empleyado ko?" 
-----

LIKE our official fan page on facebook
www.facebook.com/BGOLDtm


and follow its official twitter account
www.twitter.com/BGOLDtm

4 comments:

Anonymous said...

im a big fan... keep it up ganda ng mga kwento mo dito... aries

Anonymous said...

.....i like this story........keep it up author....klan ung kay IVAN at MICO??????....miss q na cla eh...
mark

RJ said...

ganda ng chapter na to sir. :D ang sarap sa pakiramdam basahin. sana hindi magtagal ay magkaintindihan na sina jonas at justin.

kahit na ayokong mamatay si jonas, mukhang yun talaga ang mangyayari. kaya ieenjoy ko na lang to habang hindi pa yun nangyayari. :)

keep it up sir!

Anonymous said...

bakit mo nga ba yan ginagawa sa empleyado mo Sir Justin?? hahahaha.. love this chapter..

kiligness..

still curious as to what happened to Marco at Jessica.. gusto ko silang dalawa.. hehehe

God bless.. -- Roan ^^,